| ............ |
.
PAGBABAWAL.
SA.
PAKIKIAPID.
SA.
KAANAK
The
Incest Taboo
|
sinulat ni Phil
Bartle
isinulin ni Jasmine Faye Alima Canton
|
.
.
| Bakit
ipinagbabawal ng mga tao ang pakikipagtalik sa kaanak? |
....
| Karamihan sa mga tao
sa lipunan ay may matinding pagkamuhi sa pakikipagtalik sa kaanak. |
.
| Ang tinutukoy natin dito ay yung
hindi pagmomolestya ng bata, kung hindi heteroseksuwal na pakikipagtalik,
konsensuwal man o hindi, sa pagitan ng ina at anak na lalake (tulad ni
Œdipus), ama at anak na babae (tulad ni Electra o Myrrha) o sa pagitan
ng magkapatid na lalake at babae (gaya nina Zeus at Hera), ng hindi isinaalang-alang
ang edad. |
.
| Gaya ng maraming bagay sa pangkasalukuyang
lipunan, na labis na nagbibigay diin sa tinatawag na siyentipikong paliwanag,
lalo na ang biolohikal, karamihan sa atin ang nag-aakala na ang pagbabawal
sa pakikipagtalik sa kaanak ay may biolohikal na pinagmulan at namalagi
bilang proteksyon bunsod ng ating ebolusyon. Hindi. |
.
| Kapag ang dalawang magkalapit na
magkamag-anak ay ngtalik at nakabuo ng bata, walang sakit o pagkasirang
tuwirang epekto nito na madalas maisip ng karamihan. |
.
| Mayroon lamang pagpapatindi
ng mga taglay ng katangian. |
.
| Ang recessive na genes
ang syang malamang na malalantad. |
.
| Ang epekto nito ay nagkakaiba sa
bawat henerasyon mula sa pag-papakasal sa kaanak at ito ay nakasanayan
na ng daan-daang kultura sa buong mundo. |
.
| Kung ang katangian na nabibigyang
diin ay negatibo o kaya'y nakamamatay, gaya ng sa mga dugong bughaw sa
Europa (ang sakit na Hǽmophilia), ito'y lalabas sa kalaunan. |
.
| Ang matindi at negatibong saloobin
nating ukol sa pakikipagtalik sa kaanak ay hindi nalalapit sa bahagyang
pagkamuhi na nararamdaman natin sa pakikipagtalik sa isang pinsan, at ang
biolohiya ay hindi sapat upang ipaliwanag ang tindi ng pagkamuhi. |
.
| Kung tutunghayan natin ang mga unggoy,
makikita nating ang pakikipagtalik sa kaanak ay nakaugalian na ng lahat
maliban sa atin. |
.
| Kung gayon, ang pagbabawal ay maaaring
nagmula pa noong pinakaunang panahon kung saan nagmula ang sangkatauhan,
at nagmula ang kulturang pantao. |
.
| Nakikita natin na ang pinagmulan
ng kultura ay nanggagaling sa paggamit ng mga kasangkapan (sopistikado
at kumplikadong kagamitan, habang ang mga "primates" ay gumagamit lamang
ng mga simpleng kagamitan) at wika (sopistikado at kumplikadong wika, habang
ang ibang mga "primates" ay gumagamit ng simpleng uri ng wika). |
.
| Hinala namin na ang tatlong kaugalian,
kasangkapan, wika, at pagbabawal sa pakikipagtalik sa kaanak ay may kaugnayan
at nagmula sa pinagmulan ng sangkatauhan. |
.
| Ang pagbabawal sa pakikipagtalik
sa kaanak ay nangangailan na makipagpalitan ng kapares sa pagitan ng pangkat,
at ang palitang ito ay mahalaga upang makipag-ugnayan at linangin ang ating
mga kasangkapan. |
.
| Ang mga sinaunang mag-anak, base
duon sa pagbabawal, ay kasama sa mga luminang ng kultura, teknolohiya at
kooperasyon, at nakaligtas habang ang ating malapit na kaanak (ang mga
Neanderthals?) ay hindi. Kung ano man yun. |
.
| Ang mag-anak, sa iba't iba nitong
anyo, ay lumalabas na syang pinakaunang institusyon - at ang mga kumunidad
ay kabilang dun sa iba-ibang institusyong nabuo bilang karugtong ng mag-anak,
na kinailangan ng pagbabawal sa pakikipagtalik sa kaanak, pinatibay ng
teknolohiya at naging posible dahil sa masalimuot na lenggwahe. |
.
| Habang ang pagbabawal ay nakikitang
syang pinakamalapit na bagay sa pangkalahatang panlipunan na institusyon,
isang argumento sa maagang paglitaw nito sa pantaong lipunan, may iilang
kaso kung saan ito ay hindi lang pinahihintulutan, kung hindi iniuutos. |
.
| Pagtatalik ng dalawang magkapatid
ay nakasanayan na ng mga dugong bughaw gaya ng sa Tahiti at mga naunang
dinastiya ng Ehipto. |
.
| Ang huli ay dating mga aristokrasya
ng Africa, at maaring pinagmulan ng matriliny ng Kanlurang Africa sa pamamagitan
ng migrasyon patawid ng Sahara. |
.
| Sa mas kilalang klase ng pag-aasawa
ng magkapatid sa pagitan ng mga hari at reyna, ipinaliwanag ito ng malaking
antas ng hierarchy, at isinaalang-alang ang mga hari at reyna bilang parang
panginoon at mas mataas kay sa ordinaryong mamamayan. |
.
| Sa kalipunan ng mga panginoon, ang
pakikipagtalik sa kaanak ay isinasagawa ng walang pagtutol sa moralidad.
At ito'y naging basehan upang ituring ang mga dugong bughaw ng lipunan
na mas higit at nabubukod sa mga karaniwang tao. |
.
| Hindi mo kailangang
paniwalaan ang argumentong ito. |
.
| Pero kailangang batid mo ito, at
maipakita mong napag-aralan mo, kung ito man ay itanong sa isang pagsusulit. |
––»«––
|