... .
|
Proyekto
sa Pagpapatayo ng Maliliit na Negosyo
|
.
.Sangguniang
Dokumento.
...
| Ang
batayan nitong proyekto ay sa nakasanayang tradisyonal na credit rotation
group o pagpapaikot ng kredito sa maliit na grupo, kung saan ang isang
maliit na grupo ay regular na mangongolekta ng maliit na halaga mula mga
miyembro nito at ipapamahagi ang koleksyong iyon sa piling miyembro ng
grupo sa bawat pagkakataon. |
. |
Imbis
na diretsong ibigay ang pera sa isang kalahok, sa proyektong ito, ang nakolektang
pera ay ipapasok sa banko sa tulong ng bagong piramidong sistema ng maliliit
na trust groups at isang umbrella group. |
...
| Ang
tagapagpakilos ay makikikonsulta kasama ang grupo ng kababaihan, magbibigay
ng pagsasanay pinansiyal at pamamalakad sa umbrella group, kung saan sila
ang magbubuo ng trust groups. |
. |
Para
hindi lamang maging miyembro ng tradisyonal na co-op ang mga miyembro,
ang bawat miyembro ng trust group ay magtratrabahong magisa (o kasama ng
kaniyang pamilya) para makagawa ng produktong ibebenta o iba pang aktibidades
na mapagkakakitaan. |
...
| Ang
bawat miyembro ay regular na magbibigay ng maliit na halaga, at ang trust
group ang bahalang magpapasa sa umbrella group ng koleksyon. |
. |
Ang
pera ngayon ay i-dedeposito sa kalapit na banko. Ang banko ngayon, na may
pirmadong kasunduan sa ministeryo o ahensya, ay may nakadepositiong halaga
na pang kapital. |
...
| Ang
grupo ngayon ay kailangan dumaan sa regular na daan at proseso ng banko
sa pagkuha ng pautang (pagkatapos ng paghihikayat, mobilisasyon, at paghihikayat
ng tagapagpakilos), at gagamitin ng banko ang kapital na dineposito
ng ministeryo o ahesya para ipautang sa umbrella group. |
. |
Kung
naipakita ng umbrella group sa banko na karadapat-dapat silang pautangin,
maari na silang umutang mula sa kapital na nakadeposito sa banko (at hindi
sa orihinal na deposito ng ahensya o minstro), sa ganung paraan, libre
pa at maari pang paikutin ang kapital ng ministeryo o ahensya na panggagamitan
sa iba pang target groups. |
...
| Maraming
salamat kay Victoria Abankwa, Nasyonal na Tagaugnay, at kay Adolphine Asimah,
Nasyonal na Direktor, ng Ghana Strengthening Community Management Programme(SCMP),na
gumawa nitong sistema na iniayon mula sa ginagamit nang prinsipiyo at pagsasanay,
na nag-imbita sa akin sa Ghana nuong 1996 sa buwan ng Enero para ipakita
kung paano ito gawin. Phil Bartle. Tignan ang Proyekto
sa Ghana. |
.. |
Ang
proyektong ito ay nakadisensyong ipapatupad ng mga NGO na may layuning
paunsadin ang mga komunidad, o mga ahensyang tulad nito. Kaya ang "ahensya
o ministeryo" ay tuluyang ginagamit dito. Kung nais gamitin ng internasyonal
na NGO ang mga methodolihiya dito, sila ngayon ang ituturing "ahensya o
minstrio". Ang mga gawin ng kahit anong NGO ay hinihikayat na sambuuin
ang mga gawain ng iba pang ministeryo at ng mga gobyerno ng distrito. |
....
..
...
| Tayo'y
nahaharap sa isang hamon: gumawa ng abot-kayang plano para sa pagkakaroon
ng kita at isama ito sa kasalukuyang programang pagpapalakas ng komunidad
na may mababang kinikita. Ang proyekto ay dapat: |
. |
Kayang
sustinihin (magpapatuloy kahit tapos na makatanggap ng tulong mula sa ahensya
o ministeryo); |
...
| Ang
kinikita ng grupo ay dapat galing sa mga produktibong aktibidades ng mga
miyembro, at hindi lamang mula sa perang natatanggap mula sa ahensya o
ministeryo; |
. |
Ang
mga kalahok na may mababang kinikita ay dapat diretsong nakikinabang sa
mga kinikita; |
...
| Dapat
pareho sa prinsipiyo at metodolohiya ng ahensya o ng ministeryo (para patibayin
ang mga komunidad na may mababang kinikita) |
..... |
Dapat
iwasan nitong proyekto ang charity o kawang-gawa (na nakakapanghina)
at
dapat nakakapagpatibay ang disenyo; |
...
| Ang
pagsasanay ay dapat nakakapagpatibay at nakakapagpakilos, at may aksyon;
at |
. |
Dapat
pinili ito ng komunidad. |
...
| Hinarap
kami ng ilang mga pagpipilian: |
. |
Kung
ang klase ng pinansiyal na suporta ay dapat bang kredito o gawad? |
...
| Ang
pagkakaroon ba ng kita (produktibong aktibidades) ay gagawin bilang
grupo tulad ng kooperatiba) o ng indibidual? |
. |
Kung
sino ang magsasagawa ng pangungutang:(a) ang ministeryo, (b) ang proyekto,
(c) ang banko, (d) iba pang plano o proyekto (tulad nung sa Ntandikwa,
Uganda)? |
...
