..
|
Higit
sa Pagsubaybay; Ebalwasyon
|
|
Ebalwasyon
ng mga Nakamit o Nagawa
|
.
..Materyales
sa Pagsasanay.
..
|
Iba
ang ebalwasyon sa pagsubaybay, ngunit sila ay magkaugnay
|
..
| Ang
Kahulugan ng Ebalwasyon: |
..
| Ang
ebalwasyon ay ang proseso ng paghuhusga ng halagang naidulot ng proyekto
o programa kaugnay sa mga naplanong aktibidades at pangkalahatang layunin. |
.... |
Bahagi
ng ebalwasyon ang paghuhusga ng kahalagahan ng isang bagay, kaya naman
ito ay naiiba sa pagsubaybay (ang pagsubaybay ay pagoobserba at pag-uulat
ng oberbasyon). |
..
| Kahalagahan
ng Ebalwasyon: |
..
| Ang
ebalwasyon ay mahalaga upang matukoy ang mga kakulangan o mga isyung nagsisilbing
balakid sa pagkamit ng mga layunin ng proyekto. Dahil dito, ang mga solusyon
sa mga problema at balakid ay maaaring matukoy at maisagawa. |
. |
Ang
ebalwasyon ay nakakatulong sa mga taga-pamahala o taga-pagplano ng proyekto
na tayahin ang benepisyo at problemang maidudulot ng proyekto sa mga hinahangad
na direkta at indirektang pinag-uukulan ng benepisyo. Halimbawa, kung ang
proyektong isinasagawa ay ang pagbibigay proteksyon sa bukal o balon, makikita
sa ebalwasyon ang benepisyo nito sa mga taong kumukuha at gumagamit ng
tubig sa bukal. Gayundin, makikita sa ebalwasyon na nagdudulot din ito
ng problema sa mga tao dahil nasasayang ang kanilang lupain at nasisira
ang kanilang pananim dulot ng proseso ng pagkolekta ng tubig. |
..
| Mahalaga
ang ebalwasyon dahil makakakuha tayo dito ng mga leksyon o aral mula sa
ating mga karanasan sa pag-iimplementa ng proyekto. Ang mga leksyon o aral
na ito ay maaaring magamit sa iba pang proyekto. |
. |
Panghuli,
ang ebalwasyon ay dapat magbigay-linaw kung gaano nakamit ang hinangad
na layunin ng mga aktibidades at kung naisakatuparan ang proyekto. |
..
| Ang
Proseso ng Ebalwasyon: |
..
| Ang
ebalwasyon at maaari at dapat isinasagawa: (a) bago, (b) habang, at (c)
pagkatapos ng implementasyon. |
. |
Bago
isagawa ang proyekto, ang
ebalwasyon ay kinakailangan upang:
-
Matantiya ang posibleng
epekto ng pinaplanong proyekto sa mga tao sa komunidad
-
Makagawa ng huling
desisyon ukol sa alternatibong proyekto na dapat maisagawa; at
-
Makatulong sa pagbuo
ng desisyon ukol sa kung paano isasagawa ang proyekto.
|
..
| Habang
isinasagawa ang proyekto: Ang
ebalwasyon ay isang walang patid na proseso at dapat maisagawa sa lahat
ng aktibidades ng proyekto. |
. |
Nakakatulong
ito sa mga taga-pagplano na progresibong masuri ang mga stratehiya ng proyekto
ayon sa pabagu-bagong kalagayan o sitwasyon. Sa pamamagitan nito, maisasagawa
ang ninanais na aktibidades at layunin ng proyekto. |
..
Pagkatapos
maisagawa ang proyekto: Ito
ay upang makita at mabalikan ang proseso ng pagpaplano at implementasyon
ng proyekto, gayundin ang resulta matapos maisagawa ang mismong proyekto.
Ito ay makakatulong pa sa:
-
Pagtutukoy ng mga problema
o balakid na naranasan noong isinagawa ang proyekto.
-
Paghuhusga ng aktuwal
na benepisyo at ang bilang ng mga taong nakinabang.
-
Pagbibigay ng mga ideya
ukol sa kalakasan ng proyekto, para na rin ito ay magaya sa mga susunod
pang proyekto at
-
Pagbibigay-linaw kung
nakamit ba ang hinahangad na layunin ng proyekto at kung gaano ito nakamit.
|
––»«––
|