.....
|
Mga
Pamamaraan ng Komunikasyon
|
|
Iba't-Ibang
Paraan ng Pagsasaad ng Mensahe
|
.
Gabay
sa Pagsasanay .
.
|
Anong teknolohiya
ang mainam gamitin sa komunidad at sa mga ibang nagsasanay?
|
..
..
| Mobilisasyon,
Pagsasanay at Komunikasyon: |
...
|
Karamihan ng trabaho
ng mobilisasyon ay nangangailangan ng pagpapabatid ng tiyak na mensahe
sa mga grupo.
|
...
| Bilang
isang tagataguyod, sa maraming paraan ikaw ay ang tagapagsanay ng mga miyembro
ng komunidad. Kung ikaw ay gumagamit ng pahinang elektroniko na ito para
magsanay ng mga tagataguyod, kailangan mong konsiderahin ang mga similar
na isyus. |
. |
Marami
sa mga pamamaraang ito ay epektibong rin para sa pagsasanay ng mga tagamobilisa
o tagataguyod gayun din sa paghihikayat sa komunidad. |
...
| Ang
mga sumusunod ay paglalarawan sa mga pamamaraan ng komunikasyon. Dapat
mong isaalang-alang ang lahat ng ito. |
. |
Subukang
gamitin ang anumang sa palagay mo ay praktikal. Laging tumingin ng mga
bago at malikhaing paraan ng pakikipagtalastasan. |
...
|
Tandaan na kapag
ang mga kasali ay nahikayat na makilahok (hindi lang nakikinig at nanonood)
sila ay mas magbibigay atensyon, mas matatandaan ang mga impormasyon, at
mas gaganda ang pagbubuo ng pagtingin sa sarili at tiwala sa sarili.
|
.
..
| Mga
Sesyon sa Pagreresolba ng mga Problema |
...
| Makipulong
sa mga miyembro ng komunidad. Sa pulong, magbigay ng suhestyion sa mga
miyembro na magbigay sila ng mga possibleng solusyon sa mga problema ng
komunidad. |
. |
Ito
ay hindi isang tahasang struktured na sesyon gaya ng Brainstorming.
Hayaang ang mga miyembro ang magbigay iba't-ibang possibleng solusyon. |
...
| Panatiliing
praktikal ang mga ito, iwasan ang tinatawag ng ¨¨wishful thinking¨¨.
Kung ang isang miyembro ay magbigay ng solusyon na nangangailangan na iba
ang gumawa o magbigay, ipakita na dapat siya ang gumawa o magbigay at ipaalala
na hindi nila kontrol and ibang tao. |
. |
Marapat
lamang na ang mga solusyon ay mga bagay na kaya nila mismong gawin, hindi
kung ano ag dapat gawin ng ibang tao. Hikayatin ang mga tahimik na miyembro
na magbahagi ng kanilang mga ideya. |
..
..
...
| Kung
nais ng isang malaking pulong pangkomunidad (kasama ang mga rally) kung
saan nais mong marami rin ang makilahok, maaaring makatulong ito sa iyo
sa pag-oorganisa ng iilang libangan. |
. |
Ang
mga lokal na asosasyong pangkultura gaya ng mga grupong sumasayaw, choirs,
drum clubs, drama clubs o mga marionnette, ay magandang mapagkunan ng libangan. |
...
| Ang
pagkakaraon ng pagtatanghal ay maaaring makahikayat ng mas maraming miyembro
ng komunidad at samakatwid, mas marami and makikilahok sa mga seryosong
sesyon na bahagi ng agenda. |
. |
Bukod
pa roon, marami sa mga grupong amateur ay may mga repertoire na maaaring
magsalarawan ng mga prinsipyo at ngmga isyu na nais mong ipabatid sa komunidad
bilang isang tagamobilisa o tagataguyod. |
...
| Ang
iba ay maari ring bukas na makipagtulungan sa iyo sa paggawa ng mga skript,
lyriko, at mga eksena para magslarawan sa mga isyuna nais mong ipresenta. |
. |
Ang
ilan sa mga grupong ito ay nasa proseso ng pagbubuo ng profesyonal na stado,
at maaaring mas nanaisin ang patisipasyon sa maliit na Honorarium sa halip
na bayad na malaki. |
...
| Bagama't
ito ang rekomenasyon sa pagpapakilala at isingit ang iba pang agenda ng
pagpupulong ng komunidad, makikita rin na magandang gumamit ng ganitong
mga klase ng grupo sa mga workshop ng pagsasanay na inoorganisa para sa
mga tagataguyod. |
. |
Ang
dramatisasyon ng mga isyu ay malaking tulong sa mga kalahok upang matandaan
ang konsepto kahit tapos na ang pulong o workshop. |
..