| Sino
ang mangangasiwa ng plano (pagsasanay, pinansiyal na suporta)? |
. |
Ano
ang papel ng ahensya o ministeryo sa "pagsasanay sa mobilisasyon" na kanyang
papel na hinahawakan? at |
...
| Ano
ang hangganan ng bawat pautang (sa grupo, sa sumunod na grupo, sa indibidual)? |
. |
Nakasalarawan
sa ibaba ang aming nagawang plano. |
...
| Ang
proyektong ito ay abot-kayang metodolohiya sa pagbabawas ng kahirapan sa
pagkakaroon ng kita. Ang tagapagpakilos ang taga bigay at taga-angat ng
kamalayan, taga bigay ng mobilisasyon, pinansiyal na abiso, pagsasanay
sa pagoorganisa at pamamahala, paghihikayat, kasanayan, at (hindi tuwiran)
ang unang kapital para sa mga aktibidades na napili ng mga kalahok ng makakapaglikha
ng kita. |
. |
Ang
pautang ay hindi gaano kataasan at kayang bayaran ng mga kalahok pagkatapos
magkarron ng kita mula sa kanilang aktibidades. |
...
| Ang
regular na pagdeposito ng pera ay base sa tradisyonal at nakasanayang paraan
ng mga grupong nagpapaikot ng kredito. |
. |
Ang
mga grupo ay maliit lamang, sa gayon, mabilis mabigyan ng sanksyon ang
sino mang hindi makapagbayad para mapanatili ang ayos sa grupo at mapagpatuloy
ito. |
......
| Sino
ang maaring gumamit nitong metodolohiya? |
...
|
Ang
proyektong ito ay maaring gamitin at ma-iayon sa kani-kanilang pangangalingan
ng kahit anong ahensya.
|
...
| Bakit
gagamit ng Kredito imbes na Gawad? |
......
| Nagpapatuloy
ang debate kung mas maayos nga ba kung kredito ang ibigay imbes na gawad
sa maliliit na grupo ng mga kababaihan para panggamitan nila bilang kapital
sa kanilang gagawing negosyo. Tignan ang Gawad. |
. |
Mas
rinerekomenda ang pagalok ng kredito, sa gayon ang mga tao ay magiging
mas marunong umako ng responsibilidad at pagmamay-ari sa paggamit ng pera
dahil kailangan nilang bayaran ang utang. |
...
|
Ito
ay nakakasiguro ng tumatagal na paglilinang at hindi lamang charity.
|
...
| Ngunit
ang pagkakaroon ng kredito ay nangangailangan ng kakayahan sa administrasyon
at pangangasiwa na hindi maibigay ng ministeryo. |
. |
Habang
mas mabilis para sa ahensya o ministeryo ang pagbibigay ng gawad sa grupo
ng mga kababaihan, hindi ito pang matagalan dahil walang obligasyon ang
mga grupong tatanggap nito na maging responsable at bayaran ang utang. |
...
| Marami
nang naging problema sa pagpapatakbo ng proyekto sa kredito sa iba't ibang
bansa, kung saan ang pera ay hindi nagamit para sa orihinal na layunin,
at hindi nabayaran tulad ng inaasahan, at iba pang problema ukol dito. |
. |
Buong
puso naming nais itong gampanan nang pang matagalan at pagpapalakas ng
komunidad sa pamamagitan ng pagpuksa sa kahirapan; kaya hinihikayat namin
ang pagkakaroon ng kita kung paano naming inilarawan dito. |
.....
..
| Isang
Pagsasalarawan sa Plano: |
...
| Ang
bahaging ito magsasalarawan ng kabuuang operasyon, mga esensyal na elemento
at iba pang detalye tungkol sa mga importanteng bagay. Ang lahat ng ito
ay kinakailangan. |
. |
Ang
buong ito ay isang malaking gumagalaw na sistema; kapag ang isang esensyal
na bahagi ay nawawala o naiba, maapektuhan ang lahat at hindi masisigurado
ang tagumpay. |
...
| Ang
mga sumusunod ay ang mga esensyal na elemento: |
. |
Ang
mga banko ay hindi nagpapautang ng maliliit na halaga, kaya ang sistema
ay dapat nakaayon sa malaking pagpapautang ng banko, tulad sa halagang
mula 750,000/=(US$15,000) hanggang 2,250,000/= ($50,000). |
...
| Ang
inisyal na pagpapautang sa bawat indibidual para sa kanilang produktibong
aktibidades ay dapat nasa paggitan ng 4,500/= ($100) at 22,500/= ($500). |
. |
Ang
piramido, kung saan ang trust groups, mula sa baba ng piramido, ay binubuo
mula 5-7 na indibidual, at ang umbrella group na binubuo mula 5-7 na grupo,
ay may tungkuling kumuha ng malaking pautang mula sa banko, at ipapamahagi
sa mas maliliit na halaga sa mga grupo o indibidual. |
...
