Pangunahing Pahina
 Tungo sa Aksiyon


Mga Salin:

Arabic
Bahasa Indonesia
Chinese
English
Español
Français
Galego
Greek
Hindi
Italiano
Japanese
Kiswahili
Nepalese
Hindi
Polski
Português
Romãnã
Russian
Thai
Urdu

Ibang format:

Teksto

Ibang mga Pahina:

Mga Modulo

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Kontak

Mga magagamit na dokumento

Importanteng Links

MGA PAGDIRIWANG

Pagtatapos at Panibagong Simula

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Lina G. Cosico


Handout sa Training

Ang party ay hindi bakasyon mula sa iyong trabaho kundi isang mahalagang bahagi nito.

Ang pag-oorganisa at pagsasagawa ng pagdiriwang sa komunidad ay mahirap na gawain at mahalagang bahagi ng mobilisasyon.

Maaaring hindi mo napagtanto na para sa mga mag-aaral at karamihan ng mga trabahador ang pagdiriwang ay masayang dibersiyon mula sa walang pagbabagong takbo ng pagtratrabaho o pag-aaral. Para sa iyo na mobiliser, parte ito ng iyong trabaho.

Ang pagdiriwang ay hindi lamang ginagawa sa pagtatapos ng proyekto , dapat mo ring himukin ang mga tao na magdiwang sa ibang parte ng proseso: pangangalap ng pondo, pag-uumpisa ng proyekto, pagbibigay ng donor ng tseke, pagtatapos ng mahalagang yugto ( mga dingding, bubong, pintura) at iba pang mga mahalagang pangyayari.

Kantahan, sayawan, pagsasadula, parada, talent show at iba pang libangan o kasayahan ay dapat isama sa bawat pagdiriwang. Imbitahin mo ang mga lokal na grupo na magpalabas. Siguraduhin mo na may mga "big-shot" na dadalo na magbibigay pugay sa publiko (ngunit hindi gagamitin ang pagkakataon para sa politika), at imbitahin mo ang press at media.

Bakit?

Ang pagdiriwang ay nakakadagdag sa pagkilala ng publiko at nagpapatunay sa buong proseso ng paglinang o 'development', hindi lamang sa proyekto.

Magandang paraan ito para sa pagtataas ng kamalayan, pagpapabuti ng 'transparency' o pagiging lantad ng proseso, at para maging kilalang aktibidad ang proyekto ng komunidad.

Sa grupo ng mga tagapamahala o ehekutibo, magplano at mag-organisa ng mabuti. Ngunit huwag gawin ang lahat para sa kanila.

Magbigay ng lakas ng loob, magbigay puri at payo, - na sila ang magpapatakbo ng proyekto. Tingnan "Pagdiriwang."

Enjoy!

––»«––

Pagtatapos ng Proyekto; Seremonya at Pagdiriwang:


Musika at Pagdiriwang

Kung kokopya ka mula sa site na ito, mangyari lamang na banggitin ang mga may akda
at i-ugnay pabalik sa www.scn.org/cmp/

©Tunay na pag-aari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Disenyo ng Web ni Lourdes Sada
––»«––
Huling Pagbabago: 2009.09.05

 Pangunahing pahina

 Tungo sa Aksiyon