Pangunahing Pahina


Pagsasalinwika:

Bahasa Indonesia
English
Español
Français
Hindi
Português

Iba pang mga ayos:

Teksto

Iba pang mga Pahina:

Mga Modulo

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Kontak

Utility Documents

Importanteng Links


PAGSUSUKAT NG PAGBIBIGAY-LAKAS SA KOMUNIDAD

ni Phil Bartle, PhD


Introduksyon sa Modyul (Hub)

Mga Dokumentong Kasama rito Pagsusukat Modyul

Paano sukatin kung hanggang gaano kalakas ang inaabot ng mga komunidad

Ang labing-anim na elementong nabanggit ng ilang beses sa site na ito ay napaka-importante. Ito ang mga basehan para sa apat na iba't ibang mga aktibidad.

  1. Pagpapalaganap ng pagbibigay-lakas sa mga komunidad;
  2. Nanghihimok ng pagpapaunlad ng kapasidad sa mga organisasyon;
  3. Pagsusukat ng pagpapalakas sa komunidad; at
  4. Pagsusukat ng pagbabago sa kapasidad ng mga organisasyon.

Ang modyul na ito ay nakasentro sa isa sa mga apat na nabanggit, and pagsusukat ng progreso sa pagpapalakas ng komunidad na maliit lamang ang kita. Habang kayo ay nagsasanay at mas nagiging marunong sa gawaing ito, makikita ninyong mas madali ito, mas madaling maintindihan, at natural na makilahok sa iba pang tatlong layunin.

Magbigay ng atensyon sa labing-anim na elemento dahil kasama ito sa tatlong mga aktibidad, at makakatulong ito sa inyo upang mas maintindihan ang mga ito.

Paano masusukat ang lakas o nagbabagong antas ng lakas? Dalhin sa Mga Paraan ng Pagsusukat sa Pagbibigay-lakas.

Ano ang mga elementong ito, ng komunidad at kapasidad ng organisasyon, na nagbabago habang ang isang komunidad o organisasyon ay mas nagiging malakas? Dalhin sa: Ang Labing-anim na Elemento ng Pagbibigay-lakas sa Komunidad.

Kabilang sa mga nabanggit, mayroon pang ilang mga handout na inihanda bilang parte ng modyul na ito. Kasama rito ang: Labing-anim na Elemento ng Pagbibigay-lakas, handout;Mga Sulat ng mga Kalahok sa Pagsusukat ng Kapasidad ng Mas Pinalaking Kapasidad, handout; at ang Form para sa Pagsusukat ng Pagbabago ng Kapangyarihan, handout.

––»«––
Kung kokopya ng teksto mula sa site na ito, makikibanggit ang mga
patnugot at ilagay ang link na www.scn.org/cmp/

 Ang pagsunod sa landas na madaling tahakin ang sumisira sa mga ilog at tao


© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 2009.09.20

 Pangunahing pahina