| Ang
maliit na grupo na binubuo mula 5-7 na indibidual, ang trust group, ay
binubuo ng kanilang sarili at ng mga taong mapagkakatiwalaan nila ng kanilang
pera; |
. |
Ginagamit
ang konsepto ng tradisyonal na sistema ng pagpapautang, kung saan ang mga
miyembro ay regular na nagaambag ng maliit na halaga, ngunit ito ay gagamiting
kolateral sa banko, at hindi ibibigay sa iisang miyembro ng grupo; |
...
| Ang
grupo ay tatayo bilang ahesyang pangdistribusyon ng kredito, at hindi bilang
isang produktibong organisasyon (tulad ng isang co-op). |
. |
Ang
mga sinasabing produktibong aktibidades ay mas epektibo kung ito ay pinapatakbo
sa indibidaul na lebel (paggawa ng sabon, maliliit na palitan/negosyo),
na tatanggap ng maliit na halaga mula sa grupo. |
...
| (Kapag
ang grupo ay mas malaki, tulad ng co-op, mas mahirap kontrolin o pamahalaan
ito, mas maliit ang probabilidad na magkaroon ng tubo, mas hindi magkakaroon
ng iba't ibang uri ng negosyo, at mas mahihirapang mabayaran ang utang;
at |
. |
Kinakailangan
ang pagsasanay, mobilisasyon, superbisyon ng mga miting ng mga CDO, tagaugnay
ng ahensya ng distrito at mga CDA, lalo na sa paghamon ng mga kalahok sa
pagpili at pagplano ng mga aktibidades na abot-kaya. |
....
..
| Sino
ang gagawa ng gawaing pambanko? |
...
| Pagkatapos
pumirma ng ministeryo o ahensya ng Kasunduan o Memoramdum of Understanding
(MOU) sa paggitan nila at ng banko, ang ahensya ay magdedeposito
ng isang halaga sa banko, magsasanay ng mga kalahok, at tyaka ipapakilala
sila sa banko. |
. |
Ang
ahensya o ministeryo ay tumatayo bilang ahente, tagapagsanay, tagapagpakilos
at taga-organisa (hindi bilang banko o San Nikolas). |
...
| Ang
ministeryo or ahesya ay wala dapat kinalaman sa banko; hindi nila ito gawain;
gawain yun ng banko. Ang pagbibigay ng kontrol sa kanila sa pera ay nakakapagpahina
ng pagiging epektibo nila bilang tagapagpakilos dahil nagkakaroon ng tunggalian
ng interes, nagaaya ng korupsyon, at hindi pagiging episyensya, at linilinlang
ang mga tagapagpakilos sa kanilang mga responsibilidad. |
...
| Ang
Papel ng mga Komersyal na Banko: |
...
| Dahil
walang mandato, kakayanan, o paraan ang ministeryo o ahensyang tumayo bilang
banko, ang pagpapahiram ng kredito sa mga grupo ay gagawin sa pamamagitan
ng kalahok na lokal at komersyal na banko, unyon ng kredito, o banko ng
gobyerno |
. |
Ang
Kasunduuan o Memorandum of Understanding (MOU) sa paggitan ng ministeryo
at ng banko ay nagibibigay ng legal na basehan para bigyan daan ang daloy
ng pondo ng ministeryo o ahensya para magamit bilang kapital sa proyektong
ito. |
...
| Imbes
na diretsong pagbibigay ng pera sa mga target groups ng ahensya or ministeryo
(galing sa IG budget nito), idedeposito nito ang pera sa kalahok na banko
(tulad ng Agricultural Development Bank) na malapit sa kinaroroonan ng
target groups. |
. |
Ang
ahensya ay nagbibigay ng pagsasanay sa mga kalahok sa pamamalakad at pinansyal.
Pagkatapos ay ipapakilala ang grupo sa mga kalahok na banko. Karamihan
sa mga kalahok ay hindi pa nakapasok sa banko, at maaring mailang sa pakikipagtransaksyon
sa sopistikadong institusyon. |
...
| Pagkatapos
ng kanilang pagsasanay, kung saan makakakuha sila ng paghihikayat, kasanayan,
organisasyon at kumpyansa, ang mga grupo ay ipapakilala sa mga banko, at
kailangan nilang sundan ang mga isatandard na proseso sa pagdeposito at
pagkuha ng kredito. |
. |
Ang
mga banko ay pumapayag makilahok dahil ang orihinal na kredito na pinapautang
nila sa mga grupo ay ang perang indineposito ng ahensya o ministeryo. |
...
| Kung
ang grupo ay matagumpay na nakalikha ng kita, nabayad ang utang at nakakamit
ng tiwala sa pagkuha ng kredito, ang grupo ay maari nang kumuha ng kredito
mula sa istandard na kapital ng banko. |
. |
Ang
orihinal na kapital na dineposito ng ahensya o ministeryo ay ngayong magagamit
naman ng ibang target groups. Ang proseso ay tuluyang lumalaki sa mga bagong
grupo kaya ang planong ito ay napapanatili. |
...
| Ang
mga banko ay kadalasang hindi nagpapautang ng maliliit na halaga sa mga
indibidual o maliliit na grupong nangangailangan ng konting kapital. (Mas
kaya nilang kumita ng interes sa mga Bond ng Gobyerno na may mas konting
panganib). Ang mga banko ay nakikipagugnay sa umbrella group, at
kayang makapahiram ng mas malaking halaga kaysa sa pagpapautang sa maliliit
na grupo o indibidual. |
. |
Sa
pagkakaroon ng maliliit na trust groups na bubuo ng mas malaking umbrella
group, at sanayin sila sa paglalakad ng sarili nilang "maliit na pagbabanko"
sa loob ng grupo (ang bawat kalahok ay may kanikanilang passbook na iniprenta
ng ministeryo o ahensya), ang plano ng ahensya o ministeryo ngayon ay makakabuo
ng mas malaking grupo kung saan mas kakailanganin nila at mas makakakuha
ng mas malaking kredito mula sa banko. |
.....
