.
|
Kultura
at Animasyong Sosyal
|
|
Isang
Pagpapatikim ng Agham sa Sosyal para sa Tagapag-kilos sa Pamayanan
|
.
.Dokumentong
Sanggunian.
.
| 1.
Ang Animasyon ay Nagtataguyod ng Pagbabagong Sosyal |
. |
Susunod,
Balik |
..
| Ang
tirahan ng mga tao ay hindi lamang kalipunan ng mga bahay. Ito ay isang
tao (sosyal at pangkultura) na (sosyal and pangkultura) nilalang.
(Ang
bahay, na produktong kultura ng sangkatauhan, ay nabibilang bilang isa
sa anim na kasukatan ng lipunan o kultura. Ang teknolohiyang kasukatan
ay ipaliliwanag sa ibaba). |
... |
Ang
Animasyong Sosyal (pagtataguyod ng paglahok ng pamayan at ng pagtulong
sa sarili) ay pagpapakilos at pagsasaayos ng isang pamayanan. Ang ibig
nitong sabihin ay nababago ang sosyal na ayos ng isang pamayanan, ngunit
ng bahagya lamang. Ang animator, kung gayon, ay isang ahente para sa pagbabagong
sosyal. |
.
| 2.
Ang Isang Animator ay Dapat may Alam ukol sa isang Lipunan: |
. |
Susunod,
Balik |
..
|
Maaaring
delikado na magpadalos-dalos sa pagbabago ng isang bagay na wala ka pang
alam. Kung gayon, responsibilidad ng isang animator na magkaroon ng kaalaman
sa mga agham ng antropolohiya at sosyolohiya.
Ang isang animator ay isang sosyolohista
sa galaw, kung kaya may alam dapat siya sa larangan ng soslohiya |
|
.
| 3.
Pagpapanatili ng mga Mahahalagang Sangkap ng Lipunan sa Isipan |
. |
Susunod,
Balik |
..
| Ang
mahalagang bagay para sa isang animator na tandaan dito ay ang pagkakaroon
ng kaugnayan ng kasukatang pangkultura na bumubuo ng isang pamayanan. Habang
ang ibang siyentipiko sa agham ng sosyal ay hindi sumasangayon sa tumpak
na kalikasan ng mga kaugnayan na iyon, lahat naman ay sumasangayon na ang
pinakapunong pagkatao ng isang lipunan (gyon na rin ng mga pamayanan
sa loob ng lipunan) ay ang ugnayan ng mga kasukatang pangkultura. |
. |
Ang
isang pamayanan, katulad ng iba pang mga institusyon, ay hindi lamang kalipunan
ng mga tao; ito ay ang nagbabagong kumpol ng mga ugnayan, mga ugali at
mga gawi ng mga kasaping bumubuo nito. |
.
..
| Ang
kultura ay binubuo ng lahat ng mga bagay, kasama na ang galaw at paniniwala
ng mga tao (bilang pisikal na mga hayop) na kanyang natutunan, na
siya ring nagbibigay kahulugan ng kanilang pagiging isang tao. Nakapaloob
sa kultura ang lahat ng gawi na kanyang natutunan, ngunit hindi kasama
rito ang anumang nakatakda na dahil sa namana mula sa mga magulang. Ang
kultura ay nakasilid na gawi na maaaring maipasa sa ibang tao sa pamamagitan
ng mga simbolo; kabaligtaran ito sa mga namamanang gawi at pag-uugali. |
. |
Habang
ang ibang bagay sa kultura ay nakukuha sa pagkabata (katulad ng kung
papaano magsalita, halimbawa) ang iba naman ay natututuhan sa pagtanda.Kaya
kung ang isang animator ay nagpapanukala ng pagbabagong-sosyal, kailangan
niyang ipapanukala ang pagkakatuto ng mga bagong kaisipan at gawi. Dito
na papasok ang kasanayan sa pagtututro sa mga matatanda o yaong hindi na
bata. |
..
|
Ang
sosyolohikal na kahulugan ng kultura, kung saan ang lipunan mismo, ay hindi
katulad ng kung ano ang pagkakaintindi ng kultura sa ngayon. Sa ngayon,
ang kultura ay ang mga instrumento o pagsasayaw ng katutubong arte o yaong
arte mismo. (ang mga ito ay isa lamang sa anim na sukatan ng kultura,
ang panglabas) |
|
.
| 5.
