...
Lugar
ng Pagsasanay .Mga
Paalala.
.
|
Ano
ba ang mga malalaking sangkap ng kahirapan?
|
.
..
| Ang
kahirapan Bilang Pangkalahatang Suliranin |
..g
| Lahat
tayo ay madalas na nakararanas ng kakulangan sa pananalapi. Ito ay isang
karanasan ng bawat isa. Hindi ito katulad ng suliranin ng kahirapan na
pangkalahatan. Habang ang salapi ay ay sukatan ng kayamanan, ang kakulangan
ng salapi naman ay maaaring maging sukatan ng kakulangan ng kayamanan,
ngunit hindi iyan isang pangkalahatang suliranin ng kahirapan.Mga
Prinsipyo." |
. |
Ang
kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay isang malalim na sugat
na makikita sa bawat sukat ng kultura
at lipunan. Kasama rito ang mga
kasapi ng pamayanan na may sadyang maliit na kita. Kasama rin ang kakulangan
ng mga serbisyo katulad ng edukasyon, pamilihan, pangangalang pang-kalusugan,
kawalan ng kakayanan na gumawa ng mga pagpapasya sa sarili, at ang kawalan
ng malinis na tubig, kalinisan at kaayusan, maayos na kalye, transportasyon,
at komunikasyon. |
..
| Sa
mas malalim na kahulugan, ito ay isang "kahirapan sa ispiritu," na siyang
nagbibigay ng pahayag sa mga kasapi ng pamayanan na siya nilang pinaniniwalaan
at pinagsasaluhan sa isa't-isa, kawalan ng pag-asa, kawalang ng pagpapahalaga,
at katamaran. Ang kahirapan, lalo na ang mga sangkap na nagpapalala nito,
ay isang pangkalahatang suliranin, at ang kalutasan nito ay makikita rin
sa paligid kung saan ito namumutawi. |
. |
Natutunan
natin sa mga pahina ng web site na ito na hindi natin malalabanan ang kahirapan
sa pamamagitan ng pag-angat ng mga sintomas o ipinapakita nitong mga bunga.
Ang kahirapan ay matatalo lamang sa pamamagitan ng paglusob mismo sa mga
dahilan ng pinagmumulan nito. Ang mga pulyetos nito ay ay naglilista at
nagbibigay-kahulugan sa "Limang Malalaki" na siyang dahilan na lalong nagpapalaki
ng suliranin sa kahirapan sa pangkalahatan. |
..
| Ang
simpleng paglilipat ng mga pondo ay hindi nakakatulong sa pag-alis ng kahirapan
kahit na ito ay para sa mga biktima ng kahirapan. Sandali lamang nitong
naiaalis ang sintomas ng kahirapan kung kaya hindi ito isang mabisang paraan. |
. |
Ang
kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay nangangailangan ng isang
pangkalahatang solusyon. Ang solusyon ay ang malinaw, may kamalayan at
sadyang pag-alis ng limang malalaking sangkap ng kahirapan. |
.
..
| Mga
Sangkap, Dahilan at Kasaysayan: |
..
| Ang
salitang "sangkap" at ang "dahilan" ay hindi magkapareho. Ang "dahilan"
ay ang bagay na nakakaragdag sa pinagmulan ng isang suliranin tulad ng
kahirapan. Samantala, ang "sangkap" ay maaaring bagay na nakakaragdag sa
patuloy na pagkakaroon ng suliranin matapos na ito ay lumitaw. |
..
| Ang
kahirapan sa pandaigdigang pagsukat ay maraming mga kasaysayang dahilan:
paghahari ng dayuhan, pang-aalipin, digmaan at pananakop. Mayroong mahalagang
kaibahan sa pagitan ng mga dahilan na yaon at sa mga tinatawag nating mga
sangkap na siyang nagpapanatili ng kalagayan ng kahirapan. |
. |
Ang
kaibahan ay sa kahulugan ng kung ano ang ating magagawa sa ngayon para
sa mga bagay na ito. Hindi tayo maaaring bumalik sa kasaysayan upang
baguhin pa ang nakalipas na. Ang kahirapan ay nananatili. Ang kahirapan
ay may dahilan. Ang ating maaaring gawin sa suliraning ito ay ang arukin
ang mga sangkap na siyang nagpapalaganap at nagpapalala ng kahirapan. |
..
