|
............
|
|
Mga
Importanteng Salita Para sa Modulo ng ¨Paghahanda¨
|
.
.
..
| Para
masabing ang isang proyekto o organisasyon ay base o hango sa komunidad,
ito ay dapat nanggagaling sa komunidad mismo, ang mga miyembro ng komunidad
ay ang may hawak ng responsibilidad, at ang mga desisyon (patakaran at
eksekyutibo) ay gawa ng mga miyembro ng komunidad. |
. |
Ang
isang ahensya mula sa labas o proyekto na makikita o nasa komunidad ay
hindi maaaring akuin na ito ay hango o base sa komunidad. At, ang pagkokonsulta
sa mga miyembro ng komunidad ay hindi rin isang batayan upang ito ay tawaging
base o hango sa komunidad. |
..
| May
malaking pagkakaiba sa batay sa komunidad at makikita o nakalagay sa komunidad
Kung ang isang ahensya ay magtatayo ng mga serbisyo sa komunidad (halimbawa,
isang klinika, o programmang IG), ito sa gayon ay nakalagay o matatagpuan
sa komunidad. |
. |
Upang
matawang na isang tunay na batay sa komunidad, and isang aktibidades, paggawa,
serbisyo o organisasyon, ay dapat pinili, pinagpilian, at kinokontrol ng
komunidad. (hindi lamang ng iilang paksyon). Ang importante ay ang pagpapasya
ay base sa komunidad, ang pasya o desisyon ay dapat ginagawa sa loob ng
komunidad. |
..
.
.
| Di-Matapat
(o Kawalang Katapatan) |
...
| Kakulangan
sa integridad at kawalan ng katapatan. |
.
|
Ang
kawalan ng katapatan ay isa sa limang elemento ng kahirapan. |
....
| Ito
ay tinatawag sa iba't ibang pangalan, kasama na dito ang kabulukan (korapsyon
o corruption), paglustay, ekstorsyon at pagnanakaw. Ito ay kadalasang nangyayari
kapag ang kayamanan na nakatangka para sa kaunlaran ng buong lipunan ay
illegal, at minsan, ay palihim na inililihis para sa benepisyo ng iilang
mga tao na ipinagkakanulo ang tiwalang ibinibigay sa kanila bilang mga
manggagawa sa lipunan. |
. |
Ang
resulta ng kawalang tiwala ng mga nagbibigay ay nagdudulot ng pagkawalang
bahala at kahirapan. Ito ang dahilan, na ikaw bilang isang tagapagpakilos
at taga-tatag ng ng mga organisasyong pangkomunidad, ay dapat itaguyod
ang pag-aaninag o Pagiging Bukas (Transparency), integridad at katapatan
sa mga grupong iyong itatatag. |
.
|
(Deutsch:
korruption,
unehrlichkeit,
English: corruption,
dishonesty,
Español:
falta de
honradez, Filipino/Tagalog: di-matapat,
Français: malhonnêteté,
Kiswahili:
rushwa,
Português:
desonestidade,
Romãnã: necinste,
Somali:
daacaddarro)
|
.
...
...
...
Ang komunidad
ay isang kultural na bagay, kaya ang mga dimensyon ay nakaugnay din sa
komunidad.
Tignan:
Mga
Dimensyon.
|
.
.
..
| Ang
pinakamapanganib na emosyon sa ating gawain ay ang galit. –– Paano
ito sugpuin. Bilang mga tao, tayo ay may mga emosyon, at ang galit ay isa
lamang sa mga ito. OK lang ang magalit; ito ay bahagi ng ating pagiging
tao. Hindi dapat tayo ma-guilty o mahiya na tayo ay nakakaramdam ng galit.
Ang galit ay normal na emosyon ng tao. Dapat nating tanggapin ito kapang
tahyo ay nagagalit. |
... |
Kung
paano tayo kumilos kapag tayo ay galit, gayon man, ay may epekto sa ating
mga gawain, kung tayo man ay tagapagpakilos ng komunidad, taga-koordina
ng mga boluntaryo, nangangasiwa ng mga manggagawa. Kung ang kliyente, boluntaryo,
maggagawa o miyembro ng komunidad ay nagkamali, lalo na kung ito ay makakaapekto
sa mga layunin, halimbawa, tayo ay natutuksong ipakita ang ating galit,
kung kailan ito mismo ang tamang oras para ipakita na tayo ay kalmado at
malamig ang ulo. |
..
| Kapag
nakikita natin ang iba na nakagagawa ng mga pagkakamali na nakakaepekto
sa nais nating makamit, dapat nating kilalanin na ito ay nakakapagpagalit
sa atin at responsibilidad mo na kontrolin ito. Ang pinakamabisang agad
gawin ay maglakad-lakad tayo. Kung walang sapat na oras, kahit papaano
ay siguraduhing pumunta ka sa kabilang silid na hindi ipinapakita ang iyong
galit, at hayaang mapukaw ito doon, na hindi nakikita ng , ga taong nakapagpagalit
sa atin. |
. |
Pagkatapos,
kapag nakontrol na ang ating galit, mas epektibo nating mahaharap ang kung
ano man ang nagbungsod ng ating galit. Kung ito ay isang pagkakamali ng
kliyente, boluntaryo, manggagawa o miyembro ng komunidad, maaari tayong
gumawa ng aksyon gaya ng inilalarawan ng salitang, Pagkakamali.
