..
|
Pagbibigay-kapangyarihan
sa Pamayanan
|
|
Pagpapalakas
ng mga Pamayanan
|
.
Mga
gamit sa pagsasanay
.
|
Ang
katwiran sa likod ng ganitong kaparaanan
|
. .
.
| Bakit
Bibigyang-kapangyarihan ang Pamayanan? |
..
| Kapag
tayo ay gumagamit ng salita, tayo ay madalas na hindi sinasadyang naghahatid
ng mga kahulugan, o mga kahulugan na hindi natin alam na ating naihahatid. |
. |
May
mga damdamin at akala na kaakibat ng mga salita na ating ginagamit. |
..
| Tulad
na lamang ng salitang "kahirapan" bilang ehemplo. |
. |
Sa
industriya ng pagtutulungan (mga kaakibat sa pag-unlad), ating madalas
na nakikita ang sarili natin bilang mga sundalo sa ating tinatawag na giyera
laban sa kahirapan. |
..
| Ang
kahirapan ay siyang nais nating mapuksa. Ngunit ano ang kabaligtaran
ng kahirapan? Kasaganahan o Kayamanan. |
. |
Ano
pa man, ayaw nating tanggapin na tayo ay "mga sundalo sa giyera pabor sa
kayamanan." Bakit? |
..
| Dahil
kahit na ang kahirapan at kayamanan ay magkabaligtad, maraming mga akala,
damdamin at natatago na mga kahalagahan na kaakibat ng mga salitang ito.
At ang mga akala, damdamin at natatago na mga kahalagahan ay naiihatid
kasama ng mga lantad na mga kahulugan nito. |
..... |
Sa
isang banda, maganda sa usaping-moral ang pagtulong sa mga mahihirap na
mga tao, ngunit hindi natin iniisip na sila ay tinutulungan natin upang
magkaroon ng kayamanan o kasaganahan. |
..
| Ang
modulo sa pagkakaroon ng pagkakakitaan ay katanggap-tanggap
pakinggan na "pagkakaroon ng pagkakakitaan" kaysa "pagkakaroon ng kayamanan
o kasaganahan" kahit na ang salitang "kayamanan" ay mas bagay na gamitin
sa usaping ng kabuhayan. |
. |
(Kung
saan ang layunin ay ang pagkita ng pera, hindi paglilipat-kamay lamang
ng pera.). Ang katagang "kayamanan" ay naiintindihan bilang naghahayag
ng malaking yaman. |
..
| Ang
kahirapan ay isang suliranin sa kadahilanang may malaking agwat sa kayamanan;
ang iba ay mas mayroon kaysa sa nakararami. |
. |
Kung
ang tunay na pagkakapantay-pantay ay mangyayari (at ito naman ay hindi
maaaring maganap), ang kahirapan ay hindi magiging suliranin pa. |
..
| Kaakibat
ng "kayamanan" ang "kapangyarihan"
at "kakayanan." Ang mga pamayanan
(at mga mamamayan) na may alin man sa dalawa ay kadalasang nabubuo ang
tatlong nabanggit (yaong may kakarampot na kayamanan ay kadalasang may
mababang kapangyarihan at kakayanan). |
. |
Kung
gayon, kung nais nating iangat ang katayuan ng mga tao mula sa mahihirap
na lugar o yaong mga taong hindi-nabibigyang pansin ng lipunan, ito ay
paglalahad na nais nating magkaroon sila ng dagdag na yaman, kapangyarihan
at kakayanan. |
..
|
Ngunit huwag naman
kalabisan.
|
..
| Isang
napakabuting gawain ( sa ating pananaw) na tulungan ang mga mahihirap,
ngunit (nasa ating sariling hangad) ayaw nating sila ay yumaman, o kaya
ay kahit maging kasing-yaman man lang natin. |
. |
At
ito ay ayaw nating aminin. |
..
| Isa
pang madamdamin na salita na madalas nating gamitin ay ang "demokrasya." |
. |
Lahat
tayo ay tila pabor rito. |
..
|
Ngunit ganoon nga
kaya tayo?
|
..
| Kapag
ating sinuring mabuti ang kahulugan ng demokrasya, lumalabas na hindi tayo
laging pabor sa mithiin nito, lalo na kung mangangailangan na isuko natin
ang iba nating sariling kapangyarihan (o kayamanan, o kakayanan). |
. |
Maraming
nagsasabing sila ay pabor sa demokrasyang sistema. Ngunit ang mga ito ay
pabor lamang sa mga balangkas ng institusyon kung saan ay may karapatan
ang bawat tao na pumili at bumoto at maghalal ng kandidato sa posisyon
sa gobyerno upang kanilang maging kinatawan. |
..
