


..
|
Politika
at ang Pagsasanay sa Pagpapakilos
|
|
Ang
Papel ng Politika sa Pagbibigay-Kapangyarihan sa Pamayanan
|
.
Mga
Prinsipyo sa likod ng mga Metodolohiya.
..
|
Mga prinisipyo
kung sa likod ng kung papaano ka magmumukhang walang kinikilingang panig
sa politika kapag ikaw ay nagpapakilos
|
..
..
| Ang
madalas natin na alam bilang "pulitika" ay nakatuon sa dalawang
mga
sukatan ng kultura: (1) ang pagbibigay at paggamit ng kapangyarihan,
at (2) mga pinaniniwalaang binibigyang-halaga
tungkol sa kung ano ang gusto. Ang mga ito ay parehong mahalaga sa tagapagpakilos |
. |
Ang
pagpapakilos ng mga pamayanan bilang isang paraan ng pagbibigay-kapangyarihan
sa kanila ay isang uri ng daloy ng pulitika. At ang pulitika sa kanyang
payak na kahulugan ay maaaring nakagulo sa ganoong daloy sa pagpapakilos. |
..
|
Ang dokumentong ito
ay nagpapaliwanag kung bakit nga ito nakagugulo. Itong dokumento ay nagbibigay
rin ng ilang magagamit na paraan upang matulungan ka sa pagpapaunlad ng
iyong sariling paraan sa pagpapakilos upang masiguro na ang "pulitika"
ay hindi makakasira ng iyong layunin.
|
..
| Pulitikang
May Pinapanigan: |
..
| Ang
daloy ng pulitika ay hindi pinipili; ito ay isang sukatan
ng kultura kung kaya ito ay kusang lalabas kapag mayroong kultura (lipunan). |
. |
Ang
mga ayos ng alokasyon at paggamit ng kapangyarihan, tulad ng sa mga institusyong
pampulitikal at mga gawi ay maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa bawat lipunan,
ngunit malimit na may sukatang politikal. |
..
| Kahit
na ang ibang mga partidong pulitikal (nahalal o pinili) ay matatagpuan
sa maraming mga lipunan, maaaring may ibang mga institusyon para sa kapangyarihan
at sa paggamit o pagpapatupad nito. |
. |
Sa
lahat ng lipunan, may iba't-ibang antas (ng pambansa, pang-rehiyon, pang
pamayanan, pang institusyon) na maaaring magkaroon ng kaibahan sa porma
at pagpapatupad. |
..
| Kapag
ang isang tao o partido ay gumamit ng kapangyarihan, ang kapangyarihan
na yaon ay maaaring magbigay ng dagdag na benepisyo na madaling makapagbibigay
ng tukso at pagkagumon ritosa kapangyarihan). |
. |
Ang
ganitong asal ay ipinapahiwatig sa kasabihan (madalas sabihin) "Ang kapangyarihan
ay nakasisira ng katauhan; ang mataas na kapangyaihan ay siguradong nakasisira
ng katauhan." |
..
| Subalit
maaari rin namang ihayag na mayroong tukso para sa mga tao na nasa kapangyarihan
upang maging hindi patas sa pagpapatupad nito. Maging ang paggawa ng ilegal,
ang paggamit ng kapangyarihan sa baluktot na paraan at ang pagkapit sa
kapangyarihan sa anumang paraan ang siyang nagiging resulta nito. |
. |
Katulad
ng ipinaliwanag sa "Limang Sangkap ng Kahirapan,"
ang kurapsyon o pagkasira (hindi
mapagkakatiwalaan) ay isa sa mga pinakamahalagang kadahilanan sa pagpapatuloy
ng kairapan bilang isang problemang pangkalahatan. |
..
| Ang
mga kagustuhan upang manatili sa poder at paggamit ng kapangyarihan sa
maling paraan, samakatwid, ay isa sa mga sangkap na nagpapanatili ng kahirapan.
