...
|
Paglalantad
ng Nakatagong mga Pinagkukunang-yaman
|
,
.Dokumentong
Batayan.
.
..
.
| Ang
simpleng pag-uukol ng pinagkukunan sa isang pmayanan ay nanghihikayat ng
pagiging palaasa sa kabuuan. Ang patuloy na pag-unlad ng isang pamayanan,
ang pag-alis ng kahirapan, pagpapaunlad ng pagtayo sa sariling mga paa
ay nangangailangan sa isang pamayanan na gamitin nito ang sariling mga
pinagkukunang-yaman. |
... |
Samantalang
tinatanggap ang mga ibang tulong na galing sa labas o ibang-tao, hindi
na ito maiaalis pa sa buhay na magsisilbinh aasa na lamang rito ang pamayanan
sa katagalan. Mainam na lamang na ang lahat ng pamayanan ay may pagkukunang-yaman,
na kadalasan ay nakatao; at ang gawain na makilala at mailabas ito at magamit
ang dapat pagtuunan ng pansin. |
.
..
.
| Ang
ating layunin ay ang pag-unlad na pangmatagalan, pag-alis ng kahirapan,
at pagtayo sa sarili ng mga pamayanan na may maliit na pinagkakakitaan.
nais nating tumulong, ngunit ang pagtulong natin ay may babalang kaakibat.
Maaari kasi tayong mag-ambag pa sa lalong kahirapan, walang pagbabago o
pagiging palaasa ng isang pamayanan. |
. |
Ang
mga kailangan nating malaman ay kung ano ang pinagmulan ng kahirapan at
ang mabuting pagpapaunlad sa mga ito. Sa ganitong paraan, makapagbibigay
tayo ng tunay at sapat na pagtulong na siyang makapag-aambag upang maiaalis
ang pagiging palaasa ng isang pamayanan. Ito ring tunay at sapat na pagtulong
ang siyang nararapat upang hindi na lalo pang makapag-ambag pa sa patuloy
na kahirapan ng isang lugar. |
..
..
| Ang
Kahirapan ay Hindi Lubusan |
..
| Walang
pamayanan ang lubusang mahirap. Hanggang may mga nakatira sa isang pamayanan,
ang ibig sabihin nito ay may pagkukunang-yaman, sapat upang masagip nito
ang pamayanan sa kinalulugmukan nito. Kapag ang isang pamayanan ay isang
matandang-pinaglipasang lugar lamang, hindi ito isang pamayanan. |
. |
Walang
isang buhay na pamayanan ang lubusang mahirap."Oh!" sabi mo, "ngunit ang
mga tao ay walang sapatos, malinis na tubig, pagkaing may sapat na sustansiya,
mataas na kamatayan sa mga sanggol, kamangmangan, kawalang-interes at gana
sa buhay, mga sakit, kawalang-kaalaman sa maraming bagay, kawalan ng pagtitiis
at walamng mga pasilidad tulad ng palikuran, lutuan, gamutan. Kailangan
nila ng tulong!" Oo, sang-ayon ako roon, ngunit tayo na may pagnanais na
makapagbigay ng patuloy na kaunlaran ay kailangang maging maingat sa kung
anong uri ang tulong na ibibgay. |
..
|
Bawat
ng pamayanan ay may pagkukunang-yaman
|
| Mahalaga
na matandaan natin na ang bawat pamayanan ay mag pagkukunang-yaman. Bakit?
Dahil kung nais nating mapalakas ang mga pamayanang yaon ay kailangan nating
mapakawalan ang mga nakatagong mga pagkukunang-yaman. Kung tayo ay gagabay
ay gagabay tayo sa kaparaanang makapagpapalakas tayo, hindi makapagpapahina,
ng isang pamayanan. |
. |
Kung
tayo ay magbabagasak lamang ng tulong sa isang pamayanan at hindi natin
gagamitin ang anumang nakatagong pagkukunang-yaman nito, tayo ay nagdadagdag
lamang sa pagiging kawalang nais nito na gumalaw para sa kanilang sarili.
Mag-aambag lamang tayo sa paglala ng pagiging palaasa ng pamayan sa mga
tulong na galing sa labas imbes na tulungan nito ang sarili na gamitin
ang yaman sa loob ng pamayanan. Sa ganoon, magigong malala ang kahirapan. |
.
