| .............. |
.
....
| Ang
kahirapan ay higit pa sa kawalan ng pera o kita, higit pa la kakulangan
ng mga pasilidad o serbisyo gaya ng tubig, mga daan, edukasyon o kilinika.
Ito ay resulta ng “kahirapan ng kaluluwa” halimbawa, ang kawalang pag-asa,
ang kamang-mangan ukol sa mga yaman na maaaring gamitin, ang pagtangkilik
sa iba, ang kawalan ng tiwala, kakulangan sa kakayahan, lakas ng loob,
integridad at kakulangan din sa mga epektibong organisasyon na maipagpapatuloy,
sa makatwid, ito ay kakulangan ng tamang pamamahala. Tignan Mga
Elemento ng Kahirapan. |
... |
Ang kahirapan
ay isang suliraning panlipunan, at ito ay nangangailangan ng panlipunang
solusyon; ang kahirapan ay hindi lamang ang kakulangan ng kita ng katipunan
ng mga tao. Ang kahirapan ay maaaring mabawassan sa pamamagitan ng pagtatatag
at paggabay sa mga mahihirap upang matuto siang tulungan ang sarili, sa
pamamagitan ng pagpapalakas (pagsasakapangyarihan)
bilang resulta ng pakikilahok sa pakikipaglaban at pagharap sa mga balakid.
Ang pag-aalis ng kahirapan, kung gayon, ay nangangailangan ng patuloy na
pagpapabuti sa pamamahala. |
.
...
.....
..
..
..
| Marami
sa mga tao ay inaakala na ang kalinangan o kaunlaran ay nangangahulugan
ng kwantitatibong paglago, pero ang pangunahing katangian nito ay ang kwalitatibong
pagbabago. |
.
|
Ang pag-unlad
ay paglago, at ang paglako ay nangangahulugan ng higit ba sa pagiging mas
malaki; ito ay nangangahulugan gin ng pagiging mas komplikado at mas malakas. |
....
| Kapag
ang komunidad ay umuunlad, ito ay nagiging mas
malakas at mas masalimuot o komplikado. |
.
|
Ito ay nakakaranas
ng mga pagbabagong panlipunana. |
....
| Tignan
"Kultura." Ang isang ekonomista
ay tinitignan ang kaunlaran o kalinangan bilang pagdagdag lamang ng kayamanan
o kita (ganap o per capita); ang isang inhinyero naman ay tinitignan ang
kaunlaran bilang higit na kontrol sa enerhiya, o mas sopistikado at mas
malakas na mga kagamitan. |
. |
Isa isang tagapagpakilos,
sa kabilang banda, ang mga ito ay dalawa lamang sa anim na dimensyong kultural
ng isang komunidad na nababago. Ang
kaunlaran ay nangangahulugan ng panlipunanang pagbabago sa lahat ng anim
na dimensyon ng kultura: teknolohikal, ekonomiks, politikal, interaktibo,
ideyolohikal, at pandaigdigang pananaw. |
.
.
.
| Kalinagangg
(Kaunlaran) Pangkomunidad: |
..
| Kapag
ang komunidad ay lumilinang o umuunlad, ito ay lumalaki. Tignan ang salitang,
Kalinangan
o Kaunlaran. Ito ay hindi lamang nangangahulugan ng paglaki o pagyaman.
Ito rin ay nangangahulugan ng pagiging mas komplikado at mas malakas. |
... |
Ang komunidad
ay hindi napapa-unlad ng isang tagapagpakilos at higit pa sa isang bulaklak
na tumatangkad dahil may isang humihila dito pataas. Ang komunidad (bilang
isang institusyong panlipunan) ay pina-uunlad o linilinang ang sarili.
Ang tagapagpakilos ay kaya lamag hikayatin, magpalakas ng loob at maggabay
sa mga miyembro ng komunidad. |
..
| Ang
ibang tao ay inaakala na ang kaunlaran ng komunidad ay nangangahulugan
lamang ng pagyaman ––
pagdagdag ng kita. Ito ay maaari rin, ngunit mas higit pa. |
. |
Ito din ay
pagbabagong panlipunan, kung saan ang komunidad na nagiging mas komplikado,
dumadagdag ng mga institusyon, ng koloktibong lakas, pagbabagong kwalitatibo
ng organisasyon nito. |
.
|
Ang kaunlaran
ay nangangahulugan ng paglago sa lakas sa lahat ng anim na dimensyon ng
kultura.
|
.
...
