Community Self Management, Empowerment and Development
Key Words.Tagalog
Z
A B D E E G H I
IndonesianLa versión española de este documento.Tagalog (Philipinnes)La version française de ce document.GreekItalianoKiswahiliRumanianRussian Version
.
.
............. .
Demokrasya (democracy):
...
Ang salitang ¨demokrasya," ay galing sa matandang salitang Greko (Greek), kung saan ang ¨demo" ay nangangahulugan ng ang mga tao (gaya ng demograpiya) at "cracy" ay nangangahulugang kapangyarihan (gaya ng burokrasya (bureaucracy) o aristokrasya (aristocracy).
.
Ang salitang demokrasya, sa gayon, ay nangangahulugang kapangyarihan ng mga tao. Kasalungat dito, ang Gresya ay hindi masyadong demokratiko, sa kadahilanang ang kanilang ekonomiya ay base sa mga trabaho ng mga alipin.
....
Marami ang uri ng demokrasya: halimbawa, demokrasyang kinakatawan o kumakatawan kung saan ang mga tao ay humahalal ng mga katawan o representante sa parliamento o kongreso upang gumawa ng mga pasya para sa kanila, at ang pakikilahok na demokrasya kung saan ang mga tao ay kasangkot sa paggawa ng mga pasya. . Bilang isang tagapagpakilos, ikaw ay hinihikayat ng itaguyod ang demokrasya, halimbawa sa mga proyekto ng komunidad, pero ikaw ay hindi kailangang tumulad sa sistema ng kongreso ng Pilipinas.  Humanap ng akma sa lipunan o komunidad.
...
(Bahasa Indonesia: demokrasi, Deutsch: demokratie, English: democracy, Español: democracia, Filipino/Tagalog: demokrasya, Français: démocratie, Ελληνικά: Δημοκρατία हिन्दी (Hindi): लोकतन्त्र, Italiano: democrazia, Português: democracia, Romãnã: democratie, ردو (Urdu): جمہوریت)
.
Dimensyon ng Kultura:
...
Mga Dimensyon ng Kultura
Dimensyon ng Kultura
...
Bawat dimensyon ay binubuo ng mga sistemang sosyo-kultural (halimbawa, sistema ng ekonomiks) kung saan pinagsama-sama ang mga sistemang super-organiko. . Ang anim na dimensyon ay ang mga sumusunod: teknikal, ekonomiks, politikal, institusyonal,Kahalagahan at konseptual.
...
Ang komunidad ay isang kultural na bagay, kaya ang mga dimensyon ay nakaugnay din sa komunidad.
Tignan: Mga Dimensyon.
.
(Deutsch: kulturdimensionen,  English: dimensions of culture, Español: dimensiones de la cultura, Filipino/Tagalog: dimensyon ng kultura, Français: dimensions de culture, Romãnã: dimensiunile culturii, Somali: Geybaha).
.
Di-Matapat (o Kawalang Katapatan):
...
Kakulangan sa integridad at kawalan ng katapatan.
.
Ang kawalan ng katapatan ay isa sa limang elemento ng kahirapan.
....
Ito ay tinatawag sa iba't ibang pangalan, kasama na dito ang kabulukan (korapsyon o corruption), paglustay, ekstorsyon at pagnanakaw. Ito ay kadalasang nangyayari kapag ang kayamanan na nakatangka para sa kaunlaran ng buong lipunan ay illegal, at minsan, ay palihim na inililihis para sa benepisyo ng iilang mga tao na ipinagkakanulo ang tiwalang ibinibigay sa kanila bilang mga manggagawa sa lipunan. . Ang resulta ng kawalang tiwala ng mga nagbibigay ay nagdudulot ng pagkawalang bahala at kahirapan.  Ito ang dahilan, na ikaw bilang isang tagapagpakilos at taga-tatag ng ng mga organisasyong pangkomunidad, ay dapat itaguyod ang pag-aaninag o Pagiging Bukas (Transparency), integridad at katapatan sa mga grupong iyong itatatag.
.
(Deutsch: korruption, unehrlichkeit, English: corruption, dishonesty, Español: falta de honradez,  Filipino/Tagalog: di-matapat,  Français: malhonnêteté, Kiswahili: rushwa, Português: desonestidade, Romãnã: necinste, Somali: daacaddarro).
.
sinulat ni Phil Bartle
isinulin ni May M Virola
––»«––
..
Key Words.Tagalog