..
| Ano
ang mga Pagkukunang-yaman? |
..
| Ang
pinagkukunang-yaman ay ang kahit ano na produkto o serbisyo na maaaring
hindi gaanong marami ngunit maaari namang napakainam na magamit; ibig sabihin
ito ay may halaga, ito ay kayamanan.
Hindi lamang ito basta kayamanan, ngunit ang pagkukunang-yaman ay maaaring
magamit bilang isang sangkap upang makagawa ng produkto o serbisyo na mas
magagamit. Ito ay masasabing mainam na sangkap para sa mas mabuting gawain;
para naman sa pamayanan, isang mainam na sangkap para sa proyektong pampamayanan. |
. |
Ang
madalas na tinitignang pinagkukunang-yaman ng isang proyekto sa pamayanan
ay salapi o pera.; pera ang pinamakadaling
gamitin na porma ng pinagkukunang-yaman, dahil maaari itong magamit na
pambili o kaya ay pambayad upa. (produkto o serbisyo). Sa kalungkutan,
ang pera ay madalas na kakaunti, at ang mga mahihirap na pamayanan ay kailangang
maghanap ng pagkukunang-yaman na hindi kailangan ng pera at subuking magamit
ito at magawang pera.O kaya ay magawa itong mas mainam na pagkukunang-yaman
na mas kailangan ng pamayanan. Sa mga pinagkukunang-yaman ng pamayanan
ay kasama na rito ang mga hindi salapi na produkto o serbisyo. |
..
| Isipin
ang mga uri ng pagkukunang-yaman ng isang pamayanan na kailangan nito upang
siyang magsilbing una at mahalagang proyekto. Kailangan nito ng lupa o
lugar na siyang paggagawaan ng proyekto. Isama na rin rito ang mga kasangkapan
na gagamitin at mga sangkap upang magawa ang ninanais na producto o serbisyo.
Kailangan nito ng manggagawa at mekanikal na lakas tulad ng kuryente, hangin,
tubig. Ang isa pang uri ng lakas ng manggagawa ay ang kaisipan na siyang
gagamitin sa paggawa ng mga plano, pamamahala, paggawa ng desisyon at paggawa
ng mga ulat. Ang lahat ng mga ito ay mga kailangang pagkukunang-yaman at
maaaring makita sa loob ng pamayanan. |
. |
Ang
pinakamahalaga ay ang pagbibigay halaga roon sa mga bagay na hindi pera
o salapi at isiping ang mga ito ay may kaukulang halaga sa merkado kung
magagamit ng tama (kasama na rin rito ang oras at pagod na ginamit ng mga
tao sa likod ng pagpapa-implenta at mga tao sa pamamahala ng pamayanan).
Mayroon kasing madalas gawin ang mga tao, ang hindi pagbibigay ng tamang
halaga sa kahalagahan ng mga pinagkukunang-yaman na ito. Bilang isang tagapagpakilos,
dapat isaalang-alang na masiguro ang mga pinagkukunang-yaman na ito ay
mabibigyan ng sapat na pagpapahalaga. |
..
..
..
| Mayroon
dalawang-uri ng pagkukunan ng mga gagamitin at sangkap mula sa labas ng
pamayanan. Ito ay ang (1) gobyerno at (2) mga ahensiyang nagbibigay-gabay. |
. |
Ang
mga makukuha sa gobyerno ay ang regular at pangtaunang budyet panggastos
ng sentral, mga pang-rehiyon at mga pang-distritong pamahalaan na siyang
maaaring responsable sa pagbibigay ng producto at serbisyo, at mga ibinibigay
na mga pondonh pang-proyekto para sa mga pamayanan. |
..
| Mahalaga
na ang mga pagpapasya sa mga gastusing ito ay gagawin pagkaraang magkaroon
ng sanggunian sa mga nasabing mga pamayanan. |
. |
Ang
mga desisyon ng mga tao sa gobyerno sa mga malalayong mga siyudad at bayan
(kapital ng bansa, ng rehiyon o ng distrito) na hindi isinasama ang mga
pamayanan sa pagdedesisyon ay para na ring nagbibigay lamang ng limos sa
pamayanan; nagpapalala lamang sila ng kawalang-interes sa mga tao upang
kumilos, lalong maging pala-asa at lalong malugmok sa kahirapan. |
..
