....
| Labing-Dalawang
mga Aral sa Paglahok sa Pag-Unlad ng Pamayanan |
| Mula
sa Programang Pagpapaunlad ng Pamayanan ng UNCHS |
.
Pagsasanay
.
|
Mga
aral na natutunan sa 14-na taon (Habitat) Progama ng Pagpapaunlad ng Pamayanan
|
..
Labing-Dalawang mga
Aral sa Paglahok sa Pag-Unlad ng Pamayanan:
-
Ang mga naninirahan
sa isang pamayanan ay may karapatan na makilahok sa mga desisyon na may
kaugnayan sa uri ng kanilang pamumuhay at hanap-buhay.
-
Tanging ang paglahok
na may kakayahang magdesisyon ang maisasakatuparan at mapapalago.
-
Ang pamayanan
o komunidad ay kailangang may pakialam sa lahat ng aspeto ng pagpapaunlad,
pagpaplano, pagsasagawa, pagpapanatili at pagbabantay ng siyudad, bayan
o barangay upang magkaroon ng isang tunay na pakikilahok.
-
Ang pakikilahok ay
dapat nakasalalay sa pantay-pantay na pagtingin sa kasarian
at ang paglahok ng mga kabataan at matatanda.
-
Kapasidad
ay mahalagang paunlarin upang mapag-ibayo ang pantay-pantay na pakikilahok
ng babae, lalaki at kabataan.
-
Ang pamayanan ay may
tagong
-yaman sa paglahok sa pagpapaunlad ng siyudad, bayan o barangay.
Ang pagpapaunlad ng kapasidad ay kayang magpakawala ng mga tagong-yaman
na ito.
-
Ang mga naninirahan
sa isang pamayanan ang siyang pangunahing may nakataya sa mga tumutupad
ng pagpapaunlad. Sila ang kumikilala ng problema, nagpapabuti at nagpapanatili
ng lugar na kanilang tinitirahan.
-
Ang pag-unlad ng pagkamulat
at kakayanan ay maaaring makapag-dulot ng pantay-pantay
na pagtutulungan mula sa mga mamamayan.
mga NGO at opisyales ng siyudad o bayan.
-
Ang pagpapaunlad ng
pamayanan na kung saan ang pagpaplano ay ginawa ng mga taong hindi kasapi
ng pamayanan na yaon at ang tanging maibibigay lamang ng pamayanan ay ang
kooperasyon nito, ay malayong maging katanggap-tanggap sa karamihan ng
mga mamayanan.
-
Ag pagpaplano ng paglahok
ay isa sa pinaka-madalas na nakakaligtaang bahagi sa pagpapaunlad ng pamayanan.
-
Limos
o tulong dahil sa awa ang siyang naglalayon sa isang pamayanan upang
umasa na lang mula sa tulong ng iba.
-
Pagpapaunlad
ng pamayanan aymahalagang lahok sa kabuuan ng pamamahala.sa
urban na lugar.
Isinipi ni:
Phil Bartle |
..
––»«––
|