Pagpapalakas ng Kapangyarihan ng Isang Komunidad
Pagsusulat ng Report
 
..
Pinakamamaganda Mas Maganda Maganda Madali
Mga Tips Ano Konklusyon Mababa
..
Ang Bersyon ng Dokumento sa salitang EnglishLa versión española de este documento.La version française de ce document.Urdu ScriptText only version ng documentong ito.
 .
Pagsusulat ng Mas Maagandang Report
by Phil Bartle
Trinanslate ni John Earl P. Tayona
.
 .Ang Gabay
.
Pinakamaganda Mas Maganda Maganda Madali
Mga tips Ano Konklusyon Mababa
..
PART D: Pagsusulat ng Mas Magandang Report
..
Ang mga report ay sadyang pinapasa na hindi binabasa, o tinatapon, or ginagawang pambalot ng pagkain, ay walang halaga. Ang magandang ulat ay binabasa. At may tanong na lumilitaw, "Paano gagawing kahika-hikayat na basahin ang isang report?" . Ang pag-aaral kung paano sumulat ng isang mabuting report ay nakakaaliw. Ang pagsusulat nito ay hindi dapat nakakabagot, nakakapagod at hindi komportableng gawain na kinasasawaan sa tuwing ito ay dapat nang ipasa. Pag napag-aralan mo na ang tamang kakayahan at paraan, ang pagsusulat ng report ay magiging isang hamon. Salita
..
Ang pagsusulat ng report ay pwede mong gawing mahalagang elemento ng iyung pagiging propesyunal sa trabaho, at ito ay pwede ding gamitin sa pagmomonitor ng iyong ginagawa. Walang magic o misteryo sa pag gawa nito; at ang dokumentong ito ang magpapakita ng kakakayan at paraan na madali mong matutunan at gamitin. . Sumusulat tayo ng report para ito ay basahin at hindi para itago. Para gawin ito, kailangan madaling maunawaan ang sinusulat mo, at pwedeng basahin hanggang sa katapusan ng mambabasa. Kailangan mong malaman kung sino ang gusto mong bumasa nito, (ang iyung "target audience"), bakit kailangan ng iyung mambabasa ng iyung report at kung ano ang kailangan nilang malaman sa iyung report.
..
Maraming paraan para malaman kung ano ang kailangang malaman ng iyung mambabasa (at dahil dito kailangan nyang mabasa ang iyung report), at maaring alam mo na ang mas higit pa sa 80 porsyento. Pag natapos mo na ang iyung first draft, subukan mo ito. Sa bawat pangungusap na iyung sinulat, itanong mo, "Interesado ba ang mambabasa dito?"
..
Walang sinuman ang gustong sumubok na sumulat ng mag-isa ng isang progress report ng isang komunidad. Dapat siguraduhin ng facilator na ito ay magiging isang gawain ng grupo ng mga representante ng isang komunidad, sa kapakanan ng buong komunidad, na kailangan munang aprobahan ng komunidad. . Hikayatin ang mga myembro na humingi ng tulong sa mga kaibigan, ka-trabaho, programmer, manager, tauhan at iba pa na pwedeng tumulong sa konsepto o istilo. Isipin na ang paggawa ng ulat ay pagsusulat ng "isang pag-uusap" kung saan ang mga susunod na draft ay ang pagpapatuloy ng proseso.
..
Pinakamaganda Mas maganda Maganda Madali
Mga Tips Ano Konklusyon Mabuti
..
Ano ang Magandang Report?
..
Ang magandang report ay ang binabasa at may ginagawang aksyon dahil dito (hindi lang tinatago at isinasawalang bahala) Paano mo gagawing mas nakakawili ang iyung report? Ang mga sumusunod ay ilang mga tips para gawing mas maganda ang iyung ulat. Ang isang epektibong report ay yung ulat na binabasa; at iyung parang nag-aanyaya ng aksyon bilang resulta ng pagbabasa. . Napakaimportante na ang iyung report ay maging "maikli subalit malaman." Ang ibig sabihin ng maikli subalit malaman ay dapat parehong maikli at kompleto ang ulat. Ang maiksing report ay mas binabasa kaysa mahabang ulat. Pero ang isang report na kinaligtaan ang mga importanteng impormasyon ay hindi nakakabighaning basahin. Ang isang importanteng paraan para mapaikli ang iyung report ay sa pamamagitan ng hindi pagsama ng hindi na kailangang mga phrases (katulad ng "During the reporting period ...") at ang pag-uulit-ulit ng mga bagay na naisama na sa bawat report.
