| .............. |
.
..
| Ang
pinakamapanganib na emosyon sa ating gawain ay ang galit. ––
Paano ito sugpuin. Bilang mga tao, tayo ay may mga emosyon, at ang galit
ay isa lamang sa mga ito. OK lang ang magalit; ito ay bahagi ng ating pagiging
tao. Hindi dapat tayo ma-guilty o mahiya na tayo ay nakakaramdam ng galit.
Ang galit ay normal na emosyon ng tao. Dapat nating tanggapin ito kapang
tahyo ay nagagalit. |
... |
Kung paano
tayo kumilos kapag tayo ay galit, gayon man, ay may epekto sa ating mga
gawain, kung tayo man ay tagapagpakilos ng komunidad, taga-koordina ng
mga boluntaryo, nangangasiwa ng mga manggagawa. Kung ang kliyente, boluntaryo,
maggagawa o miyembro ng komunidad ay nagkamali, lalo na kung ito ay makakaapekto
sa mga layunin, halimbawa, tayo ay natutuksong ipakita ang ating galit,
kung kailan ito mismo ang tamang oras para ipakita na tayo ay kalmado at
malamig ang ulo. |
..
| Kapag
nakikita natin ang iba na nakagagawa ng mga pagkakamali na nakakaepekto
sa nais nating makamit, dapat nating kilalanin na ito ay nakakapagpagalit
sa atin at responsibilidad mo na kontrolin ito. Ang pinakamabisang agad
gawin ay maglakad-lakad tayo. Kung walang sapat na oras, kahit papaano
ay siguraduhing pumunta ka sa kabilang silid na hindi ipinapakita ang iyong
galit, at hayaang mapukaw ito doon, na hindi nakikita ng ,ga taong nakapagpagalit
sa atin. |
. |
Pagkatapos,
kapag nakontrol na ang ating galit, mas epektibo nating mahaharap ang kung
ano man ang nagbungsod ng ating galit. Kung ito ay isang pagkakamali ng
kliyente, boluntaryo, manggagawa o miyembro ng komunidad, maaari tayong
gumawa ng aksyon gaya ng inilalarawan ng salitang, Pagkakamali.
Ang aksyong ito ay magiging epektibo lamang kung tayo ay mahinahon at malamig
ang ulo. |
.
.
|
(العربيّة
(Arabic): , Deutsch: , English: , Español: , Filipino/Tagalog: , Français:
, Ελληνικά: , हिन्दी (Hindi): , Kiswahili: , Português:
, Romãnã: , Pyccкий: , Somali: , ردو (Urdu): )
|
..
––»«––
|