.. ..
 |
|
Mga
Plano para sa Pagsubaybay
|
|
Alamin
Kung Maayos Nating Naisasagawa Ito
|
|
.
Manwal
sa..Pagsasanay.
..
|
Kung ang
isang komunidad ay naghahanda ng isang disenyo ng proyekto, ang nasabing
disenyo ay kailangang mayroong paglalarawan kung paano ito masusubaybayan.
Ang pagsusubaybay ay isang napakahalagang elemento ng bawat proyekto.
|
..
| Ang
salitang "pagsusubaybay" ay animo napaka-teknikal na wikang walang
kawawaan, at ang ilang mga miyembro ng komunidad ay maaaring makadama ng
pagkabalisa sa pagbanggit mo tungkol dito. Huwag matakot; ang ideya ng
pagsusubaybay
ay napaka-simple. |
. |
Ito
ay napakahalaga sa pagbibigay-lakas ng komunidad, at ito ay may napakaraming
silbi sa iba't ibang layunin hangga't ito ay itinuturing na napakahalagang
elemento, at hindi isang bagay na nakahiwalay at ikinabit lamang ng basta
bilang pahabol. Tingnan sa: Pagsusubaybay. |
..
| Muli,
upang maintindihan ang iyong punto, gumamit ng isang paghahambing. Ang
"bisikleta"
na
analohiya ay maaaring gamitin dito. Tanungin mo ang grupo, "Ilan sa
inyong naririto ang marunong sumakay ng isang bisikleta?"
Aasahan natin
na kahit isa ay sasagot ng oo. (Kung hindi, kailangan mong sabihin na
kunyari mayroong marunong, o kaya naman ay magtanong tungkol sa isang aktibidad
na nangangailangan ng ating paningin). "Oo"? Magaling! |
.. |
"Nasubukan
na ba ninyong ipikit ang inyong mga mata habang nakasakay sa bisikleta?"
"Kung hindi man, naiisip ba ninyo ang puwedeng mangyari kapag nagkataon?"
Maaari
kang makapamili ng mga kasagutan, na makapagdudulot ng kapahamakan, tulad
ng pagkabangga sa isang puno o tao, lumihis sa daan, matumba. |
..
| Ngayon
sabihin mo na ang isang komunidad ay isang tagasakay; ang bisikleta ang
disenyo ng proyekto; ang pagsakay o paglalakbay ay siyang proyekto ng komunidad. |
. |
Ang
disenyo ng proyekto (bisikleta) ay maaari kang dalhin sa iyong gustong
puntahan (mga layunin), ngunit kailangan mong buksan ang iyong mga mata
(subaybayan
ang iyong kilos o progreso). |
..
| Ang
bawat proyekto, malaki man o maliit, ay madaling lumihis kahit kaunti,
at malimit ngang mangyari ito. Kung ito ay hindi maayos at tuluy-tuloy
na nasusubaybayan (namamasdan), pagkatapos ay tuluyan na itong mapapalayo
sa kalsada, babangga sa isang bagay, at matutumba. |
. |
Kung
patuloy itong sinusubaybayan, kahit ang maliliit nitong paglihis ay madaling
maagapan at maitama, at ang pagbagsak o pagkabigo ay tuluyang maiiwasan. |
..
|
Ang
isang komunidad ay siya mismong dapat magmaneho.
|
..
| Maaaring
ang iba rin ay gustong magsubaybay...
Ang kahit sinong taga-labas na mga donante ay gustong malaman kung ang
mga ipinamahagi nilang mga tulong o pondo ay nagagamit ng maayos at sa
tamang paraan. |
. |
Ang
mga opisyal ng distrito ay nais ding magsubaybay para sa kanilang sariling
layunin. Nais mo ring magsubaybay upang malaman kung gaano mo nabibigyan
ng lakas ang isang komunidad. |
..
| Samantala,
ang isang komunidad ay siyang may pinakamatinding dahilan upang magsubaybay. |
... |
Ang
iyong gawain bilang isang tagapagpakilos ay ipaalala at ituro sa mga miyembro
ng komunidad ang kahalagahan at pagiging simple ng pagsusubaybay. (Ang
simple ay hindi laging nangangahulugan ng pagiging madali). |
..
Ang
iyong gawain ay gabayan din ang ehekutibo na siguraduhin na:
-
kung
paano nila gagawin ang pagsusubaybay ay dapat na nakapaloob sa disenyo
ng isang proyekto;
-
ang
pagsusubaybay ay nakikitang kasing-halaga ng mismong pagkilos;
-
ang
ehekutibo ay seryoso at nakapangako sa pagsusubaybay;
-
ang
ehekutibo ang siyang gagawa ng pagsusubaybay, at
-
ang
mga obserbasyon ng ehekutibo ay ipagbibigay-alam sa buong komunidad,
at
magtatanong din tungkol dito mula sa lahat o sa kahit sinong mga miyembro
ng komunidad.
|
..
|
Kung
paano susubaybayan ang isang proyekto ng isang komunidad ay dapat maintindihan
at pagsang-ayunan ng ehekutibo at ng mismong komunidad, maingat at maayos
itong naipapaliwanag sa mga dokumento ng pagpaplano.
|
.––»«––
|