Community Self Management, Empowerment and Development
Ang Paghahanda
English versionLa versión española de este documento.La version française de ce documentPolskiA versão portuguesa deste documentoTagalog (Philipinnes)
Hindi
...
Pamamalakad na Pinahihintulutan ang Pakikilahok
Pagpapatakbo ng Isang Proyekto, NGO, Kagawaran o Samahan.
by Phil Bartle
isnalin ni
Maria Cecilia (Cez) Tan-Biana
.
 Introduksyon sa Module (Hub).
...
.
Para kay Gert Lüdeking
.
...
Mga Dokumentong Napapaloob sa Pamamalakad na Pinahihintulutan ang Pakikilahok na Module
..
Napakahalaga ng pamamalakad upang ipaubaya lamang sa mga tagapamahala.
..
Pamamalakad na Pinahihintulutan ang Pakikilahok:
..
Layunin ng   module na ito na makapagbigay ng gabay ukol sa pagtatayo ng mga sistema ng pamamalakad, lalung-lalo na para sa mga NGOs, tulong na proyekto, kagawaran at mga samahan. . Napapaloob sa module na ito ang iba't ibang pamamaraan upang hikayating makilahok ang mga tauhan sa pamamahala, ang pakinabang ng mga pamamaraang ito, at mga pagsasanay na kaugnay sa pagpapatindi ng pakikilahok na nabanggit.
..
Makikita sa buod ng pamamalakad na pinahihintulutan ang pakikilahok ang ilang dahilan kung bakit kinakailangang hikayatin ng isang tagapamalaha na makilahok ang mga tauhan tuwing nagaganap ang mga pagpupulong ukol sa pamamalakad. Inilalarawan din sa buod ang ilang paraan na makatutulong upang maisakatuparan ito, tulad ng pagbibigay-pansin sa mga saloobin ng mga tauhan, at pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa isa't isa. . Ang iba sa mga pamamaraang ito ay nakabukod sa kani-kanilang sariling dokumento upang matalakay nang mas malalim. Kasama sa mga pamamaraang ito ang mga pagpupulong ukol sa pamamahala, paggamit ng mga paglalarawan sa trabaho, paghahanda ng isang plano ukol sa trabaho,positibong disposisyon, panghihikayat, at taunang pagsusuri. Dapat alalahanin na mas mahalaga ang kung papaano ginagamit ang paglalarawan ng trabaho, sa pagsusuri, sa negosasyon, at pangongontrata, kaysa sa mismong paglalarawan ng trabaho. Samantala, iminumungkahi naman ng dokumento ukol sa pagpupulong ang radikal na pagpapalit ng sistema ng pangangasiwa ng mga pagpupulong.
..
Ang module na ito ay mayroong kaugnayan sa module ukol sa Pagsasanay sa Pamamahala, na isang introduksyon sa pamamahala para doon sa mga taong walang karanasan sa pamamahala.
.
Participatory Management Schema
––»«––
..
Mga Taong Nakilahok:
..
Participating Staff
...
...
Mga Kaugnay na Module: Pamamalakad na Pinahihintulutan ang Pakikilahok, Pagsasanay ukol sa Pamamahala, Pamamahala ng Mobilisasyon
...
.
This is the bottom of the page
 
Training Modules
   
Link your copy back to this site
Key Words for Mobilisers
The site map lists (and links to) all web pages (in English) on this web site  
Go to the People
Link to the Home Page of this web site
  Correspond with us.
2008.03.29
Following the path of least resistance makes all rivers and some men crooked