.. .
|
Pagsusuri
at Pagtatantiya ng mga Kondisyon
|
|
Panimula
sa Pakikilahok sa Pagtantiya
|
Manwal
sa Pagsasanay.
..
|
Ang wastong
pagtantiya ng mga miyembro ng isang komunidad ay mahalaga bago pa man makapag-desisyon
ang mga ito kung ano ang kanilang mga priyoridad at makapagpili ng isang
proyekto para sa komunidad upang simulan ang kanilang pagkilos.
|
..
| Ang
isang komunidad ay nararapat na pumili ng mga gawain na siguradong napag-aralan
ng maayos. |
. |
Ang
komite ng ehekutibo ay nararapat na gumawa ng pagsusuri ng lugar, pagkatapos
ay ipaalam sa buong komunidad ang kanilang mga nalaman at nakita. Ito ay
isang "pagsusuri ng
sitwasyon." |
..
| Kahit
nakagawa ka na ng sariling pagsusuri at pagtatantiya, pati na ng mapa,
bilang bahagi ng iyong paghahanda, mahalaga na ang isang komite ng ehekutibo
ay makagawa ng sarili nitong pagsusuri at pagtatantiya. Tingnan o hanapin
ang Mapa. |
. |
Huwag
mo itong gawin para sa kanila. At hindi rin dapat na iutos nila ang gawaing
ito sa iba. |
..
| Magplano
ng petsa na parehong akma sa iyo at sa komite ng ehekutibo upang kayo ay
makapamasyal at makapaglakad-lakad sa komunidad. Siguraduhin na may mahaba
at sapat kayong oras. Lakarin ang buong lugar o halos lahat ng parte nito,
tumingin-tingin, makipag-usap sa mga tao, magtala, gumawa ng mga larawan.
Tingan o hanapin sa PAR. |
. |
Pagkatapos
ay makipagkita sa ehekutibo para kayo ay makapag-kompara ng mga obserbasyon
at makagawa ng pinagsamang ulat ng pagsusuri at pagtatantiya. Pakiusapan
ang isang miyembro ng ehekutibo (hindi ikaw, na tagapagpakilos) na
isulat ang nasabing ulat, upang maipakita at maipaliwanag sa buong komunidad.
Ang kanilang ulat, ay tinatawag na "pagsusuri ng sitwasyon." |
..
|
Kung
makakagawa kayo ng maraming kopya ng nasabing ulat (kahit mga mapa)
upang
maipamahagi, mas maigi.
|
..
| Sa
iyong pagsusuri, maghanap ng mga problema at solusyon, mga mapagkukunang-yaman
at mga pangangailangan. Isulat kung sira ang mga tubo ng tubig at kung
ano pang iba pang mga pasilidad sa nasabing lugar. Ipakita ang mga kalsada
na nangangailangan ng pagpapagawa. Kapag ikaw (pati na ang buong ehekutibo)
ay makahanap ng isang matanda at hindi na naghahanap-buhay na karpentero,
alamin kung maaari siyang makapag-bigay ng pagsasanay sa ilang mga kabataan;
kapag siya ay sinuportahan ng kanyang pamilya, alamin kung nais niyang
ibigay ang serbisyong ito ng libre o kailangan niya ng kaunting bayad para
sa gawaing ito? |
....... |
Maghanap
din ng iba pang maaaring mapagkukunang-yaman, mga tao o mga bagay. Isama
ito sa pagsusuri. |
..
| Pagkatapos
makipagpulong ang ehekutibo at pumayag na magkaroon ng pinagsamang ulat
ng pagsusuri at pagkatapos na maisulat ang nasabing ulat (magawan ng
mga kopya hangga't maaari) kailangan nilang maipakita at maipalawanag
ang kanilang mga pagsusuri sa buong komunidad. Ito ay nangangahulugan na
kailangang gumawa ng plano ng panibagong pagpupulong kasama na ang komunidad,
sa oras o araw na akma para sa lahat. |
. |
Kapag
ikaw, bilang tagapagpakilos, ay may mga flip chart o news print para sa
kanilang pagpupulong, mas maiging pahiramin mo sila. Dapat hindi ikaw ang
magpakita at magpaliwanag ng kanilang pagsusuri. Ikaw lamang ay siyang
tutulong upang mapatakbo ng maayos ang pagpupulong at hayaan mo silang
ipakita at ipaliwanag ang kanilang pagsusuri. |
..
| Ang
pagtatantiya at pagsusuri ay kailangang gawin bago makabuo ng isang plano
sa pagkilos para sa komunidad o community action plan (CAP; tingnan
o hanapin sa Abrebyasyon). |
. |
Siguraduhin
na ang mga obserbasyon ng ehekutibo ay maayos na naiintindihan ng mga miyembro
ng komunidad, at mayroong pagkakaintindihan tungkol sa uri at laki ng problema
at gayundin ng mga potensiyal mula rito. |
..
|
Ang
isang modulo ng pagsasanay ay nakalaan para sa pakikilahok sa pagtantiya.
Tingnan o hanapin sa PAR.
|
.––»«––
|