..
| Iba't
ibang halaga ng Pautang at Interes: |
...
| Ang
halaga ng pautang at ng iba't ibang interes na ipapataw, ay importanteng
mausisa upang malaman ang epekto nito sa pagpapatibay ng target groups. |
. |
Ito
ay dapat pagpasiyahan ng propesyonal na naglilinang ng komunidad, base
sa prinsipiyo ng ekonomiya, panlipunan at psikolohiya, at hindi nang politikal
na konsiderasyon o popularidad. |
...
...
| Ang
makukuhang pautang mula sa banko ay higit na mas malaki kaysa sa pautang
na makukuha ng bawat kalahok. Ang layunin ng pagkakaroon ng piramido ng
umbrella group and ilang mga trust groups ay para paghati-hatian ang malaking
pautang. |
. |
Ang
nais ng mga kalahok na makakuha ng tulong para sa pagkakaroon ng kita ay
naipapahiwatig nila sa pagiging aktibo at mobilisa sa mga miting, kung
saan itinutukoy ng mga grupo ng komunidad ang kanilang mga dapat unahin. |
...
| Ang
mga konsultasyon kasama ang mga grupo sa komunidad ay nagpapahiwatig ng
kagustuhang nilang makakuha ng tulong sa pagkakaroon ni kita. |
. |
Sa
una, maaring maging hindi kaabot-abot ang kanilang mga hiling; humingi
ng milyones ng walang tamang kasanayan o malinaw na ideya kung paano magpatakbo
ng negosyo, utang, kredito o puhunan. |
...
| Maaring
isipin ng iba ang perang nataggap mula sa ahensya o ministeryo ay ang "kinitang
pera" at kailangan silang masabihan na ang perang iyon, ay pahiram lamang
(hindi
regalo) kung saan sila mismo ang maghahanap ng kikitain. |
. |
Sa
oras ng mga miting kung saan binibigyan malay sila sa mga nangyayari kasama
ang ahensya at ministeryo, ang mga kalahok ay hinahamong bigyang katwiran
ang kanilang mga plano at halagang hinihingi. Ito ay para mai-ayon ng mabuti
ang kanilang mga hiling na maging abot-kaya. |
...
| Ipapaliwanag
ng mga tagapagpakilos at tagasanay na ang perang ipinahiram ay hindi mismo
ang kita, ngunit pahiram lamang para tulungang ang mga kalahok sa pagkakaroon
nila ng kita. Ang interes na kanilang babayaran ay kabayaran sa sandaliang
paggamit ("paghiram") ng pera. |
. |
Ang
mga kalahok ay tuturan na ang interes ay parang pagbayad ng renta sa paggamit
nung kukunang-yaman, na hindi sa kanila at hindi binigay bilang charity. |
...
...
| Ang
interes na ibiniyad para sa paggamit ng kredito bilang kukunang-yaman,
ay nasa komersyal na halaga. Ang mga kalahok ay may pribilehiyong makakuha
ng kredito at magbayad ng komersyal na rate ng interes bilang gastusin
(tulad ng renta) sa paggamit ng kredito. |
. |
Habang
ginagawa ang proyektong ito, may mga nagtatanong kung bakit kinakailangan
ng mga kababaihang ito (karamihan sa kanila ay mahirap at walang pinagaralan)
magsakripisyo at pagdaanan ang tulad na pamamaraan at magbayad ng parehong
interes sa pagkuha ng pautang tulad ng mga komersyal na aplikante. |
...
Ang
sagot ay may kinalaman sa pagpapanatili ng pamatagalan ang pagkakaroon
ng kita
at
ang pagkuha lamang ng pera ay nakakapaghina sa kakayanan ng tumatanggap.
|
. |
Ang
planong ito ay nagbibigay
kapangyarihan
sa mga kalahok.
|
...
| Kung
ang proyekto sa umpisa ay magpapataw ng mas maliit na interest o subsidized
rates, ang mga kalahok ay masasanay kumuha ng charity o gawad, at hindi
nila masasanay na kumuha ng kredito na may komersyal na interes (lalo't
na pagwala na ang pahiram na pera).. Ito ay nagpapahina sa kanila,
at hindi sila natutulungan. |
. |
Dapat
bigyan pansin na ang ibang mga komersyal na pautang o loan sharks ay humihingi
ng hanggang 350 porsyento bawat taon, kaya ang pautang ng banko ay tutuusing
mura na (ngunit hindi libre). Pagkatapos kilatisin
ang mga prinsipiyo ng pagpapatibay ng komunidad, at ang kaalaman na ang
pagsasanay ng ahesya o ministeryo ay may layuning pamatagalang paglilinang,
nabibigyang linaw ang pagkakaroon ng komersyal na rates ng interes. |
...