..
| Minsan
ay tinatawag ng pagbibigay-buhay panlipinan. Mula sa salitang ¨anima¨
(buhay, kaluluwa, apoy, otomatikong galaw). Ang maghikayat o magpakilos
ng komunidad upang ito ay makakilos ng mag-isa, upang ito ay mabuhay, upang
ito ay umunlad. |
. |
Minsan ay ginagamit
na kapalit ng pagpapakilos. Ang pagbibigay-buhay ay nangangahulugan
ng pag-iisa at pagpapakilos sa komunidad na gawin ang nais nitong gawin. |
, ,
| Ang
pagsasanay sa pamamahala ng komunidad ay ginagamit ang pagbibigay-buhay
panlipunan bilang isa sa mga pamamaraan ng pagsasanay upang madagdagan
ang kakayahan ng komunidad, o ng isang organisasyong base sa komunidad,
na magpasya, pagplano, at mamahala ng sarili nitong kaunlaran o kalinangan.
Sinasanay nito ang mga miyembro ng komunidad at ang mga lider sa mga pamamaraan
ng pamamahala na kinakailangan upang siguraduhin na ang komunidad ay may
kontrol sa sarili nitong kaunlaran. |
.. |
Hinihikayat
din nito at sinasanay ang mga opisyal ng gobyerno, lokal na awtoridad at
mga lider ng komunidad na iwanan o tanggalin ang patronismo sa pagbibigay
ng mga pasilidad at mga serbisyo. Natututo silang magpasilita ng
mga komunidad sa pagtukoy ng mga yaman o mga gamit na kailangan at sa pagsasagawa
ng mga aksyon upang magbigay at magmentena ng mga pasilidad na pangpamayanan
at mga serbisyo. |
, ,
|
(العربيّة:زيادة
الوعى, Deutsch:
bewusstseinsbildung,
English: awareness
raising, Español:
sensibilización,
Filipino/Tagalog: kamalayan,
Français: augmenter
de conscience, Galego: concienciación,
Ελληνικά:
επαγρύπνηση,
हिन्दी: जागरूकता
स्थापना, 日本語:
意識を高める,
Kiswahili:
kuongeza
ufahamu, Português: aumento
de conhecimento informativo, Romãnã: constientizare)
|
.
..
| Isa
sa mga pangunahing salik ng kahirapan
ay ang kamangmangan.
Para sa marami, ang salitang mangmang ay isang insulto. Ang ibig naming
sabihin dito ay minsan ilan sa atin ay hindi alam ang ilang mga bagay;
walang nakakahiya dito. |
.... |
Dapat ding
malaman na ang kamangmangan at kahangalan (o katangahan) ay magkaiba. Ang
mga matatanda ay maaari paring matuto, huwag mo silang tratuhing parang
mga bata o ng mas nakakababa sa iyo, kung hindi lalo silang walang matututunan. |
..
|
Ang ibig sabihin
ng kamangmangan ay ang hindi pagkakaalam sa isang bagay. Ang kahangalan
o katangahan naman ay ang hindi pagkakatuto, at ang kagaguhan o kalokohan
ay ang paggawa o hindi paggawa sa isang bagay sa kabila ng pagkakaalam
mo sa isang bagay. Ang kamangmangan, kahangalan o katangahan at kagaguhan
o kalokohan ay di hamak na magkakaiba.
|
.
.
...
| Ang
pagtulong sa mga mahihirap at mga nangangailangan ay mahalaga sa lahat
ng tao, at makikita sa lahat ng rehiyon ng mundo. Subalit merong bigay
at ¨bigay¨. |
.
|
Kung ang iyong
regalo ay gagawing nakatangkilik (dependent) sa iyo ang
pinagbigyan hindi mo siya tinutulungang lumakas, o tinutulungan siyang
maging mas may tiwala sa sarili o dumepende sa sarili niyang kakayahan
(self reliant). |
....
| Kung
bibigyan mo ng barya ang nagpapalimos, sinasanay mo ang taong ito na lalong
magpalimos. |
. |
Kung
ang iyong tulong ay sadyang pinag-isipan, at tumutulong upang lalong lumakas
ang pinagbibigyan (tignan ang kwento ni Mohammed at ang Lubid sa
Mga
Kwento), sa gayon, ang iyong regalo ay mas makabuluhan. |
.
.