| Habang
ikaw na isang tagapag-kilos ay walang masyadong magagawa sa mga pagpapasya
ng mga tao sa bogyerno, maaari ka namang magbigay ng iyong magagawa sa:
(1) paghihikayat at pagtulong sa mga taong gobyerno upang magkaroon ng
pag-uusap sa pagitan ng mga tao sa pamayanan, sa isang banda maging isang
tagpamagitan (mas lalong ipinapaliwanag sa ibaba) at (2) pagbibigay suporta
at payo sa paghubog ng mga papeles sa polisiya sa kaunlaran ng pamayanan
na siyang nagbibigay suporta sa programa ng gobyerno na "isinusulong" sa
pamamagitan ng mga kapital ng bansa, pang-rehiyon at pang-distrito. Ang
mga ito ay nararapat na tugma rin sa kung ano ang mahalagang mga plano
ng mga lokal na pamayanan upang mas mapag-ibayo ang tamang paggamit ng
mga pondo. |
. |
Ang
mga sumusuportang mga ahensiya ay maraming mga uri. Ang mas lalong nakikita
at napapansin ay ang internasyunal NGO o kaya ay ang nasyunal NGO na siyang
binibigyan ng pondo ng isang internasyunal na organisasyon o indibiduwalidad.
NGO na ang ibig sabihin ay non-governmental organization; madalas na
ito ay nagpapahayag ng isang samahan na hindi kumikilos upang kumita o
non-profit, at ito ay isang boluntaryong ahensiya). Ang ibang nga ahensiya
naman ay maaaring mga simbahan o ang kanilang mga departamentong nangangasiwa
sa pagtugon sa mga pamayanan, baylateral
o bilateral (ugnayan sa pagitan ng dalawang samahan) o multilateral
(uganayan sa pagitan ng maraming mga samahan) na mga proyekto |
..
| Ang
International Red Cross ay nagsasabi na sila ay hindi isang NGO; ngunit
sila ay isang NGO. Mas marami ngayon ang panawagan ng mga nagbibigay
mula sa iba't-ibang panig ng mundo na magkaroon ng paglahok ang mga pamayanan
sa mga proyekto ypang laong magkaroon ng pang-matagalang pag-unlad na makamit. |
. |
Muli,
ang iyong tungkulin bilang isa sa mga tagapamagitan, lalo na sa katotohanang
ang mga dayuhang ahensiya na nagbibigay tulong ay hindi naman lubos na
nauunawaan ang mga lokal na kondisyon ng mga pamayanan. Kasama na rin rito
ang mga pagkakataon upang mabigyang-kapangyarihan ang mga pamayanan sa
pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa paggawa ng mga pasya at pagbibigay
tulong sa pag-unlad ng mga proyekto. |
..
..
| Ang
Nakalilitong-Kaisipan Ukol sa Limos o Pagbibigay-Limos: |
..
| "Pagtulong
sa mga mahihirap," ay isang pagpapahalaga sa buhay ng tao. Ang pagbibigay
limos ay kasama sa mga balangkas ng pagpapahalaga sa mga malalaking relihiyon
ng mundo. |
. |
Ang
tulong na pang-ekonomiya ng gobyerno sa mga mahihirap na lugar sa isang
bansa, mga pinupondohan ng mga dayuhang mayayamang bansa, at mga subsidi
ng pamahalaan at suporta para sa mga naghihirap na pamayanan ay mga pagpapakita
ng pagbibigay pahalaga sa limos o pagbibigay-limos. |
..
| Ang
pagtulong sa mga mahihirap na tao ay hindi katumbas ng pag-alis ng kahirapan.
Iyan ay isang nakalilitong-kaisipan lamang. Kaalinsabay ng pagtulong sa
isang tao sa pamamagitan ng pagbibigay-limos ay maaari pang makapagpalala
ng kahirapan, kaysa mapaalis ito...
Bakit? |
. |
Ang
pagbibigay-limos ay nagtuturo sa isang tao upang maging palaasa sa pamamagitan
ng pagbibigay sa kanya ng kaisipan na ang paghingi na lamang ng limos ang
tanging paraan upang siya ay magkaroon ng makakain o kikitain sa araw-araw.