Ang aksyong ito ay magiging epektibo lamang kung tayo ay mahinahon at malamig
ang ulo. |
.
.

...
| Ang
kahirapan ay higit pa sa kawalan ng pera o kita, higit pa la kakulangan
ng mga pasilidad o serbisyo gaya ng tubig, mga daan, edukasyon o kilinika.
Ito ay resulta ng “kahirapan ng kaluluwa” halimbawa,
ang kawalang pag-asa, ang kamang-mangan ukol sa mga yaman na maaaring gamitin,
ang pagtangkilik sa iba, ang kawalan ng tiwala, kakulangan sa kakayahan,
lakas ng loob, integridad at kakulangan din sa mga epektibong organisasyon
na maipagpapatuloy, sa makatwid, ito ay kakulangan ng tamang pamamahala.
Tignan Mga Elemento ng Kahirapan. |
. |
Ang
kahirapan ay isang suliraning panlipunan, at ito ay nangangailangan ng
panlipunang solusyon; ang kahirapan ay hindi lamang ang kakulangan ng kita
ng katipunan ng mga tao. Ang kahirapan ay maaaring mabawassan sa pamamagitan
ng pagtatatag at paggabay sa mga mahihirap upang matuto siang tulungan
ang sarili, sa pamamagitan ng pagpapalakas (pagsasakapangyarihan)
bilang resulta ng pakikilahok sa pakikipaglaban at pagharap sa mga balakid.
Ang pag-aalis ng kahirapan, kung gayon, ay nangangailangan ng patuloy na
pagpapabuti sa pamamahala. |
.
..
.....
..
|
(Deutsch:
empowerment,
die
stärkung, leistungsfähigkeit,
English:
capacity, power,
strength, Español:
capacidad,
potenciación,
Filipino/Tagalog: kakayahan,
pagpapalakas,
Français:
capacité,
empowerment,
हिन्दी (Hindi): क्षमता,
Italiano:
empowerment,
Kiswahili:
uwezo,
Português:
capacidade,
fortalecendo,
Romãnã: capacitate,
Pyccкий:
paзвития,
Somali: awooda)
|
..
..
| Marami
sa mga tao ay inaakala na ang kalinangan o kaunlaran ay nangangahulugan
ng kwantitatibong paglago, pero ang pangunahing katangian nito ay ang kwalitatibong
pagbabago. |
.
|
Ang
pag-unlad ay paglago, at ang paglako ay nangangahulugan ng higit ba sa
pagiging mas malaki; ito ay nangangahulugan gin ng pagiging mas komplikado
at mas malakas. |
....
| Kapag
ang komunidad ay umuunlad, ito ay nagiging mas
malakas at mas masalimuot o komplikado. |
.
|
Ito
ay nakakaranas ng mga pagbabagong panlipunana. |
....
| Tignan
"Kultura." Ang isang ekonomista
ay tinitignan ang kaunlaran o kalinangan bilang pagdagdag lamang ng kayamanan
o kita (ganap o per capita); ang isang inhinyero naman ay tinitignan ang
kaunlaran bilang higit na kontrol sa enerhiya, o mas sopistikado at mas
malakas na mga kagamitan. |
. |
Isa
isang tagapagpakilos, sa kabilang banda, ang mga ito ay dalawa lamang sa
anim na dimensyong kultural ng isang komunidad
na nababago. Ang kaunlaran ay nangangahulugan ng panlipunanang pagbabago
sa lahat ng anim na dimensyon ng kultura: teknolohikal, ekonomiks, politikal,
interaktibo, ideyolohikal, at pandaigdigang pananaw. |
.
.
.
| Kalinagangg
(Kaunlaran) Pangkomunidad: |
..
| Kapag
ang komunidad ay lumilinang o umuunlad, ito ay lumalaki. Tignan ang salitang,
Kalinangan
o Kaunlaran. Ito ay hindi lamang nangangahulugan ng paglaki o pagyaman.
Ito rin ay nangangahulugan ng pagiging mas komplikado at mas malakas. |
. |
Ang
komunidad ay hindi napapa-unlad ng isang tagapagpakilos at higit pa sa
isang bulaklak na tumatangkad dahil may isang humihila dito pataas. Ang
komunidad (bilang isang institusyong panlipunan) ay pina-uunlad o linilinang
ang sarili. Ang tagapagpakilos ay kaya lamag hikayatin, magpalakas ng loob
at maggabay sa mga miyembro ng komunidad. |
..
| Ang
ibang tao ay inaakala na ang kaunlaran ng komunidad ay nangangahulugan
lamang ng pagyaman –– pagdagdag ng kita.
