.....
|
Simulain
ng Income Generation
|
|
isinalin ni Sheila Mendoza
|
.
Panimula
sa modyul
..
|
Mga
dokumentong kasama sa
.Modyul
|
..
|
Ang
modyul na nakasaad dito ay naglalayong ipakita ang katwiran sa likod ng
IG.
|
...
| Kung
bakit kailangan maintindihan ang mga simulain |
...
|
Ang lahat ng kasama
sa pagbibigay kakayahan sa mahihirap na komunidad at mga miyembro nito
ay inaanyayahang suriin ang dahilan ng kahirapan at kung ano ang mga bagay
na makatutulong paano ito masupil.
|
...
| Ang
di makataong dulot ng kahirapan ay nalalaman na ng ating mundo araw-araw. |
. |
At
habang marami sa atin ang namumulat sa salot ng kahirapan, mas maraming
tao ang naghahangad na tumulong sa mga programang nagnanais malabanan ito. |
...
| Kasama
ng dumaraming programa para malabanan ang kahirapan, nakakalungkot isiping
marami dito ay hindi praktikal at mali ang pamamaraan kung paano labanan
ang kahirapan. Karamihan ay hindi rin alam kung ano ang nararapat na gawin. |
... |
Marami
sa mga may kapangyarihan (na nangagasiwa sa mga programang pangkahirapan)
ay sumasang-ayon sa mga maling pamamaraan at sa mga programang mas lalong
nagpapalala ng kahirapan at hindi ang malabanan ito. |
...
| Ang
mga materyal dito sa website ay para sa mga manggagawang nais labanan ang
kahirapan. Ito ay may dalawang bahagi, (1) kahirapan sa komunidad dahil
sa kawalan ng payak na kagamitan at serbisyo tulad ng ospital at paaralan,
at (2) personal na kahirapan dahil walang kita at sariling yaman (at lahat
na pag-uugali at kulturang panlipunan na nagpapalala ng kahirapan.). |
. |
Ang
kumita ng pera ay nasa pangalawang bahagi. |
...
| Sa
kabuuan, ang materyal ukol sa pagsasanay ay nagbibigay diin sa mga pamamaraan
at kaalaman ng mga manggagawang kalahok dito. |
. |
Dahil
sa maling pananaw tungkol sa kahirapan at sa pagtulong na kumita ng pera,
kailangang bigyang linaw at ideya ang iba't ibang pamamaraan at kaalaman
na nakasaad dito para sa mga taong manggagawa. |
...
| Kaya
ang modyul na ito ay naglalayong makatulong sa mga taong manggagawa na
mabigyan ng kakayahan at malinawanagan sa mga maling pananaw ukol sa kahirapan. |
. |
Ito
ay hindi isang teoriya lamang, sapagkat ang mga nakasaad dito ay hindi
base sa mga haka lamang. Ito ay nagpapahalaga sa mga prinisipyo ng sosyolohiya
at ekonomiya na may ugnay sa kahirapan at mga aksyong kailangan upang malabanan
ang kahirapan. |
...
| Ang
mga dokumento sa modyul na ito ay ipinapakita kung bakit ang Income Generation
(kumita ng pera) ay pinahahalagahan ang pagpautang kumpara sa pag
gawad ng pondo. Kung bakit ito nagpapataw ng interes na naaayon sa merkado,
kung bakit kailangan ng pagsasanay kaakibat ng pagpapautang, kung bakit
pinipili ang mga taong may pinakamababang kita sa komunidad at kung bakit
ginagabayan ang mga organisasyon (katulad ng kooperatiba) na siyang namamahala
ng pagpapautang na ginagawa ng mga taong kasama sa programa (marahil kasama
rin ang pamilya). |
...
| Nakapaloob
sa modyul na ito ay ang mga sumusunod: |
. |
Income
Generation (kumita ng pera), Kahirapan at Yaman, mga tala ng tagasanay
tungkol sa simulain ng paglikha ng yaman base sa pang-unawa na ang yaman
ay hindi lamang pera, na mahalaga ang mamuhunan upang mapalago ang perang
kinita, na ang problema ng kahirapan ay problemang panlipunan. |
...
| Pagsalarawan
ng Income Generation, kasama rito ang mga larawan tungkol sa mga programa
ng income generation. Maaari itong i-download at gamitin sa paghanda ng
materyal sa pagsasanay na nakasalin sa sariling wika. |
. |
Gawad,
Pautang at Pagsupil ng Kahirapan, ito ay mga tala para sa tagapangasiwa.
Ito ay nagbibigay diin sa pautang at hindi ang pagbibigay gawad. Kailangan
rin na ang mga pautang ay may karampatang interes na batay sa merkado. |
...
| Ang
pag-unawa sa mga simulaing ito ay makatutulong sa mga manggagawa upang
maipaliwanag (sa lokal na pamahalaan, sa awtoridad, manunulat at nakikinabang)
kung bakit ang pagkakawang-gawa ay nagpapalala ng kahirapan. Ito rin ay
nagbibigay linaw kung bakit mas makakatutulong ang pagbigay ng kakayahan
sa mahihirap sa pamamagitan ng pautang upang unti-unting malabanan ang
kahirapan hanggang sa tuluyan itong masupil. |
.––»«––
|