Katulad na lamang ng pagbibigay ng ibang bansa ng tulong sa mga bansang
mahihirap na nagbibigay kaisipan sa mga mahihirap na bansang ito na ang
tulong na kanilang natatanggap, pandagdag para sa kanilang usaping-gastusin
sa
loob ng bansa, ay isang karapatan dahil sila ay mahirap lamang. |
..
| Tignan
rin dapat ang dahilan ng nagbibigay ng limos. Ito ba ay ginagawa dahil
ang nagbibigay ay may pinapangalagaang interes upang huwag mamatay ang
kultura ng pagbibigay-limos? Sa maraming mga mayayamang lipunan, ang mga
nasa alta-sosyedad ay nagbibigay ng pera sa mga pulubi upang maalis nila
ang kanilang konsyensiya sa pagiging mayaman. Dahil ito sa kaalamang ang
kanilang yaman ay nakuha lamang sa pamamagitan ng paggamit sa mahihirap
na tao (Tolstoy). Ang pagbibigay ng limos ay nagpapatibay upang mamalimos.
Samakatwid ito ay nagpapatibay ng kaayusan ng hindi pagkakapantay-pantay,
na nagpapanatili sa mga mayayaman, na siyang lalong nagdaragdag ng kahirapan. |
. |
Huwag
mabahala o malungkot. Ang kasulatang ito ay umaasa, hindi nakikipagtalo
na maalis na sana ang pagbibigay tulong (aid) o tulong galing sa mga mayayamang
bansa. Hindi rin ito nagtatagiyod ng madugong rebolusyon. Isinusuulong
nito ang paraan ang isang tulong na ibinigay ay mahalaga, at angparaan
ng paggamit nito" ay marapat na maintindihan; hindi ito dapat nagbibigay
ng kasiraan, bagkus ng kabutihan lamang. ..Ang
pagbibigay-luwag sa kahirapan ng mahihirap (halimbawa ay ang pagpapababa
ng kahirapan) ay hindi isang hangarin; ang paglaban at pagwawagi sa kahirapan
ang siyang sadyang hangarin. |
..
| Ano
na ngayon ang kuneksiyon - ng nakalilitong-kaisipan ng pagbibigay-limos
- sa pagpapakilos? Ang nakliliotng-kaisipan ay mayroong iba't-ibang antas
(katauhan, pamayanan, pambansa, pang-ibang bansa). Maraming mga sosyal,
politikal, at pang-ekonomiya na mga lakas o puwersa na nagpapalawig ng
kahirapan. Kung ikaw ay lumalaban sa kahirapan, lalo na sa antas sa pamayanan,
kailangang maintindihan mo ang nakalilitong-kaisipan ng pagbibigay-limos
sa mga puwersang ito. |
. |
Bilang
isang tagapamagitan sa pagitan ng pangloob ng pamayanan at panglabas na
pagkukunang-yaman, kailangang maipagbigay-alam mo sa dalawang ito ang panganib
ng pagbibigay-limos. Katulad ng sasabihin sa iyo ng kahit sinong magaling
na gumagawa ng estratehiya sa militar, "Alamin mo ang kalaban."
..Ang
kalaban ay ang kahirapan. |
..
..
| Palayain
ang mga Pagkukunang-yaman: |
..
|
Ang
tungkulin mo bilang isang tagapagkilos ay manghikayat at magbigay alalay
sa pamayanan upang makilala at magamit ang lokal na mga pagkukunang-yaman
nito.
|
..
| Kailangang
mabigyan ng kasiguraduhan ang mga kasapi ng pamayanan nahindi makabubuti
sa kanila ang pagtatago ng kanilang mga pagkukunag-yaman (o kaya ay ilihim
ang mga ito) at ang pagkukunwari na mas mahirap pa sa kabuuan ng pamayanan
mismo. |
. |
Maaari
kasi silang matukso.Ang paghingi ng awa sa mga nagbibigay-tulong ay hindi
isang matapat at may-dangal na gawain. Hindi rin ito nakakatulong sa pagpapa-unald
ng sariling-pagsisikap at pagbibigay-kapangyarihan sa mga pamayanan na
may mababang kinikita. |
..
