..
|
Pakikilahok
sa Pagsusubaybay ng Proyekto
|
|
Ang
Papel ng Gagampanan ng mga Stakeholders (ang mga apektado at may interes
sa proyekto)
|
.
Handawt
para sa Pagsasanay.
..
|
Lahat
ng stakeholders ng proyekto ay may taya sa progreso nito
|
..
| Ang
pagsusubaybay ay mahalagang tungkuling ginagampanan sa pangangasiwa at
pag-iimplementa ng proyekto. Ito ay hindi inihahabilin sa iisang stakeholder
lamang. |
. |
Dapat
makilahok sa pagsusubaybay ang lahat ng tao at institusyon na apektado
ng proyekto at may interes dito, sa lahat ng antas. |
..
| Katulad
sa kaso ng pakikilahok ng komunidad (community participation) at pangagasiwang
naghihikayat ng paglahok (participatory management), ang pagsusubaybay
ay hindi nagaganap nang kagyat at kusa. |
... |
Ang
mga taong gusto ninyong makilahok ay dapat mahikayat na sumali at mabigyan
ng pagsasanay. |
..
| Mga
Kabutihang Dulot ng Pakikilahok: |
..
|
Ang mga kabutihang
dulot ng pakikilahok sa pagsubaybay: (a) sama-samang pagsisikap, (b) pagpapabuti
ng akawntabiliti o pananagutan, (c) mas mabuting kapasyahan o desisyon,
(d) pagpapabuti ng gawa, (e) pagpapabuti ng disenyo, at (f) mas madaming
impormasyon.
|
..
| Iisang
Pag-unawa sa mga Suliranin at Pagtukoy ng Kalutasan: Ang
paglahok sa pagsubaybay ay nakakatulong sa mga kalahok na magkaroon sila
ng iisang pag-unawa sa mga problemang kinakaharap ng komunidad o ng proyekto
(ano ang dahilan o nagdudulot, gaano kalala, epekto at implikasyon). |
. |
Ito
ay nakakatulong upang matukoy ang mga lunas sa suliranin. Malaki ang posibilidad
na ang mga natukoy na lunas sa suliranin ay tama o nararapat dahil ang
mga ito ay hango sa kasalukuyang sitwasyon. |
..
| Nagdudulot
ng Kabutihan sa mga Target na Grupo at Pinapabuti ang Akawntabiliti o Pananagutan
ng mga Kalahok: Ang Paglahok sa pagsubaybay
ay nakakatulong upang masiguro na ang mga hinahangad na benepisyaryo ng
proyekto ay ang siyang tunay na nakikinabang sa proyekto. |
. |
Itinataas
nito ang kamalayan ng tao ukol sa kanilang mga karapatan at naghihimok
sa kanila na makilahok sa pagpoprotekta ng pinagkukunang-yaman ng kanilang
proyekto laban sa maling paggamit. Dahil dito, hindi gaanong magiging magastos
ang pag-iimplementa ng proyekto. |
..
| Paggawa
ng Tamang Desisyon: Ang pagsubaybay ay nagbibigay
ng impormasyon na makakatulong sa pagdedesisyon na may kinalaman sa pagpapangasiwa. |
,,,,,,,,,,,,,,,,,,, |
Kapag
maraming tao ang nakikilahok sa pagsusubaybay, nangangahulugang nakakatulong
sila sa pagbibigay ng impormasyong may kaugnayan sa pangangasiwa, pati
na rin sa pagbubuo ng desisyon. Masasabing ang mga desisyon na hango sa
ganitong kaparaanan ay mas katanggap-tangap at may kahalagahan para sa
nakararami. Dahil dito, mas nagiging madali ang pag-oorganisa, paghahanda
at pagsasakilos ng mga tauhan at pinagkukunang-yaman ng proyekto. |
..
| Pagpapabuti
ng Gawa habang Nagsusubaybay: Kapag may nakitang
pagkakamali sa kung paano isinagawa ang mga gawain, makakatulong ang paglahok
sa pagsubaybay na mabigyan ito ng kalunasan. Sa pagpili ng nararapat na
desisyon na isasagawa, nangangailangan ng paglahok ng mga taong makapag-iimplementa
ng solusyon. |
. |
Samakatwid,
ang pakikilahok sa pagsubaybay ay nakakatulong upang mapabuti ang pagsasakatuparan
ng mga gawain. |
..
