


.
.
.
| Iniaalay
kay Audra Taillefer, Aktibista at Dalubhasa |
...
Kung gayon, nais mong
mapangalagaan ang iyong kultura.
..
Mabuti naman. Ganoon
pa man, baka mabigla ka na malaman na isa kang panganib sa iyong kultura
kung nais mo itong mapangalagaan.
..
Para bang isa itong nakalilitong
kaisipan? Hindi kung maingat mong titignan kung ano talaga ang kultura
at alamin kung papaano mo ito mapapalakas pa. Ang metodolohiya ng pagbibigay-kapangyarihan
ang nasa web site na ito, hindi ang pangangalaga lang.
..
Nais mo bang magkaroon
ng kapangyarihan ang iyong kultura o mapangalagaan lang ito? Nasa iyo ang
pagpapasya. Mamili lamang sa isa. Hindi mo maaaring magawa ang dalawa.
..
..
Katangian ng Kultura
..
Bago natin pag-usapan
ang pagpapanatili ng kultura, sumang-ayon muna tayo sa tunay na kahulugan
ng kultura.
..
Ang pinaka-madaling kahulugan
ng kultura ay ito: binubuo ito ng
lahat ng ating kaalaman.
..
Ilan sa mga dokumento
ng pagsasanay ng web site na ito ay tungkol sa kultura. Tignan ang dalawa
sa mga ito: Kultura at Ano
ang pamayanan? Pareho itong nagbibigay-diin na ang kultura ay ang sistema
ng sosyo-kultural o lipunan,
na ito ay ang ating mga paniniwala at kilos sa lipunan na hindi maaaring
mamana mula sa ating pagkapanganak. Ito naitatabi at naipapamahagi sa pamamagitan
ng mga simbolo. Sila ay nagtataglay ng anim na kasukatan:
ang kasukatan ng teknolohiya, ekonomiya, politikal at institusyunal (pagkilos)
, at ang kasukatan na kultura na pisikal at pinapahalagahan, at ang pananaw
o pagtingin sa kalikasan ng sanlibutan.
..
Ang madalas, pang-araw-araw,
o salitang-kalye na kahulugan ng kultura ay kung papaano natin nakikita
ito sa agham ng pakikisama bilang isa sa anim na kasukatan, ang panglabas
na anyo. Ang pagtatambol at pagsasayaw sa Africa, patatambol at pag-awit
sa parteng-Aboriginal ng Hilagang Amerika, baley at opera sa Europa, ang
lahat ng mga ito ay bahagi ng kultura, ngunit hindi ng kabuuan ng kultura.
Ang mga tradisyunal na
awit, sayaw at tugtugin ay mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng nagsasagawa
nito, kung kaya aming masugid na binibigyang suporta ang pagpapaniti ng
mga ito. Karagdagan pa riyan, ang pagdaragdag, pagpaparami ng anyo at pagpapakita,
at ang pagpapakita at pagpapalaganap ng nilalaman nito sa lahat ng lipunan.
Ang isang malakas na kaisipan ng pagkakakilanlan ay isang mahalagang elemento
sa pagpapalakas ng pamayanan at ng kanilang kultura.
Tignan ang mga Simulain ng Pagbibigay-Kapangyarihan.
..
Nasa sa ibang kasukatan,
at ng ibang aspeto ng halaga ng sukat, kung saan ang pangangalaga sa kultura
ay maaaring makasira sa lakas nito.
..
..
Katangian ng Pangangalaga
..
Mag-isip ng mga bagay na napangalagaan:
mga binurong pagkain sa isang garapon, paruparo sa isang lalagyang-salamin,
balat na ginawang pitaka, minatamis na blackberry sa garapon, troso para
sa gagawing bahay, mga insekto sa dagta ng isang puno, mga palaka sa isang
garapon na may formalin. Lahat sila ay may isang bagay na magkakapareho:
lahat sila ay may buhay noon (o bahagi ng isang buhay na nilalang) aat
ngayon ay mga patay na lamang.
..
Ang proseso ng pangangalaga ay
isang bagay na kung saan ito ay dapat hindi masira at magtagal pa, hindi
dapat magkaroon ng pagbabago, hindi na dapat mabuhay pa muli. Ang maging
buhay ay nangangailangan ng paggalaw, ng pagbabago.
..
Kaya kung gusto mong maiwasan na
magbago ang isang bagay, kailangan mo itong supilin. Tutal, magbabago rin
naman ito (kahit itanong mo pa sa kahit sinong Buddhist) kahit papaano
mo ito mapangalagaan.
..
..
Hayaang Lumago at Lumakas ang Kultura.