Ito
ay maaari rin, ngunit mas higit pa. |
. |
Ito
din ay pagbabagong panlipunan, kung saan ang komunidad na nagiging mas
komplikado, dumadagdag ng mga institusyon, ng koloktibong lakas, pagbabagong
kwalitatibo ng organisasyon nito. |
.
|
Ang kaunlaran
ay nangangahulugan ng paglago sa lakas sa lahat ng anim na dimensyon ng
kultura.
|
.
.
..
| Isa
sa mga pangunahing salik ng kahirapan
ay ang kamangmangan.
Para sa marami, ang salitang mangmang ay isang insulto. Ang ibig naming
sabihin dito ay minsan ilan sa atin ay hindi alam ang ilang mga bagay;
walang nakakahiya dito. |
.... |
Dapat
ding malaman na ang kamangmangan at kahangalan (o katangahan) ay magkaiba.
Ang mga matatanda ay maaari paring matuto, huwag mo silang tratuhing parang
mga bata o ng mas nakakababa sa iyo, kung hindi lalo silang walang matututunan. |
..
|
Ang ibig sabihin
ng kamangmangan ay ang hindi pagkakaalam sa isang bagay. Ang kahangalan
o katangahan naman ay ang hindi pagkakatuto, at ang kagaguhan o kalokohan
ay ang paggawa o hindi paggawa sa isang bagay sa kabila ng pagkakaalam
mo sa isang bagay. Ang kamangmangan, kahangalan o katangahan at kagaguhan
o kalokohan ay di hamak na magkakaiba.
|
.
.
...
| Ang
pagtulong sa mga mahihirap at mga nangangailangan ay mahalaga sa lahat
ng tao, at makikita sa lahat ng rehiyon ng mundo. Subalit merong bigay
at ¨bigay¨. |
.
|
Kung
ang iyong regalo ay gagawing nakatangkilik (dependent) sa iyo ang
pinagbigyan hindi mo siya tinutulungang lumakas, o tinutulungan siyang
maging mas may tiwala sa sarili o dumepende sa sarili niyang kakayahan
(self reliant). |
....
| Kung
bibigyan mo ng barya ang nagpapalimos, sinasanay mo ang taong ito na lalong
magpalimos. |
. |
Kung
ang iyong tulong ay sadyang pinag-isipan, at tumutulong upang lalong lumakas
ang pinagbibigyan (tignan ang kwento ni Mohammed at ang Lubid sa
Mga
Kwento), sa gayon, ang iyong regalo ay mas makabuluhan. |
.
.
..
| Ang
salitang "komunidad" ay ginamit sa maraming konteksto. |
. |
Sa
mga biyolohiko, ang komunidad ay nangangahulugan ng ilang indibidwal sa
isang ¨species¨ o ilang magkakaibang ¨species¨, nabubuhay, nagtutunggalian,
nakikiisa, upang magkaroon ng mas malaking kabuuan. |
..
| Magmula
ng dumating ang ¨internet¨ at teknolohikang pang-impormasyon (information
technology), maraming koleksyon ng mga tao, minsan ay may parehong interes,
ay lumaki, ng walang hiyograpikal ng limitasyon, at nag-uusap gamit ang
pamamaraang elektroniko. |
. |
Ang
pokus sa lugar na ito sa mga serye ng pagsasanay, ay ang mas tradisyonal
na kahulugan ng komunidad. Isang komunidad ng mga tao, na may hiyograpikal
na limitasyon (maliban na lamang sa mga komunidad na nomadik (nomadic),
may relasyon, halimbawa sa mga komunidad mula sa mga subdibisyon sa mga
syudad hanggang sa mga baryo sa probinsya o nayon. Tignan Matatahanan. |
..
| Ang
komunidad ay hindi lamang isang koleksyon o grupo ng mga tao. Ito ay isang
marilag na organismo na pagmamay-ari at bahagi ng kultura,
binubuo ng mga interaksyon o relasyon ng mga tao, lahat ng bagay na maaaring
malaman. Ito ay may anim na nasasakupan o dimensyon: teknolohiya, ekonomiya,
kapangyarihang politikal, mga modelo ng pakikisalamuha, magkatulad na paniniwala,
ideya at mga pinapahalagahan. Ito ay hindi ipinapasa sa biyolohikal na
pamamaraan, ito ay natututunan. |
... |
Gaya
ng isang halaman o iba pang uri ng buhay na higit pa sa mga maliliit na
molekyul na bumubuo dito, ang mga miyembro ay maaaring dumating at umalis
sa lagos ng buhay, kamatayan at migrasyon. At patuloy pa rin itong mabubuhay
at lalaki. Ito ay hindi homogenus, may mariming paksyon, dibisyon, kompetisyon
at mga sigalot. Ang isang komunidad ay isang kabuuan na higit pa sa kabuuan
ng mga parte nito. Ano ang komunidad." |
...
.
..
...
| Kapag
ang isang ahensyang nagbibigay ng tulong o ang isang organisasyong nagbibigay
ng donasyon ay kumokunsulta sa mga lider ng komunidad o mga kinatawan ,
kadalasan nilang tinatanong ang komunidad kung gusto nila ng proyekto.