| Ito
ang "demokrasya sa pamamagitan ng kinatawan." Ito ay halos kontra sa ibig
sabihin ng demokrasya. |
. |
Ang
tunay na kahulugan ng "demokrasya" ay "Kapangyarihan ukol sa mga tao" (demo
= mga tao, cracy = kapangyarihan). |
..
|
Ang pamamaraan ng
pagboto at paghalal sa isang kinatawan ng mga tao ay nag-aalis ng kapangyarihan
sa mga tao. Ang kapangyarihang ito ay naibibigay sa kung sino man ang mahahalal
pagkatapos ng botohan.
|
..
| Kapag
ating sinabi na nais nating magbigay
ng kapangyarihan sa pamayanan, ang ibig nating sabihin ay nais nating
ito ay maging demokratiko . |
. |
Hindi
sa ang ibig nating sabihin ay magkaroon sila ng kalayaang bumoto upang
pumili ng kanilang kinatawan (kahalintulad ng modelong Inglatero o Amerikanong
politika). |
..
| Ang
nais natin ay ang mga tao (hindi lang ilang mga nilalang) sa kabuuan (sa
kalipunan) ang magkaroon ng kapangyarihan. |
. |
Nais
nating makahanap ng mga paraan para sa pamayanan na magkaroon ng dagdag
pang kapangyarihan, kayamanan at kakayanan. |
.
|
Kung gayon, ang pamayanan
na higit na nangangailangan ng aming pagtulong ay yaong may kakarampot
na kapangyarihan, kayamanan at kakayanan.
|
.
| At
kailangang maging gising tayo sa ating naktagong-damdamin na mapanatili
natin silang mahirap, mahina at walang kakayanan upang patuloy natin silang
mabigyan ng ating limos at tulong. |
. |
Kung
tunay nating silang bigyan ng kapangyarihan, dapat nating gawin ito sa
paraang hindi na sila magiging pala-asa sa ating mga tulong. Sa katagalan
ay dapat silang makatayo sa sarili nilang mga paa, iyung kakayanin nilang
mapanatili ang sarili nilang paglago ng walang tulong na manggagaling mula
sa atin. |
..
| Ang
ating pagnanasa para sa kayamanan at kapangyarihan ay normal at natural
lamang. Hindi natin dapat ikahiya ang mga ito. |
. |
Sa
paraan ng ating pagtulong sa mga mahihirap at walang kapangyarihan, marapat
nating isaisip na huwag sa pamamaraang mananatili pa rin silang mahirap
at walang kapangyarihan sa buong takbo ng ating pagtulong --
at palaging nakaasa na lang sa atin. |
..
| Ang
mga dokumento sa pagsasanay sa web site na ito ay nakaumang una na sa mga
tagapag-kilos ng pamayanan, at bigyang-diin ang mga pamamaraan kaysa pag-ukulan
ng husto ang idelohiya o akala. |
... |
Ganoon
pa man, upang magamit ng husto ang mga pamamaraang iyon, kinakailangang
maging may kamalayan tayo sa kung anong katwiran mayroon sa likod, anong
prinsipyo ang gagamitin at kung gaano katagal ang epekto ng mga pamamaraang
ito. |
..
|
Pinakamahalaga sa
lahat, kailangang mag-siyasat tayo lagi ng ating mga motibo at layunin
sa likod ng ating mga gagawin.
|
. .
.
| Pagiging
Malakas sa Pamamagitan ng Pagsasanay: |
..
|
Sa maraming pagkakataon,
sa pamamagitan ng web site na ito, na ikaw ay pinapaalalahanan na gumawa
ng mga paglapit na maaaring magpakita ng pagbibigay-lakas sa pamayanan,
kaysa pagtataguyod ng pagiging palaasa.
|
..
..
| Ang
ating ibig sabihin ng "pagkakawanggawa," sa isang banda, ay isang pamamaraan
upang matulungan ang mga mahihirap at walang kapangyarihan sa paraan na
sila ay magiging nakaasa. |
. |
Ang
anumang regalo na magreresulta sa tatanggap upang maging lalong nakaasa
sa nagbibigayt ay hindi isang tunay na ideya ng pagiging mapagbigay sa
kapwa. ito ay tuluyan lamang nagpapaigting ng kahirapan. Nagluluklok lamang
ito sa naghahandog sa patuloy na pagbibigay. |
....
| Kapag
ikaw ay nagbigay ng anumang bagay sa isang tao o lupon ng mga tao na nangangailangan,
sandaling pinupunan mo lamang ang kanilang pangangailangan. |
. |
Makakasiguro
ka na sa sandaling mangailangan muli, sila ay babalik at babalik kung saan
sila ay nakakuha ng unang tulong. |
..
|
Hindi naman ito masama;
ito ay likas ng pagiging-tao o ang kalikasan ng pagpupunyagi ng kahit anong
buhay na nilalang upang mabuhay.
|
..
| Kung
nais mo na ang isang tao o lupon ng mga tao ay makatayo sa kaniyang sariling
pagsisikap, kinakailangang siguruhin sa una pa lamang na kailangan nila
ang bagay na iyon. |
. |
Pagkatapos,
ikaw ay maghahanap ng mga paraan upang sila gumalaw o pagpursige para roon.