| Isang
hayag na kaalaman na maraming mga bansa sa Europa ang lubusang naghirap
matapos ang maraming mga digmaan na naganap sa kanila tulad ng World War
I at II. Kung saan ang mga tao ay nbuhay na lamang sa pamamalimos at awa
ng ibang mga tao. Makalipas ang ilang mga dekada, kanilang
dinala ang kanilang mga sarili sa tunay na pagkakaroon ng pagkakaitaan
sa loob ng kani-kanilang mga bansa. Ito ay nagdulot ng ibayong yaman at
sila ay nauwi sa pagiging moderno, at makapangyarihan mga bansa ng mga
masagang mga tao. |
. |
Alam
rin natin na maraming mga bansa ang nananatiling mga mahihirap pa rin sa
kabila ng mga bilyong-dolyar na "tulong" na pera na ginastos sa kanila.
Bakit? Dahil ang mga sangkap ng kahirapan ay hindi tinumbok kungdi
yaong mga sintomas lamang. Sa mataas na antas na pang-bansa, ang
isang mababang GNP (gross domestic product) ay hindi ang kahirapan mismo;
ito ay sintomas lamang ng kahirapan, bilang isang pangkalahatang suliranin. |
..
| Mga
sangkap ng kahirapan (bilang isang
pangkalahatang suliranin) na nakatala rito ay ang, kawalang-kaalaman,
sakit,
kawalang-pagpapahalaga,
hindi
mapagkakatiwalaan at pagiging
palaasa, ay dapat makita bilang mga kalagayan. Walang moral na
paghuhusga ang sinadya. Hindi sila mabuti o masama, kungdi sadyang
ganyan lang. Kung magiging isang desisyon ng isang pangkat ng tao
sa isang lipunan o pamayanan ang pag-alis ng kahirapan, kailangang gawin
nila iyon ng walang paghuhusga. Bantayan at kilalanin dapat ang mga sangkap
at alamin kung papaano ang mga ito ay maaalis upang matanggal ang
kahirapan. |
. |
Ang
limang malalaki sa kabilang banda, ay nakakaragdag pa lalo sa mga sangkap
ng kahirapan tulad ng kawalan ng lugar na kung saan makakapagtinda, masamang-lagay
ng mga daan o gusali, mahinang at masamang pamumuno, kawalan ng mapapasukang
trabaho, kawalan ng mga kasanayan sa ba't-ibang uri ng trabaho, laging
pagliban sa pinapasukan, kawalan ng kapital, at iba pa. Ang alin
man sa mga ito ay isang pangkalahatang suliranin, at ang bawat isa ay naging
bunga ng isa o higit pa mula sa limang malalaki. Ang alin man sa mga nabanggit
ay nagpapatagal ng kahirapan at ang kanilang tuluyang pag-alis ay kailangan
upang matanggal ang kahirapan. |
..
..
..
|
Ating bigyang-sulyap
ang lahat ng limang malalaki.
|
.
..
..
| Ang
kawalan ng kaalaman ay nangangahulugan ng kakapusan sa impormasyon o kahibalo.
Iba ito sa pagiging bobo na ang ibig sabihin ay kakapusan ng talino. Iba
rin ito sa pagiging tanga o hangal na kakapusan naman sa karanasan.
Madalas kasi na ang tatalong ito ay napapagpali-palit at madalas inaakala
ng mga tao na iisa lamang ang kahulugan nila. |
. |
"Ang
kaalaman ay kapangyarihan," ayon sa kasabihan. Ang malungkot lamang,
alam ito ng ibang mga tao ngunit mas ninanais nila na sarilin ang kanilang
kaalaman (bilang isang kasangkapan sa pagkuha ng lamang sa ibang tao),
at kanila pa itong itinatago mula sa ibang tao. Huwag mong asahan
na kapag ikaw ay nagturo sa isang tao ng kasanayan o nagbigay ka kaya ng
impormasyon sa kanya ay kusang kakalat ang impormasyon o kasanayan na iyon
sa buong pamayanan. |
..
| Mahalaga
na malaman at maintindihan kung anong impormasyon ang hindi napaloob.
Maraming nagpla-plano at matatalinong mga tao ang naniniwala na kung nais
mong tulungan ang isang pamayanan na lumakas, ito ay nakasalalay sa edukasyon.
Ngunit ang edukasyon ay maraming mga mukha at bagay. Ang ibang mg impormasyon
ay maaaring hindi mahalaga sa kung ano ang sitwasyon sa isang pamayanan.