..
| Ang
Kinakailangang Pagsasanay: |
...
| Ang
metodolohiya ng pagsasakapangyarihan ay nagbibigay kahulugan sa konsepto
ng "pagsasanay" sa kakaibang pananaw. Hindi lamang ito sa
pagpapasa ng kaalaman, eto ay bahagi ng istratehiya sa pagpapalakas ng
kakayanang mamahala ng mga grupo ng komunidad. |
. |
Ang
pinaguusapan nating ay ang pagsasanaymobilisasyonat
hindi lamang "tungkol" sa mobilisasyon. |
...
| Ang
pagsasanay ng mga kasanayan ay kinakailangan para i-mobilisa ang mga kominidad
na piliing mabuti ang kanilang mga gagawin, tukuyin ang mga problemang
dapat unahin, mga kukunang-yaman, mga plano at paano nila ito isasagawa,
bilang "laman" ng pagsasanay. Ang paraan ng pagpapasilidad ng mga pagsasanay
ay daan din para i-mobilisa ang mga kalahok para muling magtipon at umaksyon. |
. |
Itong
metodolohiya ay mas nakapaliwanag sa module ng pagmomobilisa, na may kaugnayan
sa konstruksyon at pananatili ng mga pasilidad at serbisyo para sa tirahan
ng mga tao. Ang mga basikong prinsipiyo ng pagsasanay ay ginagamit din
sa elemento ng pagkakaroon ng kita ng ahensya o ministeryo. Tignan ang
Pagmomobilisa. |
...
| Kung
ang pokus ng pagsasanay ay ang pagpasa ng kaalaman, ang pagsukat ng resulta
ay kung ano ang natutunan ng mga kalahok sa mga ibinigay na impormasyon
at kanilang natututunan. |
. |
Sa
kabilang panig, kung ang pagsasanay ay nakatuon sa mobilisasyon, ang pagsukat
ng resulta ay makikita sa pagpapagalaw ng komunidad at sa mas mataas na
antas ng pagdedesisyon ng komunidad. |
...
| Ang
ahensya o ministeryo ay nagbibigay ng pagsasanay sa iba't ibang paraan.
Ang mga miting at workshop ay nakakapagbigay ng pagsasanay pinansiyal at
pamamahala para sa pag-oorganisa ng mga trust groups at ng umbrella group
para sa pagset-up ng sistema at proseso ng koleksyon at pagdeposito. |
. |
Ang
ahensya o ministeryo ang nagdidisenyo at nagbabayad para sa pagimprenta
ng books o pang-nota (tulad ng mga disenyo ng mga account books
ng mga banko) bilang materyales sa pagsasanay, at ipapamigay nang
libre sa mga kababaihang kalahok kung nagsama-sama at namobilisa na ang
mga grupo. |
...
| Ang
mga grupo, sa takdang araw, ay bibisita sa ibang mga grupo ng kababaihan
na isinasagawa na ang tulad na proyekto. Ito ay makapagbibigay ng tibay
ng loob at gumaganang ehemplo para sa mga kalahok . |
. |
Kahit
na ang proyekto ay hindi parehong-pareho, ang pagkakataong makita ang iba
kung paano magkaroon ng sariling kita ay nagbibigay halaga sa ganung mga
pagbisita bilang dagdag pagsasanay sa metodolohiya ng pamamahala. |
...
Ang
ating pagsasanay
,
sa pinakamaliit na bilang, ay
mayroong
talong
elemento: |
. |
-
pagsasanay
sa mga tekniko ng pamamahala ng negosyong pamproduksyon, na isasagawa ng
mga taong nais tumulong;
-
pagsasanay
pinansiyal, pagbabanko at proseso sa kredito na kinakailangan para sa pamamahagi
ng kredito sa mga taong nais gamitin ito sa negosyong pamproduksyon; at
-
pagsasanay
sa pamamahala sa partikular nating panggagamitan, tulad ng pagmomobilisa
at pagoorganisa para mapaunlad ang kakayanan (sa pagkakataong ito, bumuo
at magorganisa ng asosasyon ng kredito).
|
...
| Mga
Pagsasanay o Workshops: |
...
| Pagkatapos
ng inpormal na pagsasanay at pagsukat ng kakayanan
at
base dun sa pagsasanay, kuro-kuro at resulta, maaring magkaroon ng mas
may istrukturang mga pagsasanay. |
. |
Ang
mga paksang nakapaloob ay kasanayan sa pamamahala, kasanayan sa pagoorganisa
at pagmobilisa, pagmomobilisa ng kredito, kasanayan sa banko, kasanayang
pinansiyal, simpleng accounting, pinansiyal, pagtatala
at pagrereport, pagsukat ng dami ng imbentaryo at kukunang yaman, pagsukat
ng kayakayan sa pamamahala at pagoorganisa, alamin ang kalagayan ng kalakaran
kung ano pang maaring ibenta. |
...
| Bigyan
pansin ang paghihikayat sa mga kalahok na obserbahan at kilatisin ang sarili
nilang kukunang-yaman at kakayanan, at kung anong istratehiya ang maaring
gamitin. |
. |
Ang
mga kalahok sa lahat ng komunidad ay sasali sa workshop, kung saan puwde
nilang ibahagi ang kanilang mga karanasan at hikayatin ang isa't isa sa
mga gawain kanilang isinasagawa. |
......