Sa ganoong paraan, kapag kailangan nila muli ang bagay na iyon, hindi na
sila lalapit pa sa iyo upang ihingi iyon ng tulong. |
..
|
Kapag may nakuha
silang bagay na libre o hindi pinagpaguran malalaman nila na husto ang
halaga (para sa kanila) ng bawat sentimo na ginasta para rito.
|
.
| Maraming
beses sa web site na ito na iyong makikita ang pagkukumpara sa isports
upang mas maipaliwanang ang paraan ng pagbibigay-lakas
. |
. |
Ang
isang lider na tagapag-sanay ay hindi gumagawa ng ehersisyo para sa kanyang
manlalaro o 'di kaya ay siya ang nag-eensayo sa pag-syut ng bola sa larong
basketbol para sa kanyang mga manlalaro. |
..
|
Ang isang nilalang
na magiging malakas at laong maaasahan ang siyang nararapat na gumawa ng
mga bagay na magpapakas at magpapabuti sa kanyang sarili.
|
..
| Ang
isa pang pagkukumpara ay makikita sa pagpapabuting-pisikal. Kapag ikaw
ay nasaktan sa braso at nawalan ng silbi ang brasong ito, ikaw ay nagpupunta
sa isang manggagamot para sa pagpapabuting-pisikal upang gumaling |
. |
Ang
manggagamt na ito ay maaaring igalaw ang iyong braso sa paraan na kailangan
mo upang maigalaw ang braso sa normal na paraan, Ngunit ito ay paggiya
lamang sa iyo upang magawa mo ang tamang pagsasanay sa muling pagpapalaks
ng iyong nasaktang braso. |
..
| Kailangang
sanayin mo ang paggalaw muli ng iyong braso, at ito ay isang napakasakit
at nakakaasiwang paraan. Ngunit kailangan mong gumaling. |
.... |
Sa
paglipas ng maraming pagsasanay, unti-unti mong naibabalik ang lakas sa
nasaktang braso at sa kalaunan ay hindi mo na kailangan pa ang serbisyo
ng manggagamot. |
..
| Kapag
ang lider ng tagapagsanay ang gumawa ng ehersiyo ng kanyang manlalaro,
ang manlalaro ay hindi magiging malakas. Kung ang manggagamot ang siyang
gagawa ng mga ehersisyo ng para sa pasyente, ang pasyente ay hindi lalakas. |
. |
Kung
ang manggagawa sa pamayanan ang siyang gagawa at gagalaw para sa pamayanan,
ang pamayanan ay mananatiling nakaasa sa kanya at ang kahirapan ay mananatili.
Kahinaan. |
..
| Ang
paraan ng paglapit sa isang pamayanan upang magbigay-lakas ay nangangailangan
ng pag-alam na sila ay may pangangailangan (kung ano ang matutuklasan sa
isang sama-samang talakayan)
at pagkatapos ay ipakita sa mga mamamayan nito kung papaano mapupunan ang
kakulangan na ito. |
. |
Ang
paraan ng pagkuha nito ay ang pagsasanay (pagpunyagi) na nagpapalakas sa
kanila. |
..
.
| Bakit
Pipili ng Pamayanan upang Bigyang-lakas |
..
|
Kung ang pakay ng
pagpapagalaw ng pamayanan ay ang pagpapalago ng kapangyarihan, kayamanan
at kakayanan, bakit ka pipili ng isang pamayanan at pagkatapos noon ay
isa pa upang pagalawin?
|
..
| Ang
mundo ay hindi isang patas na lugar. Dito ay may hindi pagkakapantay-pantay.
