..
|
Ang
Apat na Susing Tanong
|
|
sa
Pangangasiwa at Pagpapaplano
|
.
..
| Inaalay
kay Gert Lüdeking |
.. |
.
Mga
Ipinamimigay na Babasahin sa Pagsasanay.
.
Ano
ang gusto natin?
Anong mayroon
tayo?
Paano natin gagamitin
ang anumang mayroon tayo para makamtan ang anumang gusto natin?
Anong mangyayari
na dulot nito? |
...
..
| Mahahalagang
Buod ng Pangangasiwa at Pagpapaplano: |
..
| Ang
pangangasiwa, bilang isang gawain, ay nangangahulugan ng paggawa ng mga
kapasyahan at paglutas ng mga problema. Ang mga mahahalagang pasya sa pangangasiwa
at pagpapaplano ay matatagpuan sa mga sagot sa apat na susing tanong. |
. |
Ang
apat na tanong na ito ay "1. Ano ang gusto natin? 2. Anong mayroon tayo?
3. Paano natin gagamitin ang anumang mayroon tayo para makamtan ang anumang
gusto natin?4. Anong mangyayari kapag ito ay natamo natin?" Kung iyong
masusing titingnan, sila ay ang apat na tanong na kabilang (marahil ay
nakatago sa mga paliwanag) sa alinmang dokumento sa pagpapaplano ng isang
proyekto at sa brainstorming. |
..
| Kung
ang mga suliranin ay sinusuri at nilulutas lamang pagkatapos nilang lumitaw
at umuukilkil, sa gayon ito ay "pangangasiwa ayon sa krisis." Mas maigi
pang walang pangangasiwa sa kabuuan. |
. |
Kung,
sa kabilang banda, ang mga malinaw na layunin ay alam at ang mga kinakailangang
kilos ay batid at ginagawa para marating ang mga layuning iyon, sa gayon
ito ay "pangangasiwa ayon sa mga layunin." Ang mga suliraning maaaring
mangyari ay matataya at ang mga pamamaraan ay mailalagay para (bago pa
lumitaw) lumutas sa kanila. Ang pangangasiwa ayon sa layunin ay mas matalab
at mas mababa ang pagkaligalig sa pangangasiwa ayon sa krisis. |
..
| Malaki
man o maliit ang pangkat na bibigyang-kapangyarihan, kung ito man ay organisado
katulad ng isang samahan o di malinaw katulad ng isang pamayanan, ang kakayanan
nito ay mapag-iibayo kung ito ay pipili ng mga pamamaraan sa pagtatanong
at pagsasagot ng apat na tanong na ito. |
. |
Kung
walang problema, wala ng pangangailangan sa pangangasiwa. Laging may mga
problema; ito ang katotohanan ng buhay. ang pangangasiwa ay napakahalaga
para ipaubaya lamang sa mga tagapangasiwa; ito ay dapat na tungkulin ng
lahat. Kung ganoon, dapat na ang lahat ay batid ang apat na tanong na ito;
at ang lahat ay dapat na magambag sa pag-alam sa mga sagot. |
...
..
..
| "Ano
ang pinakamahalagang suliraning dapat na malutas?" Ang tanong na "Anong
Gusto Natin?" ay sumasaklaw sa paglalarawan ng suliranin, ito ay pagbabaliktad
para bigyang kahulugan ang pangkalahatang layunin, at paglilinaw nito para
gawing specific ang mga mithiin, outputs at ibang malinaw na mga kahulugan
ng layuning iyon. Sa metapor na pangheograpiya, "Saan Natin Gustong Pumunta?" |
. |
Ang
samahan o pamayanan ay kailangangang mayroong pinagsaping pananaw ng mga
nais nila. Ito ay hindi lamang isang bagay na pisikal na pwedeng ariin,
katulad ng palikuran o elektresidad; ito ay maaaring bagong batas, binagong
pag-uugali, pagtataas ng kamalayan, pagpapalit ng mga gawi, isang bagong
istruktura ng samahan, pagtataas ng kita ng isang samahang pangkalakalan,
mas mataas na pasahod sa mga kasapi ng unyon, isang pagpapalit ng pamamaraan
o kasapian ng isang samahang non-profit, o anumang pinagsaping layunin
na nangangahulugan o nagpapahiwatig ng isang pagunlad (tulad ng antas
ng pamumuhay) para sa grupo sa kabuuan. |
..
| Ang
mga layunin at adhikain ay dapat na alamin sa lahat ng proyekto at dokumento
sa pagpapaplano; iyon ay karaniwang alam. Pero sila ay dapat piliin at
maintindihan, at sang-ayonan ng lahat ng kalahok sa pang-araw-araw na gawain
ng isang grupo, pamayananan o samahan. |
... |
Sa
pagsasanay sa pangangasiwa ng isang pamayanan, ang tanong na "Anong
Gusto Natin?" ay dapat sagutin ng pamayanan sa kabuuan, hindi lamang
ng mga kalalakihan, hindi lamang ng mga may pinag-aralan, hindi lamang
ng mga lingkod na sibil, hindi lamang ng mga kaibigan ng ahensya, subalit
lahat sa pamayanan, sa pamamagitan ng nagkakaisang pagsang-ayon. |
...
