Community Self Management, Empowerment and Development
Monitoring and Evaluation
English version of this documentFilipino/TagalogLa version française de ce documentA versão portuguesa deste documentoUrdu Script
.. 
Katangian ng Pagsubaybay at Ebalwasyon
Pakahulugan at Kahalagahan
sinulat ni Phil Bartle
isinalin ni Joyce Zaide
.
 .Materyales o Handawt sa Pagsasanay
..
Ipinapaliwanag nito kung ano ang pagsubaybay at ano ang kahalagahan nito
..
Ano ang Pagsubaybay?
..
Ang pagsubaybay ay ang regular na pag-oobserba at pagtatala ng mga aktibidades na nagaganap sa proyekto o programa. Ito ang proseso kung saan ang impormasyon ay regular na kinakalap sa lahat ng aspeto ng proyekto.  . Ang pasubaybay ay ang pagsisiyasat ng progreso ng proyekto. Ito ay ang sistematiko at makahulugang pag-oobserba.
..
Kabilang sa pagsusubaybay ang pagbibigay ng ulat sa mga donor, taga-implementa at benepisyaryo ukol sa progreso ng proyekto.  . Nakakatulong ang pag-uulat na magamit ang impormasyong nakalap sa pagdedesisyon kung paano mapapabuti ang pagsasakatuparan ng proyekto.
..
Kahalagahan ng Pagsubaybay
..
Ang pagsusubaybay ay napakahalaga sa pagpaplano at pagsasagawa ng proyekto.  . Maihahantulad ito sa pagmamasid sa daanang tinatahak mo habang ika'y nagbibisikleta; Iaakma mo ang iyong pagbibisikleta depende sa sitwasyon at para masigurong nasa tama kang daanan.
..
Ang pagbsubaybay ay nagbibigay ng impormasyong makakatulong sa: 
  • Pagsusuri ng sitwasyon sa pamayanan at ng proyekto; 
  • Pagtitiyak na ang mga kontribusyon sa proyekto ay nagagamit nang mabuti; 
  • Pagtutukoy ng mga problemang kinakaharap ng pamayanan o ng proyekto, kasama ang paghahanap ng solusyon sa mga ito; 
  • Pagtitiyak na ang lahat ng aktibidades ay naisagawa nang maayos ng mga nararapat na tao at sa tamang oras; 
  • Paggamit ng mga aral na natutunan sa susunod pang mga proyekto; at
  • Pagsusuri kung ang pagpaplanong ginamit sa proyekto ay ang pinakatamang paraan sa paglutas ng problemang kinakaharap. 

  •  
––»«––
..
Pagsasanay o Workshop sa Pamayanan ukol sa Pagsusubaybay:
..
Illustration 1; Community Based Monitoring Workshop
.
Monitoring and Evaluation