Dito ay may alitan. Mayroong hindi makataong-pagtrato sa sangkatauhan,
ng mga tao mismo. Ang buhay ay hindi patas. |
. |
Kailangan
natin ng layunin sa buhay. Subuking itama ang mga mali ng mundong ito;
subuking matulungan ang mga mahihirap na mga tao upang sila ay makatayo
sa sarili nila at matakasan ang kahirapan, ang ilan lamang sa mga layunin
na ito. |
..
| Ang
mapayaman ang sarili ang siyang pangunahing layunin ng ilang tao. Ito ay
isang napakababaw at hungkag na layunin (ang lalong paglago ng kanilang
kayaman ay mag-uudyok lamang sa kanila upang lalo pang maghangad ng mas
maraming kayamanan; sa pagpapayaman, walang husto na). |
. |
Walang
katibayan, o kaya ay pag-asa, na ang mundo ay magiging patas, na ang kahirapan
ay tuwirang mapapawi. Gayon pa man, ang pagpupunyagi upang mapawi ang kahirapan
ay isang magandang layunin na nagdudulot ng ibayong pabuya sa sino man. |
..
| Kaya
maaari nating maipukol ang ating lakas sa pagpipilit na mapagalaw ang isang
mayaman o medyo may kayang pamayanan. Ngunit ito ay may kakulangan sa layunin
kumpara kung tutulungan ang isang mahirap na pamayanan upang sila ay mapalakas. |
. |
Ang
mga paraan ng pagpapalakas sa web site na ito ay maaaring mailapat sa mayaman
man o mahirap na pamayanan. |
..
| Ang
pagpili ng paggawa sa isang mahirap na pamayanan ay maaaring isang paraan
ng paglalagay ng layunin sa iyong buhay. |
. |
Kapag
ang pinili na pamayanan ay kung saan ka lang ipinanganak ay maaaring isang
balidong pagpili, ngunit kulang sa layunin. |
..
| Ang
mga dokumento sa web site na ito ay ibinatay una na upang ilatay sa mga
pamayanan na may maliit na kita, kakarampot na kakayanan, at mayroong kakarampot
na kapangyarihan. |
... |
Ang
pagsusulat ng mga dokumento ay may layunin; walang kinita sa paglalagay
ng mga ito dito sa internet. |
....
|
Ito ay isang bahagi
(maaaring pulutong ng sundalo? o mga bala kaya?) laban sa giyera sa kahirapan.
|
..
| Ilan
sa mga tao ang mahilig magsabi: "Ang pagiging maawain ay dapat nagsisimula
sa loob ng tahanan." Madalas nilang sinasabi ito upang maipangatwiranan
ang pagbubunsod ng paglikom ng pondo upang maipamahagi sa mga mahihirap
na tao sa kanyang pinaggalingang pamayanan (kung saan hindi naman talaga
tumutugon upang maputol ang kahirapan ng mga taong natutulungan, ayon sa
ating nakikita). |
. |
Sa
kasamaang-palad, ang mga taong ito rin ang naniniwala na hindi lamang sa
bahay ito magsimula; doon rin lamang ito dapat natatapos. Isang kaisipang
nanggagaling lamang sa isang taong may makitid na isip at sakim na paniniwala. |
..
| Ang
buong mundo ay naglalaman ng mga tao, saan mang dako. Lahat tayo ay magkaka-ugnay,
sa isang bahagi bilang mga tao. Tayo ay isang malaking pamilya na nakatira
sa tahanang-mundo natin. |
. |
Ang
mga tao sa mga malalayo at mahirap-marating na lugar ay ating mga kapatid
rin. Kung atin silang matutulungan, magkakaroon ng tunay na layunin ang
ating buhay. |
..
| Kung
atin silang tutuliungan, kailangang ituon natin ang ating pagtulong sa
paraang sila ay makakatayo sa sariling mga paa nila at hindi aasa lamang
sa ating awa. Iyun bagay na sila ay makakatulong sa sarili nila pagdating
ng panahon. |
. |
Kung
tayo ay makakapili ng kung anong klaseng pamayanan ang paggagamitan natin
ng ating kasanayan bilang tagapag-kilos, mas magiging makahulugan (at may
mas silbi sa pandaigdigang pananaw) na piliin ang pamayanan na may pinakamaliit
na kumita, yaong may mas salat sa kapangyarihan at kakayanan. |
..
.
| Pagbibigay-lakas
bilang Paraag Sosyal |
..
|
Sa maraming lugar
dito sa web site, ating ipinunto na ang kahirapan ay isang problemang-sosyal.
Ang kaagapay nito ay ang kawalan ng isang nilalang ng sapat na salapi o
kaya ay pinagkukunang-yaman.
|
..
| Ating
dapat ihiwalay ang kaibahan ng baitang ng sosyal o pangkalahatan, sa pang-indibidwal
sa ating mga pagsusuri, pagmamanman at sa ating mga pakikialam. |
. |
Ang
pamayanan ay isang samahang
pangkalahatan, at hindi ng isang tao lamang. Ito rin ay higit pa sa
samahan ng mga tao. |
..
| Ito
ay isang nilalang, na kung minsan ay tinatawag naisang
"mataas na organiko o super-organic", na bumabagtas ng higit sa mga
kalipunan ng mga tao na bumubuo nito. |
. |
Madaling
makita at makipag-ugnayan sa isang tao. Ang"pamayanan",
sa
kabaligtaran, ay isang modelong-agham, katulad ng ayos ng mga planeta at
araw na maaaring makita ng baha-bahagi ngunit hindi ng kabuuan ng ayos
nito. |
..
