.. ..
|
Pagsasaayos
para sa Pagkilos
|
|
Mga
Tungkulin at Responsibilidad
|
Manwal..
sa Pagsasanay.
.
|
Ang isang
grupo ay maaaring maisaayos sa iba't ibang kaparaanan para sa iba't ibang
layunin; hanapin ang pinakamabuting pagsasaayos ng organisasyon para sa
mabisang pagkilos ng isang komunidad.
|
..
|
Maraming
tao ang hindi naiisiip ang iba't ibang uri ng pagsasaayos para sa iba't
ibang layunin, na gawa ng isang tagapagpakilos.
|
..
Ang
dalawang pinakamahalagang uri sa website na ito ay ang mga:
-
pagsasaayos
para sa paggawa ng desisyon; at
-
pagsasaayos
para sa pagkilos.
Ang
dalawang ito ay magkaugnay. |
..
| Kapag
tinulungan mo ang komunidad na makabuo ng isang ehekutibong komite, ikaw
ay nagsasaayos para sa paggawa ng desisyon ng isang komunidad. |
. |
Ngayon,
kapag kasama mo ang komunidad upang magdesisyon kung sino ang gagawa ng
mga bagay-bagay (tulad sa isang proyekto), ikaw ay nagsasaayos para
sa isang pagkilos. Tingnan sa Pagsasaayos sa Pamamagitan
ng Pagsasanay. |
..
| Datapwat
maaring magkaroon ng pagkakapatong-patong, ang pagsasaayos ng pagkilos
ay kailangang makahanap ang mga taong gagawa ng mga partikular na gawain.
Ang hakbang na ito ay napakahalaga. |
. |
Kapag
natukoy na ang isang gawain (tulad ng pagbi-biyahe ng mga yero sa lugar
ng gawain), ito ay hindi dapat iiwan lamang ng basta sa buong grupo.
Maaaring hindi matapos ang isang gawain dahil ang lahat ay mag-iisip na
responsibilidad ito ng bawat isa. |
..
| Ang
malaking bahagi ng mga gawain ay hindi dapat hawak ng iisang tao lamang,
tulad ng tagapangulo ng isang ehekutibo. Mahalaga na ang maraming mga gawain
at responsibilidad ay nakahati-hati sa maraming miyembro ng komunidad (lalo
na sa mga taong hindi bahagi ng ehekutibo) . |
. |
Bigyang-diin
ang kahalagahan ng malawakang partisipasyon at kontribusyon ng mga miyembro
ng komunidad. Siguraduhin na kapag ang isang gawain ay itinalaga sa isang
tao, ito ay alam ng lahat, at kapag hindi ito natapos sa takdang panahon,
ang taong ito ay maaaring ipatawag at panagutin ng komunidad. |
..
|
Ang
pagkilos ng komunidad (na tinulungan mong mapadali) ay kailangang
hindi kusa at biglaan. Nararapat na ito'y naisaayos ng husto.
|
.––»
«––
|