..
| Ang
salitang "komunidad" ay ginamit sa maraming konteksto. |
. |
Sa mga biyolohiko,
ang komunidad ay nangangahulugan ng ilang indibidwal sa isang ¨species¨
o ilang magkakaibang ¨species¨, nabubuhay, nagtutunggalian, nakikiisa,
upang magkaroon ng mas malaking kabuuan. |
..
| Magmula
ng dumating ang ¨internet¨ at teknolohikang pang-impormasyon (information
technology), maraming koleksyon ng mga tao, minsan ay may parehong interes,
ay lumaki, ng walang hiyograpikal ng limitasyon, at nag-uusap gamit ang
pamamaraang elektroniko. |
. |
Ang pokus sa
lugar na ito sa mga serye ng pagsasanay, ay ang mas tradisyonal na kahulugan
ng komunidad. Isang komunidad ng mga tao, na may hiyograpikal na limitasyon
(maliban na lamang sa mga komunidad na nomadik (nomadic), may relasyon,
halimbawa sa mga komunidad mula sa mga subdibisyon sa mga syudad hanggang
sa mga baryo sa probinsya o nayon. Tignan Matatahanan. |
..
| Ang
komunidad ay hindi lamang isang koleksyon o grupo ng mga tao. Ito ay isang
marilag na organismo na pagmamay-ari at bahagi ng kultura,
binubuo ng mga interaksyon o relasyon ng mga tao, lahat ng bagay na maaaring
malaman. Ito ay may anim na nasasakupan o dimensyon: teknolohiya, ekonomiya,
kapangyarihang politikal, mga modelo ng pakikisalamuha, magkatulad na paniniwala,
ideya at mga pinapahalagahan. Ito ay hindi ipinapasa sa biyolohikal na
pamamaraan, ito ay natututunan. |
. |
Gaya ng isang
halaman o iba pang uri ng buhay na higit pa sa mga maliliit na molekyul
na bumubuo dito, ang mga miyembro ay maaaring dumating at umalis sa lagos
ng buhay, kamatayan at migrasyon. At patuloy pa rin itong mabubuhay at
lalaki. Ito ay hindi homogenus, may mariming paksyon, dibisyon, kompetisyon
at mga sigalot. Ang isang komunidad ay isang kabuuan na higit pa sa kabuuan
ng mga parte nito.Ano ang komunidad." |
...
.
..
...
| Kapag
ang isang ahensyang nagbibigay ng tulong o ang isang organisasyong nagbibigay
ng donasyon ay kumokunsulta sa mga lider ng komunidad o mga kinatawan ,
kadalasan nilang tinatanong ang komunidad kung gusto nila ng proyekto.
Ang sagot dito ay madalas na "Oo." Ang ahensya ngayon ay maaari ng
mag-ulat sa ¨board¨ o mga tagabigay na may partisipasyon ng komunidad.
Ito ay isang kamalian. |
. |
Ang naganap
ay konsultasyon, ngunit ito ay hindi tunay na pakikilahok ng komunidad
sa pagpapasya, pagpili at pagpaplano ng proyekto mula sa mga prayoridad
ng komunidad. (ito ay kabaiba sa mga prayoridad ng ahensy). |
.
...
...
| Ang
ibang tao ay nalilito sa partisipasyon at kontribusyon. Maraming tao na
kapag naririnig ang mga salitang partisipasyon ng komunidad. ay inaakala
na ang ibig sabihin nito ay kontribusyon ng komunidad.. Iniisip lang nila
ang pagtulong sa paggawa ng trabaho na ibibigay ng mga miyembro ng komunidad. |
. |
Sa sinamang
palad, marami ng mga kaso noon pa kung saan ang mga miyembro ng komunidad
ay tinatrato na mga alipin at pinipilit na magtrabaho. (o iba pang bagay,
gaya ng lupa, pagkain). Ang pamamaraan na itinataguyod sa handbuk na ito
ay ang kabaligtaran. Ang pakikilahok dito ay nangangahulugan ng pakikilahok
sa pagpapasya, hindi lamang ng pagbibigay ng mga yaman o kagamitan. Tignan
kontribusyon
ng komunidad. |
.