..
| Ang
pamayanan ay hini kumikilos katulad ng tao. |
. |
Minsan,
ating napagkakamali ang
pamayanan na parang isang tao (ating tinitignan at tinutukoy na katulad
ng isang tao) ngunit ito ay mas katulad ng isang lupon ng langgam. |
..
| Ating
maaaring mapalakas ang isang tao (pisikal na katawan, sikolohikal) at maaari
rin nating mapalakas ang isang pamayanan (kakayanan, kayaman at kapangyarihan);
ngunit hindi sila magkahalintulad ng pagiging malakas. |
. |
Sa
ating gawa bilang tagapagpakilos, kailangan ang ibayong pag-iingat upang
maiwasan ang mga maling akala at inaasahan tungkol sa pamayanan na tila
isang tao na may pag-iisip na sarili. |
..
|
Madali lamang kasi
para sa ating magkamali sa ganoong pag-iisip.
|
..
| Tayo
bilang mga tagapagpakilos ay may kakayahang makita ang isang tao at makipag-ugnayan
rito. Ang ating sentro ay ang pamayanan, isang samahan pangkalahatan, na
hindi mo makikita sa anyong-kabuuan nito at kung saan kailangan kang makipag-ugnayan
sa lahat ng bumubuo nito. |
. |
Upang
maging matagumpay sa pagbibigay-lakas ng pamayanan, kailangang maintidihan
mo ang naturalesa ng samahan nito, ng kalagayan nito sa isang lipunan. |
..
| Mahalaga
rin na malaman mo ang kaugnayan na nangingibabaw sa pagitan ng tao o mga
tao at ng pamayanan at lipunan. |
. |
Habang
ang web site na ito ay pinipilit na gawing simple at madali ang mga kaisipan
at paniniwala ukol sa tao at pamayanan, at binibigyang-halaga ang mga praktikal
na alituntunin, pamamaraan at kasanayan, hinihikayat rin dito ang malaman
ang agham ng sosyolohiya, ng kalikasan ng pamayanan bilang isang samahang
pangkalahatan, at ng sosyolohikal na pagtingin. Sa pamamagitan ng mga bagay
na ito, maaaring makagawa ng higit at mainam na pagpapakilos ng pamayanan. |
..
| Tandaan,
datapwat, na ang sosoyolohikal na agham ay hindi madalas na tumpak sa pag-aakala
kung ihahambing sa agham ng mga kemikal o dili kaya ay ng agham ng astronomiya.
Ito ay sa kadahilanang maraming maaaring makaapekto sa kalalabasan ng isang
pangkalahatang pagbabago. |
. |
Lalo
pa itong naging mahirap dahil bilang isang samahang panlipunan, halimbawa
ng pamayanan o kaya ay isang NGO, ito ay hindi mo agad makikita at makaka-ugnayan. |
..
| Gayon
pa man, kailangan mo pa ring bigyan ng mithiin ang sarili mo sa pag-alam
pa sa pangkalahatang pagtingin at ibayong pagsasanay ng kagalingan sa pag-unawa
ng mga bahagi ng lipunan. Ito ay iyong magagawa kapag iyong nakita ang
mga indikasyon, katulad ng pag-uugali ng mga tao, ng panglipunan at ekonomiyang
mga statistiko o bilang, mga pangyayari at mga bagay na demograpiya. |
..
..
|
Ang mga labing-anim
na bahagi, karamihan ay hindi nakikita maliban sa pag-aninag sa mga katangian
ng mga tao, ay maaaring makatulong sa iyo upang makita ng detalyado at
maingat ang proseso ng pagbibigay-lakas bilang isang pangkalahatang proseso.
|
..
.
..
| Ang
pagbibigay-lakas ng isang pamayanan ay hindi isang bagay na magagawa mo
sa pamayanan na yaon. Sa kadahilanang ang proseso ng pagbibigay-lakas,
o ang pagpapalago ng kakayanan, ay isang prosesong pangkalahatan. Ito ay
isang bagay na kailangang pagdaan ng isang pamayanan. |
.... |
Kahit
ang bawat kasapi ng isang pamayanan, bilang isang mamamayanan, ay hindi
makapagpapalago ng kanilang pamayanan. Ito ay isang proseso ng pagpapalago
ng pamayanan sa kabuuan, sa kaloob-looban. Parang isang organismo na may
buhay (super organism o kaya ay isang pangkalahatang-organismo). |
..