..
..
| Ang
tanong na "Anong Mayroon Tayo?" ay pagkilala sa mga kayamanan o
potensyal na tulong na magagamit para marating ang piniling layunin at
adhikain. Sa metapor na pangheograpiya, "Saan Tayo Ngayon?" |
. |
Ang
tanong ay nagpapahiwatig na ang kasalukuyang sitwasyon ay dapat na matyagan,
pag-usapan at suriin. (Ito ay tinatawag na pagsusuri ng sitwasyon). Ito
ay nagpapahiwatig ng pagkuha ng maliwanag na larawan ng lahat ng kayamanan
at balakid, kayaman at obligasyon (potensyal at natamo na), at balido at
mapapatunayang larawan ng sitwasyon. |
..
| Sa
pagsasanay sa pangangasiwa ng isang pamayanan, ang pagkilalang ito ay mas
maiging gawin sa mga pulong kung saan ang mga tahimik na kalahok ay mahimok
na lumahok, dahil maraming kayamanan sa bawat pamayanan, kabilang ang mga
pinakamahirap, na nakatago o di lantad. |
. |
Ang
bihasang tagapagpakilos ay napapadali nitong mapalitaw sa isang pulong
ng pamayanan ang pagkakilala sa maraming ngunit nakatagong o nakabalatkayong
kayamanan. |
..
| Ang
mga kayamanan ay maaaring manggagawa at kasanayan, (ang lakas ng tao na
nakahandang gamitin sa gawain), ang lupa o o lugar na pagdarausan ng gawain,
salapi (sa pamamagitan ng pagpapataw ng bayarin, pagbebenta, donasyon at
iba pang panggagalingan), puhunan (mga kasangkapang o kagamitang magagamit
muli) na kinakailangan para isagawa ang mga gawain, at katalinuhan ng tao
(katalinuhan, impormasyon, kasanayan, karanasan, kakayahan sa panunuri,
pagkamalikhain) na madalas ay ang mga nakatagong ambag ng mga matatanda
o mga retiradong mamamayan, at madalas ay natatagpuan sa mga may kapasanan
o mga taong itinakwil. Marami ang nakalantad kung kaya sila ay nakakaligtaan
sa kabilang banda. |
. |
Ang
pagsusuri sa sitwasyon ay nangangahulugan ng maingat at kompletong pagoobserba
ng mga namamayaning kondisyon, pagaalam ng mga bagay na makakapagambag
sa pagkamit ng mga layunin (o potensyal na makakapagambag) at anong mga
bagay na balakid sa pagkamit ng mga layuning iyon. |
...
..
| Paano
Natin Gagamitin Ang Anumang Mayroon Tayo Para Makamtan Ang Anumang Gusto
Natin? |
..
| Ang
tanong na "Paano Natin Gagamitin Ang Anumang Mayroon Tayo Para Makamtan
Ang Anumang Gusto Natin?" ay ang istratehiya na bahagi ng kaalaman sa pangangasiwa.
Paano makakarating galing sa "A" tungo sa "B." Palaging may iba't -ibang
pamamaraan para pagsamahin ang mga kayamanang nasa kamay, at ang mga pinagsamang
katalinuhan ng pamayanan (katulad ng nabanggit sa itaas) ay dapat
gamitin para alamin ang iba't-ibang istratehiya, at piliin ang pinakanararapat. |
. |
Ito
ay nasa pag-alam kung paano makararating galing sa "A" tungo sa "B" na
ang pangkat, sa patnubay ng isang facilitator, ay dapat na gumawa ng estratehiya
na kabalangkas ng plano sa pagkilos. Kasama sa isinulat na plano ang mga
sagot sa apat na tanong. Ang mapanlikha, inobatibo at mapanuring bahagi
ng gawain ay sa paglikha ng ibat-ibang posibleng estratehiya, at pagkatapos
ay sa pagpili ng pinakanararapat sa kanilang lahat. |
..
| Dito
rin ang pagkakataon para sa pagsasaayos o muling pagsasaayos para sa pagbalangkas
ng kapasyahan at para sa pagkilos. Tingnan ang pagsasaayos.
