| ............ |
|
Ang
Pagkakasalungat ng Tahanan at Hanap-buhay
|
|
isinulin ni Jasmine Faye Alima Canton
|
.
.
|
Bakit
lumalaki ang hidwaan sa pagitan ng naghahanap-buhay at gumagawa ng gawaing
bahay?
|
..
| Ang
kasalukuyang lipunan ay may ekonomiya
na nababase sa pera at kalakalan |
.
| Nangangahulugan
ito na karamihan sa mga pangangailangan sa pagpapanatili ng sambahayan
ay pangangailangan sa pera (pambayad ng upa sa bahay, pagkain, kapangyarihan,
tubig, buwis, libangan). |
.
| Kasabay
nito, mataas ang sahod sa mga kasambahay, kung kaya karamihan sa atin ay
hindi kayang kumuha ng katulong para gumawa ng mga gawaing-bahay (paglalaba,
pagluluto, paglilinis, at pag-aalaga ng mga bata). |
.
| Ibig
sabihin ay mayroong dalawang uri ng trabaho na may kaugnayan sa pagpapanatili
ng pamamahay, pagkuha ng makakatulong sa labas, at sariling paggawa ng
mga gawaing bahay ng hindi binabayaran. |
.
| Kapwa
kailangan ang dalawa. |
.
| Ito
ay mas angkop sa urban na pamumuhay, at hindi gaanong naangkop sa rural
na pamumuhay. |
.
| Sa
ating kasaysayan, at sa ating pamantayan, tayo ay may simpleng yunit, mga
lalake (ama, asawa) ay naghahanap-buhay sa labas ng bahay at mga babae
(asawa, ina) ay ngtatrabaho sa loob ng bahay ng hindi kumikita. |
.
| Ang
pamantayang ito ay sinusuportahan ng konserbatibong lipunan at mga relihiyoso,
kahit hindi pangdaigdigan. At ito ay hindi naging pandaigdigan. |
.
| Ito
ay produkto ng industriyalisadong pag-unlad. |
.
| Ang
salungatang
pamamaraan sa sosyolohiya, hango sa pananaw ni Marx
na ang pagkakaiba ay hango sa kaugnayan sa paggawa, na base sa paniniwalang
ang kompetisyon para sa kakaunting yaman ang na siyang ugat ng hidwaan. |
.
| Sa
pamilya, ang ugnayang ito ay kabaliktaran. |
.
| Ang
hidwaan ay base sa pangangailangan ng parehong paghahanap-buhay at pamamasukan,
at ang kompetisyon sa hindi paggawa ng gawaing bahay. |
.
| Marami
sa mga kalalakihan ang nasasanay sa sitwasyon kung saan ang mga lalake
ay inaasahang maghanap-buhay at ang mga babae ay dapat manatili sa bahay
at gumawa ng mga gawaing bahay ng walang bayad. Sa kabaliktaranm maraming
kababaihan ang ngtatanong kung bakit kailangan nilang manatili sa bahay
kung meron silang kasanayan at karanasan na magtrabaho at kumita. |
.
| Ang
nangyayari, kadalasan, ay ang mga kababaihan ay ngtatrabaho upang kumita
at inaasahan ding gumawa ng mga gawaing bahay. |
.
| Ito
ang basehan ng hindi pagkakaunawaan sa loob ng tahanan. |
.
| Tatlong
mgakakaibang situwasyon ang maaring mangyari: (1) ang mga kalalakihan ay
nghahanap-buhay at ang mga kababaihan ang gumagawa ng nga gawaing bahay,
(2) ang mga kababaihan ay nghahanap-buhay at sya ring gumagawa ng mga gawaing
bahay, (3) parehong lalake at babae ang ngtutulungan sa paghahanap-buhay
at sa mga gawaing bahay. |
.
| Ang
pagbabago ay hindi kaagad-agad nangyayari, kaya iilan sa mga pamilya sa
iilang henerasyon ay napagsasabay ang tatlong modelo. |
.
| Tumaas
ang bilang ng mga babae na nghahanap-buhay noong 1914-1919 (Unang Pandaigdigang
Digmaan) kung saan ang mga kalalakihan ay pumapasok sa militar at nakikidigma,
at ang mga kababaihan ay binabayaran upang mgtrabaho. |
.
| Subalit
ito ay hindi naging permanente, at noong mga 1920 at 1930, marami sa mga
kababaihan ang bumalik sa pananatili sa tahanan. |
.
| Noong
panahon ng depresyon ng 1930, kung saan tumaas ang bilang ng mga walang
trabaho, marami sa mga kababaihan ang pinatalsik para mabigyan ng trabaho
ang mga kalalakihan. |
.
| Ang
Pangalawang Pandaigdigang Digmaan (1939-46) ay kahalintulad ng naunang
digmaan, kung saan maraming mga kababaihan ang binabayaran upang magtrabaho. |
.
| Mayroon
na ring mga kababaihan ang pumapasok sa militar. |
.
| Pagkatapos
ng ikalawang pandaigdigang digmaan, iilan na lang ang bumalik sa dati,
at malawak na ang pagtanggap sa mga kababaihang naghahanap-buhay sa labas
ng kanilang mga tahanan. |
.
| Hindi
naging dahilan ang kilusang pangkababaihan sa pagbabagong ito, maliban
sa pagiging repleksyon nito. |
.
| Maiuugnay
natin ang mga pagbabago sa loob nga pamilya, kung saan dumarami ang mga
kababaihang naghahanap-buhay, sa paglawak ng pangkabuhayan at pulitikal
na pagbabago sa labas ng tahanan at pagbabago ng lipunan. Subalit ang hindi
pagkakaunawaan ng mg-asawa sa loob ng tahanan ay bunga ng mga pagbabago
sa mga tungkulin ng mag-anak. |
––»«––
|