..
Ang report ay mas madaling basahin kung ito ay simple, tama ang grammar at ang mga salita ay madaling maintindihan. Hindi kailangang magyabang sa iba ng flowery language, pribadong bokabularyo, o mahaba at convoluted na pangungusap. Gumamit ng maikli at simpleng pangungusap. Gumamit ng sub-titles para sa mga sections (katulad ng dokumentong ito). Gumamit ng maikling paragraphs. Iwasan ang passive voice. . Tandaan na marami sa magbabasa ng iyung report ay nakaka-unawa ng English bilang pangalawang lengwahe. Palaging gamitin ang sikat na "KISS" principle ("Keep It Simple, Sweetheart...") kapag sumusulat ng report.
..
Pinakamaganda Mas maganda Maganda Madali
Mga Tips Ano Konklusyon Mababa
..
Ang Report ay Dapat na Madaling Basahin:
..
Minsan pa, sa mga workshops ng mga mobilisers sa field, tinatanong ko ang mga participants na sabihin nila sa akin kung anong klaseng report ang mas malamang na babasahin talaga. Kung ikaw ay isang manager at may report sa iyung mesa. Itatapon mo ba ito? Itatago mo ba ito na hindi man lang muna titingnan? O babasahin mo lang nga pahapyaw? . Binabasa mo ba ito ng mabuti at naiisip mo ang nasusulat dito para makabuo ka ng mga desisyon? Ano ang mga katangian ng report para ito lalo mong babasahin ng mabuti?
..
Ang mga participants ay dapat na makagawa ng mga sumusunod na suhestiyon. . Ang mga ito o dapat maging ganito:
..
  • Maikli pero kompleto at malaman (concise);
  • Nagtataglay lamang ng mga impormasyong talagang kailangan;
  • Simple, sinulat sa magandang lengwahe;
  • hindi paulit-ulit at walang paligoy-ligoy
  • hindi parang nangangaral o nagsesermon;
  • Naglalaman ng interesante at nauukol sa paksa na mga impormasyon;
  • Maganda at organisado;
  • Maayos at malinis (minakinilya o maayos na sinulat kamay).
..
Ito rin ay magiging isang mabuting checklist (a) para sa iyong sarili sa pagsulat ng report o (b) sa mga training community leaders sa pagsusulat ng report.
..
Pinakamaganda Mas Maganda Maganda Madali
Mga Tips Ano Konklusyon Mababa
..
Mga Tips sa Pagsusulat ng Mas Magandang Report:
..
Minsang tinanong ng mga batang musikero ang isang popular na musikero mula sa West Africa kung ano ang maipapayo nya sa kanila para maging mahusay tulad niya. - "Mayroon akong tatlong payo para sa inyo," sabi nya. "Ang unang payo ay: Praktis. Ang ikalawang payo ay: praktis, at aking ikatlong payo ay: praktis." . Parehong payo ang pwedeng ibigay sa pagsusulat o anupaman: Sumulat ng ilang drafts. Pagkatapos ay i-proof read sa bawat pagtatapos ng pagsulat ng draft. Pwede ding ipa-'proof' ang mga ito sa kaibigan "(ipasuri ang mga ito at magbigay ng mga suhestiyon). Humingi ng feedbacks at payo: maging guro ng sarili. Ang tatlong payo ay: be your own teacher, "Rewrite (sulatin uli)! Rewrite, and Rewrite!"
..