..
| Pag-oorganisa
ng Piramido: |
...
| Ang
papel ng ahensya o ministeryo sa pagmomobilisa at pagoorganisa ay bumuo
ng piramido mula sa pinakataas, ang umbrella group, at ang mga trust groups
sa ibaba nito, at mga indibidual na negosynate sa pinakaibaba. |
. |
Ang
bawat elemento ay may papel sa proyekto, at may karagdagang pagsasanay
sa pagmomobilisa para ang bawat lebel ay may kani-kanilang tungkulin. Tignan
ang Pag-ooraganisa. |
...
| Responsibilidad
ng Indibidual at ng Grupo: |
...
| Base
sa karanasan (lalo't na sa mga kooperatiba) kung ang pagkakaroon
ng kolektibong responsibilidad ng malaking grupo para magkaroon ng produktibong
awtput ay kulang sa kontrol panlipunan at pangekonomiya para siguraduhin
ang kumpletong pagambag ng lahat ng miyembro, ang ganung proyekto ay babagsak
at titiwalag. |
.. |
Sa
kabilang panig, ang mga indibidual na nais magsagawa ng ganung aktibidades
ay mas hindi epektibo at produktibo kumpara sa pagsasagawa nito ng kolektibo
at sa organisadong paraan. Ang proyektong ito ay pagsasamahin ang nagtutunggaling
konsepto. |
...
| Sa
pamamagitan ng metodolohiya sa pagpapagalaw ng lipunan na ginagamit ng
tagapagpakilos ng ahensya o ministeryo, sa bawat target na komunidad, ang
grupo ng mga kababaihan at ipapapatawag sa unang mga miting para bumuo
ng mga trust groups. |
. |
Ang
bawat tao ay papatukuyin ng 4 - 6 na kataong kanyang pinagkakatiwalaan
at kayang makatrabaho. Bubuo nito ng maliit na grupo ng kababaihan kung
saan kayang pagkatiwalaan ang isa't isa, ito ay maaring tumagal ng ilang
araw. |
...
| Ang
mga taong nais sumali ngunit walang sinuman ang may tiwala sa kanya ay
hindi masasama. |
. |
Ang
mga miyembro ay hindi makikilahok sa produktibong gawain na sama-sama o
kooperatiba bilang grupo, sarili silang gagawa ng kani-kanilang gawain
na lilikha ng kita (tulad ng produksyon at pagbenta ng sabon) bilang indibidual. |
...
| Ang
gawaing marketing, pageempake ng produkto at pagdedeliver ng produkto ay
maaring isagawa sa kooperatibang pamamaraan kasama ng ibang tao sa grupo.
Ngunit ang trust groups ay binuo sa layuning makapagkolekta ng ambag at
makakuha ng pautang, at hindi para magkaroon ng puhunan bilang grupo para
magkaroon ng iisang produksyon na lilikha ng kita. |
. |
Ang
bawat trust group ay binubo mula 5 hanggang 7 katao (kailangan ang bilang
ay nones para sa kultural na dahilan). At mula 5 o 7 trust groups ang bubuo
ng "umbrella group" , ang unito na gagawa ng deposito at kukuha
ng pautang sa banko. |
...
| Ang
Tradisyonal na Grupo na Nagpapaikot ng Kredito o Credit Rotation Groups: |
...
| Karamihan
sa bansang Aprika at Asya, ang mga magkakakilalang tao sa iisang baryo
o katrabaho ay bumubuo ng maliliit na grupo para sa credit rotation group
o grupong binuo para sa pagpapaikot ng kredito sa loob ng grupo. |
. |
Sa
bawat takdang oras, puweding linggo-linggo, o kadalasang buwan-buwan, ang
bawat miyembro ay naglalagay ng ambag (kontribusyon) isang maliit
at mabilis kolektahing halaga ng pera. |
...
| Pagkatapos
kolektahin ang pera, ito ay ibibigay sa isang miyembro ng grupo. Ang taong
napili ay sa maaring sa pamamagitan ng bunutan, o sa may namatayan sa pamilya,
kung saan ginagamit ang pera sa pagpapalibing. (Kadalasan ang mga miyembro
ay pumupunta din sa burol ng namatayan nilang miyembro). |
. |
Kung
ang pera ay ibinibigay sa paraan ng bunutan, ang makakatanggap ng pera
ay gagamitin iyon bilang puhunan, kung saan hindi niya kayang ipuning mag-isa. |
...
| Sa
mga mas may kaya, maari silang maglagay ng halaga multiplo ng pinakamaliit
na ambag. |
. |
Ang
ibang grupo ng pagpapaikot ng kredito ay para sa panlibing, kung saan ang
nakolektang pera ay binibigay sa miyembrong namantayan pambayad ng pamburol
at panlibing. |
...
| Sa
ibang grupo naman, ang perang nakolekta ay ipinapamahagi base sa buwan
buwanang desisyon ng buong grupo kung kanino ibibigay sa bawat pagkakataon. |
. |
Ang
iba ay ibinibigay ang pera base sa pagbunot ng straw. Pagkalipas ng isang
takdang panahon, bawat miyembro ay nabigyan ng buong halaga na inambag
ng lahat ng miyembro. |
...
| Ang
grupo ay maliit at posible dahil pinagkakatiwalaan ng isa ang bawat isa
sa grupo, at maaring magpataw ng kaparusahan sa miyembrong nagsala, base
sa nakagisnang panlipunang pagkokontrol ng maliliit na grupo. |
. |
Ang
pinagkaiba nito sa proyekto ngayon ay ang perang nakoleta ay hindi simpleng
ibibigay sa isang miyembro ng grupo; ito ay ilalagay sa banko. |
...