Ang sagot dito ay madalas na "Oo." Ang ahensya ngayon ay maaari ng
mag-ulat sa ¨board¨ o mga tagabigay na may partisipasyon ng komunidad.
Ito ay isang kamalian. |
. |
Ang
naganap ay konsultasyon, ngunit ito ay hindi tunay na pakikilahok ng komunidad
sa pagpapasya, pagpili at pagpaplano ng proyekto mula sa mga prayoridad
ng komunidad. (ito ay kabaiba sa mga prayoridad ng ahensy). |
.
...
...
| Ang
ibang tao ay nalilito sa partisipasyon at kontribusyon. Maraming tao na
kapag naririnig ang mga salitang partisipasyon ng komunidad.
ay
inaakala na ang ibig sabihin nito ay kontribusyon ng komunidad.Iniisip
lang nila ang pagtulong sa paggawa ng trabaho na ibibigay ng mga miyembro
ng komunidad. |
.... |
Sa
sinamang palad, marami ng mga kaso noon pa kung saan ang mga miyembro ng
komunidad ay tinatrato na mga alipin at pinipilit na magtrabaho. (o
iba pang bagay, gaya ng lupa, pagkain). Ang pamamaraan na itinataguyod
sa handbuk na ito ay ang kabaligtaran. Ang pakikilahok dito ay nangangahulugan
ng pakikilahok sa pagpapasya, hindi lamang ng pagbibigay ng mga yaman o
kagamitan. Tignan kontribusyon ng komunidad. |
.
...
| Kontribusyon
ng Komunidad: |
...
| Sinasabi
namin na ang pakikilahok ng komunidad ay iba sa kontribusyon ng komunidad
(marami
ang nag-aakala na ito ay pareho), subalit pareho silang kinakailangan. |
. |
Habang
ang pakikilahok ng komunidad ay nangagahulugan ng pagpapasya na ginagawang
base sa komunidad o nakasentro sa komunidad ang isang gawain, ang kontribusyon
ng komunidad naman ay kinakailangan upang siguruhin na ang mga miyembro
ng komunidad ay mararamdaman na kanila ang proyekto, halimbawa na sila
ay may naibahagi, hindi lamang nakatanggap nito. |
.
| Nirerekomenda
namin na dapat halos singkwenta porsyento ng mga kontribusyon ng ano mang
proyektong pangkomunidad na ating sinusuportahan ay dapat manggaling mismo
sa komunidad. Sa simula ito ay minsan tinitignan ng may balisa at desolasyon
ng karamihan sa mga miyenbro ng komunidad. Kung gayon, kailangan nating
idiin na ang ipagkakaloob ng trabaho ay dapat makatarungan, at kung gagawin
ito, sila ay masosorpresa sa kung gaano karami ang halaga na maidadagdag
nito sa kontribusyon sa komunidad. |
. |
Nais
nating idiin dito na ang oras na ginugugol ng mga miyembro ng komunidad,
lalo na iyong mga nakaupo sa komite ng mga eksekyutib, nagpapasya at nagpaplano
ng proyekto, ay mga donasyon na eksekyutib at mga kakayahan sa pamamahala,
oras at trabaho. Ang donasyong trabaho ay dapat makatwirang bigyang ng
halaga o presyo. Higit sa lahat, nais nating ipunto na mula sa halagang
ito ng mga donasyon ng lupa o buhangin, na kadalasan ay hindi pinahahalagahan,
ay dapat kilalanin, ng may makatwirang estimasyon ng presyo, bilang mga
kontribusyon ng komunidad. |
.
.
...
| Isa
sa mga mahalagang karunungan na dapat matutunan ay kapag nakakita tayo
ng kamalian, ang pamumuna o pagkikritiko nito ay hindi makakatama, o hindi
nito maitatama ang suliranin. Sa halip, ito ay minsan nakapagpapalala sa
suliranin. |
. |
Bakit?
Dahil ang mga tao ay nakakaramdam ng pagbabanta o sila ay sinasalakay kapang
mayroong pumupuna sa kanila. Ang pamumuna ay nakakababa ng tiwala at tingin
sa sarili. Tayo ay nagiging ¨depensive o defensive¨ kapag napupuna, at
sa halip na itama ang mali, ay ipinangtatanggol pa natin ito. |
...
| Kapag
tayo ay nagpapakilos ng komunidad, nagkoko-ordina ng mga boluntaryo, o
namamahala ng mga manggagawa, tayo ay dapat matutong asahan na sila ay
maaaring magkamali at dapat tayong maging handa sa lutasin ang mga pagkakamali
sa pamamaraan na makakamit ang mga layunin. |
.... |
Ang
pagpapakita ng galit, pagpupuna sa taong nakagawa ng kamalian, ay maaaring
may makatulong sa pagpapalamig, ngunit tayo ay nagbabayad ng malaki sa
pagkuha ng personal kaibsan ng ating nararamdaman. Tignan ang mga importanteng
salita: Kamalian, Galit,
at Sandwich, at humanap ng
paraan na mawasto ang mga pagkakamali ng hindi nagbibigay ng negatibong
kritisismo. |
...