..
Kung babalikan ang mga dokumento
ukol sa kultura; mapapansin na ang kultura ay isang buhay na bagay. Ito
ay binubuo ng mga simbolo, kahulugan at ugali ng mga tao, ngunit maaaring
mabuhay higit pa sa buhay ng mga taong nagtataglay nito. Tila isang buhay
na organismo, ngunit hindi isang nilalang. Ito ay tumatawid
pa sa kung ano ang bayolohikal.
..
Hindi kita kayang bigyan ng kalayaan.
Kung naibibigay ang kalayaan, ito ay maaaring makuha muli mula sa iyo (ayon
sa mga katuruan ni Lao Tsu) at ito ay hindi isang
tunay na kalayaan.
..
Ang pagsasanay ng pagbibigay-kapangyarihan
sa web site na ito ay nakatuon sa paglaban sa kahirapan at kaapihan, hindi
ng mga mahihirap at mga naaapi. Ang pamamaraang ito ay nakatuon upang mapalakas
ang pamayanan ng mga mahihirap at mga naaaping mga tao. Para sa mga pamayanan
na maging malakas, kailangang sila ay magbago, samakatwid, ang kanilang
kultura ay kailangang magbago rin. Kailangang silang mga tao ang gumawa
nito; kami ay makapagbibigay lamang ng gabay at mga panimulain, ngunit
hindi para gawin o ibigay sa mga tao ito ng kusa lamang.
..
Sa kadahilanang ang kultura ay
pangkalahatan ng mga kaalaman ng mga tao, ang pagbabago na kailangan upang
maging malakas sila sa isang pamayanan ay nangangailangan ng pagbabago
sa kultura. Ang pag-unlad ay pagbabago at ganoon rin naman ang pagkabulok).
Kung ganoon, hayaan ang mga tao na umunlad.
..
Ang isang bulaklak ay mamumukadkad
kung makakauha ito ng sapat na tubig, sikat ng araw, lupa at sustansiya.
Hindi ito lalago kung ito ay bubunutin mo lang. Maaaring magbigay kami
ng kailangang tubig at sustansiya, ngunit ang bulaklak mismo (katulad ng
mga mahihirap na pamayanan) ang siyang dapat gumalaw upang lumago. Ang
pagbunot sa halaman ng bulaklak ay katulad ng sosyal
na pagtatatag. Ang pagbuhay dito sa pamamagitan ng paglalaan ng tubig
at sustansiya upang lumago at mabuhay at lumakas ay pamamaraan ng pagbibigay-kapangyarihan
sa bulaklak.
..
Maraming tao ang naniniwala sa
maalamat na nakaraan kung saan ang tradisyunal na kultura ang siyang pinakamataas.
Ngunit iba ang sinasabi ng mga ebidensiya. Ang "magagandang nakaraan" ay
hindi naman nangyari. Walang pamayanan bago ang pagsakop ng mga ibang dayuhan
ang hindi nagbago. Mayoong mga ebidensiya ng dahas, mga digmaan, ng mga
kaapaihan, ng pagbabago at pagbagay sa pagbabago. Hindi tayo dapat maniwala
sa isang hindi-totoong nakaraan at subuking mapanatili ang isang bagay
na hindi naman naganap o nangyari. Noon at ngayon, ang lakas, paglago at
pananatili ay kinailangan at kailangan ng pagbabago at paninidigan.
..
..
Pumili
..
Sinabi namin kanina na
aming pinasisigla ang pangangala ng mga awit, sayaw at musika o tugtugin,
dahil ang mga ito ay nagbibigay ng kakikilanlan. Ito ay isang importanteng
kakayanan sa kakayanang pag-unlad. Ngunit naiisip namin na ang ibang gawi
at pagpapahalaga ay kailangan sa pagbabago kung ang pamayanan ay upang
maging malakas.
..
Pansamantalang isipin
na ang kultura ay katulad ng pananamit. Sa katunayan, ang pananamit ay
isang teknolohiya, bahagi ng ating kultura. Tayo ay nagsusuot ng iba-t-ibang
damit ayon sa sitwasyon sa kapaligiran. Hindi tayo nagsusuot ng pampaligong
damit sa pangangaso ng makakain sa isang lugar na may niyebe o yelo, at
hindi naman tayo nagsusuot ng makakapal na damit na panglamig kung tayo
ay maliligo sa isang lugar na may mainit na klima. Upang lumago at makibagay
sa nagbabagong kondisyon, tayo ay dapat na mag-suot ng iba't-ibang aspeto
ng ating kultura.
..