Maaring ikaw ay naniniwala na ang pagsusulat muli ng iyung dokomento ay pagsasayang lang ng iyung pagod at oras. Pero malayo ito sa katotohanan. Ang mga professional na manunul at ay nakakasulat ay nakaka hanggang pitong drafts bago nila ipinahihintulutan ang kanilang documento na panindigan ang kanilang mabuting pangalan. Kailangan kang sumulat ng hindi bababa sa tatlong draft: rough draft, pangalawang draft, at saka final draft. . Dapat handa ka na maari pa ring ibahin ang final draft. Ang pagsusulat ng
..
Isa pang tip ay ang pagsusulat muna ng outline. Bago mo umpisahang sulatin ang unang pangungusap, isulat muna ang outliine ng mga paksang gusto mong isama. Gumawa ng maikling listahan gamit ang tatlong salita. Gumamit lamang ng scratch paper para lamang sa pansariling gamit. . Maaring mo uling ayusin ang pagkakasunod-sunod ng paksa sa sandaling nabasa mo na sila sa papel. Pwede mong gamitin ang iyung outline bilang personal na gabay sa pagsusulat ng iyung first draft.
..
Konting paalala tungkol sa passive voice. Sakit ito ng maraming bureacrats. Ito ay isang paraan para mataranta - na kunyari sumusulat ka upang magbigay kabatiran, pero ang totoo ay nakatago ang ilang mahalagang impormasyon. Nahahalata agad ng mga eksperiyensyadong mambabasa na ikaw ay gumagamit ng passive voice. . Ang passive voice, pareho ng statistics ay minsanang ikinukumpara sa isang bikini bathing suit (Ipinapakita nito ang ka-akit akit pero tinatago naman ang mas importante.
..
Pinakamaganda Mas Maganda Maganda Madali
Mga Tips Ano Konklusyon Mababa
..
Ano ang Nagpapaganda sa Isang Report?
..
Ano ang Nagpapaganda sa Isang Report? Tinanong ko ulit ang mga participants sa 
mga workshops kung ano ang nagpapaganda sa isang Report o nag-uulat ng maganda.
.
Iminungkahi nila ang
mga sumusunod:
..
  • Kahali-halina
  • tapat, tunay, walang daya (no lies)
  • Interesanteng paglalarawan at disenyo. (kung posible, dapat may kulay)
  • Maikli
  • Maayos at madaling basahin (maganda ang pagkakasulat)
  • Direkta sa punto
  • Simpleng English (o anumang lengwahe)
  • Well spaced
  • merong pamagat at sub-titles
  • Organisado at maayos
..
Pareho ng dalawang listahan sa taas, ang listahang ito ay pwedeng isama sa pangkalahatang checklist sa pagsiyasat ng report na iyung susulatin, at para sa pagdaraos ng report-writing workshop sa mga kasaling myembro ng komunidad. Tingnan ang mga Mali para sa maikling listahan ng mga karaniwang mali sa pagsusulat na pwede mong itama.
. .
Pinakamaganda Mas Maganda Maganda Madali
Mga Tips Ano Konklusyon Mababa
..
Konklusyon:
..
Tandaan na ang pagsusulat ng report ay hindi kailangang nakakainip, tingnan ito bilang isang hamon. . Bigyang-diin ang resulta higit pa sa aktibidad. Lagpasan ang paglalarawan; suriing mabuti. Alamin ang iyung mambabasa at ang kanilang kailangan. Sumulat gamit ang madaling basahin at simple lengwahe. Iwasang gamitin ang passive voice. Sumulat ng maikli ngunit malaman. (maikli pero kompleto). Buo-in ang iyung mga report gamit ang outline at subtitles. Sumulat ng muna ilang draft bago ang final report.
..
Sa pamamagitan ng mga tips at patnubay, pwede mong turuan ang iyung sarili at ang mga kliyente sa komindad para mapabuti ang iyung pagsusulat ng report.
.
Tandaan, hindi kailangan maging masama para maging mas mabuti.
..––»«––
.
Pinakamaganda Mas Maganda Maganda Madali
Mga Tips Ano Konklusyon Mababa
..
Ang Pagbisita sa Community Project Site
..
Ang Pagbisita sa Community Project Site
.
Pagsusulat ng Report