.
.
Pagbuo
ng Isang Ehekutibo
(Community
Implementing Committee o CIC)
|
|
Pagsasaayos
ng Isang Komite na Magsasagawa para sa Komunidad
|
Manwal
sa ..Pagsasanay.
..
|
Ang pagsasaayos
ng isang komunidad para sa isang proyektong makakatulong sa sarili nito
ay nangangailangan ng pagbuo ng isang ehekutibong komite mula sa komunidad.
Ang pagpili ng mga miyembro nito ay nararapat gawin ng komunidad at ang
mga nasabing miyembro ay kinakailangang matutong pumili ng mga taong alam
nilang mapagkakatiwalaan. Nararapat ding akuin nila ang responsibilidad
sa ginawang pagpili. Ang gawain mo ay siguraduhing mapadali ang kanilang
pagpili, at hindi ang mismong pagpili.
|
..
| Ang
pagpili ng ehekutibong komite ay nararapat gawin ng buong komunidad at
hindi ng mangilan lamang. (Kung kaya ang pagsasaayos para sa pagkakaisa
ay mahalaga, tingnan sa Pagsasaayos
para sa Pagkakaisa).
Ang ehekutibo ay kinakailangang maging bahagi
ng komunidad at maging responsable dito. |
. |
Ikaw
bilang isang tagapagpakilos ay nararapat na magpaliwanang nito ng maayos
sa mga miyembro ng komunidad, gamit ang lahat ng iyong kaalaman sa komunikasyon.
Ipinapayo na mas mabuting paulit-ulit mo itong gawin, sa iba't ibang grupo
sa iba't ibang pagkakataon. |
..
| Kinakailangang
buwagin mo ang mga pagpapalagay sa ganitong sitwasyon. Halimbawa, ang pagpili
ng isang tagapag-ingat-yaman ay maaring maging puno ng mga pagpapalagay.
Maraming mga tao, lalo na iyung galing sa mga baryo kung saan marami ang
kulang sa edukasyon, ay maaaring magpalagay na kailangang ang pinaka-edukado
sa komunidad ang piliin nila upang maging isang tagapag-ingat-yaman. |
. |
Maaaring
ang taong ito ay isang guro sa paaralan. Madalas sa aming karanasan, ang
gurong ito ay mula pa sa malayong lugar, may mababang suweldo, walang mga
kamag-anak o walang katapatan sa komunidad, at biglang tatalilis na lamang
tangay ang pondo ng komunidad na ipinagkatiwala dito. |
..
| Bakit
ang isang tagapag-ingat-yaman ay kailangang edukado? Iyan ay isang pagpapalagay.
..Ang
isang tao ay hindi kinakailangang marunong magbasa at sumulat para makapagbilang.
Kung ang isang matandang babae, matagal na sa isang komunidad at kilalang
mapagkakatiwalaan ang siyang napili, maaari siyang maging isang tagapag-ingat-yaman
kahit na siya ay hindi edukada. |
. |
Habang
katulong niya ang kanyang mga kapitbahay at kamag-anak na may pinag-aralan
upang isaayos ang mga libro o dokumento ng mga gastusin o pondo, ang pagku-kuwenta
ay mas magiging malinaw dahil ang bawat gastusin ay ipinapaliwanag at maayos
na naiintindihan. Ang pagiging isang tagapag-ingat-yaman ay nangangahulugang
ang taong ito ang siyang responsable sa paghawak ng pondo o pera, at hindi
kinakailangang siya ang mismong magku-kuwenta at magtatago sa mga libro
o dokumento ng pondo. |
..
| Ang
iyong gawain ay tumulong upang mabuo ang isang ehekutibo ng isang komunidad.
(Tingnan sa "Pagsasaayos sa
Pamamagitan ng Pagsasanay"). Ang pagbuo ng isang ehekutibo ay nararapat
na malinaw at isang prosesong demokratiko (Tingnan ang dalawang mahalagang
salita sa: malinaw at
demokratiko). |
... |
Ang
proseso ay nararapat na naaayon sa kultura at katanggap-tanggap sa mga
miyembro ng komunidad (kung kaya, ayon sa pagpapaliwanag sa unang
modulo, kinakailangan mong mas matutunan ang mga katangian ng isang
komunidad). |
.––»«––
|