.....
|
Pagkuha
ng klirans mula sa awtoridad
|
.
.Gabay
sa pagsasanay.
.
|
Pagpapakita
sa mga lokal na awtoridad at opisyal kung paano makakakuha ng benepisyo
sa pagpapalakas ng komunidad.
|
..
|
Bago
ka magsimula gumawa sa iyong komunidad (o mga komunidad, dapat
makuha mo ang mga kinakailangang permiso, at aktibong kooperasyon mula
sa mga awtoridad at mga lider na responsable sa iyong lugar.
|
..
|
Sa
mga ilang mobiliser, ang awtoridad ang nakikita nilang"kaaway" o "oposisyon"at
makikita nila ang kanilang gawain bilang tagaayos ng mga mahihirap na komunidad
para kalabanin ang mga "nagpapahirap." Iyan ang maaring paraan sa ilang
sitwasyon, at madalas na makikita ito bilang "civic
engagement" kaysa sa "partisipasyon
ng komunidad." Ang paraan ng mga modyul na ito (na idinebelop sa Africa)
ay ipakita ang mga awtoridad sa maaring maging idulot nito sa sustenabilidad
at sa katatagan ng polisiya ng bansa at programa para sa pagsibak ng kahirapan.
|
..
| Alalahanin
na mayroon kang dalawang target (beneficiaries),hindi lamang (1) ang komunidad
pati na rin ang (2) awtoridad na responsable sa lugar ng komunidad. |
. |
Ang
iyong hangarin para sa komunidad ay palakasin ang pagtaguyod ng mga aksyon
na nakakatulong sa sarili. Ang iyong hangarin para sa awtoridad ay magtrabaho
para sa sustenabilidad upang tumungo sa pagpapakilos ng kapaligiran (politikal
and administratibo) sa buong komunidad. |
..
| Ang
iyong hangarin para sa mga lider (politkal at impormal), administratibo
("bureaucrats"),
at
expertong teknikal ("technocrats") ay pilitin silang maging
"taga-bigay"
sa
paghuhubog sa pagiging "tagapangasiwa ng pagtulong sa sarili ng mga komunidad"
Hindi ito dapat maliitin. Kung ang mga politiko ang
"magbibigay" (eg magbigay
ng mga publikong pasilidad),
makakakuha sila ng boto at kasikatan. Mas
magkakaroon ng mga lihim na interes sa "paraan ng probisyon." |
. |
Kahalintulad,
kung saan ang mga administratibo at mga teknokrat ay mag-aangking ng sila
ay "makakapagbigay," samakatuwid, naniniwala silae (madalas
na tama) na makakatulong ito sa kanilang karir at marahil makakuha ng promosyon.
Kung mayroon mang nalilihim na interes na hindi magbago bilang
"tagapangasiwa"
Ang
kanilang istratehiya na ipakita at pilitin na magkakaroon sila ng benepisyo
sa pag-iwan sa "probisyon" at lumipat sa "pagsasagawa"
. |
..
| Ang
totoo lang, kung lilipat sila mula sa paraan na "probisyon" sa "pagsasagay"
,
sa tamang oras, makakatamtan din nila ang mgabenepisyon nito. Iyon ay dahil
bawat komunidad ay may nalilihim na kakayahan na hindi nila gusto ilantad
at pagamit hanggang sa ang awtoridad ay magbibigay ng kanilang kakayahan. |
. |
Kung
ang komunidad ay makakakuha ng responsibilidad na magbigay ng kanilang
sariling pasilidad at serbisyo, at pati narin ang pagsasanay sa pangangasiwa,
maraming kakayahan ang lalantad at magagamit. Kung ang mga lider at mga
responsableng awtoridad ay lumipat sa "pagsasagawa", lalabas na ang pagpapalakas
ng komunidad ay maging pundasyon kung saan makakakuha sila ng kasikatan,
boto, pag-unlad sa karir at promosyon. |
..
| Iyong
tungkulin ang ipakita ang paraan ng "probisyon" na nagbibigay
benepisyo sa mga lider at awtoridad sa maikling panahon, ngunit hindi ito
mapapatagal, sa kabilang dako ang paraan ng "pagsasagawa" ay
maglalayon magbigay ng tunay na pag-unlad na makakabuti sa kanila sa mahabang
panahon. |
. |
Sa
sitwasyon kung saan makumbinsi mo ang mga awtoridad sa mga benepisyo mula
sa pagpapalakas ng komunidad, mas magkakaroon ka ng permisong magtrabaho,
kumaha ng aktibong kooperasyon, at labanan ang mga nalilihim na interes
na maaring sumagabal sa pagpapalakas at pagsasarili ng komunidad. |
..
| Upang
makakuha ng klirance o permiso mula sa awtoridad, mahalagang magbigay sa
kanila ng dokumentasyon, na nagtuturo sa opisyal na polisiya, mga napagkasunduan
at mga memorandum of understanding (MOU),
na maaring mayroon ka. (Depende ito sa mga sitwasyon). |
. |
Habang
ginagawa mo ito, ipaliwanag mo sa kanila ang mga benepisyo ng pagkakaroon
ng mas malakas, mas independent na komunidad sa kanilang nakatalang lugar. |
..
|
Kung
tatanggapin ng iyong badyet at plano, ito na ang oras para magsagawa ng
workshop
para sa mga awtoridad.
|
.––»«––
|