Ang kurapsyon ay nagsisilbing abono para sa lalong kahirapan. |
. |
Hindi
ito nangangahulugan na isa sa mga matandang kadahilan na siyang dahilan
ng kahirapan. Ngunit ito ay nagpapanatili, nagpapalago at nagbibigay suporta
sa kahirapan. Ito ang dahilan kung bakit kailangang maalis ito kung nais
na maalis ang kahirapan. |
..
|
Kung ang pulitika
ay nagpapalaganap ng kurapsyon, ito rin ay nagpapalaganap ng kahirapan.
|
..
| Ang
Mga Pulitikal na Sukatan sa Pagbibigay-Kapangyarihan |
..
| Pagbibigay-kapangyarihan
sa mga mahihirap at mga pamayanang may mahihirap na kalagayan sa lipunan
ay siyang nag-aalishindi ng pagpapa-angat lamang sa kabuhayan) ng kahirapan
––
ang mga ito ay tunay na pulitikal na layunin. |
. |
Maraming
mga tao na may pansariling mga layunin ang ayaw na maganap ang mga nabanggit
sa itaas dahil sila ay nakikinabang sa kabuuang ayos ng kasalukuyang lipunan. |
..
| Ito
ay isang malaki, pangdaigdigang pakikibaka. |
. |
Dalawang
sukatang pang-kultura ang nakapaloob rito, kapangyarihan
at mga pagpapahalaga (idiyolohiya
o pinaniniwalaang prinsipyo). |
..
| Kapag
ang gawain mo bilang isang tagapagpakilos ay naging matagumpay, ito ay
magdudulot ng isang rebolusyon sa pagbabagong pulitikal, ang pagkaalis
ng kahirapan. |
. |
Hindi
ito isang madaling gawain, at mas lalo pa itong mapipigilan kung ito ay
mahahaluan ng kampihan sa pulitika. |
..
| Mag-isip!
Kapag ang kahirapan ay naialis, magkakaroon ng pandaigdigang pagkakahati
ng mayaman laban sa mahirap. Iyan ay may malaking epekto pang-pulitikal. |
. |
Samaktwid,
maraming mga mayayaman at makapangyarihan na grupo at tao ang hindi nanaisin
na makita ang tagumpay ng ganitong pagsisikap dahil sila ay may sariling
mga interes na pinangangalagaan. Iyan ang dahilan kung bakit nanaisin nila
na ikaw ay mapigil sa iyong gawain. |
..
| Ang
mga pansariling mga layunin na ito ay nagtatago sa isang hilaw na konsepto
o paniniwala, "paglaban sa pagbabago," o kaya naman ay "ang pagpapanatili
ng kultura at trandisyon." |
. |
Ang
gawain ng isang tagapagpakilos ––
ang pagbibigay kapangyarihan sa mga pamayanan na may maliliit na mga kinikita,
ang pagsasademokrasya ng paggawa ng desisyon o pasya, ang pag-alis ng kahirapan
–– ay may mahalagang pulitikal
na bunga. |
..
| Ang
Reputasyon ng Isang Tagapagpakilos: |
..
| Ang
isang masamang reputasyon ay
makakasagabal sa iyong gawain. Ang isang magandang reputasyon ay iyong
malaking kapakinabangan. |
. |
Sa
ibang mga lugar rito sa mga pahina ay makikita mo na nararapat na ikaw
ay matuto ng mga katutubong mga pagpapahalaga, kilos at tradisyon. Itinuturo
rin ang mga dapat mong iwasan na mga bagay upang hindi ka maisantabi mula
sa mga naninirahan sa isang pamayanan na iyong pagtatrabahuhan. |
..
| Ito
ay mahalaga, halimbawa, sa iyong pag-uugali at asal tungo sa gawaing-sekswal.
Isa pang mahalaga, ito ay nagsasaad ng iyong imahen sa politika. |
. |
Ang
reputasyon sa pulitika ay tila naglalagay sa iyo sa isang kahon; limitado
ang iyong galaw; wala kang masyadong mapagpipilian. |
..
| Kapag
ang mga tao ay nagpasya na ikaw ay tumataguyod o nabibilang sa isang partido
sa pulitika, kanila ka nilang kikilalanin sa kung anong klase ang partido
na yaon ayon sa kanilang pagkakakilanlan. Tila ikaw ay nailagay na sa isang
kahon. |
. |
Hindi
ka na nila gaanong bibigyang-halaga, hahatulan ang bawat kilos mo sa hinaharap
bilang isa sa kinikilala mong partido. Kanila ring iisipin na ang iyong
kinikilos, gaano man kahalaga, ay isang paraan upang sa mas lalo pang pagpapakilala
ng iyong partidong sinamahan at iyan ay sadyang makaka-apekto sa iyong
halaga bilang isang tagapagpakilos. |
..
