.. ..
|
Disenyo
ng Proyekto, Proposisyon, Panlabas na Mapagkukunang-yaman
|
|
Ang
Pag-disenyo ng Isang Proyekto at Pagkalap ng Mapagkukunang-yaman Para Dito
|
.Manwal
sa..Pagsasanay.
..
|
Sa pagtulong
sa isang komunidad upang makapamili o makapag-desisyon para sa mga detalye
ng kanilang napiling proyekto, kailangan mong timbangin ang maaaring pagkuha
ng maraming tulong mula sa labas, na siyang mag-uudyok sa kanila na maging
pala-asa at magpatuloy ng kahirapan,kabaligtaran sa pag-asa nila sa mga
panloob na tulong at pagkukunang-yaman (bagama't mahirap), na gagabay
sa kanila upang maging mas matatag at umasa sa sarili nilang kakayahan.
|
..
| Tandaan
na ang iyong gawain ay labanan ang
ugaling umaasa, kung saan ang mga miyembro ng komunidad ay natututong
umasa sa tulong mula sa labas upang mapaunlad ang komunidad. Mariin mong
ituro sa kanila ang pag-asa ng komunidad sa sarili nitong kakayahan (kung
saan ang komunidad ay umaasa sa sarili nitong mapagkukunang-yaman). |
... |
Kung
ang komunidad ay pumili ng napakamahal na proyekto, at hindi nila kayang
abutin ang kinakailangang pondo, paalalahanan mo sila na tingnan ang realidad
at maging praktikal (huwag umasa sa mga tulong mula sa labas). |
..
| Ang
isang proposisyon ay isang pakiusap para sa pondo
mula sa isang maaaring maging donante. Ang pinakamabuting proposisyon ay
naka-disenyo tulad ng isang disenyo ng proyekto,
na siyang nagsisilbing batayan ng isang donante kung bakit karapat-dapat
itong magbigay ng pondo. |
. |
Ang
parehong proyekto ng plano sa pagkilos ay siya ring batayan sa pag-sumite
sa mataas na antas ng gobyerno upang maabot o magamit ang mga ipinagkaloob
na pondo. |
..
| Huwag
mong gawin ang dapat na gawain ng isang komite, kahit gustung-gusto mo
itong gawin. Ang ehekutibo ay dapat matuto sa pamamagitan ng paggawa. |
. |
Ang
mga miyembro ng komite na hindi marunong magbasa at magsulat ay nararapat
na kasali sa paghahanda, maayos na naipapaliwanag at napapaintindi sa kanila
ang bawat linya at salita. |
..
| Ang
disenyo ng isang proyekto ay maaaring gamitin bilang isang proposisyon
sa pagkalap ng mga pondo mula sa labas. Ito ang nararapat gamitin upang
makuha ang pagpayag o konsensus ng buong komunidad upang gawin ang isang
proyekto. |
. |
Ito
na rin mismo ang magsisilbing proposisyon. Maaaring kakailanganin ito ng
mga tagapamahala ng distrito; at mas nararapat na bigyan sila ng kopya
nito. |
..
| Ang
kahalagahan ng disenyo ng proyekto, katulad na rin ng pagpapalitan ng mga
ideya at kaalaman, ay upang masagot ng maayos Ang Apat
na Mahalagang Katanungan, (ano ang ating mithiin, ano ang mayroon
tayo, paano natin gagamitin kung anong mayroon tayo upang makamit ang ating
mga mithiin, at ano ang mangyayari kapag nagawa natin ito). |
. |
Ito
ang iyong responsibildad, bilang tagapagpakilos,na talakayin ang apat na
mahahalagang katanungang ito kasama ang ehekutibo, ilagay ang mga ito sa
mahahalagang konteksto, at isaayos ang mga kasagutan sa isang pormal na
dokumento na isusulat ng ehekutibo. |
..
| Kung
pinag-uusapan ang tungkol sa pagkukunang-yaman, malimit mong maririnig
sa mga miyembro ng ehekutibo na ang komunidad ay walang sapat na pondo.