..
.
..
| Higit
pa sa mga awitin at mga sayaw, ang kultura, sa Araling Panlipunan, ay nangangahulugan
ng kabuuan ng mga sistemang panlipunan, ang kalahatan ng mga natutunang
kaugalian at kagawian, na binubuo ng mga sosyo-kultural na sistema na bahagi
ng anim na dimensyon: teknolohikal,
ekonomiks,
politikal,
interaktibo,
ideyolohikal
at pangmundong pananaw. |
. |
Ang
pangunahing yunit ng kultura ay ang ¨simbolo¨. Ang kultura ay hindi genetik;
ito ay naipapasa sa pamamagitan ng pagsasalin o pagpapabatid ngmga simbolo.
Minsan ito ay tinatawag na ¨superorganik,"
dahil ito ay binubuo ng mga sistemang higit ba sa mga bayolohikal na bagay,
mga tao, na bumubuo at nagdadala ng kultura. |
...
...
..
..
.
|
(Deutch:
animator,
English:
animator,
mobilizer,
activist,
Español:
activista,
Filipino/Tagalog: Pagbibigay-Buhay,
Français: mobilisateur,
animateur,
Italiano:
animatore,
Kiswahili:
ramsisha.
Português:
animador,
Romãnã: animator)
|
.
| Organisasyong
Batay sa Komunidad (OBK) |
...
| Ang
OBK (Organisasyong Batay sa Komunidad) na itinatag at nilinang sa loob
ng komunidad, kung saan ang pagpapasya (pamamahala at pagpaplano) ay nanggaling
sa komunidad. |
. |
Ang
isang ahensya na itinatag sa labas, at ang mga pasya ay ginagawa para sa
kanila mula sa labas, ay maaaring matatagpuan sa komunidad, ngunit ito
ay hindi batay sa komunidad. Tignan ang Akronim: CBO
o OBK. |
...
..
...
| Ang
salitang "pagbabawas" ay nangangahulugan ng pagpapaliit sa
isang bagay. Tignan Mga Prinsipyo
ng Pagsasakapangyarihan ng Komunidad. |
. |
Kabaligtaran
ng “pagpapawi” kung saan pansamantalang ginagamot ang
mga sintomas ng kahirapan,ng
pagbabawas ay nakikita bilang tamang daan sa pagpupuksa o pag-aalis. |
...
..
..
| Minsan
ay tinatawag ding pagbibigay-buhay sosyal o panlipunan, Mula sa salitang
Latin anima (buhay, kaluluwa, apoy, otomatic na galaw). Pagpapasigla or
pagpapakilos sa komunidad para mapagalaw ang sarili, para ito ay mabuhay,
para ito luminang o umunlad. |
...... |
Minsan
ay ginagamit bilang kapalit ng pagpapakilos. Ang pagbibigay-buhay ay nangangahulugan
ng pakiisa at pagpapakilos ng komunidad para magawa ang (bilang nagkakaisa)
nais nitong gawin. |
..
| Sa
Pagsasanay para sa Pamamahala ng Komunidad ay ginagamit ang pagbibigay-buhay
bilang isa sa mga pamamaraan ng pagsasanay upang madagdagan ang kapasidad
o kakayahan ng komunidad, |
. |
Sa
Pagsasanay sa Pamamahala ng Komunidad ginagamit ang pagbibigay-buhay panlipunan,
gamit ang mga pamamaraan ng pagsasanay sa pamamahala para madagdagan ang
kapasidad o kakayahan ng komunidad, o ng mga organisasyong pangkomunidad,
para magdesisyon, magplano, at mamahala ng sarili nitong kalinangan o pag-unlad.
Sinasanay nito ang mga miyembro ng komunidad at mga lider sa mga pamamaraan
ng pamamahala na kinakailangan para magkaroon ng kontrol ang komunidad
sa sarili nitong kalinangan o pag-unlad |
.
.
| Pagbibigay-Buhay
Panlipunan: |
...
| Ang
pagbibigay-buhay panlipunan ay nangangahulugan ng pagbibigay buhay (¨anima¨)
sa mga institusyon ng lipunan gaya ng komunidad. |
. |
Kadalasang
tinatawag ng ¨pagbibigay-buhay¨ (hindi dapat ilito sa paggawa ng mga
¨cartoons¨ para sa pelikula o telebisyon). Tignan Pagbibigay-Buhay. |
..
.
...
| Ang
pagdiriwang ay isang masayang pagkilala sa isang kaganapan o pangyayari,
kadalasan ito ay bumabago sa estado ng isang tao o bagay. Ang pagdiriwang
ay isang pagtitipon. |
. |
Para
sa tagapagpakilos, ang pagdiriwang para sa pagkompleto sa isang proyektong
pangkomunidad ay isang mahalagang elemento ng pagsasakapangyarihan ng komunidad,
kung saan ang komunidad ay kinikilala sa matagumpay na pakikilahok sa pagtulong
sa sarili. |
.