Ang Kultura ay Nagpapahayag ng Pagiging Isang Nilalang na Tao: |
. |
Susunod,
Balik |
..
| Ang
kultura ay isang super-organic. Ang pag-unawa sa konseptong ito, "superorganic,"
ay
mahalaga sa pag-unawa kung ano ang isang pamayanan. |
. |
Katulad
na lamang na ang isang organic na kalagayan ay nakabatay sa inorganic (ang
mga buhay na organismo sa atin katawan ay binubuo ng mga hindi-buhay na
bagay katulad ng mga atomos, atbp.), kung kaya ang isang super organic
ay nakabatay naman sa organic. (ang lipunan ay hindi isang tao kungsi
ito ay binubuo ng kalipunan ng mga tao) |
|
Ang
ibig sabihin nito, habang nasa animasyon (pagppapakilos at pagbubuo)
ng
isang pamayanan, ang isang animator ay kailangang laging makagawa ng paghihiwalay
ng mga nangyayari sa kabuuan ng pamayanan mismo, kaibahan sa kung ano ang
nangyayari sa isang tao na nakapaloob rito. |
|
.
| 6.
Ang Pamayanan ay Isang Superorganic na Ayos: |
. |
Susunod,
Balik |
..
| Ang
isang pamayanan ay makikita katulad ng sa isang organismo. Ito ay nabubuhay
at kumikilos kahit na ang mga tao na nakatira rito ay dumarating at umaalis
o naipapanganak at namamatay. Katulad ng sa isang buhay na organismo ng
hayop o halaman, na humihigit pa sa mga walang buhay na atomos nito, ang
isang institusyon o ayos ng mga ugali o ang isang pamayanan ay humihigit
pa sa mga tao na bumubuo nito. |
. |
Ang
paniniwala, halimbawa, ay pinaniwalaan ng maraming tao, ngunit ang paniniwalang
iyan ay maaaring mabuhay at magpatuloy sa iba pang mga tao pagkamatay ng
mga unang naniniwala roon. Gayon rin naman sa isang institusyon tulad ng
kasal, sa isang samahan katulad ng sandatahang-lakas, ng isang bayan katulad
ng San Pedro, ng isang kinagawian tulad ng pakikipag-kamay, ng isang kasangkapan
tulad ng piko o kaya ay ng isang ayos tulad ng pakikipagkalakal. Ang lahat
ng ito ay humihigit pa sa tao na siyang kasapi o bumubuo nito. |
..
| Ang
lipunan kung gayon ay isang ayos--hindi isang inorganikong ayos tulad ng
isang makina, hindi isang organiko tulad ng isang puno, ngunit isang super-organiko
na ayos na binubuo ng mga natutunang kaisipan at asal ng mga tao. |
. |
Kahit
na ang pamayanan ay isang ayos na kultural (kung saan hinihigitan nito
ang bawat tao na bumubuo nito) hindi ito nangangahulugang may matiwasay
na pagkakaisa. Ito ay puno ng magkakaibang-grupo, pakikibaka at salungatan,
ayon sa pagkakaiba ng kasarian, relihiyon, kayamanan, katayuan sa buhay,
tribu o uri ng kinabibilangang mga tao, uri ng naabot na pinag-aralan,
sahod, salita, pagmamay-ari at ng marami pang mga bagay. |
..
| Upang
maipahayag ang kaunlaran at pakikipagtulungan sa pamayanan, tungkulin ng
isang animator na maipagbuklod ang mga magkakaibang-grupo na ito bilang
isang grupo. Kailangang makapag-engganyo ng pagiging maunawain at pakikipagtulungan
at magkaroon ng mga desisyon na ayon sa gusto ng mas nakararami. Hindi
tio madali. Habang ang mga kaisipan sa pagpapalaganap ng mga ito ay makikita
sa babasahing ito, ang pag-alam naman sa sosyal at kultural na ayos (ayon
sa binabanggit sa babasahing ito) ay nalalatag ng kaisipang pangkakakilanlan
na kung saan ang animator ay makapagbubuo ng isang propesyunal na maaasahan. |
. |
Para
sa isang animator na makapagpalaganap ng pagbabagong-sosyal sa isang pamayanan,
kailangang malaman niya kung papaano ang isang sistema o ayos ay gumagalaw.
