Community Self Management, Empowerment and Development

English versionTagalog (Philipinnes)A versão portuguesa deste documentoUrdu Script
Prinsipyo ng Kalakasan
isnalin ni
Jun
.
Pa`ma´ya`nan
..
Panggalan  1.  pamayanan (community) -pangkat o grupo ng mga tao na naninirahan sa iisang lugar; "ang mga manlalaro ay galing sa lahat ng parte ng pamayanan" 
..
asembliya, pagtitipon (assemblage, gathering) - pangkat ng mga tao na nasa isang lugar 
..
parokya (parish) - isang lokal na pamayanan ng simbahan 
..
pamayanang salita (speech community) - mga grupo ng tao na gumagamit ng iisang uri ng salita o diyalekto. 
..
kapit-bahay, kapit-bahayan (neighborhood, neighbourhood) -paninirahan ng mga tao malapit sa isa't-isa 
..
maliit na bayan, barangay o baryo (small town, village, settlement) - isang pamayanan ng mga tao na maliit pa sa isang bayan.
..
sitio - isang pamayanan ng mga tao na maliit pa sa isang barangay o baryo. 
..
horde - isang pangkat ng mga tao na hindi nananatili sa iisang lugar upang mabuhay subalit masasabi pa rin na sila ay tumutugon sa isang pamayanan. 
 
  2. pamayanan o komunidad - grupo ng mga tao na mayroong magkakatugmang etniko o kultura o kaya ay relihiyon. 
..
mga tao - kahit na sinong pangkat ng mga tao, kasama na rito ang bata, matanda, lalaki o babae 
..
kumbento - isang pamayanan ng mga tao na kaugnay sa isang pangkat ng mga relihiyoso na naninirahan sa iisang lugar. 
..
bahay (house) - mga kasapi ng isang relihiyosong samahan na ninirahan sama-sama.
..
Bangsa Moro, Islamic Ummah, Muslim Ummah, Ummah, Umma - ang pamayanan ng mga tao na sumusunod sa relihiyong Islam 
 
  3. pamayanan ng pag-aari - may iisang pag-aari 
..
pag-aari - relasyon ng may-ari sa kanyang ariarian; ang pag-aari na kung saan ay may karapatan ang siyang may-ari na ilipat ang pagmamay-ari sa iba. 
 
  4. pamayanan ng mga bansa - isang lupon ng mga bansa na may iisang hangarin; ang ASEAN ay pamayanan ng mga bansa. 
..
pandaigdigang samahan - isang pandaigdigang pagkakasundo ng nga bansa sa iba't-ibang mga rehiyon 
 
  5. pamayanan ng mga manggagawa o propesyunal - ang lupon ng mga tao na nasa iisang gawain o pinagkakakitaan 
..
propesyon o gawain
..
pamayanang-legal, bar - ang lupon ng mga tao na kuwalipikado o may lisensiya na mag-abogado sa isang lugar o bansa. 
..
gawaing-pangkalusugan - ang pangkat ng mga tao na ang gawain ay ang tumulong sa pagpapanatili ng kalusugan ng kanilang mga kliyente. 
..
pamayanan ng kalakalan, mga nangangalakal o negosyante - ang lupon ng mga tao na namamahala ng mga negosyo. 
..
pamayanan ng mga dalubhasa - lupon ng mga tao na mayroong mga titulo sa akademya o mayroong mga matataas na pinag-aralan. 
..
gawaing pang-ekonomiya - lupon ng mga tao na ang gawain ay may kinalaman sa ekonomiya. 
..
kaparian - lupon ng mga tao na ginawaran ng kapangyarihan at karapatan upang magsagawa ng mga gawaing pang-relihiyon. 
..
pangkat ng mga mga gawain, bokasyon - lupon ng mga tao na may magkakahalintulad na gawain. 
 
  6. pamayanan - pagkakasundo ukol sa mga layunin 
..
pamayanan ng interes
..
kasunduan - ang pagkakasundo ng mga opinyon o kilos o katauhan ng mga tao 
 
  7. pamayanan - isang distrito o lugar kung saan namumuhay ang mga tao; unang-una na pinamimirhan ng mga mga pribadong resindente. 
..
lugar ng mga residente
..
pabahay - isang lugar na tinitirhan ng mga tao na may magkakaparehong mga bahay na itinayo ng mga pribadong korporasyon o kumpanya 
..
kalagayan ng pabahay - isang lugar na para sa pabahay na kung saan ang lahat ng bahay ay nakaayos at itinatyo sa magkakaparehong panahon 
..
distrito, teritoryong pamamahal, teritoryo, pamamahala - isang lugar na markado para sa pamamahala o sa iba pang bagay na pinag-ukulan 
..
uptown - isang residential na lugar malayo sa sentrong pangkalakalan ng distrito 
..
suburb, suburban area, suburbia -isang residential na lugar na makikita sa labas ng siyudad 
..
exurbia -isang residential na lugar na mas malayo sa suburbia 
..
distrito ng tenement - isang lugar na kung saan ang karamihan ng mga bahay ay nasa isang tenement na pabahay 
..
rabbit warren, warren - isang masikip na lugar na tirahan ng mga tao; maihahalintulad sa isang slum area o kaya ay sa Chinatown sa Manila 
..
Georgetown - isang bahagi ng Washington, D.C. (USA) sa hilagang-kanluran 
..
Nayon ng Greenwich, nayon - ang residential na lugar sa Manhattan, New York (USA) 
 
  8. pamayanan - (ekolohiya) isang pangkat ng mga organismo na namumuhay sa iisang rehiyon o lugar na umaasa sa isa't-isa 
..
pamayanan ng biotic
..
pangkat, pulutong - alinman sa mga kasapi na itinuturing na isang bilang 
..
bionomics, agham ng kapaligiran, ekolohiya - isang sangay ng bayolohiya (biology) na may kinalaman sa relasyon ng organismo at ng kapaligiran ito 
..
biome - isang mayor na pamayanan na may katauhan ng mga dominanteng anyo ng mga halaman at ng naghaharing klima o panahon
 


...––»«––
Mga Prinsipyo ng Pagbibigay-Lakas