Maaaring magkaroon ng pagkiling na umasa na lamang sa iisang panlabas na
donante. |
. |
Ang
pag-asa sa iisang pagkukunang-yaman ay nagpapatindi ng pagiging bulnerable,
na nagpapahina rin ng lakas at kapangyarihan ng isang komunidad. Sa pagpupunyagi,
ang mga miyembro ng komunidad ay maaaring makapangalap at makaipon ng maraming
pagkukunang-yaman at kakayahan mula sa napakarami at iba't ibang panggagalingan.
Tingnan sa Pagkalap ng Mapagkukunang-yaman. |
..
| Ang
isang tagapagpakilos ay hindi dapat magdidikta sa komunidad na ang lahat
ng ito ay dapat manggagaling sa komunidad mismo. |
... |
Bagkus,
maaari mong banggitin ang lahat ng ito, at tanungin ang mga miyembro ng
komunidad kung anu-ano ang mga bagay na kayang ibigay ng komunidad. |
..
Ang
mga sumusunod ay ang maaaring panggalingan ng mga suporta:
-
Mga
donasyon: pera, lupa, gusali, mga kagamitan at makinarya, na ipinagkaloob
ng mga taong gustong tumulong sa komunidad. (Kinikilala at pinasasalamatan
tuwing may mga pagpupulong na pampubliko);
-
Komersiyal:
regalo mula sa mga kompanya at iba't ibang negosyo na gustong ipangalakal
ang kanilang mga produkto at tumulong sa komunidad. (Kinikilala at pinasasalamatan
tuwing may mga pagpupulong na pampubliko);
-
Kumunal
na Gawain o Bayanihan: oras at paggawa na ibinibigay ng mga miyembro ng
komunidad, kung saan ang iba ay hindi nangangailangan ng dalubhasa (sa
pagtatabas ng mga damo, pagse-semento), ang iba naman ay eksperto (sa
pagka-karpentero, pagma-mason), mga pagpupulong, pagpa-plano, pamamahala;
-
Agrikultural:
ang mga magsasaka ay maaaring magbigay ng pagkain para sa proyekto:
-
para
sa mga kalahok sa komunal na paggawa para sa proyekto, o kaya naman
-
para
sa ehekutibong komite upang maipagbili ang mga ito at makapagkalap ng pondo
mula sa benta upang gamitin para sa nasabing proyeto;
-
Pagkain:
ang mga taong siyang naghahanda ng mga pagkain at inumin sa mga miyembro
ng komunidad sa mga komunal na araw ng paggawa;
-
Mga
Kontribusyon at Bayad: para sa mga pahulugan, kooperatiba o iba pang mga
proyektong pang-pinansiyal, kontribusyon mula sa lahat ng mga miyembro;
mga bayad sa serbisyo, katulad ng pag-igib o pagkuha ng tubig;
-
Pang-gobyerno:
mga bahaging pondo mula sa sentral, distrito o lokal na gobyerno. Ang mga
panggagalingan nito ay katulad ng komite ng pakikilahok sa pag-unlad ng
distrito;
-
Mga
Organisasyong Hindi Pang-gobyerno o Non Governmental Organizations (NGOs):
mga lokal na organisasyon sa loob ng komunidad, mga simbahan, mga NGOs
mula sa labas ngunit may lokal na operasyon; at
-
Hindi
Nagpapakilalang mga Donante: mga taong tumutulong ngunit ayaw silang makilala.
|
..
| Ang
listahang ito ay hindi kumpleto. Humingi ng mga suhestiyon mula sa mga
miyembro ng komunidad sa panahon ng talakayan at pagpapalitan ng mga ideya
at kaalaman (at hindi lamang sa mga pinuno). |
. |
Tingnan
sa Mga Pondo para sa mga karagdagang kaalaman
tungkol sa pagkalap ng mapagkukunang-yaman na magagamit para sa mga proyekto
ng isang komunidad. |
..––»«––
|