Community Self Management, Empowerment and Development
Pagpapalakas ng Komunidad

Nasusulat na Lektyur
Hindi pagkakapantay-pantay
English version of this documentLa version française de ce document.
.
.
...... .   . 
.
Hindi pagkakapantay-pantay, Edad, Lahi, Kasarian
Magkakaiba ang Kayamanan, Kapangyarihan at Kasikatan
sinulat ni Phil Bartle
Isinalin ni Maria Kristine Calpe
.
  Panimula sa Modyul (Hub)
  ..
Mga napapaloob sa Hindi pagkakapantay-pantay na Modyul 
..
Gusto namin ng pagkakapantay-pantay ngunit parang imposible
.
Mataas ang pagtingin namin sa Pagkakapantay-pantay ng lipunan . Masyado itong mataas na ibang-iba na ito sa aming totoong kultura; naniniwala kaming mas malaki pa dapat ang pagkakapantay-pantay kaysa sa anong mayroon ngayon
.
Ang pagkakaiba sa pagitan ng totoo at pangarap namin na kultura ay makikita sa pamamagitan ng pagtawag sa mga tao sa kanilang alyas o palayaw kaysa sa kanilang titulo at tunay na pangalan . Ang mga guro na nagsasabi sa mga estudyante nito na tawagin silas a kanilang pangalan ay nanloloko at tinatago ang realidad na mas may kapangyarihan ang mga guro kaysa sa kanilang mga estudyante
.
Pero kung sino man ang magsabi na ang emperor ay walang damit ay hindi mananalo sa laban ng kasikatan; mas gusto natin makinig sa ating mga dati pang paniniwala  Iniisip natin na ang hindi pagkakapantay-pantay ng lahi ay masama, kaya naman nahihirapan tayong tanggapin na nangyayari ito sa ating lipunan
.
Kapag pinaguusapan natin ang hindi pagkakapantay-pantay, nakikita natin madalas ang kapangyarihan, kayamanan, at kasikatan . Nagmumula ang mga ito sa kahalagahang pang-ekonomiya, pulitikal, at kagandahan
.
Ayon kay Marx, ang antas ay nalalaman ayon sa kakayahanan sa produksyon . Nakita niya na ang mga tao na nagtatrabaho para mabuhay at ang mga tao na namamay-ari ng mga pagawaan kung saan sila nagtatrabaho ang bumubuo sa pinaka-importanteng antas sa lipunan
.
Kinontra nila Weber at Durkheim si Marx sa pagsasabing may iba pang bumubuo sa kayaman, kapangyarihan at kasikatan, gayundin sa produksyon
.
Ang ating kaalaman sa hindi pagkakapantay-pantay ay nagsimula noong industrial revolution, at ang ating konsepto ng antas at estado sa lipunan ay doon din nagsimula .... Samantala, ang hindi pagkakapantay-pantay ay nagsimula na noon pa lamang agriccultural revolution, at malalaman natin ang pagkakaiba base sa katangiang pikisal tulad ng itsura, edad, at kasarian
.
Ang modyul na ito ay nagdadagdag ng kaalaman ukol sa lahi, edad, at kasarian . Hindi tulad ng modyul na pangkasanayan sa komunidad, walang dokumento dito na para sa iba't ibang layunin at mambabasa
.
Ang lahat ng nasusulat dito ay para sa unang pag-aaral ng sosyolohiya
––»«––
.
This is the bottom of the page
 
Training Modules
   
A B D E E G H I
Link your copy back to this site
Key Words for Mobilisers
The site map lists (and links to) all web pages (in English) on this web site  
Go to the People
Link to the Home Page of this web site
  Correspond with us.
2008.08.30
Following the path of least resistance makes all rivers and some men crooked