..
|
Impormasyon
ukol sa Pangangasiwa
|
|
at
Pangangasiwa ng Impormasyon
|
.
..Materyales
o Handawt sa Pagsasanay.
..
|
Papaano
pangangasiwaan ang impormasyong dulot ng pagsubaybay
|
..
| Magkaiba
ang impormasyon ukol sa pangangasiwa at ang pangangasiwa ng impormasyon.
Ang impormasyon ukol sa pangangasiwa ay isang uri ng impormasyon (mga datos);
ang pangangasiwa ng impormasyon ay isang uri ng pangangasiwa (ang sistema). |
. |
Ang
pangangasiwa ng impormasyon ay ang proseso ng pagsusuri at paggamit ng
impormasyong kinalap at inimbak upang makatulong sa mga tagapamahala sa
lahat ng antas na makabuo ng desisyon na batay sa nakalap na impormasyon. |
..
| Ang
pagsubaybay ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kung ano ang nagaganap
sa proyekto. |
. |
Ang
impormasyon na ito ay kinakalap habang isinasagawa ang pagpaplano at pag-iimplementa
ng proyekto. Nakakatulong ang impormasyon sa pagtutukoy ng mga kamalian
sa proyekto. Dahil dito, ang pangangasiwa ng impormasyon ay nakakatutulong
sa paghahanap ng mga kalutasan para masigurong magiging matagumpay ang
proyekto. |
..
| Ang
Kahalagahan ng Pangangasiwa ng Impormasyon: |
..
Ang
pangangasiwa ng impormasyon ay mahalaga upang:
-
Makabuo ng desisyon
na makakatulong sa pagsasabuti ng pangangasiwa ng mga pasilidad at serbisyo;
at
-
Ma-implementa ang sumusunod
nang may pakikilahok ng mga tao: pagpaplano, implementasyon, pagsubaybay
at ebalwasyon.
|
..
| Paano
Gamitin ang Pangangasiwa ng Impormasyon: |
..
| Upang
magamit ang impormasyon sa pagbubuo ng desisyon ukol sa pangangasiwa, ang
impormasyon ay dapat mapangasiwaan (tipunin, imbakin at suriin). Magkaiba
man ang pangangasiwa ng impormasyon (ang proseso ng pagkalap at pag-iimbak
ng impormasyon) at impormasyon ukol sa pangangasiwa, (ang impormasyong
kailangan upang makagawa ng mabuting desisyon) pinagtitibay nila ang isa’t-isa
at hindi sila mapagbubukod sa araw-araw na gawain. |
. |
Ang
mga sumusunod ay napapaloob sa pangangasiwa ng impormasyon:
-
pagtutukoy ng impormasyong
kailangan;
-
pagkakalap at pagsusuri
ng impormasyon;
-
pag-iimbak at pagkuhang
muli kapag ang impormasyon ay kailangan;
-
paggamit ng impormasyon;
at
-
pamamahagi ng impormasyon.
|
..
| Pagtutukoy
ng Impormasyong Kailangan sa Pangangasiwa: Maraming
nakakalap na impormasyon habang nagpaplano, nangangasiwa at nagsusubaybay
ng proyekto. Ang iba sa mga impormasyong ito ay kagyat na kailangan upang
makapagdesisyon sa mga bagay na may kaugnayan sa pangangasiwa; ang iba
naman ay hindi naman kailangan agad-agad. |
. |
Ang
maayos na sistema ng pangangasiwa ng impormasyon ay dapat makatulong sa
mga namamahala ng proyekto na malaman ang impormasyong kailangang makalap
para sa iba’t-ibang bagay na kanilang pagdedesisyunan, sa iba’t-ibang
panahon. |
..
| Pagkalap
at Pagsusuri ng Impormasyon para sa Pangangasiwa ng Impormasyon: Ang
impormasyon ay makukuha sa mga ulat ng mga teknikal na tauhan, talaan ng
nayon, forms na sinagutan ng iba’t ibang kalahok, pagpupulong ng pamayanan,
mga panayam, obserbasyon at mapa ng pamayanan. |
.... |
Pag-imbak
ng Impormasyon: Mahalagang maimbak ang impormasyon
para magamit ang mga ito sa susunod, bilang reperensya. Maaring imbakin
ang mga ulat ng proyekto sa talaan ng nayon, mga forms at sa ating isipan.
Dapat madaling makuha ang mga impormasyong inimbak. |
..
| Paggamit
ng Impormasyon: Ang impormasyon ay magagamit
sa pagsasaaayos ng problema ng pamayanan, pagtutukoy ng pagkukunang-yaman
(dami at kalikasan), pagkuha ng suporta ng pamayanan at pagtutukoy ng susunod
na mga proyekto. |
............ |
Pagmamahagi
o Agos ng Impormasyon: Para magamit nang maayos
ang impormasyon, kinakailangang ito ay maipamahagi sa iba pang kalahok
ng proyekto. Magagamit ng iba pang mga kalahok ang mga impormasyong nakalap
sa mga bagay na kanilang dinedesisyunan na may kaugnayan sa pangangasiwa.
Makakatulong sila sa taong nagkakalap ng impormasyon na mabigyan ng kahulugan
ang impormasyong nakalap at magamit ang mga ito sa kanilang pangangasiwa. |
..
| Ang
impormasyon ay dapat maipamahagi sa pagitan ng nayon o barangay, parokya,
distrito, pambansang tanggapan, NGO at ng donor. |
. |
Ang
impormasyon ukol sa pangangasiwa ay bahagi ng pagsubaybay dahil ang ganitong
impormasyon ay nakukuha habang nagsusubaybay at nakakatulong sa pagpaplano
at implementasyon ng pagsubaybay ng mga aktibidades. |
..
| Manggaling
man ito sa mga kawani ng proyekto o sa mga benepisyaryo at mga apektado
ng proyekto (mga stakeholders), isa sa mga pinaka-epektibong paraan ng
pagkalap ng kapaki-pakinabang na impormasyon ukol sa pagsubaybay ay sa
pamamagitan ng Taunang
Pagsusuri (Annual Review). Bukod sa makakakuha dito ng impormasyon
ukol sa pangangasiwang may pakikilahok, makakakuha din dito ng impormasyon
ukol sa pagsusubaybay. |
––»«––
|