..
| Ang
ating pamamaraan ay ang mapagalaw ang isang pamayanan upang kumilos. Maaari
nating matawag ang pagkilos na iyon bilang isang "proyekto." |
. |
Sa
paggawa ng isang proyekto, ang pamayanan ay maaaring
maging mas may-lakas at may kakayanang magpalago ng kakayanan. Ang pagkilos
na ginawa nito ay ang pagsasanay upang maging malakas. |
..
| Ating
nabanggit sa itaas na ang mga tao ay kailangang makibaka upang maging malakas. |
... |
Ang
pinakapayak na pamamaraan ng isang tagapag-kilos sa pamayanan ay ang unang
pag-alam kung ano ang nais ng isang pamayanan sa kabuuan. Tapos ay ang
paggiya sa mga ito sa pakikibaka upang makamit ang inaaasam. |
..
| Ang
isang taga-labas ng pamayanan ay hindi maaaring magpasya kung ano ang kagustuhan
ng isang pamayanan. Ang mga kasapi mismo ng pamayanan ang dapat na magkaisa
sa kung ano ang pinaka-nais nila sa lahat ng inaasam. |
. |
Iyang
ang isa sa maraming mga dahilan kung bakit dapat nilang makilahok sa paggawa
ng pasya; na ang paglahok ay kailangan unang-una sa pag-alam kung ano ang
pinaka-nais nila sa lahat. |
..
| Ang
pagpapalitan
ng mga opinyon upang makabuo ng mga ideya sa mga magtitipon ay isa
sa maraming mga paraan na itinuturo dito na maaaring makatulong sa iyo
upang mailabas kung ano ang una sa listahan ng mga kailangan ng isang pamayanan. |
. |
Kapag
nagawa ng tama, ito ay isang proseso na aalam ng pasya ng mas karamihan,
hindi sa gusto lamang ng iilan, o kaya ay ang kagustuhan lamang ng naghaharing
iilan. |
..
| Pagkatapos
ay ang stratehiya ng pagpapasya. Ito ang ang pag-alam kung ano ang daan
na tatahakin upang makamit ang mithiin. |
. |
Muli,
maraming mga daan sa pagpili ng mga stratehiya. Ngunit ang mas pagkatawan
nito sa kung ano ang nais ng mga kasapi ng isang pamayanan ay ang nagbibigay
rito ng balidong-nais. |
..
|
Ang paglahok ng mga
kasapi ay mahalaga sa ikatatagumpay ng layunin.
|
..
| Anuman
ang proyekto, ito ay may mga pumapasok na bagay at mayroong lumalabas rin
naman. |
. |
Ang
mga pumapasok ay ang mga bagay na magagamit para sa proyekto. |
..
| Ang
lumalabas naman ay ang layunin kapag nakamit na. |
. |
Maaaring
ang ibang mga pumapasok na bagay ay manggagaling sa tao na nagbibigay ng
tulong, katulad ng gobyerno. Ngunit ang pamayanan mismo, ang mga kasapi
nito ang dapat na magbigay rin na kanilang mga sakripisyo para sa proyekto. |
..
| ,
aming isinisuhestiyon na sila ay magbigay rin ng maitutulong sa mga bagay
na pumapasok para sa proyekto. |
..
| Ang
pagbabantay sa proyekto ay mahalagang bahagi ngunit madalas na ito ay nakakalimutang
gawin. |
. |
Ang
pamayanan ay dapat na makibahagi rin sa pagbabantay sa proyekto. |
..
| Hindi
dapat iasa na lamang sa mga taga-labas ng pamayanan na nagtataguyod ng
proyekto ang pagbabantay. ––
nag-aambag o nagsasagawa ––
ang pag-alam kung gumagana ba ang proyekto ayon sa plano |
..
| Sa
pagtakbo ng pagpapatupad ng proyekto, kailangang makilala at malaman ng
mga kasapi ng pamayanan ang anumang kagalingan na wala sila. Ang mga kagalingang
ito ay may gamit sa pagpapatakbo ng proyekto. |
. |
Katulad
halimbawa ng ukol sa accounting, sa pabibigay ng tamang mga ulat o kaya
ay mga kasanayan sa mga bagay na teknikal. |
..
| Kung
magagawa mong matulungan ang mga kasapi ng pamayanan na makapagsanay sa
mga kagalingang ito, masasabi na ang pagsasanay ay may paglahok rin. |
. |
Ang
mga tao ay pinakamainam na natututosa "paggawa o pagkilos" kaysa sa pakikinig
o panonod lamang ng mga aralin na itinuturo ng tagapag-sanay. |
..
| Ang
pagsasanay sa pamamagitan ng paglahok ay ipinapahayag sa kabuuan ng proseso
ng pagbibigay-lakas |
. |
Sa
paglahok, nagaambag ito ng mas lalong kalakasan. |
..
.