Ang
deposito ngayon sa banko ay gagamitin sa
pagkuha
ng pautang sa banko.
|
. |
At
ang deposito ay gagamitin ding
pambayad
ng utang sa banko.
|
...
| Ang
paggalaw ng grupo ay base sa pagtitiwala sa isa't isa dahil ang mga maliliit
na grupo, ang trust groups, ay kokolekta ng pera sa bawat kalahok. |
. |
Ang
asosasyon ng maliliit na grupo ay bubuo ng umbrella group, ang mas malalaking
grupo na makikipagugnayan sa komersyal na banko. |
.....
..
| Pagsusubaybay
at Pagsukat ng Pagganap: |
...
| May
iba't ibang lebel ng pagsusubaybay at pagsukat ng pagganap. Mula sa nasyonal
na lebel at sa kabuuang programa ng bansa, kailangang masukat ang kabuuang
kalagayan ng proyekto, at bigyan direksyon at paghihikayat ang mga opisyales. |
. |
Mula
sa paningin ng mga grupo ng komunidad, importanteng siguraduhin na naisasagawa
ang mga gawaing napili at naaabot ang nais na resulta. |
...
| Tignan
ang manwal sa Pagsusubaybay. |
. |
Sa
paggitan ng tagaugnay ng distrito at ng opisina sa nasyonal na lebel, kailangan
din nila ng paghihikayat sa kanilang mga gawain, gayun din kailangan ang
paghihikayat nila sa mga grupo ng komunidad. |
...
| Pagsusubaybay
at Pagbibigay Suporta (Backstopping): |
...
| Ang
tagapagugnay ng distrito ay makikipagkita at hihikayatin ang mga miyembro
ng grupo ng negosyanteng kababaihan. Makikipagkita siya isang araw bawat
linggo, dalawang oras bawat pagkikita. |
. |
Makakatanggap
siya ng report tungkol sa kanilang aktibidades, halagang naideposito at
naipon, ang lagay ng produksyon, at ang pagprogreso ng proyekto. |
...
| Ang
mga sesyon sa pagsasanay, pormal at impormal, ay may nakapaloob ng paksa
sa pinansiyal na pagpaplano, accounting o kontaduriya, pagtatala, paggagawa
ng report, at pagsukat ng kakayanang gampanan ang isang aktibidades nais
gawin. |
.. |
Ang
nasyonal na tagaugnay ay madalas na dadalaw sa lahat ng komunidad at susubaybayan
at hihikayatin sila, bilang pagbibigay suporta sa mga tagaugnay ng distrito,
at pandagdag hikayat sa mga grupo ng komunidad. |
..
..
| Papel
ng mga Importateng Aktor: |
...
| Aktor |
Papel |
Indibidual
Target
Kalahok |
Ang
taong ito ay target ng ahensya o IG ng ministeryo na may mababang kinikita
para sa kanilang pagmomobilisa. Siya ay may kaalaman tungkol sa proyekto.
Sumali sha ng isang trust group kung saan natutuo siyang magipon at magbanko
mula sa pagsasanay na ibinigay ng ahensya o ministeryo. Siya ay regular
na nagdedeposito ng maliit na halaga (linggo-linggo) kasama ang
ibang trust group. Mayroon siyang passbook kung saan nakatala ang kanyang
mga deposito. Kukuha sha ng pautang sa trust group sa halagang mula 50,000/=
hanggang 500,000/=. Siya ay tatanggap ng pagsasanay mula sa ahensya o ministeryo
sa pagpapalano, pinansiyal, pamamahala at para masigurado ang kanyang gawain
ay abot-kaya. Magtatayo siya ng produktibong aktibidades gamit ang kanyang
hiniram na kapital at babayaran niya ito kasama ang interes sa trust group
nang regular (tulad ng linggo-linggo) gaya nang paglagay niya ng
inisiyal na deposito. |
Trust
Group |
Ang
grupong ito ay binubuo ng mula 5 - 7 na katao na may tiwala sa isa't isa.