Samakatwid baga, kung papaano ito tutugon sa pagbabago. Tulad ng isang
inhinyero (isang pagtuwirang pisikal na siyentipiko) na kailangang
malaman kung papaano gumagana ang isang makina, ang isang tagapag-ayos
sa pamayanan (isang pagtuwirang pang-sosyal na siyentipiko) ay kailangang
malaman kung papaano ang isang pamayanan ay gumagalaw. |
.
..
Lahat
ng kultura (o samahang-sosyal) ay may iba't-ibang sukatan. Katulad
ng panglabas na sukat ng haba, lapad, taas, at oras, ang sukatang-pangkultura
ay maaaring magbago sa laki. Ngunit sa kahulugan, ito ay tumutugon pa rin
sa kabuuan. Iminumungkahi dito na ang pinakamainam na pangkat ay ang anim
na pangkultura o sosyal na sukatan. Ito ay tumutugon sa lahat ng
kaayusan ng mga natutunang mabuting gawi at aral.
..
Ang
lahat ng ito ay kaayusan sa loob ng sosyal-na-kaayusan. Ito ay nakatuon
sa mga natutunang asal, na higit pa sa mga tao na natuto ng baha-bahagi
nito. Tulad ng panglabas na sukatan ng haba at oras, kung ang isa sa mga
sukatang pangkulturang ito ay nawawala, ayon sa kahulugan, ang lahat ay
nawawala na rin. |
........ |
Ang
mga sukatang pangkultura ay pinapalooban ng mga:
-
Pang-Teknolohiya,
-
Pang
Ekonomiya,
-
Pang-Politika,
-
Pang-Institusyun
(sosyall),
-
Panglabas
na halaga, at
-
Binuong-paniniwala
|
..
| Hindi
mo maaaring "makita" ang sukatang pangkultura o panglipunan, tulad
ng pagtingin mo sa isang tao. ANg bawat tao ay nagpapakita ng anim na sukatan
ng kultura. |
. |
Upang
maging mulat sa lipunan, ang animator ay marapat na makapaghimay ng lahat
ng anim na sukatan, at ng pagkaka-ugnay ng mga ito, kahit na maaari lamang
niyang makita ang isang tao o tao, hindi ang buong sukatan. |
.
.
| 8.
Ang Sukatang Pang-Teknolohiya ng Kultura: |
. |
Susunod,
Balik |
..
|
Ang
teknolohiyang sukatan ng kultura ay ang mga kapital nito, mga kasangkapan
at kasanayan, at mga paraan ng pakikitungo sa pisikal na kapaligiran nito.
Sa madaling-salita, ito ay ugnayan ng tao sa kanyang kalikasan.
|
..
| Tandaan
na hindi ang mga pisikal na mga kasangkapan mismo ang bumubuo ng sukatang-teknolohiya
ng kultura. Bagkus ito ay ang mga natutunang mga kaisipan at pag-uugali
na nagbibigay-pahintulot sa tao upang makagawa gamit ng mga kasangkapang
ito , matutong gumamit at magturo ng mga kasangkapang ito sa ibang tao. |
. |
Kapag
ang isang tagapagpakilos ay nanghikayat sa isang pamayanan na bumuo ng
kasilyas o kaya ay ng balon, isang bagong teknolohiya ang naipapakilala.
Ang isang balon (o kasilyas) ay isa ring uri ng kasangkapan, tulad
ng isang martilyo o kaya ay kompyuter. Ang isang tagapagpakilos ay kailangang
maging handa na umunawa sa mga epekto sa iba pang mga sukatan ng kultura
ng pagpapakilala ng pagbabago sa isang sukatang-teknolohiyang paraan. |
.
..
|
Ang
sukatang pang-ekonomiya ng kultura ay ang iba't-ibang kaparaanan ng paggawa
at pagtatabi/paggamit ng kakaunti ngunit mapapakinabangang produkto at
serbisyo (kayamanan), kahit na ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay,
obligasyon, pakikipagpalit, pagtitinda sa merkado o kaya ay sa pagbibigay-alokasyon
ng pamhalaan.
|
..