..
| Nuong
dekada singkwenta at sisenta (at pagkalipas pa noon) ay kinakitaan ng paghinto
ng mga pagkasakop sa maraming bansa. |
. |
Tumaas
rin ang pag-asa na matutugunan ang paghinto ng kahirapan sa pamamagitan
ng pagiging malakas ng mga bansang ito upang makatayo sa sarili nilang
mga paa. |
..
| Ngunit
ang kinalabasan ng katotohanan ay kabaligtaran. Ang pag-asam na mahihinto
na ang kahirapan ay napalitan ng pagkadismaya at ang maraming mga tao ay
lalo pang naghirap. |
. |
Maraming
mga makasaysayang dahilan sa paghihirap na ito. Isa na ang pagkakaroon
ng pag-iisip na mas mainam pa ang panahon noong sila ay nasasakop pa ng
ibang bansa. Ang mga multi-national na kumpanya ng mga bansa ang siyang
higit na yumayaman at lumalakas kaysa sa mga bansang ito. Lalo na ang globasisasyon
ng mga kulturang pang-negosyo, kakapusan ng kaalaman at kagalingan ng mga
pinuno ng mga bansa at marami pang iba ang mga nakakaapekto sa lalong paghihirap
ng mga dating-nasakop na mga bansa. |
..
|
Lahat tayo ay kanya-kanyang
paboritong kaisipan.
|
..
| Sa
Mga
Dahilan ng Kahirapan, ating pinaghihiwalay ang (1) epekto ng kasaysayan
at (2) mga dahilan na nakakaapekto sa paglala ng suliranin ng kahirapan
na nanatili. |
. |
Ito
ay may praktikal na gamit. Hindi na tayo makakabalik pa sa kasaysayan ay
baguhin pa ang mga nangyari na. |
..
| Maaari
nating makita ang mga kasalukuyang mga dahilan, at magkaroon ng impluwensiya,
gaano man kaliit, sa mga ito. |
. |
Ang
pagsasanay ng web site na ito ay nakatuon unang-una na sa tagapag-kilos
ng pamayanan (at sa kanyang tagapangasiwa, taga-plano, at tagapangasiwa
ng kabuuan ng proyekto.). |
..
| Sa
larangan ng matunog na pag-iisip, ating binabanggit ang, "Pag-iisip na
pangdaigdigan, pagkilos sa lokal na pamamaraan o Think globally, act locally." |
. |
Ito
ay maaari ring gamitin dito. |
..
| Papaano
tayo makakapag-ambag upang lalong lumakas, makatayo sa sailing mga paa,
may kasarinlan ang isang bansa? |
. |
Kung
ang isang bansa ay malakas, may kakayanang tumayo sa kanyang sariling mga
paa, at may maaasahang mga pamayanan, ito ay mas lalong lumalakas. |
..
| Ikaw
bilang isang tagapag-kilos, ay hindi maaari (sapamamagitan ng iyong gawa)
direktang makapagpabago ng katauhan ng isang bansa. Ngunit maaari kang
makapag-ambag sa isa o dalawnag pamayanan upang sila ay lumakas. |
. |
Sa
pamamagitan ng ganitong pamamahagi ng pamamaraan sa iba, ay maaari kang
makapag-palakas ng iba pang pamayanan sa hindi-direktang pamamamaan. |
..
| Ikaw
rin ay maaari na makaimpluwensiya sa mga mambabatas at kagawaran ng pamahalaan
sa mga paraang makakatulong sa kapaligiran na nagsusulong at sumusuporta
sa mga pamayanan upang sa lalong ikalalakas ng kanilang sarili. |
. |
Habang
maraming pamayanan ang lumalakas, lalong lumalakas ang buong bansa. |
..
| Isinulat
noon ni Joseph Marie de Maistre, "Toute nation a le gouvernement qu'elle
merite" (Ang lahat ng bansa ay mayroong pamahalaan na nababagay sa kanila)
Lettres et Opuscules Inedits (vol. I, letter 53), na minsan ay maling ibinabatay
sa dating pangalawang Pangulong Thomas Jefferson ng Estados Unidos. |
. |
Kung
ikaw ay kikilos ng husto upang magkaroon ng isang lipunan na nais mo, ikaw
ay tumutulong na rin sa pagkamit ng isang pamahalaan na nauukol sa iyo. |
..
| Ang
isang panbansang kaunlaran ay hindi nakukuha sa pangangarap lamang o dili
kaya ay sa pag-uusap lamang. |
. |
Ito
ay kinalalabasan ng daan-daan at libo-libong maliit na pagbabago. Mga pagbabago
na nakatuon sa paghihirap at pagkilos ng mga tao upang makamit ang iisang
hangarin. |
..
|
Ikaw ay maaaring
kasama nila, at ang web site na ito ay makapagbibigay sa iyo ng mga kagamitan
upang magamit mo sa pagkilos ng pagpapaunlad ng isang bansa.
|
..
