Mga
Salin:
English
Español
Greek
Português
Romãnã
Ibang
format:
Teksto:
Ibang mga Pahina:
|
LISTAHAN PARA
SA MGA PANUKALA NG PROYEKTO NG KOMUNIDAD
isinalin ni Lina G. Cosico
Handout
sa Training
Bago
magsumite ng panukala, ang mga sumulat ay dapat suriin ang mga sumusunod. Bago
aprobahan ang panukala, ang mga donor ay dapat suriin ang mga sumusunod
- Ang
lahat ba ng mga bahagi ( mga kapitulo) ng panukala ay kasama sa panukalang isinumite?
(Katulad ng nakasulat sa patnubay).
- Kinilala
ba ang mga benepisyaryo o mga taong makikinabang? Sila ba ang mga pinakamahihirap
sa komunidad?
- Marami
bang kababaihan ang kasama sa benepisyaryo?
- Napagkasunduan
ba ng buong komunidad ( hindi lamang ng iilang lider) na ito ang pinakaprayoridad
( unang kagustuhan) na gawing proyekto ng komunidad?
- Marami
bang kababaihan ang nakasama sa pagdesisyon at pagdisenyo ng proyekto?
- Isinaad
ba ang lahat ng iniambag ng komunidad? Kalahati ba ito ng kabuuang gastos ng proyekto?
- Kompleto
ba ang mga pisikal na detalye? ( mga halaga, diagram, disenyo, sukat).
- Isinaad
ba mga yugto o bahagi ng proyekto? ( Ang panahong kailangan para matapos ang bawat
yugto ng proyekto).
- Isinaad
ba ang mga gastusin ng bawat yugto?
- (
Para sa bansang Uganda lamang) Ang kabuuang gastusin ba ay mas mababa sa 10,000,000
Uganda Shilling ?
- Kinilala
ba ang ehekutibong komite? Kasama ba ang mga lider ng komunidad at hindi puro empleyado
ng gobyerno?
- Nakapagbukas
na ba ng account sa bangko ang proyekto?
- Nakapagtatag
na ba ng sistema ng pagkukuwenta o pagtutuos ang proyekto?
––»«––
Pagsasagawa
ng Proyekto ng Komunidad:
Kung
kokopya ng teksto sa site na ito, mangyari lamang na banggitin ang mga may akda at
i-link pabalik sa www.scn.org/cmp/
© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 2009.07.08
|