Isa pang paglalarawan:
isipin na ang kultura ay isang paraan ng paglalakbay. (Ang ating paraan
ng paglalakbay ay isang aspeto ng teknolohiya sa ating kultura.). Hindi
tayo nagmamaneho ng dyip sa dagat kung nais nating mangisda.. Hindi tayo
sumasakay ng bangka kung gusto nating mangaso ng usa. Tayo ay namimili
at pumupili ng kung ano ang dapat at epektibo.
..
Kailangang magkaroon
tayo ng ibang katangian sa ating kultura kung ang ibang aspeto ng ating
kultura sa ngayon ay nakasasagabal sa ating pamumuhay, paglago at pagtatagumpay
sa kapaligiran kung saan tayo nakatira. Tignan ang dokumento sa FGM.
..
Ang ibang mga katangian
ng kultura ay kagalang-galang at katangi-tangi. Ngunit kung ang mga ito
ay nagpapahina sa atin at nangangamatay na, kailangang palitan ang mga
ito ng mga bagong katangian tulad ng pagpapalit ng lumang damit o paggamit
ng makabagong sasakyan pangtransportasyon. Kung ating sasabihin, "Oh hindi
kami nagsasakdal at nakikipaglaban," at tayo ay may mataas na pagtingin
sa aspetong iyan ng kultura, samaktwid, kapag hindi tayo lumaban sa bagay
na tamang ipaglaban para sa sarili natin, tayo rin ang mawawalan.
..
Kung ating sasabihin,
"Oh kami nagbibigay respeto at sumusunod sa mga taong nasa kapangyarihan,"
at kung ang mga taong iyon ay masama at magnanakaw, samaktwid, kailangang
panandaliang isantabi ang katangian ng kulturang ganyan at gumayak ng mas
nakakatulong na katangian. Kung hindi, tayo ay magagamit, mananakwan at
maaapi ng ating mga mananakop o mga namumuno.
..
Samatwid, hindi nating
dapat sabihin na dapat nating piliin ang pinakamagaling na katangian ng
ating kultura at dapat na mapangalagaan ito. Ang kailangang sabihin natin
ay ang pagpapanatili ng ating pagkakakilanlan, ngunit kailangan rin na
ang ating mga paniniwala, pag-iisip, mga galaw, at mga nakasanayan na ay
magawang makibagay roon sa mga bagay na lalong magpapalakas sa atin (hindi
doon sa magbibigay puri nga sa atin ngunit nagpapahina naman sa katagalan).
Katulad ng pagsusuot ng 'parka' na maina at katangi-tangi sa lugar na may
niyebe ngunit hindi naman para sa lugar na tropiko.
..
Ang modernong Aprika
pagkatapos ng pananakop ng mga dayuhan at ang Latin-Amerika, mga pamayanan
ng Aborigins ngayon sa Kanluran o ng mga lipunan sa Europa, mga mahihirap
na bansa sa mundo, at ng lahat nga mga namumuhay sa kapaligirang nangangailangan
ng pagbabago sa iabng katangian ng kultura. Kailangan maging mapili tayo
doon sa nababagay na mga katangian upang lalo tayong lumakas, para sa ating
pagbibigay-lakas sa ating mga sarili.
..
..
Samakatwid; Nais mo bang mapanatili
ang kultura?
..
Sa pagsasanay ng pagbibigay-lakas,
ating binibigyang-pansin na ang paghimok sa paglahok ng pamayanan at sa
pagdedesisyon nila ay hindi nangangahulugan na sinasangayunan at tinatanggap
ang lahat ng gusto ay saloobin ng mga miyemro nito. Ito ay ngangahulugan
ng pagsubok at paghimok sa mga miyembro ng pamayanan na ihayag at maingat
na suriin anuman ang kanilang gusto at gustong gawin. Sa huli, kailangang
sila ang pumasan ng responsibilidad.
..
Bahagi ng pagsubok ninyo
bilang isang aktibista ay maging klaro sa sariling isipan anuman ang ibig
sabihin ng mga bagay na ito. Kung ano ang pinahihiwatig, kung ano ang maaaring
maging bunga sa huli. (Iyan ang dahilan kung bakit tinanggihan natin ang
pagpapababa ng antas ng kahirapan, bagkus ay mas isinulong natin ang pag-alis
ng kahirapan).
..
Ang kaisipan ng Pagpapanatili
ng Kultura" kapag hindi napagtantong mabuti, ay tila masarap sa pakiramdam
Sa simula, akala natin ay magagawa nating suportahan ito. Ngunit sa matamang
pagtingin, sa isang banda, ay matutuklasan na ito ay kabaligtaran lamang
ng kung ano ang tunay nating nais.
––»«––