| Mahalaga
at kailangan na magiya ang mga kasapi ng pamayanan na makilala nila ang
kanilang pangloob ng pagkukunan-yamang. Ito ay maaaring maging kapanapanabik
at masaya. Ang ating madalas na gamiting mga kagamitan sa pagpapakilos
ay angkop para rito: isang pamayanan o isang pagkikita ng isang pangkat,
isang malaking papel sa dingding o pader kasama na ang isang pentel pen
(o kaya ay isang piraso ng sanga upang makapag-sulat o makaguhit sa lupa
o buhangin). |
. |
Mga
maaaring maging pagkukunan ng yaman mula sa mga kalahok (gaya ng ginagawa
sa isang pagpapalitan ng mga mungkahi na pagtitipon),
tulad ng kagustuha ng isang matandang karpintero na tumanggap ng alwage
mula sa mga batang kasapi ng pamayanan, mga hindi nagagamit na lupain na
maaaring gamitin ng pamayan upang mapagpatayuan ng klinika o paaralan,
ilang kabataan na hindi kumikita na maaaring pagkunan ng lakas at sigla,
ilang magsasaka at ilang tao na maaaring nais na maghanda ng makakain ng
mga libreng-manggagawa ng pamayanan, ilang tapat at mapagkakatiwalaang
kasapi ng pamayanan na nais magbigay ng panahon at talino sa pagbibigay-plano
sa proyekto ng pamayanan. |
..
| Huwag
husgahan agad ang suhestiyon kapag ito ay naihayag (maaaring manghikayat
na ang lahat ay magbigay ng kanilang kaisipan; mayroong mga kasapi kasi
na mahiyain na maaaring takot mapulahan ang kanilang mungkahi). Katulad
sa isang bigayan ng mungkahi na pagtitipon, alisin muna ang mga pagbibigay-pila
at puna; isulat lang muna ang mga mungkahi na ibibigay sa sulatang papel
na nasa dingding o pader. Ipaliwanag na maaari itong pag-aralan pagkatapo
ng bigayan ng mga mungkahi. |
. |
Tandaan
na ipaalala na hindi lang ang salapi ang maaaring gawing pinagkukunang-yaman,
na maraming bagay pa na mahalaga rin. Gaano kahalaga? Ang isang katumbas
na halaga ng pera ay kakailanganin kapag nasimulan na ang proyekto, ngunit
ito ay maaaring magawa na ng kumite na siyang nakatuon na sa eheksutibong
mga responsibilidad. Ang salapi at kayamanan, bagaman may kaugnayan, ay
hindi naman magkatulad. |
..
| Kapag
may kinikilalang pagkukunang-yaman sa paraang
ganito, hindi rin naman nararapat na kalimutan na isama ang salapi sa mga
ito. Maaaring magkaroon ng fund-raising upang makaipon ng pondo, raffle
o kaya ay pa-bingo (basta ito ay legal o lehitimo), pagbebenta ng mga naibigay
na donasyong mga gamit (Nakakita na ako ng isang mayamang negosyante mula
sa siyudad na nagbayad ng halos limampung-libong piso para sa isang baso
ng ordinaryong tubig sa isang subasta sa kanilang lalawigan). |
. |
Manghikayat
na maging malikhain sa pag-iisip ang mga kalahok, kahit na ang ibibigay
nilang mungkahi ay hindi naman magagamit kalaunan (ililista lang muna rito,
hindi pag-aaralan ang mga mungkahi). Hindi dahil hindi pa nasusubukan ang
isang bagay ay hindi na ito maaaring ilista o pag-aralan sa kahabaan ng
pag-aaral ng lahat ng mga mungkahi. |
..
..
..
| Alam
na ng mga siyentipiko sa bayolohiya na ang bawat buhay na nilalang ay nagiging
malakas sa pamamagitan ng pakikihamok. Ang mga sa larangan naman ng isports
ay naniniwalang ang ehersisyo at pag-eensayo ay nagpapalakas ng mga buto
at kalamnan ng katawan. |
. |
Ang
mga guro at sikolohista naman ay alam na ang mga pagsasanay sa utak ay
nagpapalakas ng mental na kakayanan. |
..
| Gayon
rin naman, sa mundo ng soslohiya, na ang pamayanan,pangkat o organisayon
na may kinakaharap na kalaban ay lalong lumalakas. |
.. |
Hindi
ang kabuuang pakikipagtunggali na siyang pumapatay sa nilalang o organisasyon
kungdi ang lumalaking pakikihamok ang siyang nagpapatatag ng kalakasan. |
..