....
.
...
| Sa
lahat ng pamamaraan ng pag-aaral (pagbabasa, pakikinig, panonood), ang
pinaka-epektibo ay ang ¨paggawa¨. Tignan Pamamaraan
ng Pagsasanay. |
. |
Sa
pag-aaral hango sa paggawa ay maaaring isama ang tuwirang paggawa ng gawain
sa labas sa ilalim ng pagsusubaybay ng tagapagsanay, o ang di-tuwirang
paggawa gaya ng pakikilahok sa sesyon ng pagganap ng karakter o larong
pagkunwa. |
...
.
...
..
...
...
...
| (Deutsch:
Empowerment,
die
stärkung, Stärken,
English:
capacity
development, empowerment,
power, strengthening,
Español: potenciación,
Filipino/Tagalog: pagpapalakas,
Français:
empowerment,
हिन्दी (Hindi): षमता विकास अधिकारिकरण,
Italiano: empowerment,
Kiswahili:kujengea
uwezo, Português: desenvolvimento
de capacidade, fortalecendo,
Romãnã:
dezvoltarea
capacitatii,
intarire,
Pyccкий: Рaзвития,
Somali:
xoojinta) |
.
...
| Ang
salitang “pagpapawi,” ay nangangahulugan ng pansamantalang
pag-aalis sa sakit at hirap. Ang pagbibigay ng pera sa mahihirap
ay hindi pumupukaw sa kahirapan. |
. |
Bilang
tagapagpakilos ikaw ay tumututok sa paglaban sa mga dahilan hindi sa mga
sintomas ng kahirapan, dapat nating iwasan ang pamamaraan na ito
(ang simpleng pagpapawi sa pamamagitan ng pagsasalin ng pera). |
...
.
...
| Bilang
tagapagpakilos, tayo ay gumagawa patungo sa pag-aalis o paglipol sa mga
suliraning panlipunan ng kahirapan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga dahilan,
at pagkilos upang ang mga ito ay labanan at alisin. Dahil ang kahirapan
ay isang suliraning panlipunan, ang solusyon sa problemang ito ay
panlipunan din. |
. |
Dalawang
komplementaryong paraan ng pagsugpo sa kahirapan (komunal at pribado) ay
matatagpuan sa dalawang komplementaryong modulo dito ( Ang
Siklo ng Pagpapakilos ng Komunidad), at Balak
o Plano para sa Paggawa ng Pagkakakitaan. |
.
...
| Pagsasakapangyarihan
ng Komunidad: |
...
|
Upang dagdagan
ang kakayahan ng komunidad ay dapat dagdagan ang abilidad nito na gumawa
ng mga bagay para sa sarili nito.
|
.
|
Ito ay higit pa
sa pagdadagdag ng mga serbisyong pangkomunidad o mga pasilidad gaya ng
mga daan, sanitasyon, tubig, at edukasyon at kalingang pangkalusugan.
|
.
| Ang
ibig sabihin nito ay karagdagang kakayahan at lakas. Ito rin ay nangangahulugan
ng mas maraming kakayahan, tiwala, at mga epektibong organisasyon. Ito
ay hindi nakukuha ng dahil lamang sa kawang-gawa o mga donasyon ng yaman
o kagamitan mula sa labas. Ito ay maaaring ipasilita sa pamamagitan ng
mga aksyon gaya ng mga proyektong pangkomunidad, ngunit ito ay kung ang
lahat ng mga miyembro ng komunidad ay makikilahok mula sa simula, upang
magpasya ukol sa aksyong pangkomunidad, upang tukuyin ang mga yaman o kagamitan
sa loob ng komunidad, at upang linangin ang pag-ako ng pagmamay-ari at
responsibilidad ng mga pasilidad na pangkomunidad mula sa umpisa hanggang
sa katapusan. |
. |
Habang
ang demokratisasyon ay maaaring matulungan ng gobyerno sa pagpapasa ng
ilang kapangyarihang gumawa ng batas sa komunidad, ang kakayahan upang
gamitin ang mga legal na pagpapasya ay nakadepende sa pagiging praktikal
ng kakayahan, halimbawa ang kakayang magpasya ukol sa sarili nitong kaunlaran,
upang tukuyin ang sarili nitong kinabukasan. Kapangyarihan, lakas, kakayahan,
abilidad, pagsasakapangyarihan. |
.
