..
|
at
Pagkabatid ng mga Posibilidad sa Pagpapatuloy
|
.
.
Manwal
sa Pagsasanay
..
|
Ang mga tagapagpakilos
ay malimit na dumarating at umaalis din sa isang komunidad kaya nararapat
na magkaroon ng koneksiyon at pagtuluy-tuloy ng mga kaalaman at paghawak
ng mga tungkulin sa pagitan nila; nararapat na ang natututunan ng bawat
isa sa kanila ay maging bahagi ng pangkabuuan ng isang pamamagitan.
|
..
| Natututo
tayo mula sa parehong tagumpay at kabiguan, sa mga kahanga-hangang nagawa
at maging sa pagkakamali. Tandaan na ang mga kamalian, kabiguan at kapalpakan
ay hindi pareho. |
. |
Ang
pagkakamali ay hindi kabiguan. Ang tao ay nagkakamali rin. Ang kabiguan
ay hindi kapalpakan; kung hindi mo man nagawa o nakamit ang iyong mithiin
hindi nangangahulugang ikaw ay isang bigo. Maging ang kapalpakan ay hindi
nangangahulugang katapusan na ng buhay o katapusan na ng mundo. Kung tayo
ay madapa, dapat tayong tumayo at magpatuloy. Kahit paunti-unti at dahan-dahan. |
..
| Kung
naging matagumpay ka na gabayan ang isang komunidad na gumawa ng sarili
nitong mga palikuran, o makatapos ng iba pang mga gawain, ikaw ay nakagawa
na ng isang hakbang upang ang isang komunidad ay magtiwala at umasa sa
sarili nitong kakayahan. |
. |
Hindi
maaaring ang mga ito ay nangyari o naisagawa ng walang nadaanang mga pagsubok.
Ngunit kung iniisip mong ang lahat ng mga nangyari ay perpekto, hindi ka
naging totoo at matapat sa iyong sarili. |
..
| Suriin
mo ang mga proseso pati na ang iyong tungkulin dito. Maging matapang at
matapat ka sa pag-amin ng iyong mga pagkakamali. Isulat mo ang iyong mga
pagsusuri tungkol sa siklo ng mobilisasyon/pagpapakilos. Nararapat na ikaw
ay maging patas at walang kinikilingan sa pagkilala ng mga kamalian at
mga kabiguan. Huwag mo itong gamiting mga kadahilanan upang ikaw ay mauwi
sa kapighatian. |
. |
Sa
halip, gamitin mo itong mga aral na dapat matutunan; higit na mas kapaki-pakinabang
at makatotohanan kesa sa mga matututunan mo mula sa mga aklat o manwal
na katulad nito. Gamitin mo ang iyong talaarawan, ang iyong pagsusuri at
ang iyong mga natutunang aral upang ikaw ay maging mas matatag at mas marunong
na tagapagpakilos. |
..
|
Gawin
mo rin ito, kasama ang komunidad, at para sa komunidad.
|
––»«––
|