Hindi makakatulong sa isang magsasaka na malaman na sina Florante at Laura
ay may masalimuot na pag-iibigan. Mainam pa ang pag-alam sa kung anong
uri ng buto ng halaman ang maaaring mabuhay sa kanilang lupang sinasaka
at ano ang hindi na dapat pang itanim pa. |
. |
Ang
pagsasanay sa mga serye ng dokumento sa pagbibigay-kapangyarihan sa pamayanan
ay naglalaman rin ng pagtatawid ng kaalaman. Hindi ito katulad ng isang
pag-aaral na makikita sa silid-aralan na kung saan ay may sinusunod na
mga alituntunin ayon sa antas ng kaalaman ng mag-aaral. Dito ay itinutuon
ang pag-aaral sa mga kaalaman sa kung papaano magkakaroon ng kakayanan
na lalo pang lumakas ang isang pamayanan. |
.
..
..
| Kapag
ang isang pamayanan ay may mataas na antas ng pagkakasakit, mas madalas
ang pagliban sa trabaho, mas mababa ang producksiyon, at mas maliit na
kita ang nagagawa. Maliban sa mga bagay na hatid ng mga sakit, tulad
ng paghihirap, kawalan ng saya, at kamatayan, ito rin ay isang malaking
sangkap sa paghihirap na nadarama ng isang pamayanan. Ang pagging
malusog ay hindi lamang nakatutulong sa isang tao upang mamuhay ng maayos.
Ito rin ay nakakaragdag sa pag-alis ng kahirapan sa isang pamayanan. |
. |
Kahit
saang lugar man, ang pag-iingat ay mas mainam na pansangga sa mga sakit
kaysa sa mga gamot. Ito ay isa sa mga pangunahing isinusulong
ng PHC (primary health care o pangunahing pangangalaga sa kalusugan).
Ang ekonomiya ay mas masagana kung ang mga tao ay malulusog; mas higit
kaysa kung ang tao ay nagkakasakit at kailangang gamutin. Ang kalusugan
ay tumutulong upang maalis ang kahirapan, na mas lalong naipapakita sa
pagkakaroon ng ligtas at malinis na maiinom na tubig, pagkakaroon ng maayos
na sanitasyon o pagkakahiwalay ng mga dumi sa pinagkukunan ng tubig, kaalaman
sa kalinisan at pag-iwas sa mga sakit. Ang mga ito ay nakahihigit kaysa
sa pagkakaroon ng mga klinika, mga doktor at mga gamot na alam naman
nating may kamahalan. Mas makakatipid ang pamayanan sa pagkakaroon ng kaalaman
sa pag-iwas sa mga sakit. |
..
| Tandaan
na mas nakatuon angpansin natin sa mga sangkap, hindi sa mga pinagmumulan.
Hindi na mahalaga kung ang TB o tuberkolosis man ay dala ng mga dayuhang-puti
na unang nakipagkalalakal sa ating mga ninuno o ang sakit na ito ay likas
na sa ating lugar. Hindi na mahalaga kung ang HIV
na siyang nagdadala ng sakit na AIDS ay sanhi ng CIA (Central Intelligence
Agency ng Amerika) dahil sa kagustuhan nilang gumawa ng sandatang bayolohikal,
o kung ito man ay galing sa mga berdeng mga unggoy sa mga sopas. Ang lahat
ng nabanggit ay maaaring mga pinanggalingan ng mga sakit. Ang pag-alam
sa pinaggalingan ng sakit ay hindi mag-aalis ng mga sakit. Ang pag-alam
sa mga sangkap na nagdudulot ng sakit ay makapagbibigay ng tamang direksiyon
tungo sa mas mainam na kalinisan at tamang asal sa kalusugan. ANg mga ito
ay tuluyang makapag-aalis ng sakit. |
. |
Maraming
mga tao ang naniniwala na ang pagkakaroon ng pag-aalagang pangkalusugan
mula sa mga mnamumuno ay isang karapatan ng tao. Nakapaloob rito ang pagtanggal
ng sakit at paghihirap at mas mataas na kalidad ng pamumuhay ng mga tao.
Ang lahat ng mga ito ay isang balidong katwiran na siyang nagpapalawig
ng kalusugan ng mga tao. Ang pinagtatalunan rito ay ang katwiran
na ang malusog na mamamayan ay nakakatulong sa pag-alis ng kahirapan, at
hindi dapat sukatin lamang ang kahirapan sa antas ng pagkakaroon ng sakit
at kamatayan. Tandaan rin ang mga sakit ay nakararagdag sa iabng mga porma
at aspeto ng kahirapan. |
.
