...
|
Pagbubuo
ng mga Trust Groups
|
.
.Nota
para sa mga Kalahok - Manwal sa Pagsasanay.
...
|
Ang layunin
ng miting na ito ay para bumuo ng grupo ng mga tao, mula lima hanggang
pitong katao sa isang grupo, at ang bawat grupo ay tatawaging "Trust Group".
Ang bawat Trust Group ay bubuuin ng mga indibidual na magkakakilala, may
tiwala sa bawat miyembro ng kanyang grupo at may tiwalang pagiwanan ng
kanyang pera. Ang "Umbrella Group" ay binubuo lamang ng mga mieymbro ng
mga Trust Groups.
|
...
...
| Maligayang
pagdating sa miting na ito. Ang layunin ngayong araw ay bumuo ng ilang
mga "Trust Groups." Ang Trust group ay i-bubuo ng mga indibidual na may
tiwala sa isa't isa hawakan ang kanil-kanilang pera. Ang bawat Trust Group
ay pipili ng iba't ibang ingat-yaman sa takdang panahon, para humawak ng
deposito ng mga miyembro, at siya rin ang mamamahagi ng makukuhang pautang
sa indibidual na miyembro ng grupo para sa kanilang maliit na negosyo.
Ikaw ay magiging miyembro lamang kung nailista ka ng ibang tao na kanilang
pinagkakatiwalaan. |
.... |
Ang
mga trust groups na mabubuo ngayon dito ay magiging miyembro naman ng "Umbrella
Group". Ang Umbrella group ang kukuha ng kredito sa banko, at ihahati
sa mga miyembrong Trust Groups. Ang bawat Trust Group ay paghahatian ang
pautang sa mga miyembro nito kung saan gagamitin bilang puhunan ang nakuhang
pero sa pagpapatayo ng produktibong aktibidades tulad ng negosyo. |
...
|
Kung ika'y hindi
handa magkaroon ng sariling negosyo ngayon, maari po lamang huwag muna
sumali (maaarngi mamahagi kung kayo ay narito upang tulungan lamang ang
walang pinag-aralang indibidual paghandaan ang nais niyang magtayo ng sariling
negosyo)
|
...
...
| Ang
programang ito ay para sa pinakamahihirap na miyembro ng komunidad. Marami
sa kanila ay hindi marunong magbasa o magsulat. Sa pagbubuo ng trust groups
ngayon, kinakailangan ang paminsan-minsang pagsusulat. Pag kayo ay nakakabasa
at may kasamang hindi marunong magbasa o magsulat, maari po lamang basahin
sa kanila ang mga impormasyon. Kailangan din po namin ang iyong tulong
sa susunod na hakbang kung saan ikaw (at ang taong iyong tinutulungan)
ay maglilista ng mga pangalan ng mga taong iyong (at ng taong iyong tinutulungan)
pinakapinagkakatiwalaan. (Tignan ang: Functional Literacy Functional
Literacy) |
. |
Kapag
ikaw ay isang estudyante, o dating estudyante, na marunong magbasa at magsulat,
at nandito para tulungan ang magulang o lolo't lola mo sa ensayong ito,
paki basa sa kanila ang mga nakasulat sa itaas. Kailangan karin para tulungan
siya pumili ng mga taong kanyang pinagkakatiwalaan. Sa nakaraang miting,
sinabi namin sa mga kalahok na magdala ng kanilang anak, pamangkin o pinagkakatiwalaang
kamag-anak para tulungan silang bumuo ng Trust Groups. |
...
| Pagpili
ng mga taong iyong Pinagkakatiwalaan: |
...
| Ang
facilitator ay naglilista o maglilista ng mga pangalan ng mga kalahok sa
blackboard. Ang bawat kalahok ay magkakaroon ng kanilang numero. Ang paglista
ay walang susundan na ayos. |
. |
Ang
facilitator ay sasabihin sa iyo kung ilang pangalan ang iyong pipiliin.