..
| Mga
Kasabihan at mga Kwento: |
...
| Ang
mga kasabihan at mga kwneto ay mainam na gamit pangkomunikasyon sa agbibigay
ng pagsasanay at mobilisasyon. |
. |
Ang
mga ito ay naglalarawan ng mga prinsipyo, isyu, at mga konsern na nais
mong ipabatid ukol sa pag-oorganisa ng komunidad at sa pagsasanay ng mga
tagataguyod. |
...
| Sa
modulo
ngmga Pamamaraan ng Pagsasanay, makikita ang dokumento
sa mga Kasabihan kung saan may mga detalye ukol sa mga tradisyonal
na kasabihan at kaalaman na maaaring gamitan para ilahad ang iyong pakay. |
. |
Gayundin,
tignan ang dokumento ukol sa mga Kwento, na binibigyan
diin din na ang mga ito ay hindi lamang para libangin ang mga kalahok,
kung di ginagamit din sila para isalarawan at binibigyang importansya ng
mga ito ang mga prinsipo ng pagbibikay kakayahan at paglilinang ng tiwala
sa sarili. |
..
..
...
| Laging
binibigyang diin sa site na ito na ang pakikilahok ay isa sa mga pinaepektibong
paraan ng pag-aaral. |
. |
Ang
pagganap ng karakter ay isang pamamaraan ng komunikasyon kung saan ang
mga kalahok ay hinahayang gumanap ng mga karakter ng iba't-ibang aktor
na karaniwang nakikita sa mga situation sa proseso ng pagbibigay kakayahan
o pagsasakapangyarihan. |
...
| Dito
inirerekomenda rin na ito ay isang paraan na mabisa sa pagsasanay ng mga
tagataguyod at pati narin sa pagmomobilisa ng mga komunidad. |
. |
Ang
mga kalahok ay binibigyan ng iba't-ibang karakter batay sa mga situation
na initala. Maaaring isulat ang plot o eksena para sa kanila, pero mas
ganap na epektibo kung hahayaan silang gumawa ng sariling dialogo (ad lib)
o kaya bigyan sila ng pagkakataon ng mag-isip kung ano ang kanilang saasabihin. |
...
..
..
| Audio-Bisual
na Pamamaraan |
...
| Iba't-ibang
uri ng elektroniko o makinaryang elektroniko ay maari ring gamitin para
mapabuti ang komunikasyon. |
. |
Ang
mga maiiksing pelikula o ¨¨slide shows¨¨ ay ilan sa mga lumang gamit.
Sa kabuuan, ito ay mas epektibo sa mga pulong na ginagawa sa loob ng silid,
ito ay hindi masyadong epektibo sa mga malalaking pulong na ginaganap sa
labas. |
...
| Ito
ay mas angkop gamitin sa pagsasanay ng mga tagataguyod at pulong pangkumunidad
ng mga tagapamahala kaysa sa mga malalaking pulong pangkomunidad ukol sa
mga pamamaraan ng mobilisasyon. |
. |
Isang
malaking suliranin ay and technolohiya ay naluluma(napapalitan ito ng mga
¨¨digital¨¨ na tecknolohiyang audio-bisual) at minsan ay hindi ito
matatagpuan sa mga mahihirap na bansa. |
...
| Ilan
sa mga makabagong teknolohiya ang mga video tapes, at (minsan) DVD compact
disks. |
. |
Dagdag
pa rito, ang mga ito ay mas epektibo sa mga maliliit na grupo at kung ang
aktibidad ay ginagawa lamang sa loob ng silid. |
...
| Para
sa mas malaking populasyon, ang mga pelikula ay mas epektibong gamitin.
Ang mga pelikula at mga prodyektors minsan ay hindi agad makukuha, subalit
hindi rin naman sila masyadong mura, kaya maaaring makabili and mga ahensyang
pang-international kumpara sa lokal na departamento ng gobyerno o lokal
na NGO sa mga bansang mahihirap. |
. |
Ang
mga prodyektors na dinisenyo para kumuha ng maliliit na larawan, gaya ng
video machines at compyuter, ay mas mahal at maaaring hindi kaya ng badyet
ng mga ahensya. |
..
..