..
..
| Ang
kawalang-pagpapahalaga ay nangyayari sa tao kapag nawalan na sila ng pakialam,
o kung pakiramdam nila ay wala silang kapangyarihan upang mabago ang mga
bagay sa paligid nila, na itama ang isang kamalian o pagkakamali, o kaya
ay gawing mas mainam ang ayos ng kanilang pamumuhay. |
. |
Minsan,
ang mga tao ay nakararamdam na hindi nila makakamit ang isang bagay. Madalas
rin na nakararamdam sila ng selos o inggit sa mga kamag-anak o tao sa pamayanan
na nagsisikap na makamit ang mga bagay na hindi nila masubukang kamtin.
Pagkatapos ay pinipilit nilang ibagsak ang taong nagsisikap upang maging
katulad nilang naghihirap rin. Ang pagiging walang pakialam ay nagbubunga
ng kawalan ng pagpapahalaga. |
..
| Minsan,
ang kawalan ng pagpapahalaga ay tama ayon sa relihiyong pinaniniwalaan,
"Tanggapin kung ano ang nandiyan, dahil itinakda na ng Diyos ang iyong
kapalaran." Ngunit ang ganyang paniniwala ay maaaring maabuso o gamitin
sa mali. Tama lamang na maniwala na ang Diyos ang nagtakda ng iyong kapalaran,
kung ating tatanggapin na ang Diyos ay maaaring magpasya na kailangang
iahon natin ang ating sarili sa kahirapan sa pamamagitan ng pagsisikap."Manalangin
sa Diyos, ngunit patuloy pa ring sumagwan patungo sa katihan," isang kasabihan
ng mga Ruso, na nagpapakita na tayo ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit
mayroon rin tayong pananagutan sa ating mga sarili. |
. |
Tayo
ay nilikha na mayroong mga kakayanan at abilidad: upang mamili, upang makipagtulungan,
upang maging maayos para sa ikauunlad ng antas ng ating mga buhay; hindi
natin dapat gamitin ang Diyos o si Allah upang huwag ng kumilos pa.
Iyan ay masama tulad ng isang sumpa mula sa Diyos. Marapat na ating
purihin ang Diyos at gamitin ang angking kakayanan na nagmula sa Kanya. |
..
|
Sa laban kontra sa
kahirapan, ang isang tagapagpakilos ay gumagamit ng panghihikayat at pagpupuri,
upang ang mga tao ay (1) magkaroon ng kagustuhan at (2) at matuto kung
papaano ang gagawin ––
sa tamang pagpapatakbo ng kanilang sariling mga buhay.
|
.
..
..
| Higit
pa sa usaping moral ang naganap kapag ang mga dapat magamit na mga bagay
para sa serbisyo o pasilidad ng isang pamayanan ay napunta lamang sa bulsa
ng mga taong nasa kapangyarihan. Sa ,ga serye ng pagsasanay na ito, hindi
natin binibigyan ng husga kung ito ba ay tama o mali. Atin lamang
ipinupunto na ito ay isa sa mga malaking dahilan ng kahirapan. Kawalan
ng tiwala sa mga taong dapat ay binibigyan ng tiwala, mga taong nasa poder
at kapangyarihan. Ang halaga na ninakaw sa masa, na siyang najuha
at tinatamasa ng taong kumuha, ay malayo kaysa sa pagliit ng kayamanan
na siyang dapat na nakalaan para sa masa. |
.. |
Ang
halaga ng salapi na sapilitang kinuha o kaya ay winaldas ay hindi ang halaga
ng pagpapababa ng kayamanan para sa isang pamayanan. Sinasabi ng mga Ekonomista
ang tungkol sa "multiplier effect" o epektong-pangmaramihan. ito ay ang
katotohanang higit pa sa bagay na kapalit ng salapi o bagay na ipinunla
sa isang pamayanan ang makukuha, sapagkat ang ekonomiya mismo ang siyang
magkakaroon ng positibong epekto sa ginawang pagpupunla. Kapag ang
ipinunla na salapi o bagay ay inalis ng tuluyan sa sirkulasyon ng pagpupuhunan,
ang halaga ng kayamanan na naialis sa pamayanan ay higit pa sa halaga ng
nakuha ng isang nagwaldas. Kapag ang isang tauhan o opisyales ng
pamahalaan ay kumuha ng 100 pisong suhol, ang puhunan para sa pangkalahatan
ng pamayanan ay nababawasan ng hanggang 400 piso para sa kayamanan ng lipunan. |
..