Sa ibaba ng pahina, mayroong bahagi ng papel na maaring punitin, kung saan
pwedeng maglista ng pangalan ng siyam na katao, ngunit maaring babaan ng
facilitator ang dami ng tao iyong pwedeng ilista. Sa mga linya, magsulat
ng isang pangalan (kasama ang numbero) sa bawat box o linya. |
...
| Ang
mga pangalan na iyong susulatin ay dapat ang pangalan ng mga taong iyong
pinagkakatiwalaan. Ikaw ay handang pagkatiwalaan ang pera mo sa kanila.
Pag ika'y maraming pinagkakatiwalaan, ilista lamang ang mga taong iyong
pinakapinagkakatiwalaan. |
. |
Sunod-sunurin
ang mula sa iyong pinakapinagkakatiwalaan ang paglista. Ang iyong pinakapinagkakatiwalaan
ay nakasulat sa unang bilang. Kung mas konti ang bilang ng mga taong nais
mong ilista kaysa sa nakatakdang bilang, isulat lamang ang iyong pinagkakatiwalaan;
huwag nang piliting i-buo ang listahan kung ikaw ay hindi sigurado. |
...
Ang iyong listahan
ay kompidensiyal. Ipakita lamang ito sa taong tumutulong
sa iyo (kung ikaw ay
hindi marunong magbasa o magsulat), at sa facilitator.
|
...
...
| Punitin
ang bahagi ng papel na iyong linistahan, at taguin ang handout kung nais
itago. Ibigay ang pinunit na bahagi sa facilitator (o sa nakatakdang tagatulong) |
. |
Ang
facilitator, kasama siguro ng kanyang tagatulong, ay titignan ang mga listahan
at i-bubuo ang mga grupo. Para maisama ang isang indibidual sa isang
grupo, kinakailangang nailista sha ng ibang miyembro ng grupo na kanilang
pinagkakatiwalaan. |
...
Kung ang isang indibidual
ay hindi nalista ng ibang kahalahok na taong kanilang pinagkakatiwalaan,
hindi sila masasali sa
kahit anong trust group.
|
...
| Habang
ang mga Pangalan ay Inaayos: |
...
| Ilang
minuto rin ang magagamit ng facilitator at kanyang mga katulong para ayusin
ang mga pangalan at grupo-grupo. Ang bawat miyembro ng Trust group ay masasama
lamang sa grupo kung nailista ang kaynag pangalan ng ibang tao. Maaring
ilang beses din malista ang pangalan ng isang tao kaya kakailanganin din
ng konting oras para matapos ng facilitator ang kanyang gawain. |
. |
Gamitin
ang oras na ito pagaralan muli ang hangarin nitong miting at ang layunin
ng pagbubuo ng mga grupo. Ang bawat Trust Group ay mangongolekta nang regular
ng maliit na halaga at ipagsasama-sama sa ibang Trust Groups sa Umbrella
Group, at idedeposito sa banko. Ang Umbrella Group, kung nakapasa sa pautang
ng banko, ay kukuha ng pautang para sa lahat ng miyembro. Ang Umbrella
Group ang mamamahagi ng pera sa mga Trust Groups, at ang bawat Trust Group
naman ay paghahatian ang pera sa bawat miyembro. Ang perang ito ay gagamitin
ng mga indbidual bilang puhunan sa pagpapasimula ng kanilang maliit na
negosyo. |
...
|
Ang bawat negosyo
ay papatakbuhin ng indibidual na miyembro ng grupo. Ang Trust Group ay
daan kung saan tatanggap ng deposito mula sa mga miyembro nito at ang tagahati
ng pautang para sa mga miyembro. Ang Umbrella Group ay koleksyon ng mga
miyembro ng Trust group kung saan sila ang nakikipagtungo sa banko. Ang
produksyon ay responsibilidad ng bawat indibidual, ngunit ang kredito ay
responsibilidad nila bilang grupo (kung kaya't hindi ito magiging co-op
pamproduksyon o kredito).
|
...
| Kung
Nabuo na ang mga Trust Groups: |
...