| Ano
ba ang kaalaman na nagtuturo sa isang tagapag-kilos? Kung ang lahat ay
ibinibigay na lanag sa isang pamayanan bilang
isang limos, sila ay para na ring isang lumpo (hindi na nakakakilos
dahil sa kahinaan). |
. |
Kung
ikaw ay nagtuturo ng mga prinsipyo, katulad ng isang tagapayo at giya sa
isang pamayanan, ikaw ay nag-gigiya sa mga pamayanang ito upang sumulong
sila sa paggawa ng mga pagpapasya para sa kanilang pamayanan at tungo sa
paglalaan ng panahon at lakas upang makagawa ng mga plano. Samaktwid, ikaw
ay tumutulong sa kanila upang sila ay magkaroon ng kapangyarihan. |
..
|
Kung
ang isang pamayanan ay nakikibaka, ito ay lumalakas.
|
.
..
| Ang
Tagapagpakilos bilang Tagapamagitan: |
..
| Sa
pag-alam sa posibleng pagkunan ng kayamanan na nasa ng pamayanan ay ginagampanan
ng isang tagapag-kilos bilang isang "tagapamagitan" sa pagitan ng pamayanan
at ng mga pinagkukunan ng yaman. (kasama na rito ang mga ahensiya ng gobyerno
na siyang nagbibigay-asiste.). |
. |
Ang
isang "tagapamagitan" ay ang siyang kumikilos bilang "tulay" sa pagitan
ng dalawang partido na hindi magkakilala sa isa't-isas at ang pagbibigay
tulong sa usapin at usapan sa pagitan ng mga ito (katulad ng isang taga-payo
sa isang kasal na pares.). |
..
| Bilang
isang tagapamagitan, ang isang tagapag-kilos ay nagtataas ng kamalayan
at unawaan sa pagitan ng dalawang partido. Parehong ang pinagkukunang-yaman
(nagbibigay donasyon at gobyerno) at ang mga kasapi ng pamayanan ay nararapat
na matutunan ang mga bagay ukol sa prinsipyo ng (1) "Ang patuloy na kaunlaran
sa pamamagitan ng asiste, hindi ng limos," (2) "Pagtuklas at magamait ang
mga lokal na pinagkukunang-yaman," (3) "Pakikibaka upang lumakas," (4)
"Ang kawalan ay ngbibigay ng wala sa bandang-huli," (5) "Ang tulong ang
dumarating roon sa mga taong gustong tulungan ang sarili nila," at iba
pang mga prinsipyo sa seryeng ito ng modulo ng pagsasanay. |
..
..
..
| Isang
posibilidad sa matematika (gayon rin sa anti-development o yaong oposisyon
sa kaunlaran) na bigyang asiste ang bawat mahirap na pamayanan sa mundo
gamit ang mga nasa labas na pagkukunang-yaman. Maraming mga mahihirap na
pamayanan; hindi sapat na magagamit na pagkukunang-yaman. |
. |
Ang
susi sa patuloy na kaunlaran, sa pag-alis ng kahirapan,
ay ang pagpapalaya sa mga nakatagong mga pagkukunang-yaman na nadoon na
noon pa man sa loob ng mga mahihirap na pamayanan. |
..
| Ito
ay isang puhunan; upang mapalaya ang mga pagkukunang-yaman na nabanggit,
kailangang ang mga ito ay makilala, mabigyang-pansin ng mga kasapi ng pamayanan
at ng mga nagbibigay donasyon na mga taga-labas. At ang kasanayan
sa pamamahala ay kailangan ring maipuhunan kapag pinakawalan ang mga
pagkukunang-yaman. |
. |
Ang
mga nagbibigay-donasyon ay maaaring maging mas lalong kapaki-pakinabang
kapag ang kanilang mga donasyon ay itutuon para sa pagsasanay at pagbibigay-kamalayan
sa pagpapalawig pa ng pagkilala sa pangangailangan na mapakawalan ang mga
pagkukunang-yaman. Mas mainam ito kaysa ibili ng mga tubo o kaya ay yerong
para sa bubong ang mga donasyon para sa tulong na mauuwi sa limos sa pamayanan.
ito ay makakapagpalala lamang ng pagiging pala-asa ng pamayanan. |
––»«––.
|