| Disenyo
ng Proyekto: Ang impormasyong nakalap habang
isinasagawa ang pagsubaybay ng proyekto ay makakatulong sa pagsasaayos
ng disenyo ng proyekto, sa paraang mas magiging katanggap-tangap ito sa
mga mamamayan. |
. |
Ang
mga aral na natutunan sa proyekto ay maaring magamit pagdidisenyo ng iba
pang mga katulad na proyekto. |
..
| Pagkalap
ng Impormasyon: Kapag maraming tao ang makikilahok
sa pagsusubaybay, mas malaki ang posibilidad na ang impormasyong makakalap
ay tama. Ang dahilan: ang impormasyong nakaligtaan ng isang grupo ay maaaring
nakalap naman ng iba. |
. |
Gamit
ang iba’t-ibang kaparaanan, may kanya-kanyang pinaglalaanan ng tuon sa
ibat'-ibang aspeto ng proyekto ang bawat stakeholder. Gayun pa man, kung
alam ng isang grupo na ang impormasyong kanilang nakalap ay susuriin, naiiwasan
ang intensyunal na pagbibigay ng maling ulat. |
..
| Mga
Hamon sa Pakikilahok sa Pagsubaybay: |
..
| Mayroon
mang kabutihan ang pakikilahok sa pagsubaybay, mayroon ding mga hamon o
balakid na maaring maharap. |
. |
Kabilang
sa hamon o balakid ay: (a) mahal na gagastusin, (b) mga pagkakaiba sa impormasyon,
at (c) mga maling impormasyon. |
..
| Mahal
na Gastusin sa Simula: Ang pakikilahok sa
pagsubaybay ay nangangailangan ng maraming pagkukunang-yaman: (halimbawa
ay oras, mga gastusin sa transportasyon at sa pagsasagawa ng proyekto). |
. |
Ito
ay isang prosesong maaaring magpapagod sa mga boluntaryo sa pamayanan at
makakain ng malaking gastusin sa pondo, sa distrito at pambansang antas.
Kaya naman dapat gawing simple lamang ang pagsusubaybay at nakatuon lamang
sa mga importanteng aspeto. |
..
| Dami
at Samu’t Saring Impormasyon: Ang pagsubaybay
ay nangangailangan ng pagkalap, pag-dokumenta, at pamamahagi ng iba’t-ibang
impormasyon. |
. |
Ito
ay nangangailangan ng maraming kakayahan na limitado sa pamayanan. Samakatwid,
nangangailangan ito ng maraming oras at pinagkukunang-yaman para sa makapagsagawa
ng capacity building (ang pagtulong sa pamayanan upang mapabuti nito ang
kanyang kakayahan). Maari rin ito magdulot ng maling pag-uulat. |
..
| Maling
Impormasyon: Maaring sadyain ng mga stakeholders
mula sa pamayanan, hanggang sa pambansang antas, ang pabibigay ng maling
impormasyon kung gusto nilang ipalabas na ginagawa nila nang tama ang trabaho
o di kaya’y dahil sa mayroong di pagkakaunawaan sa pamayanan o proyekto. |
. |
Upang
mapaglabanan ang maling pag-uulat, kailangan gawing mas sensitibo ang mga
tao at magsagawa ng consensus building (pakikipag-usap ng mga kalahok upang
maisaayos ang mga isyu o problema at makarating sa iisang solusyon na ang
lahat ay pabor). Ang pagkamit nito ay hindi madaling gawin. |
..
| Mas
madami pa din ang kabutihang dulot ng pakikilahok sa pagsubaybay kaysa
sa mga paghamon o balakid na naidudulot nito. |
. |
Kaya
naman mahalagang manghimok at magbigay-suporta sa pagsubaybay na may pakikilahok
ng mga tao. Ito ay mahalaga kasabay ng paghahanap ng paraan upang mapaglabanan
ang mga hamon o balakid. |
––»«––
|