..
| Pagsasanay
as Pamamahala ng Komunidad: |
...
| Ang
pagsasanay sa pamamahala ng komunidad
ay tumututok sa pagbabawas ng kahirapan, ang pagpapalakas sa mga komunidad
na mababa ang kita sa pagpaplano at pamamahala ng mga pasilidad na pangpamayanan
at mga serbisyo, ng pagtatayo, operasyon at pagmementena ng mga ito. Ito
ay pagsasakay para sa aksyon, hindi lamang para sa pagsasalin ng kakayahan
o para magbigay ng mga impormasyon sa mga tao. |
. |
Ang
pagsasanay, bilang isang paraan ng pagpapalakas sa mga komunidad na mababa
ang kita, para mabawas ang kahirapan, para itaguyod ang pakikilahok na
pangkomunidad, para sa praktikal na suporta para sa demokratisasyon at
desentralisasyon, ay malayo sa pagsasalin lamang ng mga impormasyon at
kakayahan sa mga nagsasanay. Kasama din dito ang pagpapakilos
at pagtatatag. Ito ay hindi
tradisyonal na pagsasanay. |
.
|
Ang
ganitong uri ng pormalisasyon at institusyonalisasyon ng pagsassanay ay
naghahatid ng panganib ng paghihina ng pagsasanay, ng pagbibigay diin sa
pagsasalin ng kakayahan sa halip na palakasin ang loob, pagpapakilos at
pagtatatag ng mga aspeto ng pagsasanay.
|
...
| Pagsasanay
sa Pamamahala ito ay nilinang para sa pagpapalakas ng epektibong paglikom
ng kita ng mga matataas na tagapamahala korporasyon. |
...... |
Ito
ay iniba dito, at isinama sa mga pamamaraan ng pagtatatag ng mga unyong
pangkalakalan, para sa layunin ng pagpapakilos at pagpapalakas ng kakayahan
ng mga kominidad ng mababa ang kita upang sila ay magsama-sama na tulungan
ang sarili, para sa pagbabagong kaunlarang panlipunan. |
.
..
..
|
Ang pagsasawalang
bahala ay isa sa mga limang pangunahing salik
ng kahirapan at pagtangkilik.
|
..
| Minsan
ito ay may relasyon sa pilosopiya ng ¨BAHALA NA¨. "Magdasal sa Diyos,
pero dapat magsagwan patungo sa dalampasigan," isang kasabihang
Ruso
(Russian), ipinapakita nito na tayo ay nasa kamay ng Diyos, subalit
mayroon din tayong responsibilidad na tulungan ang ating sarili. |
.. |
Tayo
ay nilikha ng may maraming kakayahan: para pumili, para makiisa, para magtatag
upang mapabuti ang kalidad ng ating buhay; hindi dapat gamiting rason (reason)
ang Diyos o si Allah sa hindi natin pagkilos. |
.
.
| Pagtangkilik
(Dependency Syndrome): |
..
| Ang
pagtatangkilik ay isang ugali o paniniwala na ang isang grupo ay walang
kakayahang lutasin ang kanilang mga suliranin ng hindi naghihingi ng tulong
sa iba. |
. |
Ito
ay isang kahinaan na pinalalala ng kawangkagawa.Tignan: Ang
Pagtangkilik. |
.
......
| Pagtatayo
ng Kakayaan; Paglilinang ng Kakayahan: |
...
...
| Ang
pagkakaiba ng paglilinang ng kakayahan at ng pagtatayo ng kakayahan ay
makikita sa kung saan nanggagaling ang lakas ng paglago o pag-unlad. |
.
|
Ang
terminong "pagtatayo ng kakayahan" ay nagpapakita na ilang mga ahensya
sa labas ng komunidad o organisasyon ang nagbibigay ng lakas upang madagdagan
ang kakayahan. |
....
| Ito
ay nababatiran ng konsepto ng "pag-iihinyerong
sosyolohikal." |
.
|
Ang
terminong "paglilinang ng kakayahan," naman ay nagpapakita na ang lakas
para sa pag-unlad ay nasa loob ng komunidad o organisasyon. |
....
.
|
(Deutsch:
leistungsaufbau;
leistungsentwicklung,
English:
capacity
development, Español:
desarrollo
de la capacidad, Filipino/Tagalog; paglilinang
ng kakayahan, Français: renforcement
des capacités, développement
des capacités, bâtiment
de capacité, développement
de capacité, fortifier
de la communauté, हिन्दी (Hindi): षमता विकास,
अधिकारिकरण,
Kiswahili:
kujengea
uwezo,
Português: desenvolvimento
de capacidade, Romãnã: dezvoltarea
capacitatii, Somali: awoodsiinta)
|
.
| Pakikilahok
ng Komunidad: |
..
| Ang
pakikilahok ng komunidad ay higit pa sa kontribusyon na trabaho o mga kagamitan;
ito ay pakikilahok sa pagpapasya, na pumili ng proyektonbg pangkomunidad,
planuhin ito, isagawa ito, pamahalaan, subaybayin, at kontrolin ito. Ang
pakikilahok ng komunidad ay iba sa kontribusyon ng komunidad. |
. |
Pagbibigay-Buhay
Panlipunan itinataguyod ang mga gawain ng tinututukang komunidad, kung
saan nakikita ang komunidad na umaako ng responsibilidad sa sarili nitong
kaunlaran, mula sa pagpapasya kung ano ang mga proyekto na gagawin, at
paghihikayat para mapakilos ang mga yaman o kagailangan at pagtatatag ng
mga gawain. |
.
|
Ang pagtataguyod
sa pakikilahok ng komunidad ay tumututok at sinisiguro na ang mga pasya
na nakakaapekto sa komunidad ay gagawin ng lahat (hindi lamang ng iilan)
ng miyembro ng komunidad (hindi ng mga ahensya sa labas).
