... .
.
.Sangguniang
Dokumento.
.
..
...
| Sa
"Handbook
for Generation of Wealth" o "Manwal sa Pagkakaroon ng Yaman" nakita
natin ang yaman ay maaring magamit, matago (maipon) o gawing puhunan.
Sa paglika o pagkakaroon ng yaman, ang susi ay pagkakaroon ng paraan kung
paano gawin ang "ipon" maging "puhunan." |
. |
Itong
dokumento ay nagpapakita ng katangian ng ipon, at ikaw, bilang tagapagpakilos,
ay pano hihikayatin at gabayin ang mga miyembro ng iyong grupo (benepisyaryo). |
...
| "Ipon"
ay
pera o pisikal na produkto na naisantabi na maaring gamitin kinabukasan.
Ang mga tao sa rural at iba pang mababang-kitang komunidad, kahit mahirap,
ay kayang makaipon mabigyan lamang ng sapat ng gabay at paghihikayat. |
. |
Sa
mga rural na komunidad, ang ipon ay nakaklap mula sa tradisyonal na credit
rotation group, o pagbili ng mga hayop pambukid (kambing, biik, manok,
o kalabaw).. |
...
| Bawat
maliliit na negosyo ay nangangailangan ng paggamit ng kapital o pondo,
na maaring sariling pera ng may-ari, o inutang. Kapag ang pautang ang ginamit,
ibang tao ay nagipon para sa perang iyon. |
. |
Ang
mga layunin ng maliliit na negosyo, tulad ng kahit anong negosyo, ay gawing
puhunan ang ipon (sariling ipon man o ipon ng iba) para lumikha o magkaroon
ng yaman. |
....
..
...
Ang
mga tao ay may iba't ibang rason sa pagiipon (pang-ekonomiya, panlipunan,
politikal, kultural)..
Ang
kakayanan ng taong makaipon ay depende sa:
-
Kinikita;
-
Ugali
sa paggastos;
-
Panlipunan
at kultural na obligasyon;
-
Personal
na ambisyon; at
-
Kondisyon
ng kinatatayuan.
|
...
Ang
mga tao ay mas magiipon sa mga sumusunod na rason:
-
gustong
magsimula ng maliit na negosyo o palakihin ang kasalukuyang negosyo;
-
matugunan
ang kalusugan, edukasyon (matrikula) ng lumalaking pamilya;
at
pabahay (makatayo ng sariling bahay);
-
para
makabili ng bagong kasangkapan;
-
para
makaipon para sa pagtanda;
-
para
makaipon para sa di inaasahang pangyayari (tulad ng tagtuyo kung saan nasisira
ang ani);
-
para
makabili ng pisikal na aset tulad ng lupa; at
-
para
makabuo ng relasyon kasama ang mga institusyong nagpapautang para sa pagkuha
ng kredito.
|
.
..
| Ang
Katangian ng Pag-iipon: |
...
Sa
komunidad na mababang kinikita, ang abilidad na magkapagipon
ay
karaniwang mas mababa at ito ay maaring pera o ari-arian.
|
. |
Ang
pagiipon ng pera ay mura
at
mas mabilis.
|
...
Pagiipon
ng ari-arian o kagamitan (pagtago ng mga bagay-bagay sa kaban):
-
mga
butil (mais, abas, mani, sesame);
-
hayop
pambukid (kalabaw, kambing, tupa, manok);; at
-
prinosesong
pagkain (arina, tinapang isda, tinapang karne).
|
...
..
...
| Sa
mga komunidad na mababa ang kinikita, karaniwang nagtatago ng pera o ari-arian
ang mga tao sa sekretong lugar. Tulad ng sa bubungan, kaldero, dingding,
sa ilalim ng bahay o ng kama. Ang ipon ay hingi magiging puhunan kapag
ito ay nakatago sa ilalim ng kama. |
. |
Bilang
tagapagpakilos, kailangang mong hikayating magipon bilang isang grupong
nagpapakiikot ng kredito (ang grupo ay dapat may bagong methodolihiya,
hindi mga tradisyonal na pamamaraan, para makatulong sa paglikha at paglilinang
ng mga gawain ng maliliit na negosyo at makapaglikha ng yaman at mapuksa
ang kahirapan). |
...
..
...
| Kahit
gaano kahirap ang tao, siya ay mapipilit at mahihikayat na magipon habang
ang kanyang kinikita ay tumataas dahil sa mga rason na naitala sa itaas. |
. |
Ang
mga miyembro ay dapat magipon nang regular(linggo-linggo, buwan-buwan,
sa takdang araw) kasama ng buong grupo. |
...
Ang
ipon ng grupo ay epektibong mamomobilisa sa sumusunod na simpleng pamamaraan:
-
Kailangang
alamin kung magkano ang iipunin ng bawat miyembro;
-
Kailangang
magtakda ng isang araw kung kailan kokolektahin ang nasabing halaga para
siguradong may regular na ipon;
-
Ang
bawat miyembro ay dapat mabigyan ng pangtala o savings book kung saan maitatala
ang halaga ng naipon na isusulat ng opisyales ng grupo;
-
Dapat
magbukas ng account sa banko kung saan ang koleksyon ay maaring ma-deposit;
-
Ang
grupo ay dapat may pangkalahatang talaan kung saan nakarehistro ang bawat
ambag ng miyembro bago ipadala sa banko. Dapat pareho ang impormasyong
nakarehistro sa talaan ng grupo at sa indibidual na talaan ng miyembro;
-
Ang
mga ipon na kinokolekta ay dapat gawin sa mga miting para siguradong nabibilang
nang maayos at nakikita nang lahat; at
-
Ang
buong halagang nakolekta sa miting ay dapat i-anunsyo sa lahat at maitala
sa minutes at tyaka pa lamang ipapasa sa ingat-yaman para i-deposito sa
banko.
|
––»«––
|