| Pagkaraan
ng ilang oras, ang facilitator ay babalik at iaanunsiyo ang mga pangalan
ng tao sa bawat grupo. Ang mga pangalan ay isusulat sa blackboard. Kapag
ang pangalan mo ay nasa isang grupo, ibig sabihin nito pinagkakatiwalaan
ka ng ibang miyembro ng grupo at handa silang pagkatiwalaan ang pera nila
sa iyo. |
. |
Kapag
wala ang pangalan mo sa blackboard, pasensya na lamang at kulang ang bilang
ng taong magpagkakatiwalaan nila ang pera nila sa iyo. Para ikaw ay makapagpatuloy
sa proseso, kailangan miyembro ka ng isang Trust Group. Maaring kang lumabas
at mangolekta ng mga taong handang maging ka-grupo mo sa isang Trust group,
at bumalik sa susunod na miting. |
...
| Ang
facilitator ang magtatago ng tala ng mga Trust Groups, at ng mga pangalan
ng miyembro ng bawat Trust Group. |
. |
Ang
susunod na hakbang ay bumuo ng Umbrella group. Ito ay maaring gawin agad
pagkatapos ng pagbubuo ng Trust Groups, o maari din naman sa susunod na
miting lamang. |
...
| Pagbubuo
ng Umbrella Group: |
...
| Pagkatapos
buuin ang mga Trust Groups, maari nang buuin ang Umbrella Group. Miyembro
lamang ng Trust Group ang maaring maging miyembro ng Umbrella Group. Ang
facilitator ang tutulong sa grupo maging isang organisasyon. |
. |
Ang
pinakakaraniwang uri ng organisasyon ay bumoto ng "Ehekutibo", binubuo
ng Chairman, Bise-Chairman, Ingat-yaman, Sekretarya, at iba pang mga opisyales
na sa tingin ng grupo ay kinakailangan. Ang grupo ay maaring pumili ng
ibang istraktura na ayon sa kanila. |
...
| Ang
mga grupo, binubuo lamang ng ilang miyembro ng Trust Groups, hindi kasama
ang facilitator at ibang hindi miyembro, ang pipili ng ehekutibo ng umbrella
group. Ang facilitator ay nandoon lamang para tulungan ang grupo sa paggawa
ng desisyon. |
. |
Kung
nabuo na ang ehekutibo ng Umbrella Group at nakilala na ng lahat ng miyembro,
ibibigay na ng facilitator ang kopya ng listahan ng mga trust groups at
pangalan ng mga kasapi nito. Ang ehekutibo ng Umbrella Group na ang magiging
responsable sa pagsasagawa ng mga kinakailangan sa miting (sa tulong ng
facilitator). |
...
| Ito
ay maari maging pagkuha ng pangalan para sa Umbrella Group, at pag-oorganisa
ng susunod na mga miting, at ang koleksyon at pamamahagi ng pera. |
. |
Magkakaroon
ng mga pagsasanay sa pagoorganisa at pagpapasimula ng negosyo. Ang pagsasanay
ay aayusin ng facilitator at ng ehekutibo. |
...
...
| Ang
iyong layunin ay bumuo ng trust groups at ng isang umbrella group.
Ang Trust groups ay binubuo mula 5 - 7 katao na nagpakita ng kanilang pagtitiwalang
iwanan ang pera nila sa kapwa miyembro. Ang umbrella group ay binubuo ng
mga taong miyembro lamang ng trust groups. |
. |
Ang
organisasyon ng trust groups at umbrella group ay para lamang maging daan
sa pangongolekta at pamamahagi ng pera at hindi sa gawaing pamproduksyon.
Ang bawat miyembro ay magiging responsable sa pagsisimula at pagpapatakbo
ng sarili nilang maliit na negosyo. Magkakaroon ng pagsasanay sa paghawak
ng pera at kung paano magtayo at magpatakbo ng negosyo. |
...
|
Ang pagbubuo ng mga
grupo (umbrella at trust) ay maaring gawin sa isang miting, o sa dalawa
o ilan pang mga miting.
|
––»«––
|