...
|
Pagtatatag
ng Organisasyong Pang-Kredito
|
.
Introduksyon
sa Modulo
...
|
Ang
mga dokumentong nakapaloob dito ay modulo pang...
|
...
|
Ano klaseng
organisasyon ang nararapat i-buo kapag gusto ng komunidad magkaroon ng
kita?
|
...
| Paano
magtayo ng Organisasyong Pang-Kredito para sa Maliliit na Negosyo: |
...
| Ngayon
ay napagsama-sama mo na ang mga miyembro ng komunidad, at nasa proseso
na ng pagkakaisa sa pagoorganisa, at naitanong mo narin kung ano ang gusto
nilang unahing iresolbang problema. |
. |
Maaaring
ayaw na nilang magtayo muli bagong banyo o paaralan o dahil kakatapos lang
nila magtayo nito at gusto nang pumunta sa susunod na isyu. |
...
|
Ang sabi nila, "ang
kahirapan ang pinakamalaking prioridad. Gusto naming sugpuin ito sa pagkakaroon
ng kita."
|
...
| Ayon
sa natutunan natin sa pagpapakilos ng komunidad, hinihikayat ang pagkakaroon
ng desisyon base sa gusto ng komunidad ngunit hindi kailangan tanggapin
agad-agad o ganun-ganun na lamang ang unang suhestiyon. Tignan ang Pagbubunyag
ng Tagong Yaman. |
. |
Ang
iyong pakikihamon at dayalogo ay importanteng tulong sa kanila upang lalong
maging klaro ang kanilang mga layunin at malamang may iba pang mga solusyong
maaring tignan. |
...
| Ang
pagkakaroon ng kita ay isang sektor na puno ng pagkabigo at sakuna. |
. |
Tulad
na lamang ng mga nagmamagandang-loob na charity
na namigay ng mga makinang pantahi sa mga refugee. Napagkakitaan lamang
ang mga ito mula sa pagbenta ng mga makina. |
...
| "Ang
Modulo
sa Prisipiyo"ay nagbibigay paliwanag kung bakit ang pagreregalo at
gawad
ay hindi epektibo at kung bakit ang kombinasyon ng kredito (pautang) at
iba't ibang interes, at pagsasanay sa pamamahala ng kredito at negosyo
ang pinakaepektibong pakikitungo. |
. |
Hindi
mo ididikta kung paano nila aatakihin ang problema ng kahirapan
ngunit balutan sila ng kaalaman ng mga prinsipiyo sa pagkakaroon ng kita
at pagpapalago
ng yaman (hindi lamang ang pagpasa-pasa ng pera) at kung paano itong
matagumpay na maorganisa. |
...
| Ang
resulta ng co-op o mga kooperatiba sa kasaysayan ang magkahalong tagumpay
at kabiguan. |
. |
Ang
mga koopertibang pam-produksyon kung saan nagsama-sama ang mga miyembro
para ipagsama ang produksyon tulad ng pabrika o bukid ay madalas hindi
mashadong nagtatagumpay. |
...
| Kadalasang
may problema sa pamamahala at episyensya ang mga pamproduksyong kooperatiba. |
. |
Mas
nagiging matagumpay ang mga pribadong negosyong pamproduksyon. |
...
| Mas
matagumpay din ang mga kooperatibang pangdistribusyon, tulad ng asosasyon
ng mga manggagatas o mga unyon ng magsasaka. |
. |
Mas
naging matagumpay din ang mga unyon sa kredito at minsan pang kayang makipagkompitensya
sa mga banko (kung limitado lamang ang pakikialam ng mga miyembro sa pamamahala). |
...
| Base
sa mga obserbasyon dito, ituro mo sa iyong organisasyon na magtayo ng kooperatiba
o katulad nito at kumuha ng malaki-laking pautang sa bangko, paghatian
ito sa mga miyembro, at gagamitin ng bawat miyembro sa kani-kanilang produktibong
paraan, pagkatapos makatanggap ng pagsasanay sa pinansiyal at pamamahala. |
. |
Ang
kombinasyon ng pribado (produksyon) at kooperatibang (kredito) aktibidades
sa organisasyon, kasama ang pagsasanay ng mga miyembro ay ang may pinakamataas
na probabilidad na magtagumapay sa iba't ibang pamamaraan ng pagkakaroon
ng kita. |
...
Ano
ang tagumpay?
.
Totoong
pagkakaroon ng kita o yaman, hindi lamang sa pagpapasahan ng pera;
.
Ang
mga utang ay buo nang nabayaran at naisara;
.
Ang
mga benepisyaryo ay kaya nang magsarili at tumayo sa sariling paa;
.
Paglikha
ng yaman na nakakadagdag sa kabuuang halaga ng ekonomiya at trabaho; at
.
Nagiging
bahagi na sila ng pangkalahatang kalakaran;
.
. . (hindi na umaasa at nakasalalay sa mga kreditong hindi kayang
sustinihin). |
...
| Kung
naiintindihan ng mga tao ang mga prinsipiyo at ang stratehiya sa pagbabawas
ng kahirapan, ang iyong trabaho bilang tagapagpakilos ay pagalawin at hikayatin
silang magorganisa ayon sa nakasaad na proseso dito. |
. |
Ang
proseso o programa ay nakalarawan sa dokumento ng mga
Proseso at kung anong uri ng organisasyon ang iyong tatayuin at kung
paano ito gagawin ang paksa nitong modulo. |
...
...
...
| Ang
Pagpapakilos
ng Kinita ay dokumentong naglalaman ng mga simpleng katangian ng pagiipon,
at paghihikayat ng iyong grupo magipon para sa pagtatatag ng kredito. |
. |
Ang
Mga
Forms ay dokumentong naglalaman ng mga sample forms na maaring gamitin
hango sa inyong pangangailangan. |
...
|
Sa kabuuan, ang mga
dokumento sa modulong ito ay tutulong sa tagapagpakilos at mga kasapi nito
maitanaw, maitayo, maorganisa, at mapatakbo ang orgnisasyong pang-kredito
para makapagpatayo at palaguin ang maliliit at pribadong mga negosyo.
|
––»
«––
|