May patak ng luhang bumaba sa aking
pisngi ngayong gabi
Mabilis na sinundan ng isa pa
At ako'y humiling ng buong puso
Na maari kong baguhin ang nasulat na
Hiniling kong ang bawat patak ng luha
Ay makagawa ng linya ng madilim na
itim na ginto
At sa bawat isang luha
Bibilin ko ulit lahat ng naibenta na
Bibilin ko ang mga gusaling inabandona
Na pumukaw sa aking byahe sa Detroit,
M.I.
Gawin silang kasing kinang ng mga original
na simbahan
Ang mga banal ba ay nakatingin lamang
sa langit?
Bibilin ko muli ang mga kahariang ninakaw
ng aking mga ninuno
Mula sa mga taong totoong nagpapahalaga
sa lupa
Ngunit ibibigay ko ito sa lahat hindi
lng sa kanilang mga anak
Alam kong maiintindihan ng kanilang
mga ninuno
Bibilin kong muli ang mga sandatang
binenta
Sa isang hangal na paghahangad ng yaman
Gagawin ko ang bawat gunting at pala
At magtanim para sa ginintuang ani
ng mundo
Ibibili ko ang bawat kabataan ng edukasyon
Para sila ay maging malayang magdesisyon
Maari lang akong umasa na ito'y magtatagumpay
Sa tingin mo ba ay may oras pa? |
Bibilin kong muli ang paniniwala
ng mga tao
At tulungan silang maniwala na sila
ay malaya
Alalahanin ang mga naisip na makakapagbuklod
ng ating mga bayani
Lahat ng pagbabago, araw-araw, magsisimula
sa ATIN
Iiyak ako hanggang pumanaw ang aking
mga mata sa akin
Hanggang makamit ang kinakailangan
At parang isang bulag ako ay ngingiti
Sa pagkakaalam kong panalo tyo sa lahat
ng laban
Ngayon pinalalabo ng luha ang aking
paningin
Ngunit nanatiling malinaw ang aking
mithiin
Na sa pagkakaalam natin sa isa't isa
nati'y matatandaan
na tayong LAHAT ay may puso at kaluluwa
Alam nating may mga masamang maaaring
mangyari
Ngunit kailan nga ba naganap ang una?
Kailan hihintong magningas ang apoy?
Pag atin nang napatay ang ating mundo?
Kung sino man ang naghagis ng unang
bato ay wala na sa ating alaala
Kung sino ang huling maghahagis nito
ay mamamatay upang makawaksi
At kung ang luha ko bago dumating ang
panahong iyon ay hindi langis
tayo ay mananatiling Malaya Magpakailanman
Sa sagot, pagrespeto, at pagsisisi
ni Allison Miller
May 30, 2004 |