|
.
| Sa
pamamaraang ito, ang kontribusyon ng komunidad ay hinihikayat, dahil ito
ay nakakatulong sa komunidad upang ito ay maging mas responsable sa mga
gawain kung sila ay magbibigay ng mga kailangan sa paggawa nito. Hinihikayat
din natin ang gobyerno, at ang mga nagbibigay ng donasyon na idulong ang
mga gawain sa komunidad; ito ang tinatawag na konsultasyon sa komunidad. |
. |
Angpakikilahok
ng komunidad dito ay dapat hindi ginagamit bilang katumbas ng kontribusyon
ng komunidad o konsultasyon sa komunidad. (gaya ng kadalasang nagagawa
ng mga ahensyang tumutulong); Ang pakikilahok dito ay nangangahukugan ng
pakikilahok sa pagpapasya, sa pagkontro at sa koordinasyon. |
.
.
...
|
parapakilusin
ay para magdulot ng aksyon
sa loob ng isang grupo o komunidad.
|
.
| Stimulasyon.
Hindi kagaya ng pagtatag, dahil
may aksyon na dapat mangyari (ang mga tao ay kumikilos, gumagalaw) before
it can be called mobilization. |
. |
bago
ito masasabing pagpapakilos o mobilisasyon. Kagaya ng pagbibigay-
buhay sosyal o panlipunan, maliban sa ang pagbibigay-buhay ay nangangailangan
ng pagpapakilos at pagtatatag. Tignan¨Aksyon." |
...
..
.
| Ang
salitang ¨kasarian o pangkasarian¨ ay ginagamit pata kilalanin ang dalawang
kategorya, ¨pangkalalakihan¨ at ¨pangkababaihan¨." |
.
|
Ito
ay hindi dapat ihalintulad o sili kaya'y isipin ang salitang "kasarian"
na ginagamit lamang para kilalanin ang "lalake" and "babae." |
....
| Ang
pangkasarian, at ang mga interpretasyon ng kung ano ang bumubuo sa pangkalalakihan
o pangkababaihan ay di hamak na iba sa kultura at bawat kultura, sa komunidad
at bawat komunidad. |
.
|
Ang
ating binibigyan pansin sa pangkasarian o kasarian ay nakatutok sa kung
paano ang mga pagkakaiba ng kasarian ay nakakaapekto sa distribusyon ng
kapangyarihan, relasyong pang-ekonomiya, at pagkakaiba sa lipunan. |
....
| Ito
ay mga mahahalagang salik na umaapekto sa mga komunidad, at may epekto
sa uri ng trabaho ng bawat tagapagpakilos. |
. |
Ang
tagapagpakilos (bilang parte ng mga kailangang malaman tungkol sa komunidad)
ay dapat naiintindihan kung ano ang mga binibigyang halaga, kaugalian,
at mga konseptualisasyon ang pare-pareho sa mga miyembro ng komunidad. |
...
|
Ang tagapagpakilos
ay dapat ding siguraduhing mabawas ang hindi pantay na politika at pagkakaibang
sa ekonomiya na naghahati sa mga kasarian, bilang mahalagang elemento ng
pagsasakapangyarihan ng komunidad. Tignan ang modulo sa pagsasanay na Pangkasarian
o Kasarian. Tignan din: Edad,
lahi at kasarian.
|
.
. .
| Pangunahing
Kalingang Pangkalusugan (PKP): |
...
| Ang
konsepto ng pangunahing kalingang pangkalusugan, itinataguyo at sinusuportahan
ng WHO, ay mga patakaran at mga kasanayan na pinagsama-sama. Ang mga ito
ay artikular sa mga interes ng mga mahihirap at mga mamamayan na nasa mga
bansang mababa ang kita. |
. |
Kasama
sa mga prinsipyo ng mga patakaran at kasanayang ito ang pagbibigay diin
sa paggastos sa murang pangunahing kalingang pangkalusugan ng mga ordinaryong
sakit, na kadalasan na nakukuha ng populasyon, sa halip na maglagay ng
mga yaman o kagamitan na mahal at sopistikadong (halimbawa ¨high tek¨)
mga kasanayan sa paggagamot na ang mga mayayaman lamang ang maaaring magbenepisyo. |
...
| Kinikilala
din nito na ang pagpigil o pagsansala ay mas mura kaysa pagbibigay ng lunas,
na mas naaagapan ang mortaliti o pagkakamatay (mortality) (dami ng namamatay)
at katamlayan (morbidity) (dami ng nagkakasakit) na nakapagpapahirap sa
ekonomiya. Ito rin ay mas makatao. |
. |
Kinikilala
din nito na ang mga mamamayan ay maaaring sanayan sa mga pangunahing kakayahang
medikal at maaaring mas makaabot sa mga lugar na malalayo. Sila din ay
maaaring magtukoy (refer) sa mga mahihirap na kaso sa mga mas may kasanayan
(mga propesyonal) sa syudad. |
...
|