| Mas
mainam na hindi mo sila bigyang-kahulugan kung saan naka-atang ang iyong
damdaming pampulitika; mas bibigyan ka nila ng tuon ( upang mahulaan kung
ano talaga ang iyong damdaming pampulitika) at maaaring mas mabigyang-pansin
anuman ang iyong sasabihing mga mensahe ukol sa pagbibigay-lakas ng pamayanan. |
. |
Upang
mas maging epektibo, ang isang tagapag-pakilos ay dapat na magtrabaho ng
husto upang hindi makilala sa anumang pampulitika sa partido, galaw, idelohiya
o pagkakakilanlan. |
..
..
| Ang
isang elemento sa pulitika, lalo na sa mga bansang kilala sa demokrasyang
may mga kinatawan, ay ang pampublikong pagpapaliwanag ng pinapahalagahang
pulitika. |
.... |
Sa
katunayan, ang mga talumpati ng mga pulitiko ay maaaring maihanulad sa
mga sermon ng mga pari o pastor. Katulad ng ipinaliwanag sa mga mudulo
ng pagsasanay sa pagpapakilos, ang pagsesermon o paglilitanya ay hindi
nakabubuting gamitin ng isang tagapagpakilos. |
..
| Ang
isang tagapagpakilos ay dapat iwasan ang pagsesermon o paglilitanya, sa
usaping pang-relihiyon o pampulitika man. Ang paglilitanya ay nahasasagabal
sa pagbibigay-lakas. |
. |
Ang
pagsasanay na nasa mga pahina dito ay hindi nagsasabi kung anong stratehiya
ang iyong gagamitin. Mabibigyan ka lamang nito ng mga kakayanan, metodolohiya
at prinsipyo para makagawa ka ng stratehiya ng pagpapakilos ayon sa iyong
kahusayan. |
..
| Mayroon
ring mga negatibong epekto ang pagkakaroon ng malapit na pakikipag-ugnayan
sa mga pulitiko. Tignan ang Mga Pulitiko. |
. |
Kapag
ikaw ay maglalakad sa mundo ng pulitika, mag-ingat kung saan ka hahakbang.
Maaari kasing maiapak mo ang iyong mga paa sa mga bagay na hindi mo naman
nais bagtasin. |
..
| Mga
Teknik sa Pagpapakilos: |
..
| Pag-isipan
saglit ang pagbabagong-pangkalahatan. Ang kaunlaran ay isang pangkalahatang
pagbabago; gayon rin naman ang pagbibigay-lakas na pang-pamayanan. |
. |
Sa
sosyolohiya, ating natutunan na ang pagbabago ay isa sa mga anim na mga
sukatan ng lipunan at kultura, na siyang maaaring manguna sa mga pagbabago
sa lima pang mga sukatan. |
.
..
| Sa
ika-19 na siglo, isinuhestiyon ni Karl Marx na ang dalawang nasa ilalim
(Ekonomiya at Teknolohiya) ay nagbago ng walang kinalaman sa isa't-isa.
At ang pagbabagong ito ay siyang naging dahilan ng mga pagbabago sa apat
na nasa itaas nito. |
..... |
Sa
kalaunan, sinabi ni Max Veber na ang dalawang nasa unahan na pananaw ay
nagbago at ito ay nagdulot ng pagbabago sa apat na nalalabing pananaw. |
..
Ngayon, alam natin
na ang pagbabagong pangkalahatan o sosyal ay mas kumplikado kaysa dati.