| Hindi
ang mga pisikal na bagay katulad ng salapi ang bumubuo ng sukatang pang-ekonomiya
ng kultura, kungdi ng mga iba't-ibang kaisipan, pagpapahalaga at
mga pag-uugali na siyang nagbibigay halaga sa salapi (at sa iba pang
mga bagay) sa pamamagitan ng tao na siya ring bumuo ng kaayusan sa
ekonomiya na siyang ginagamit ngayon. Ang kayamanan ay hindi lamang salapi,
katulad ng kahirapan na hindi lamang kakulangan sa salapi. |
. |
Kapag
ang isang pamayanan ay nagpasya na magbigay ng tubig sa kanyang nasasakupan
sa isang pirmihang presyo, o kaya ang bayad ay ayon sa bawat lalagyan ng
tubig na makukuha, sila ay gumagawa ng pagpapasya sa pagitan ng dalawang
kaayusan ng bigayang-pang ekonomiya. ANg isang animator ay dapat na manghikayat
sa pamayanan na pumili kung ano ang gusto nito ayon sa gumaganang kahalagahan
at pag-uugali. (Ang isang magaling na animator ay hindi susubok na ipagawa
anuman ang nasa isipan niya bilang pinakamagaling na paraan ng distribusyon;
ang mga kasapi ng pamayanan ang siyang dapat magpasya ukol rito sa pamamagitan
ng pasya ng nakararami). |
.
..
|
Ang
politikal na sukatan ng kultura ay ang iba't-ibang kaparaanan ng pagbibigay
kapangyarihan at pagpapasya. Hindi ito katulad ng idolohiya, na nabibilang
sa sukatan ng halaga. Nabibilang rito ang iba't-ibang uri ng pamahalaan
at sisyema ng pamamalakad. Kasama na rin kung papaano ang kakaunting bilang
ng tao ay nakagagawa ng pagpapasya kahit na sila ay walang kinikilalang
pinuno.
|
..
| Kailangang
makilala ng animator ang iba't-ibang uri ng pinuno sa isang pamayanan.
Ang iba ay may tradisyunal na kapangyarihan, ang iba ay may maganda at
magaling na pakikitungo sa mga tao. |
. |
Kapag
nakikipag-ugnayan sa isang pamayanan, ang isang naimtor ay dapat magpaunlad
pa sa gumaganang kapangyarihan sa pamayanan na iyon. Ang pagpapasya ay
kasama na rin upang lalaong mapag-ibayo ang pagkakaisa ng pamayanan at
magkaroon ng pagpapasya ayon sa itinakda ng kabuuan ng mga tao, na siyang
magbibigay benepisyo sa kabuuan ng pamayanan. |
.
| 11.
Ang Institusyunal na Sukatan ng Kultura: |
. |
Susunod,
Balik |
..
|
Ang
sosyal o institusyunal na sukatan ng kultura ay nakapaloob sa mga gawi
ng tao, kung papaano sila makipag-ugnayan sa isa't-isa, kung papaano sila
kumilos o umasa para sa isa't-isa. Kasama na rito ang institusyon ng kasal
o pakikipag-kaibigan, mga gampanin ng magulang o alagad ng batas, katayuan
sa buhay at iba pang mga pag-uugali na sinusunod ng mga tao.
|
..
|
Para
sa isang animator o tagapagpagalaw na maging matagumpay, kailangang malaman
niya ang mga lokal na institusyon, mga iba't-ibang gampanin na itinataguyod
ng mga lalaki at babae at kung ano ang pinaka-primerong porma ng pakikipag-uganayan
ng mga tao sa isang pamayanan. |
|
.
| 12.
Ang Panglabas na Ugali ng Sukatan ng Kultura: |
. |
Susunod,
Balik |
..
|
Ang
panglabas na kahalagahan ng sukatan ng kultura ay ang ayos ng mga kaisipan,
minsan ay kabaligtaran, walang pirmihang ayos, o kaya ay kontra sa kung
ano ang pananw ng tao sa mabuti at masama. Tungkol rin sa kagandahan at
kapangitan, sa tama at mali. kung saan ibinabatay ng tao ang kanilang mga
gawi upang gawing katwiran.
|
..
|
Kapag
ang isang animator ay nagpapakilala ng mga bagong pamamaraan ng paggawa
ng mga bagay sa isang pamayanan, kanyang isinasaalang-alang ang mga pinapahalagahan
ng pamayanan na iyon, tama man o mali.
|
|
.
| 13.
