Pangunahing Pahina
 Tungo sa Aksiyon


Mga Salin:

Arabic
Bahasa Indonesia
Chinese
English
Español
Français
Galego
Greek
Hindi
Italiano
Japanese
Kiswahili
Nepalese
Polski
Português
Romãnã
Russian
Urdu

Ibang format:

Teksto

Ibang mga Pahina:

Mga Modulo

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Kontak

Utility Documents

Importanteng Links

PAGSUBAYBAY

Pagtingin sa Ating Patutunguhan

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Lina G. Cosico


Handout ng Training

Isang elemento ng proyekto na madalas na nakakaligtaan ay ang pagsubaybay; kailangan nating makita ang ating patutunguhan kung gusto nating hindi malihis ng landas at matamo ang ating mga adhikain.

Sa mga naunang pahina ay binanggit natin na ang pagsubaybay ay mahalaga, at kailangang isama sa disenyo ng proyekto. Ngayong kasalukuyang ginagawa ang proyekto, kailangan mong siguraduhin na mangyayari ang pagsubaybay.

Ang pagsubaybay ay kasinghalaga ng aksiyong sinusubaybayan. Tingnan ang dokumento ng pagsasanay:"Pagsubaybay."

Natatandaan mo ba ang analohiya ng pagsakay ng bisikleta? Kung ang pagpedal ang aksiyon, ang pagtingin sa pupuntahan (pagsubaybay) ay kasinghalaga kung ayaw mong maligaw o bumagsak. Maaari mong sabihin na ang mga taong nagtratrabaho sa proyekto ay nakikita ang mga nangyayari, hindi ito sapat.

Ang kabuuan ng tao ang nakasakay sa bisikleta, hindi lamang ang mga mata. Ang mga mata ay kailangang magpadala ng ulat sa utak na nagpapadala ng mga nararapat na mensahe sa ibang parte ng katawan. Iba't-ibang tao ang nagtratrabaho sa proyekto sa iba't-ibang paraan at sa iba't-ibang oras,kaya't kailangan ng komunidad (at ng mga donor) na malaman ang kabuuan ng lahat ng pangyayari.

Ngayong isinasagawa na ang proyekto, responsibilidad mo bilang mobiliser na paalalahanan ang mga ehekutibo na ang pagsubaybay ay bahagi ng disenyo ng proyekto, na ito ay mahalaga at kailangang gawin.

––»«––

Pagsubaybay at Pagtatasa ng Komunidad:


Pagsubaybay at Pagtatasa ng Komunidad

Kung kokopya ng teksto mula sa site na ito, mangyari lamang na banggitin ang mga may akda
at iugnay pabalik sa www.scn.org/cmp/

©Tunay na pag-aari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Disenyo ng Web ni Lourdes Sada
––»«––
Huling Pagbabago: 2009.09.05

 Pangunahing pahina

 Tungo sa Aksiyon