...
| Kontribusyon
ng Komunidad: |
...
| Sinasabi
namin na ang pakikilahok ng komunidad ay iba sa kontribusyon ng komunidad
(marami ang nag-aakala na ito ay pareho), subalit pareho silang kinakailangan. |
. |
Habang ang
pakikilahok ng komunidad ay nangagahulugan ng pagpapasya na ginagawang
base sa komunidad o nakasentro sa komunidad ang isang gawain, ang kontribusyon
ng komunidad naman ay kinakailangan upang siguruhin na ang mga miyembro
ng komunidad ay mararamdaman na kanila ang proyekto, halimbawa na sila
ay may naibahagi, hindi lamang nakatanggap nito. |
.
| Nirerekomenda
namin na dapat halos singkwenta porsyento ng mga kontribusyon ng ano mang
proyektong pangkomunidad na ating sinusuportahan ay dapat manggaling mismo
sa komunidad. Sa simula ito ay minsan tinitignan ng may balisa at desolasyon
ng karamihan sa mga miyenbro ng komunidad. Kung gayon, kailangan nating
idiin na ang ipagkakaloob ng trabaho ay dapat makatarungan, at kung gagawin
ito, sila ay masosorpresa sa kung gaano karami ang halaga na maidadagdag
nito sa kontribusyon sa komunidad. |
. |
Nais nating
idiin dito na ang oras na ginugugol ng mga miyembro ng komunidad, lalo
na iyong mga nakaupo sa komite ng mga eksekyutib, nagpapasya at nagpaplano
ng proyekto, ay mga donasyon na eksekyutib at mga kakayahan sa pamamahala,
oras at trabaho. Ang donasyong trabaho ay dapat makatwirang bigyang ng
halaga o presyo. Higit sa lahat, nais nating ipunto na mula sa halagang
ito ng mga donasyon ng lupa o buhangin, na kadalasan ay hindi pinahahalagahan,
ay dapat kilalanin, ng may makatwirang estimasyon ng presyo, bilang mga
kontribusyon ng komunidad. |
.
...
...
| Isa
sa mga mahalagang karunungan na dapat matutunan ay kapag nakakita tayo
ng kamalian, ang pamumuna o pagkikritiko nito ay hindi makakatama, o hindi
nito maitatama ang suliranin. Sa halip, ito ay minsan nakapagpapalala sa
suliranin. |
. |
Bakit? Dahil
ang mga tao ay nakakaramdam ng pagbabanta o sila ay sinasalakay kapang
mayroong pumupuna sa kanila. Ang pamumuna ay nakakababa ng tiwala at tingin
sa sarili. Tayo ay nagiging ¨depensive o defensive¨ kapag napupuna, at
sa halip na itama ang mali, ay ipinangtatanggol pa natin ito. |
...
| Kapag
tayo ay nagpapakilos ng komunidad, nagkoko-ordina ng mga boluntaryo, o
namamahala ng mga manggagawa, tayo ay dapat matutong asahan na sila ay
maaaring magkamali at dapat tayong maging handa sa lutasin ang mga pagkakamali
sa pamamaraan na makakamit ang mga layunin. |
.... |
Ang pagpapakita
ng galit, pagpupuna sa taong nakagawa ng kamalian, ay maaaring may makatulong
sa pagpapalamig, ngunit tayo ay nagbabayad ng malaki sa pagkuha ng personal
kaibsan ng ating nararamdaman. Tignan ang mga importanteng salita: Kamalian,
Galit,
at Sandwich, at humanap ng
paraan na mawasto ang mga pagkakamali ng hindi nagbibigay ng negatibong
kritisismo. |
...
..
.
..
| Higit
pa sa mga awitin at mga sayaw, ang kultura, sa Araling Panlipunan, ay nangangahulugan
ng kabuuan ng mga sistemang panlipunan, ang kalahatan ng mga natutunang
kaugalian at kagawian, na binubuo ng mga sosyo-kultural na sistema na bahagi
ng anim na dimensyon: teknolohikal,
ekonomiks,
politikal,
interaktibo,
ideyolohikal
at pangmundong
pananaw. |
. |
Ang pangunahing
yunit ng kultura ay ang ¨simbolo¨. Ang kultura ay hindi genetik; ito
ay naipapasa sa pamamagitan ng pagsasalin o pagpapabatid ngmga simbolo.
Minsan ito ay tinatawag na ¨superorganik,"
dahil ito ay binubuo ng mga sistemang higit ba sa mga bayolohikal na bagay,
mga tao, na bumubuo at nagdadala ng kultura. |
...
...
.
|
(العربيّة
(Arabic): , Deutsch: , English: , Español: , Filipino/Tagalog: , Français:
, Ελληνικά: , हिन्दी (Hindi): , Kiswahili: , Português:
, Romãnã: , Pyccкий: , Somali: , ردو (Urdu): )
|
..
––»«––
|