..
|
Pamumuno
ng Komunidad at Panloob na Mobilisasyon/Pagpapakilos
|
|
Pagpapatuloy
sa pamamagitan ng Sariling Pagkilos
|
.
.Manwal
sa Pagsasanay.
.
|
Ang iyong
pamamagitan bilang isang tagapagpakilos ay isang panlabas na salik para
sa pagpapatuloy ng kaunlaran. Ang komunidad mismo ang siyang nararapat
na magpatuloy ng isang pamamagitan.
|
..
| Ang
susi sa pagpapatuloy ng isang pamamagitan sa paraang nakapupukaw sa isang
komunidad, upang isulong ang pag-asa at pagtiwala nito sa sariling kakayahan,
ay nakasalalay sa komunidad. |
. |
Maaring
ang iyong ahensya ay makahanap ng iyong kapalit, ngunit ang iyong pinakamimithing
layunin ay maipagpatuloy ng isang komunidad ang pansarili nitong mobilisasyon/pagpapakilos. |
..
| Ang
tamang paraan na dapat mong gawin ay kilalanin ang mga taong nakatira sa
komunidad na nakikitaan ng potensyal upang maging tagapagpakilos. Nararapat
na sila ay may mga akma at mabuting kaugalian at hangarin. Sanayin mo sila
ng iyong mga natutunan at nalalaman, turuan mo sila kung paano nila panghahawakan
ang mga dati mong tungkulin. |
. |
Nararapat
mong ituro ang lahat ng iyong mga kaalaman bago ka umalis. |
..
| Ang
pagpapaunlad ng komunidad ay isang proseso ng pagbabago ng isang lipunan.
. |
... |
Ang
pinakamaibabahagi mo na ay ang pagiging isang katalista at taga-pukaw sa
prosesong panlipunan na yaon . Dito naaakma ang isang kilalang kasabihan
ni Mwalimu Julius Nyerere, "Ang mga tao ay hindi nababago o napapaunlad;
sila lamang ang tanging makakapagpabago o makakapagpaunlad sa kanilang
mga sarili" |
..
| Tandaan
na ang taglay mong mga kaalaman at karunungan ay mga makapangyarihang katalista
sa pagbabago ng lipunan. Ngunit tulad ng ibang mga karunungan at kaalaman,maaari
itong magamit ng hindi tama. Kapag nahanap at nakilala mo na ang mga miyembro
ng komunidad na iyong tuturuan upang maging kapalit mo, napakahalaga na
suriin mong mabuti ang kanilang mga katauhan at pag-uugali upang matiyak
mo na gagamitin nila ang mga kaalaman at karunungan sa mobilisasyon/pagpapakilos
para sa kapakanan ng komunidad, hindi para sa pansariling kapakanan lamang
kahit na mailagay sa alanganin ang isang komunidad. |
. |
Tandaan
na may mga taong may mga hangaring politikal o yaong makakapagpabuti lamang
sa pansariling propesyon. Sa pamamagitan ng magaling na mga kaalaman at
karunungan, maaring gamitin ng tao sa hindi tama o sa pansariling kapakanan
lamang ang mobilisasyon/pagpapakilos. Tingnan muli ang Alamin
ang mga Kailangan mong Karunungan at ang analohiya ng "liyabero"".
Kapag nahanap mo na ang mga tao sa loob ng komunidad na may potensyal bilang
tagapagpakilos, obserbahan mo silang mabuti sa tamang haba ng panahon.
Huwag kang magmadali na makahanap ng iyong kapalit; maglaan ng sapat na
panahon upang maisakatuparan ito ng maayos. |
..
| Kapag
sinabihan mo na ang grupo na maglaan ng sapat na panahon upang maisagawa
ang mga gawain ng tama, maari mong ibahagi sa kanila ang kwento tungkol
sa dalawang toro mula sa isang bakahan sa West Africa. |
. |
May
dalawang toro na umakyat sa isang burol at nakakita ng mahigit isang daang
mga baka sa ibaba ng burol na kinatatayuan nila. "Uy, tiyo," sabi ng nakababatang
toro, "Halika, tumakbo tayo at kunin natin ang ilan." "Hindi," sabi ng
nakatatandang toro, "Maglakad lang tayo, at kunin natin silang lahat." |
..
|
Maglaan
ng sapat na panahon upang hanapin at sanayin ang iyong kapalit.
|
..
| Kapag
nahanap at nakilala mo na ang isa o ilang mga tao na nagpapakita ng potensyal
upang maging mga tagapagpakilos na may mga katangian o kaugalian tulad
ng katapatan, pamumuno at tunay na hangarin upang mapaunlad ang mga tao,
kailangan mo na silang turuan at sanayin. Kapag sila ay interesado, maaring
gawin mo muna silang mga "aprendis," at maglaan ng sapat na panahon na
ipaliwanag sa kanila kung bakit mo ginagawa ang ganitong mga gawain. |
. |
Ipaliwanag
ang mga paksa sa nauunang mga kabanata ng manwal na ito. Ang iyong pagtulong
sa kanila na matuto sila ng mga prinsipyo nito ay kasing halaga ng pagkatuto
nila ng mga kaalaman sa paggawa. Pasubukin mo rin sila na mamuno ng sesyon
ng pagtuturo at pakikibahagi paminsan-minsan. Mas mapapadalas ito habang
dumarami ang kanilang mga kaalaman at karunungan. Pagkatapos nilang makaranas
ng dalawa o higit pang siklo ng mobilisasyon/pagpapakilos, sila ay handa
ng magpatuloy kahit wala ka. |
..
|
Ikaw
ay nasa tamang landas na maging tuluy-tuloy ang iyong pagpapakilos.
|
.––»«––
|