Ito ay napagalaw at inorganisa ng tagaugnay ng distrito (sa mga gawain
na pagpapagalaw ng takbo ng lipunan). Ang grupo ay nangongolekta ng
regular na deposito ng mga miyembro, base sa tradisyonal na pagpapaikot
ng kredito, at idedeposito nito ang pera sa umbrella group. Ang trust group
ang naghahati ng pautang (na nakuha mula sa umbrella group) sa maliliit
na halaga para sa mga miyembro nito. |
Umbrella
Group |
Ang
grupong ito ay pinapagalaw at inorganisa ng tagaugnay ng distrito ng ahensya
o ministeryo. Ito ay binubuo mula 5-7 trust groups na bubuo ng umbrella
group. Ito ay nagkokolekta at ipinagsasama-sama ang mga kontribusyon na
isinagawa ng mga miyembro ng trust group. Ang umbrella group ang regular
na magdedeposito sa banko, at kukuha ng malaking pautang, at ipapamahagi
ang halaga sa mga trust groups. Ang umbrella group din ang tatanggap ng
mga bayad ng trust group, at ipagsasama sama nito para ipambayad sa banko. |
| Banko |
Ang
banko ang tatanggap ng inisiyal na kapital mula sa ahensya o ministeryo,
na nakakabawas ng panganib sa kanila dahil hindi ang sariling kapital nila
ang ipinahiram. Base sa Kasunduan, ang banko ay tatanggap ng regular na
deposito mula sa umbrella group (na ipinakilala ng ahensya o ministeryo
),
at magbubukas na savings account at account para sa pautang para sa buong
umbrella group. Ang banko ay magpapautang sa umbrella group base sa rekomendasyon
ng ahensya o ministeryo, gagamitin ang kapital na dineposito ng ahensya
o ministeryo. Ang banko din ang kokolekta ng bayad sa utang mula sa umbrella
group. |
Ahensya
o
Ministeryo |
Sila
ang inisiyal na magbibigay ng kapital sa kalahok na banko. Sila rin ang
magbibigay ng pagsasanay sa pagpapatakbo ng kredito, pinansiyal at pamamahala
ng mga produktibong aktibidades ng mga kalahok. Nagiimprenta at namimigay
ng passbook sa mga kalahok. Nagpapakilala sa banko ng umbrella group, at
nagpapasya kung kailan handa na ang grupo humiram ng pera at ng halaga
nito. Pinapatakbo ng ministeryo ang lahat ng ito sa tulong ng mga distrito. |
| Ministro |
Ang
Ministro, na gumagalaw para sa Ministeryo, ang pumipirma ng MOU kasama
ng bawat banko. Kung saan ang proyekto ay pinapatakbo ng internasyonal
na NGO, ang pagpirma ay maaring gawin ng pambansang kinatawan ng NGO o
VIP mula sa himpilan. |
| Distrito |
Lokal
na Konseho (1-5 lebel) at ang kanilang mga serbisyo sibil ay dapat
naiintindihan at aprubado ang proyekto para ito ay magtagumpay. |
..
..
| Kongklusyon
at Tagubilin: |
...
...
Ang
suporta ng ahensya o ministeryo sa pagkakaroon ng kita ay dapat may tatlong
bahagi:
-
pagmomobilisa/pag-oorganisa;
-
pagsasanay;
at
-
kredito.
|
. |
Ang
tatlong elementong ito ay dapat magkadugtong at buo, at ang mga pagsasanay
ay dapat nakatuon sa aksyon at hindi lamang sa paglipat ng kaalaman. |
...
...
| Ang
mga rekomendasyon ay mula sa mga karanasan sa pagsasagawa ng tulad na proyekto: |
. |
Ang
proyekto ay dapat nakaplano nang mabuti, kung saan nakapaloob ang konsiderasyon
ng totoong kalagayan at kakayang ng mga komunidad ngayon; |
...
| Tulad
ng lahat ng proyekto ng pagkakaroon ng kita, importanteng magingat sa pagpapatuloy
ng proyekto, at mabuting pagusapan madalas at isukat ang progreso sa mga
natutunan at magbigay ng bagong direksyon kung kinakailangan; |
. |
Hindi
dapat magkaroon ng magkahiwalay at kakaibang gawain sa pagkakaron ng kita; |
...
| Lahat
ng inisiyatiba ng sektor ay dapat nakasalarawan nang malinaw sa papel at
konsistente ang mga polisiya; |
. |
Ang
inisiyal na aksyon, lalo na ang pautang ay hindi dapat sobrang taas. Kung
mataas ang inilalabas na pera, mataas din ang mga inaasahan at mas nagiging
hindi realistiko ang mga paniniwala; |
...
Pagsukat
ng progreso ay importante,
sa
bawat hakbang;
|
. |
Ang
kredito ay dapat ibigay sa rate ng interes ng kalakaran
at
hindi sa mas murang rate.
|
...
| Kapag
ang kredito ay ibinigay sa mas murang rate, mas aasa na lamang sila sa
murang rate; |
. |
Ang
maliit na pautang ay mas atraktibo sa mga taong mababa ang kinikita, ang
mas malaking pautang ay para sa mga taong makakakuha ng pautang sa iba;
mga taong mas mataas ang kinikita. |
...
| Dapat
bigyang diin ang pagsasanay ng mga kalahok kung saan sila ang nagsusukat
ng kalagayan ng kanilang kukunang-yaman at imbentaryo, kasanayan sa pamamahala
at pinansiyal, at totoong pagsukat ng kakayanang magtagumpay. Ang hindi
realisitikong paghahangad ang pinakadelikado sa pagiimbita ng pagkabigo. |
. |
Ang
pagsasanay ay dapat may pagbubuo ng grupo,marketing,
paghihikayat, (pag aayos ng organisasyon para sa kakayanang magtatag);
at
pagsasanay sa mga kasanayan (sa pamamahala ng
produksyon, pinansiyal at pamamahala
ng kredito, pagbabanko, pagmomobilisa ng kredito,
pagtatalaat
pamamahala ng mga kukunang-yaman at tauhan,). |
––»«––.......
|