. .
| Pagtatatag
ng Organisasyong Pang-Kredito o Pautang |
.
.Manwal
ng mga Gawain or Pagsasanay.
.
|
Pagsasalarawan
ng pagtatatag ng linalayong organisasyon
|
...
...
| Ang
organisasyong pang-kredito ay may dalawang pangkat. Ang isang pangkat ay
ang tinatawag na Umbrella Group o na binubuo
ng mula lima hanggang pitong Trust Groups. |
.... |
Ang
kabilang pangkat ay ang tinatawag na Trust Group
na binubuo ng mula lima hanggang pitong katao, kung saan ang pera ng bawat
isa ay maipagkakatiwalaan mo sa lahat ng kapwa kasapi. |
...
|
Walang sinuman ang
maaring maging kasapi ng Umbrella group hangga't siya ay hindi kasapi ng
isa sa mga bumubuong Trust Groups nito.
|
...
| Mga
Tungkulin ng Trust Group |
...
| Ang
bawat Trust Group ay regular na magtitipontipon (tulad ng tradisyonal na
credit rotation group) at mangongolekta ng kontribusyon ng bawat isa. |
. |
Ang
pera ay unang gagamiting pang deposito ng Umbrella Group sa itinalagang
bangko, unyong pang-kredito o sa lisensyadong pinansyal na institusyon. |
...
| Pagkatapos,
ang Umbrella group ang mangungutang sa bangko at ipapamahagi nito ang inutang
halaga sa mga Trust Groups, at ang bawat Trust Group naman ang maghahati
ng kanilang bahagi sa bawat miyembro ng grupo. |
. |
Responsibilidad
ng bawat miyembro ng Trust Group ang kredito ng lahat ng kasapi ng nasabing
grupo at magbabayad ng buo bilang isang grupo ang anumang bahagyang hindi
nabayaran ng sino man sa nasabing grupo. |
...
Pagkatapos ipamahagi
ang pera, ang Trust Group ay tuluyang mangongolekta ng regular na ambag,
para sa
pagbabayad ng inutang
halaga sa banko, na daraan sa pamamagitan ng Umbrella group.
|
...
| Mga
Tungkulin ng Umbrella Group |
...
| Ang
Umbrella Group ay regular na nagmimiting. Ang unang tungkulin nito ay tumayong
ahente o koredor sa sistema ng pautangan. |
. |
Sila
ang magpapasiya kung magkano ang kailangang halagang hihiramin ng bawat
kasapi pagkatapos siyasatin kung anong halagang kayang hiramin at mabayaran
na magagamit nang maayos sa pagpapasimula ng maliit at kumikita na negosyo. |
...
| Sila
ang nakikipagnegosasyon sa bangko para sa interes ng lahat ng kasapi. |
. |
Kapag
nakuha ng ang pautang, ito ay ipapamahagi sa mga Trust Groups. |
...
| Ang
Umbrella Group ang humaharap sa banko at sa mga opisyales nito o sila ang
grupong pumipira para sa interes ng lahat ng mga kasapi ng mga Trust Groups. |
. |
Responsibilidad
ng Umbrella Group ang lahat ng Trust Groups nito at kung sakaling may Trust
group na hindi nakapagbayad, ang buong Umbrella group ang mananagutan sa
pagbayad. |
...
| Ang
panglawang tungkulin ng Umbrella Group ay gumanap bilang panggitna para
sa mga kinakailangang pagsasanay sa pamamahala ng kredito at sa maliliit
na negosyo na iniayos ng tagapamalakad o facilitator sa tulong ng Umbrella
Group. |
. |
Ang
Umbrella Group rin ang pagitan ng mga kasapi ng organisasyong nito at ng
ahensyang donante na magbibigay ng kredito, pamamalakad at organisasyon
at ng pagsasanay. |
...
| Ang
Tagapamalakad o Facilitator |
...
| Ang
tagapamalakad ay maaring isang emplyeado ng ahensya ng gobyerno o ng NGO
o iba pang ahensya na tutulong magayos ng sistema ng pagtulong ng mga miyembro,
magorganisa ng mga sasali, at magsagawa ng mga pagsasanay. |
. |
Ang
Tagapamalakad ay HINDI maaring maging miyembro ng Umbrella Group (bilang
ehekutibo o kahit kasapi ng bumbuong Trust Group) at HINDI rin siya maaring
pumirma (tulad ng mga kasunduan ng pahiraman) para sa mga kasapi ng Umbrella
o Trust Groups. |
...
|
Ang Tagapamalakad
ang paggitna lamang ng ahensyang aambag at ng mga kasapi ng organisasyong
pang-kredito sa pagaayos ng hihiraming halaga, pagorganisa at pagsasanay
ng mga kasapi.
|
...
...
|
Ang kabuuang istrakturang
nito kasama ang mga aktibidades sa pagitan ng Umbrella Group at ng mga
Trust Groups nito ay isang espesyal na uri ng kooperatiba.
|
...
| Kailangan
nito ang isang konstitusyon at pangalan. |
. |
Kailangan
nito ang isang aktibo at gumagalaw na ehekutibo or maliit na sanggunian. |
...
| Ito
ay isang kooperatiba na na walang layuning pamproduksyon o distribusyon,
at hindi rin ito isang pinansyal na insitusyon tulad ng unyong pautangan. |
. |
And
dalawang pangunahing layunin nito ay gumanap bilang isang organisadong
kliyente ng isang lisensyadong banko para sa kapakanan ng mga kasapi nito
at bilang daan sa pagbubuo ng mga miyembro na makikinabang sa mga pagsasanay
sa pamamalakad ng kredito at pagnenegosyo. |
––»«––
......
|