| .............. |
.
| Naaaninag
(Transparency): |
...
| Ang
panganganinag o pagiging bukas ay
isang mahalagang elemento ng pagpapalakas ng komunidad (Tignan mga
elemento ng pagsasakapangyarihan).
Ang salitang "aninag" dito ay nangangahulugan ng abilidad na makita ang
lahat. |
. |
Kapag mga manggagawang
sibil o sa gobyerno ay gumagawa ng mga bagay (gaya ng paggawa ng mga pasya,
magtalaga ng mga yaman) ng pasikreto, itinatago ang kanilang mga gawain
sa mga tao, hindi sila nanganganinag o naaaninag (bukas). Tinatrato nila
ang mga tao ng parang kabute ( "mushroom
treatment¨). |
...
| Ito
ay nagdudulot ng pagkawalang tiwala, pagkawalang bahala o kalamigan ng
loob, at marhinalisasyon (mga salik ng kahirampan
at pagiging mahina ng komunidad). Ang iyong trabaho bilang tagapagpakilos
ay itaguyod ang pagiging maaninag o bukas. Gagawin mo ito sa pamamagitan
ng pagbibigay ng paliwanag kung ano ang ibig sabihin nito. Na ang mga tao
ay may karapatan at tungkulin na malaman kung ano ang mga nagyayari. Pagtatahas
ng Kamalayan). |
. |
Dapat ding
siguraduhing ito ay isang importanteng elemento ng organisasyong pangkomunidad
na iyong itatatag. Ang mga batas tulad ng ¨Freedom of Information Act¨
o iba pang mga batas na tulad nito na sinisigurado na ang mga detalye ng
paggastos ng gobyerno ay dapat makukuha ng publiko (bilang parte ng ¨public
records¨), na nakatangka para sa pagtataguyod ng pagiging maaninang o
bukas ng gobyerno, datapwat ang ibang mga opisyal ay tatangkaing parupukin
ang kahulugan ng mga batas na ito. |
...
| Kung
itinatago ang problema, tinatakpan o itinatatwa na mayroong problema; sigurado
lamang na hinahadlangan mo ang mga solusyon. |
. |
Kung, sa halip,
ay hindi mo ito tatakpan, aaminin, at matapat na susuriin, ikaw ay nasa
landas ng paglulutas ng problema o suliranin. Ang pagiging maaninag o bukas
ay nakapagpapalakas. |
...
..
..
.
.
...
| Ang
salitang "maipapatuloy o
naipapatuloy" ay mahalaga sa pagbibigay ng tulong na pangkalinangan. (Ang
salitang ito ay hindi makikita sa mga diksyonaryo). Ito ay tumutukoy sa
¨kakayahan¨ ng isang bagay na ¨maipatuloy¨ (maaaring ituloy) kapag
ang tulong mula sa labas ay tinangal. Para sa isang komunidad na nagtatayo
ng pagkukunan ng tubig, ang pagkukumpuni, paglilinis at paggamit sa bomba
matapos itong gawin ay ang nais na makamit. |
.. |
Para sa nagbibigay
ng laang-gugol (pondo) mula sa labas, ito ay ang pagpapatuloy ng proyekto
o ng mga resulta nito pagkaalis ng nagbibigay. Para sa iyo, bilang isang
tagapagpakilos, ito ay ang pagpapatuloy ng proseso ng panlipunang pagpapalakas
ng komunidad kahit wala ka na. Para sa mga tagataguyod ng kalikasan at
ekolohiya, ang pagpapatuloy ay kailangang - ang mga gawain ay kayang ipagpatuloy
(halimbawa bayolohikal) sa pisikal na lugar, na ang mga likas na yaman
na hindi napapalitan ay hindi mauubos. |
..
.
|
(العربيّة
(Arabic): , Deutsch: , English: , Español: , Filipino/Tagalog: , Français:
, Ελληνικά: , हिन्दी (Hindi): , Kiswahili: , Português:
, Romãnã: , Pyccкий: , Somali: , ردو (Urdu): )
|
..
––»«––
|