Pero ang pagbabago, anuman
iyon ay nagdulot rin ng pagbabago sa iba pang mga pananaw.
|
..
| Sa
pangkalahatan, kung nais mong magdulot ng pagbabago sa isang lipunan (o
pamayanan) mas madali ito kung ito ay dadaanin sa sukatang pangteknolohiya. |
. |
Para
sa mas nakararaming tao, ang pagbabago sa teknolohiya ay lumalabas na inosenteng
pagbabago kaysa kung ang pagbabago ay sa pinapahalagahan, pinaniniwalaan,
o kaya ay ayos sa pakikipag-ugnayan idadaan. |
..
| Iyan
ang dahilan, kung bakit sa pagsasanay ng mga bagong mga tagapagpakilos,
o bilang isang tagapagpakilos, ang papapaliwanag ng iyong dahilan at metodolohiya
sa mga kasapi ng pamayanan, mas makabubuti na ipunto na ang iyong ipinakikilang
teknik ay bago. |
. |
Ang
mga teknik ay nabibilang sa sukatang pangteknolohiya ng kultura at lipunan. |
..
| Huwag
mong ipangalandakan na nais mong tanggalin o patayin ang kahirapan; maaari
itong magbigay ng ikatatakot ng ibang tao. |
. |
Ang
mga teknik ay kasama ng mga armas para sa laban kontra kahirapan. Mga teknik
sa pagpapakilos. |
..
| Iwasan
ang mga kaisipan; |
. |
ipunto
ang teknik. |
..
| Mahalaga
para sa iyo na maintindihan ang mga prinsipyo sa likod ng mga teknik ng
pagpapakilos ng pamayanan upang mabigyang-kapangyarihan sila. Kasama na
rito ang mga prinsipyo sa pulitika. Mahalaga rin para sa iyo na ipagsabi
o kaya ay i-debate ang mga prinsipyong iyon bilang bahagi ng iyong paggawa
sa publiko. |
. |
Habang
ang pagbibigay-kapangyarihan ay isang malakihang proseso na pulitikal,
mahalaga rin ito bilang isang paraan para sa iyong paggawa bilang isang
tagapagpakilos. Ito rin ang tutulong sa iyo upang hindi ka maikabit sa
kahit anong uri ng pulitika na namamayagpag sa iyong paligid. |
––»«––
|
..
..
.
Mahal
kong Lules,
Iyong
sinabi sa iyong liham na aking iwasan ang pulitika sa aking mga modulo.
Akin itong ginawa, kahit papaano. Akin itong pinag-isipan ng lubusan, at
nais kong isulat ito upang maiayos. Paumanhin kung parang walang saysay
ang aking sinasabi; sa aking palagay ito ay mauuwi rin sa dokumento, siguro
sa modulo ng emp. Ang aking pagpapaliwanag sa iyo ay makatutulong sa akin
upang maiayos ko ang aking mga kaisipan.
Ako
ay aktibo sa pulitika ng aking bansa, ngunit may mahigpit na sinusunod
ukol rito sa nakaraang apatnapung-taon. Sinisiguro ko na walang kaugnayan
sa pulitika sa mga bansa na aking ginagalawan.
Dito
ay kasapi ako ng Partido Sosyalista, na nagtatago sa pangalang "Bagong
Partido Demokratiko" sa Canada. Sa kasalukuyan, ang partido ay nawalan
ng posisyon, maliban sa dalawang posisyon sa lehistraturang pang-probinsiya,
makalpias ang labing-apat na taon sa kapangyarihan. Ito ay napalitan ng
isang partido na nagtatago sa pangalang "Liberal', ngunit sa katotohanan
ay pinupondohan at ginigiya ng mga malalaking mga kumpanya sa negosyo ng
Canada. Ang partidong ito na nasa poder sa halos isang taon ay madaliang
nag-aalis ng mga sosyal na seguridad at mga institusyon na inilaban noon
ng mga argabyadong mga tao at iyong mga nasa paggawa sa nakalipas na limpampung-taon.
Ito ay nakatatakot na saksihan. Ang aming partido ay natalo sa eleksiyon
ng gano-ganon na lamang dahil sa maling pamamahala, mahinang mga pagpapasya,
hindi pagtuon ng tamang pansin sa mga kalaban sa pulitika at sa pagiging
maluho.
Ang
aking pananaw sa pulitika ay maaaring hango sa mga sinabi ni Karl Marx.
Hindi sa bawat salita; si Marx ay namatay noon pang 1888, at marami ng
bagay ang nagbago simula noon; marami na ring mga bagay ang natutunan.