Ang Paniniwalang Konsepto ng Sukatan ng Kultura: |
. |
Susunod,
Balik |
..
|
Ang
konseptong-paniniwala na sukatan ng kultura ay isa pang ayos ng mga kaisipan,
na minsan rin ay kontra sa isa't-isa, na pinaniniwalaan ng mga tao tungkol
sa kalikasan ng langit, ng mundo sa paligid niya, ng kanilang silbi sa
mundo, mga bagay na pinagmulan at kinalabasan, at ng oras, bagay at pag-uugali.
|
..
| Ang
isang animator ay dapat may kaalaman sa pinaniniwalaan ng mga tao sa isang
pamayanan. |
. |
Upang
maging isang maiging tagapagtaguyod ng pagbabagong-sosyal, ang isang animator
ay nararapat na magbigay ng mungkahi at magtaguyod ng mga kilos na hindi
makaka-insulto sa pinaniniwalaan ng mga tao sa pamayanan at may pirmi o
nararapat na pasya sa mga pinaniniwalaan at mga konsepto ng mga tao. |
.
| 14.
Ang lahat ng Sukatan ay Nasa Bawat Bahagi ng Kultura: |
. |
Susunod,
Balik |
..
| ANg
pinakamahalagang matandaan ay ang katotohanan na sa bawat lipunan, sa bawat
pamayanan, sa bawat institusyon, sa bawat pakikipag-ugnayan ng tao sa isa't-isa,
ay mayroong makikitang bahagi ng kultura. Kasama na rito ang bahagi ng
bawat isa sa mga sukatan ng kultura. Ang lahat ng ito ay natututunan mula
sa kapanganakan pa lang.. |
. |
Ang
isang bagong silang na sanggol ay tulad ng isang hayop, hindi pa ganap
na tao sa bahagi ng kaalaman, ngunit ito ay natututo na ng kultura sa simula
pa lamang. (halimabawa ay ang pagkakatuto sa pag-inom ng gatas mula
sa suso ng ina) At sa katagalan, sa pakikitungo sa iba pang mga tao,
ang sanggol ay nagsisimula na ring maging tao ayon sa kaalaman. (Ayon
sa ibang mga tao, ang pagiging tao ay nagsisimula naman sa sinapupunan
pa lang). Ang proseso ng pagkakatuto, at ng pagiging tao, ay nagpapatuloy
hanggang sa kamatayan ng nilalang. |
..
|
Kung
hindi ka natututo, ikaw ay patay na.
|
|
.
| 15.
Interconnectedness Has A Practical Use: |
. |
Next,
Back |
..
| For
the social animator, and for anyone who is engages in any development activities,
the important part of all this is the variety of interconnections between
those cultural dimensions. They may be causally and functionally inter-related.
Technology (in contrast to popularly held ideas), for example, both
the tools and the skills to use them, is as much a part of culture as are
beliefs, dances, and ways of allocating wealth. |
.. |
To
make changes in any one dimension has repercussions in each of the other
dimensions. To introduce a new method of obtaining water, for example,
requires the introduction of new institutions to maintain the new water
system. Learning any new ways of doing things will require the learning
of both new values and new perceptions. To ignore such interconnections
while promoting technology transfer is to do so at your peril (unexpected
and/or unwanted results may be produced). |
.
| 16.Ang
Pagkakaroon ng Ugnayan ay Nagdudulot ng Pagbabagong-Sosyal: |
. |
Susunod,
Balik |
..
| Upang
mabagao ang isang bagay sa isang sukatang ng kultura ay hindi lamang nangangailangan
ng pagbabago sa ibang mga sukatan, kungdi, ito ay nagdudulot ng pagbabago
sa iba pang mga sukatan. |
. |
Ito
ang dahilan kung bakit kailangang mahimay ang dulot sa lipunan ng mga proyekto,
gaano man ito kaliit o kalaki. |
.
| 17.
Katapusang-Hatol; Kahalagahan ng Kultura sa Animasyon: |
. |
Susunod,
Balik |
..
| Ang
pagkaka-ugnayan sa mga sukatan ng kultura ay hindi madaling makita o mapansin.
Ang isang animator ay dapat na mulat na ang mga sukatang ito ay namumutawi,
at patuloy na manghikayat na magmasid, magsuri, magbahagi ng mga kaisipan,
magbasa at lumahok sa mga pagsasanay at pagtuturo. |
. |
Sa
paggawa ng animator ng kanyang tungkulin sa isang pamayanan, kailangang
matuto siya lalo ng kanilang kultura, at ng paggalaw ng kanilang mga sukatan
ng kultura. |
––»«––
|