| Nakalulungkot
isipin na tayo ay nagagalit kapag ang isang simpleng magnanakaw ay nanguha
ng 10 pisong halaga ng bagay mula sa isang palengke, samantalang ang isang
opisyal ng pamahalaan ay nakapagnanakaw ng libo-libo hanggang milyung-milyong
pisong halaga ng salapi mula sa kaban ng bayan. Ang halagang nananakaw
na ito mula sa kaban ng bayan ay may katumbas na apat na beses na pagkasira
sa lipunan sa kabuuan, ngunit hindi natin sila napapansin o nahuhuli kaya.
Iyan ay sapagkat ating iginagalang, pinangingilagan ang mga ganitong uri
ng tao dahil sa kanilang kayamanan at madalas nga ay pinupuri pa nating
sila kapag sila ay nakakatulong sa kanilang mga kamag-anakan o kababayan.
Sa isang simpleng magnanakaw, pulis ang ating inaasahan upang sila ay mahuli,
samantalang sa isang magnanakaw na opisyales ay halos 'bulag' ang ating
hustisya. |
. |
Ang
mga ganitong opisyales na hindi mapagkakatiwalaan ang siyang malaking dahilan
ng kahirapan samantalang ang simpleng magnanakaw ay isang biktima ng kahirapan
na gawa ng opisyales na hindi magnanakaw. Ang nabanggit na sitwasyon ay
higit pa sa isang nakalulungkot na kaisipan; iyon ay isang sangkap na nagpapatagal
ng kahirapan. Kapag ating binibigyang gantimpala (sa pamamagitan
ng pagtingala sa kanilang estado sa buhay bilang mayaman) ang mga magnanakaw
sa gobyerno na siyang malaking sangkap ng kahirapan, at pinarurusahan lamang
ang mga maliliit na magnanakaw (na siyang tunay na biktima ng mga pangyayari),
tayo ay may pag-uugali na siyang lalong nagpapalala ng kahirapan. Kapag
ang ninakaw na pera ng bayan ay inilabas ng bansa at inilagak sa isang
dayuhang (halimbawa ay sa mga Swiso) bangko, hindi na ito nakakatulong
sa pambansang ekonomiya; tinutulungan lamang nito ang bansang nagpapatakbo
ng mga naturang mga bangko. |
.
..
..
| Ang
pagiging palaasa ay nagiging bunga ng pagtanggap ng limos o awa. Kung minsan,
ang pagtanggap ng limos ay hindi masama, kung ito ay nagaganap para sa
panandaliang pagsagip ng buhay. Ang halimbawa ay kung makalipas ang isang
sakuna o kalamidad. Ngunit kung ang pagtanggap ng limos ay gaganapin sa
mahabang panahon, ito ay maaaring makasama ng tuluyan sa tumatanggap, at
lalo lamang nagpapalaganap ng kahirapan. |
. |
Isang
ugali, o paniniwala na ang kung ang isang tao ay napakahirap at walang
kakayanan at hindi niya kayang tulungan ang kanyang sarili ay kailangang
umasa na lamang siya sa tulong mula sa ibang tao. Ganoon rin ang nangyayari
sa isang lugar na may kahalintulad na ugali o paniniwala. Ang malungkot,
ang ganyang ugali at ang magkakaparehong maling paniniwala ang siyang pinakamalaking
katwiran sa sarili upang mapanatili ang antas ng tao o grupo ng tao na
umasa na lamang mula sa tulong ng iba. |
..
| Marami
pang ibang mga dokumento at sulatin sa web site na ito na tumatalakay sa
pagiging palaasa Tignan: Pagiging
Palaasa, at Paglantad ng mga Nakatagong mga Pagkukunan.