Mabalik
tayo sa site. Hindi ako nagbibigay agad ng mga pananalitang may halong
pulitika sa CMP; ang buong site ay siyang isang malaking salitang may halong
pulitika na. Ipinapakita noon kung paano lumaban para sa mga mahihirap
at mga naaapi. Hindi nila pinuputol ang kahirapan sa pamamagitan ng pagrereklamo
at pag-angal ukol sa mga nakaraang dahilan ng kahirapan tulad ng pagkaalipin,
pagtingin ng mababa sa ibang lahi, pananakop at pagiging mapagkutya sa
ibang mga tao. Ang pagsesermon at pananakot ay nakakairita lamang sa mga
mayayaman at may-kaya, at hindi naman nito nababago ang siyang nabago na.
Maaari nilang labanan ang kahirapan at kaapihan, samakatwid, kapag nabigyan
ng kapangyarihan. Ito ang pagtayo sa sariling mga paa.
Para
sa mga kabataan na namumuhay ng maayos, na walang talagang ipinaglalaban,
ay kailangang basahin ang mga sulatin ni Lau Tsu, hindi para tumulong sa
mga mahihirap (sa pamamagitan ng paglilimos); Ngunit upang makiisa sa kanila.
Oo, hindi ko nga maihihinto ang kahirapan sa pamamagitan ng pagiging mahirap
rin. Ang aking kasanayan at mga materyales ang aking ambag, ang mga serye
ng mga metodolohiya at pakikitungo na natutunan sa halos apatnapung-taon
ang siyang magagamit ko.
Sa
kalungkutan, ang kahirapan ay nagdudulot ng lahat sa limang sangkap ng
kahirapan. Ngunit marami na akong nasabi ukol sa hindi mapapagkatiwalaan,
at lalo na akong nadidismaya sa aking pinakamalaking kaaway: sa kurakutan,
lalo na kung ito ay ukol at nagaganap sa pamahalaan. "Alamin mo ang iyong
kaaway!" Ang kahirapan ay nagdudulot ng hindi pagkakaroon ng tiwala; tignan
na lang ang mga nangyayaring malalaking mga kaguluhan at nakawan sa oras
ng mga sakuna; ang mga nagnanakaw sa panahong ito ay hindi tumitingin sa
kanilang ginagawa bilang pagnanakaw, kungdi isang pagkakataon na hindi
nila mapapalagpas. Nakakalungkot rin ang kurakutan ay nagpapatagal ng kahirapan
ng mga tao, at ang mga gumagawa nito ay nililigaw ang mga tao sa paniniwalang
ang mga gumawa ng ganoong mga kurakutan ay ang nakaraang nasa poder ng
kapangyarihan, o dahilan ng pananakop sa kanila ng ibang bansa, o kaya
ay iba pang mga palusot na sa tingin nila ay kapani-paniwala.
Mapapansin
na hindi ko inilalatag ang mga kaisipan ni Che Guevera, ni Fidel Castro
o ng iba pa. Nakikita ko na kung gagawin ko ang ganoon, maaaring matanggap
ang mensahe ko ng mga taong hindi naman iyon kailangan, at ang pinaka-punto
ng aking pananalita ay maaaring hindi marining ng mga taong aking sadyang
puntirya. Aking inilagay ang site na ito, at ang aking mga maka-rebolusyunaryong
mga mithiin upang maging isang kalasag na payo ng walang kinikilangang
pulitika. Mas mainam na ito kaysa maging tila isang demonyo sa kasuutan
ng isang anghel.
Minsan
ko ng sinubukang mapag-aralan sa loob ng sampung-araw ang Vipassna Buddhist
na teknik ng meditasyon. Ito ay tinitignan bilang isang purong teknik at
maaaring magamit ng sino man na may ibang paniniwala (kahir sa tulad kong
hindi naniniwala sa diyos). Sa katapusan ng sampung-araw, doon ko nakita
kung ano talaga ang sinasabi nila ukol sa Vipassna. Iyon ay isang lupon
ng mga teknik upang marating ang "liwanag ng buhay'. Ngunit ano ab ang
liwanag na ito? Iyan nga ang siyang nagbukas ng aking mga mata!
Ang
pinakahuling mithiin ng lahat ng mga teknik ng web site ng CSMED/MPFC ay
halos isa ng pandaigdigang pagbabago. Hustisya para sa mga mahihirap. Para
bang mahirap makamit? Maaari nga, datapwat ito ang aking mithiin at gawain
sa buhay.