Kung ito ay hindi maayos na koleksyon ng mga indibidwal, sa gayon para
makamit ang mga napiling layunin, ang estratehiya ay dapat na tutugon kung
paano sila makabubuo ng epektibong organisasyon para maisagawa ang mga
kinakailangang gawain. |
. |
Kung
ang pangkat, organisasyon, o pamayanan ay naisaayos na sa kung anupamang
paraan, ang mga miyembro nito, marahil sa tulong ng isang facilitator,
ay kailangang tanungin ang sarili nito kung ang kasalukuyang organisasyon
ay ang pinakamabuting disenyo para makamit ang mga layunin nito, o kung
ang isang pagbabago sa istruktura at proseso ay maaaring isaalang-alang
dito. Para sa isang tagapagpakilos ng pamayanan na ginagamit ang pagsasanay
sa pangangasiwa, ito ang pagkakataon para gabayan ang isang pangkat ng
pamayanan sa pagbuo o muling pagbuo ng sarili nito sa isang samahan na
epektibong gagamit ng anumang mayroon sila para makamtan ang anumang gusto
nila. |
...
..
| Anong
Mangyayari Kapag Ito ay Natamo Natin? |
..
| Bago
pa man ang isang kilos ay gawin, napakahalaga na ang pangkat ay gumawa
ng ilang balido at makatutuhanang pananantya tungkol sa epekto at resulta
ng napiling estratehiya. May mga di-inaasahang kahihinatnan, ngunit bawat
pagtatangka para malaman ang lahat ng posibleng kahihinatnan ay dapat gawin,
lalo na para maiwasan ang mga di kanais-nais na konsekwensya. |
. |
Dito
dapat na malaman ng pangkat na ang pagmamasid ay napakahalaga. Sinuman
ay di dapat sumakay sa bisekleta kung ang mata nila ay nakapinid. Ang kabuuang
plano ng pagkilos ay dapat isali ang pagmamasid sa mga kilos at resulta,
at ang pamamaraan sa pag-uulat sa sa pangkat sa kaubuuan. |
..
| Ang
tanong na "Anong mangyayari kapag ito ay natamo natin?" ay
saklaw ang prediksyon ng magiging epekto ng gawain. |
. |
Ito
ay maaring palawigin para itanong kung papaanong ang gawain ay inaakala
na makakapekto sa pamayanan at kanyang kapaligiran ( sosyal at pisikal)
at tungo sa plano para sa pag-monitor at pag-evaluate. |
...
..
..
| Ang
apat na tanong na ito ay dapat gamitin ng mga field worker bilang balangkas
sa pagaayos o muling pagaayos ng isang pangkat. Kahalintulad nito, ang
mga ito ay ginagamit din ng mga tagapagsanay sa pangangasiwa para sa pag-oorganisa
o muling pag-oorganisa ng isang pangkat ng mangangasiwa. |
. |
Ang
mga ito ay maaaring gamitin ng isang koordinador para sa pagbuo ng ng pangkat
ng mga field workers. Magkakasama. ang mga ito ay balangkas para sa pagpapatatag
ng kakayanan at lakas sa pangangasiwa ng alinmang pangkat ng mga kalahok. |
..
| Sa
pagsasanay sa pangangasiwa ng isang pamayanan, ang mga mahahalagang tanong
na ito ay kinakailangang ilabas kung ang buong pamayanan ay nagpupulong
para pagpasyahan ang kanilang mga priyoridad. Ang mga ito ay dapat gamiting
muli kung ang executive committee ng mga CBO ay magpulong sa kapakanan
ng buong pamayanan para ayusin ang mga detalye. Kung titingnang maigi,
makikita mo na ang apat na tanong na ito, sa pagkakasunod ayon sa pagkakatalakay,
ay nakatago sa appendices ng dalawang dokumentong ito, ang proseso ng brainstorming
at patakaran para pagdesinyo ng isang proyekto. |
. |
Kung
ang mga ito man ay itinanong habang ino-organisa ang isang trade union
o sa isang pulong ng mga matataas ng opisyal ng isang mayamang korporasyon,
(o, sa sitwasyong ito, habang pinapalakas at pinatatatag ang kakayanan
ng isang pamayanang may mababang kita), ang mga ito ay bumabahagi sa mga
mahahalaga o buod na pasya sa pangangasiwa. |
..
Ito ay hindi pagsasanay
sa pangangasiwa para sa mga tagapangasiwa.
Ito ay pagsasanay sa
pangangasiwa para sa lahat.
|
|
|
––»«––
|