..
Ngayon, nais kong talakayin ang pagmamay-ari
ng pamayanan at ang ating mga sa bahagi sa pagpapaunlad nito sa gawaing
ating ginagawa. Ang aking binabanggit ay ang pangmatagalang pagkamit
sa madaling panahon na pagpupursige sa parte mo; tungkol sa pagkilala ng
pangloob na kalakasan ng pamayanan, pagpapalawig ng kaunlaran ng tiwala
sa sarili ng pamayanan, at ang pagtulong sa bawat indibidwal na manalig
sa sarili nila kapag dumating na ang panahon na nawawalan sila ng pag-asa.
Dagdag pa rito ang ilang mga maliliit na pagsubok na alam kong maraming
darating sa iyo. ..
Ang isip at mga ideya ng mga tao ang
pinakamahusay na pagkukunan ng yaman ng bawat pamayanan. Kami ay eksperto,
nagawa na namin ito noon, ngunit ang tunay na kaalaman ay ang paghahalo
ng dalawang bagay: ..
1) ang pagkakaroon ng kaalaman ng proseso
ng pagpapaunlad ng pamayanan, tulad ng nakapaloob sa usapin dito ..
2)pagkakaroon ng unawa sa kapaligiran
na kung saan ikaw ay gagawa; sinasabing ang bawat bayan, bawat baranggay
ay magkaiba, hindi lang sa lugar kung saan ito makikita, ngunit dahil na
rin sa mga tao na nakatira rito. ..
Ang magmasid, makipag-usap at magsuri
ng kakayanan ng bawat tao na nakatira rito ang akin lamang maipapayo sa
bawat lugar kung saan ikaw ay gagawa; mga taong bukas ang loob na makibahagi
at mga taong hindi sang-ayon na tunulong. Bakit ka mag-aaksaya ng
panahon sa mga taong ayaw makibahagi? Dahil sa mga isipan ng mga taong
ito nakasalalay ang tunay na mga suliranin ng bawat pamayanan. Hanapin
ang tunay na pinanggagalingan ng suliranin, at lalong tulungan yaong mga
hindi papansin sa iyong ginagawa para sa kanila. Sa gayon, masusumpungan
mo ang ang tunay na magpapanatili ng epektibo at pangmatagalang kaunlaran,
at maaari ring makita mo sa kanila ang tunay na pinuno para sa iyong hinahanap
na pagbibigyan ng kapangyarihan para sa pamayanan na iyong gagalawan. ..
Katulad ng isang kawan ng mga baka
na mabagal na naglalakbay tungo sa kanilang patutunguhan, ang isang pamayanan
ay gayon rin sa larangan ng pag-unlad. Sila ay uunlad ayon sa pagkakaiba-iba
at pagkakapareho ng bawat bahagi nito. Papaano ngayon iatataguyod
ang pagbibigay-lakas sa isang pamayanan sa kabuuan nito? Heto ang
ilang mga kaisipan:
Pagtitipon ng mga tao sa isang pamayanan
kung saan maaari nilang ibigay ang kanilang mga nasa isip. Ang mga pagtitipon
ay maaaring gawin sa maliliit na grupo o sa kabuuan ng pamayanan.
Piliin ang mga tao na alam mo sa simula
pa lang ay hindi na makikibahagi sa gagawin mo - maglakad-lakad sa kabuuan
ng pamayanan, makipag-usap sa mga tao, himukin silang makibahagi sa proyektong
iyong sisimulan, makibahagi sa mga laro ng kabataan, kumuha ng mga pagpayag
ng mga matatanda upang makuha ang tulong ng mga bata at ng kanilang mga
kaibigan o kalaro; busisiing mabuti ang ayos ng pamayanan sa antas ng mga
tao at sikaping makuha ang lahat ng mga nakatira rito;
Humanap ng isang datihan at maalam na sa
kung ano ang nasa loob ng isang pamayanan; maaaring hindi nila taglay ang
katangian ng tulad sa manggagawang makukuha mo ngunit ang kanilang kaalaman
sa kung ano ang tunay na saloobin ng pamayanan ay malaking tulong para
mas lalong mapabuti mo ang pagtulklas ng mga bagay-bagay sa loob ng pamayanan
para sa lalong pagkilala rito.
Makipag-usap sa mga tao at ilahok sila
iyong mga iniisip na para bang ito kanila rin ay nasa kanila ring isipan;
mamuhay na kasama sila ng ayon sa kanilang pamantayan. Oo, sinabi ng nga
isang matalinong matanda noon, isang malaking bagay ang mamuhay kasama
ng mga Indiyan, ngunit iba na kung papaano maging isang Indiyan - kung
kaya para ang isang proyekto ay tunay na ariin ng pamayanan na iyong gagalawan,
marapat na magkaroon ng magandang kaugnayan sa mga nakatira rito ng sa
gayon ay sila na ang gagawa ng mga bagay na unang ginagawa mo at gagawin
mo. Sa gayong kaparaanan rin, makikilala ng pamayanan ang sarili nila bilang
siyang magsusuri ng ng problema sa kanilang lugar at sila rin ang makagagawa
ng solusyon para lapawi ang mga suliraning ito.
Bigyan ang pamayanan ng responsibilidad
para sa bawat tagumpay at pagkakamali nito. Naging bahagi na ako dati ng
isang proyekto kung saan maaaring ang isa o higit pang kasapi sa proyekto
ay kumilos laban sa ikapagtatagumpay ng hangarin ng samahan. Sa kabuuan,
sino ba ang tuluyang hindi nagtagumpay? Hindi ba LAHAT kami? Nakikita
ba ng pamayanan ang tunay na patutunguhan ng bawat kilos na gagawin? ..
Tulungan ang pamayanan na makita na
dapat silang maging responsable sa bawat kilos na kanilang gagawin. Kung
ang pamayanan ay gagawa ng hakbang upang hindi magtagumpay ang isang proyekto
na iyong ginagawa para sa kanilang, dapat malaman ng mga nakatira sa pamayanan
na sila mismo ang dapat kumilos upang mapigilan ito. Pinili kong
tumulong, ngunit dapat ang pamayanan ay kumilos at magkaroon ng pagmamay-ari
at pagtanggap sa gagawing proyekto. Pagtanggap sa anumang pangloob na pagsubok
na hahamon sa ikapagtatagumpay ng proyekto upang mas lalong malutas ang
anumang suliranin na siyang pipigil sa proyekto. Maaari itong makita
sa iba't-ibang anyo, kaalaman sa balangkas ng pamumuno, paglaki ng pagkilala
ng mga tao sa kakayanan at paniniwala ng pamayanan, o kaya ay ilang maliit
na kaaalaman para sa pag-giya sa mga tao kung saan dapat tahakin at kung
saan lalapit sa oras ng pangangailangan. Marapat na hindi dapat pilitin
na parang kinakaladkad sa paggawa sa proyekto, agkus dapat sila ay magkaroon
ng sariling kusa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pagmamay-ari sa proyekto
at magkaroon ng pagbibigay-kapangyarihan sa kanila. ..