..
|
Pagpapatuloy
sa Pagpapaunlad ng Siklo ng Mobilisasyon/Pagpapakilos
|
|
Ang
Isang Proyektong Pang-komunidad ay Simula pa lamang
|
.
.Manwal
para sa Pagsasanay.
..
|
Ang bawat
pamamagitan, ang bawat siklo ng mobilisasyon/pagpapakilos at ang bawat
proyektong pang-komunidad ay nakakatulong sa pagbibigay-kapangyarihan para
sa isang komunidad; ang mga ito ay dapat maging paulit-ulit na mga proseso.
|
..
| Sa
simula, ang iyong gawain ––
ang iyong pamamagitan ––
ay inilalarawan bilang isang nakapupukaw na prosesong panlipunan. |
. |
Ang
mga magkakadugtong na gawain, (pagsusuri ng kahalagahan/gawain, pagpapalawak
ng kaalaman, pagbubuklod-buklod, pagpaplano at pagsasagawa ng aksyon at
pagsusuring muli) ay nakakapagpukaw sa pagpapalakas ng isang komunidad
pati na rin ng pag-asa at pagtiwala nito sa sariling kakayahan. |
..
| Ang
salitang "siklo" ay maaaring makalito ng kaunti rito. Tiyak na sa bandang
huli ay babalik ka at muling magsisimula sa iyong pinanggalingan, ngunit
ito ay magdudulot ng isang bagong ikaw at isang bagong komunidad. |
. |
Ayon
na rin sa isang Budismong kasabihan na, "Ang pareho at iisang tao ay hindi
makakatawid sa pareho at iisang ilog ng dalawang beses," (dahil ang tao
at ang ilog ay parehong nagbabago; at patuloy silang magbabago). |
..
| Gayunpaman,
gusto mong ulitin ang mga mahalagang pamamagitan at pagpukaw sa mga lubhang-kailangang
prosesong panlipunan. |
. |
Tulad
ng gulong ng isang bisikleta na patuloy na umiikot, ang bawat bahagi nito
ay nakakatagpo ng daan na mas malayo kesa sa dati. |
..
| Samantala,
palagi mong isaisip ang iyong napipintong pag-alis at pagbitaw sa komunidad,
sa simula pa lamang ng iyong gawain. |
. |
Kapag
ang komunidad ay hindi umuunlad kung wala ka, ito ay naging pala-asa sa
iyo. Ang iyong kaaway ay ang ugaling pala-asa. |
..
| Habang
inuulit mo ang siklo, samakatuwid, pinaplano mo na rin ang iyong pag-alis,
upang ang siklo ay makapagpapatuloy kahit wala ka na. |
. |
Kapag
ikaw ay nagkaroon ng kapalit, ang mga sinulat mo sa iyong talaarawan, mula
pa noong ikaw ay nagsisimula, ay nararapat na maging batayan sa iyong paglilipat
ng responsibilidad sa iyong kapalit. Kung hindi ka naman hinanapan ng kapalit
ng iyong ahensya , nararapat na humanap ka at magsanay ng mga taong may
potensyal na maging tagapagpakilos mula sa loob ng komunidad . |
––»«––
|