Kapag ipapakita kung papaano gagamitin ang paglalahad ng mga istorya o
kuwento upang mas mainam na maiparating ang mga mahahalaganag mga prinsipyo
o paniniwala ng pag-unlad, tignan ang istorya ni Mohammed
at ang Tali. Ito ay ginagamit bilang isang magandang pagpapakita ng
prinsipyo na ang tulong ay hindi dapat isang uri ng limos na maaaring magpahina
ng kakayanan, at mas lalong maghikayat ng pagiging palaasa. Ang dapat na
tulong na binibigay ay iyung nagbibigay-kapangyarihan. |
.. |
Ang
metodolohiya ng pagbibigay-kapangyarihan sa isang pamayanan ay isang alternatibo
o kapalit sa pagbibigay-limos (na nagpapahina). Ito ay nagbibigay
tulong o asistiya, kapital at pagsasanay na nakatuon sa mga may maliliit
na kitang mga pamayanan, pagkilala ng kanilang mga pagkukunan-yaman at
sariling-pagpapatakbo ng kanilang sariling kaunlaran--pagiging may-kapangyarihan
sa madaling salita. Madalas, kapag ang isang proyekto ay nakatuon sa pagpapakilala
at pagpapa-unlad ng pagtayo sa sariling mga paa ng isang pamayanan sa pamamagitan
ng pagpapataas ng kaalaman at kamalayan ng mga tao, inaakala na ang proyekto
ay dumating para lamang sa pagpapatayo o paglalagay ng isang pasilidad
o serbisyo sa isang pamayanan. |
..
|
Bilang isa sa mga
limang-malalaking sangkap ng kahirapan, ang pagiging palaasa ay isa sa
mga pinakamalapit na inaalala ng isang tagapagpakilos sa isang pamayanan.
|
.
..
..
|
These five factors
are not independent of one another. Disease contributes to ignorance and
apathy. Dishonesty contributes to disease and dependency. And so on. They
each contribute to each other.
|
..
| In
any social change process, we are encouraged to "think globally, act locally."
The Big Five factors of poverty appear to be widespread and deeply embedded
in cultural values and practices. We may mistakenly believe that any of
us, at our small level of life, can do nothing about them. |
. |
Huwag
malungkot o mawalan ng pag-asa. Kung ang bawat isa sa atin ay magkakaroon
ng sariling paglalaan upang malaban ang kahirapan sa kahit anong mukha
nito sa ating buhay, tayo ay makapag-aambag upang mapuksa ang mga sangkap
ng kahirapan na nabanggit para sa tunay na tagumpay laban sa kahirapan.
Ito ay sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng lahat ng paggawa ng bawat tao
na may parehong layunin, isama pa ang epekto nito na makikita sa ibang
mga tao na maaaring tumulad sa ating mga ginagawa para sa iisang layunin:
pagpuksa ng kahirapan. |
..
| Ang
mga materyales ng pagsasanay sa web site na ito ay nakatuon sa pagpapaliit
ng antas ng kahirapan sa dalawang antas, (1) pagpapababa ng kahirapan sa
pamayanan sa pamamagitan ng pagpapakilos ng mga tao o grupo ng tao sa isang
pamayanan upang sila ay magkaisa, bumuo kilusan at kumilos para sa sama-samang
pagkilos ng pamayanan, at (2) pagpapababa ng kahirapan sa sarili sa pamamagitan
ng paggawa upang magkaroon ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagpapaunlad
ng mga maliliit na negosyo. |
. |
Ikaw,
bilang isang tagapagpakilos ay nasa isang mahalagang posisyon upang magkaroon
ng epekto sa limang-malalaki na mga sangkap ng kahirapan. Sa paggamit
ninyo ng inyong mga kasanayan at pagpapakilos para sa pagpapababa ng kahirapan,
makakasiguro kayo ng inyong mabuting layunin, makapipigil sa mga taong
may masamang layunin upang sirain ang mabuting kaayusan, at makapanghihikayat
kayo sa tamang paraan sa mga kalahok na tao upang subukang magamit nila
ang mga kasanayan sa paglaban sa mga sangkap ng kahirapan. |
..
| Ang
limang malalaking mga sangkap ng kahirapan
(bilang isang problemang-pangkalahatan) ay naglalaman ng : kawalang-kaalaman,
sakit,
kawalang-pagpapahalaga,
hindi
mapagkakatiwalaan at pagiging
palaasa. |
. |
Ang
mga ito, sa isang banda, ay nagpapalala sa pangalawang mga sangkap ng kahirapan
tulad ng kawalan ng palengke o lugar na mapagnenegosyuhan, kawalan ng mabuting
mga inprastraktura (mga daan, tulay, gusali), mahinang pamumuno, masamang
pamamahala, kawalan ng trabahong may tamang pasahod, kawalan ng mga kasanayan,
kawalan ng perang gagamiting kapital at marami pang iba. |
..
|
Ang solusyon sa pangkalahatang
suliranin sa kahirapan ay ang pangkalahatang solusyon sa pag-alis ng mga
sangkap ng kahirapan.
|
––»«––
|