.
| Piliin
ang pinakamahusay at lalo pang paigtingin ito: |
..
|
Ang isang positibong
pananaw na may kasamang pag-asa at pasang-ayon sa patuloy na pagsubok ay
hindi lamang mga luho sa gawaing ito.
|
. |
Sila ay
mga kailangan.
|
..
| Walang
sino man, walang pamayanan, walang lipunan, na perpekto. Lahat tayo ay
nagkakamali. |
. |
Kung
ikaw ay magbibigay ng panahon at lakas sa pagpuna, ikaw ay nagpapalaki
lamang ng mali na iyong pinupuna ngunit hindi ng pagtatama nito |
..
| Makakakilala
ka ng mga tao na mangangako ngunit mabibigo. Mga tao na hindi tumutupad
ng kanilang obligasyon sa isang usapan. Mga tao na nagsisinungaling at
nandadaya. Mga tao na walang-silbi, hindi maaasahan at walang sigurado.
Mga tao na hindi tapat at nanliligaw. |
. |
Simula
nung ikaw ay ipinanganak, walang nangako sa iyo na magiging patas ang buhay
sa iyo. Ganyan talaga ang buhay dito sa mundo. |
..
| Upang
magtagumpay sa gawaing ito, ikaw ay dapat magkaroon ng positibong pananaw
sa pag-uugali, at marapat na tanggapin mo na ang pagkakamali ay hindi basta
maiiwasan. Dapat rin na handa kaSa patuloy na pagtatangka," kahit na ikaw
ay nabibigo. |
. |
Upang
makuha ang galing ng isang tao, kailangan mong makita ang kanilang kahinaan
ngunit hindi mo na dapat pang banggitin ito sa kanila. kailngan mong makilala
ang kanilang kalakasan at mga naabot na at kailangan mong banggitin ito
sa kanila. |
..
|
Patuloy na manalig
sa kalakasan ng isang tao, hindi sa kaniyang kahinaan.
|
..
.
..
| Bakit
kailangang tulungan ang pamayanan na lumakas? Ang mundo ay mas lalong magiging
mabuting lugar na tirhan; ang kahirapan ay mababawasan; ang pagkilos upang
magawa ang mga ito ay isa ng makahulugang pagpupursige. |
. |
Ano
ang mga paraan pagbibigay-lakas? Ang pagbibigay dahil sa awa )pagbigay
ng mga bagay na libre) ay nagpapahina sa mga pamayanan. |
..
| Mas
magiging malakas ang mga pamayanan kung alam nila at napagdesisyunan kung
ano ang kanilang nais, at sila ay kumikilos (nagsasanay) upang makamit
ito. |
. |
Anong
mga pamayanan ang iyong pipiliin upang magabayan at matulungan upang makatayo
sa kanilang mga sarili? |
..
| Piliin
iyung mas nangangailangan, iyung makikita mo na pinakamahirap, iyung halos
walang kakayanan, at iyung halos walang kapangyarihan. |
. |
Bakit
ang kahirapan at kasaganahan ay hindi lamang basta maikakabit sa mga tao?
Dahil ang kahirapan ay pangkalahatang problema kaya ito ay nangangailangan
ng sagot na pangkalahatan. |
..
| Ang
kaunlaran ay hindi magaganap kung hindi nito maaapektuhan ang buong pamayanan.
Bakit kailngang makilahok ng mga tao sa pamayanan sa pagpapaunlad? |
. |
Kung
wala ang kanilang paglahok, walang pangkalahatang kaunlaran, at anuman
ang nakuhang kaunlaran ay mawawala rin sa katagalan. |
..
| Bakit
hindi kumilos para sa ikauunlad ng bansa? Habang ang pamayanan ay lumakakas,
sila ay nag-aambag tungo sa pambansang kaunlaran. |
. |
Ikaw
bilang isang tagapag-kilos ay maaaring kumilos at tumulong sa pamayanan
upang lumakas. Sa isang bada, ang pakikipag-uganayan sa isang buong bansa
ay hindi praktikal. |
..
| Papaano
naman iyung mga kabiguan, mga hindi tapat na tao at iyung mga mandarayang
nilalang? |
. |
Ang
isang positibong hakbang ay siyang kailangan para sa gawain sa pamayanan;
tanggapin ang mga kabiguan at magpatuloy ng hindi dalahin ang mga ito;
tanggapin na lahat tayo ay nagkakamali kung kaya iwasan ang mga puna at
manalig lamang sa kalakasan. |
..
|
Ang iyong gawain
ay may dangal at mahalaga, kahit na ito ay hindi nababanggit.
|
..––»«––.
|