..
Paghahanda
ng Isang Plano para sa Pagkilos ng Komunidad
(Community
Action Plan o CAP)
|
|
Ang
Isang Komunidad ang siyang Nagde-desisyon para sa Sarili nitong Kinabukasan
|
Manwal
sa Pagsasanay.
|
Ang pagde-desisyon
kung ano ang mga ninanais, pago-obserba kung ano ang mga bagay na mayroon,
at pagkilala sa mga hakbang na kailangan upang makamit ito –– ay siyang
mga batayan sa pagpaplano.
|
..
|
Sa
pagsasanay at pagsusulong ng isang komunidad at ng ehekutibo nito na maging
mas malakas at matatag (mas umaasa sa sarili nitong kakayahan), kinakailangan
mong ituro sa kanilang mabuti ang kahalagahan ng pamamahala at pagpaplano.
|
..
| Sa
pagpaplano, kinakailangan munang magkaroon ng isang pananaw, "Saan mo
gustong pumunta?" Upang mailarawan ito, malimit naming ginagamit ang
isang salawikain mula kay Lewis Carroll, ang nagsulat ng Alice in Wonderland:
"Kung
hindi mo alam kung saan ka patungo, tatahakin mo ang kahit anong daan." |
..... |
Napakahalaga
na ang isang komunidad ay nagkakaisa sa pakikibahagi ng sarili nitong pananaw.
Ang gawain mo bilang isang tagapagkilos ay siguraduhin na mangyayari ito. |
..
Ang
kahalagahan ng pagpaplano ng namamahala (Tingnan sa:Apat)
ay
pinaikli sa apat na katanungan:
-
"Ano
ang ating ninanais?"
-
"Ano
ang mayroon tayo?"
-
"Paano
natin gagamitin kung ano ang mayroon tayo upang makamit ang ating ninanais?"
at
-
"Ano
ang mangyayari kung nagawa natin ito?"
Ang
pagsusuri ng isang komunidad ay karapat-dapat na masagot ang pangalawang
katanungan |
..
| Upang
masagot ang pangatlo at pang-apat na mga katanungan, ang komunidad ay kinakailangang
maghanda ng isang Plano para sa Pagkilos ng Komunidad (Community
Action Plan). |
. |
Maaaring
ito ay plano para sa isang taon, plano para sa limang taon, o iba pang
haba ng panahon, sang-ayon sa haba ng mga plano ng isang distrito. |
..
Ang
isang Plano sa Pagkilos ay nararapat na masagot ang mga sumusunod:
-
ano
ang kalagayan ng isang komunidad sa kasalukuyan;
-
ano
ang gusto nitong mangyari sa katapusan ng takdang panahon; at
-
paano
nito pinaplano marating ang unang hakbang patungo sa pangalawa
Maari
nitong gawing batayan ang kahit anong planong proyekto sa komunidad;
inilalarawan
ang mga ito sa ibaba. |
..
| Ang
plano sa pagkilos ay nararapat na simulan ng ehekutibong komite, naaayon
sa mga suhestiyon ng isang komunidad mula sa ipinakitang pagsusuri. Ang
pangunahing nagawang plano sa pagkilos ay nararapat na ipakita sa komunidad
upang ito ay maisaayos at ma-aprubahan. |
. |
Ikaw
na tagapagpakilos ay hindi dapat mag-presenta nito kundi ikaw ang magu-udyok
na ang ehekutibo ang siyang magpapakita at magpapaliwanag sa buong komunidad.
Ang pagtanggap nito ay dapat nagmumula sa buo at nagkakaisang komunidad. |
..––»«––
|