...
| Ang
mga larawan ay maaring gamitin para isalarawan, gaya ng mga guhit, sketches
o mga ¨¨cut-outs¨¨. |
. |
Kung
ikaw ay may teknikal na kapasidad, maaaring mas mapabuti ang mobilisasyon
ng komunidad at ang pagsasanay sa mga tagataguyod o tagakilos kung hahayaan
silang magdebelop ng mabilisan, at gumamit ng mga larawan kung saan and
mga kalahok ay nakikita ang kanilang sarili. |
...
| Maaari
rin, halimbawa, gumawa ng ¨¨scrapbuk¨¨ kung saan ang mga kalahok ay
gumaganap ng mga karakter sa ginawa nilang eksena bilang parte ng sesyon
sa Pagganap ng Karakter. Maaaring ipakita ito at gamitin bilang pag-udyok
ng pakikipagtalastasan sa parehong workshop. |
. |
Gamit
ang mga digital na larawan, hindi na dapat magdebelop ng film, i-download
na lamang ang mga larawan mula sa kamera sa kompyuter at ilathala and mga
ito. |
...
| Gamit
naman ang bidyo kamera, maaaring irekord ang sesyon sa Pagganap ng Karakter
(halimbawa, ang tagataguyod ay kinakausap and mga kalahok na animo'y sila
ang mga miyembro ng komunidad), pagkatapos hayaan ang pribado at personal
na panonood ng kanilang pamamaraan ng pagsasalita para sa pansariling kritik
at pansariling pagwawasto. |
. |
Matapos
ito, maaring burahin ang tape para maiwasang mapanood ito ng publiko. |
..
..
...
| Kung
makakakuha ng ¨¨overhead prodyektor¨¨, maaari ring gumawa ng mga ¨¨overhead
transparencies¨¨ gamit ang sulat kamay upang magdisenyo ng mga guhit
at mga pang-ukulang pansin para sa workshop, depende ito sa mga kontribusyon
ng mga kalahok. |
. |
Kung
mayroong kompyuter, printer, at blankong transparencies, maaring gawin
angmga materyales habang ginagawa ang workshop. |
...
| Ang
mga materyales na ginawa ng mga kalahok sa mga maliit ng sesyong panggrupo
ay maaring kopyahin sa mga blankong transparencies at ipakita sa overhead. |
. |
Maaaring
i-type at ilathala and mga pang-ukulan pansin, o gumuhit ng sketch (gawa
ng mga guhit linyang black and white sa website) itago sa kompyuter, ilathala
ang mga ito sa transparencies at ipakita sa mga kalahok. |
...
|
Alin mang paglalarawan
(larawan, dayagram, kartun, o linyang guhit) ay maaaring kopyahin sa blankong
tranparency para magamit sa presentasyon.
|
..
..
| Isa
sa mga paraan ng komunikasyon na tila hindi binibigyang pansin ngayon ay
ang pagamit ng pisarang pranela. Nirerekomenda kong gamitin ito. |
. |
Ang
maganda sa pisarang ito ay ang paggamit sa pranela, kung saan ito ay madaling
makuha sa kahit saang tindahan ng tela, at maaari kang gumawa ng sarili
mong pisarang pranela. |
...
| Ang
pranela ay isang malambot at makapal na tela. Marami ang mga kulay na mapagpipilian. |
. |
Ang
isang piraso ng pranela ay dumidikit ng madali sa pisarang gawa sa pranela
(pero hindi kasing higpit ng Velcro), at madali din itong tanggalin. |
...
| Maaaring
gumawa ng pisara gamit ang isang malapad na materyal. Kung ikaw ay laging
nagbibiyahe, marahil ay gumamit ng puting pisara gaya ng mga makikita sa
mga ¨¨¨flip charts¨¨. |
. |
Ang
puting pisara ay maaaring gamitin ng walang pranela, gumamit ng dry markers
na madaling nabubura habang gigawa ang sesyon sa pagsasanay sa pakikilahok
para isulat ang mga kontribusyon, bayabayin ang mga bagong salita o gumawa
ng gabay ng presentasyon. |
...
| Maaaring
lagyan ito ng pranela na higit na malaki kaysa sa puting pisara at aspilihan
sa likod. |
. |
Ito
ngayon ay magsisilbing duyo kung saan ilalawawan ang mga kwento. |
...
| Kailangan
mo rin ng mga pigura na ilalagay sa iyong duyo. Iguhit ang mga ito at kulayan
ng krayola o pintura. |
. |
Maaari
ring kumuha at gumupit galing sa mga katalogo o magasin. Pumili ng mga
larawan galing sa iba't-ibang paksa na may relasyon sa mga liksyon o kwento
na nais ilarawan. |
...
| Pagkatapos,
gupitin ang pranela sa hugis ng mga larawan na iginuhit o ginupit. |
. |
Idikit
gamit ang glu (o gumamit ng panara) ang mga piraso ng pranela sa likod
ng mga illustrasyon. |
...
| Ang
mga ilustrasyon ay didikit na sa pranelang pisara, at maaaring galaw-galawin
ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng iyong presentasyon. |
. |
Gamitin
ngayon ang pranelang pisara para isalarawan ang iyong kwento, leksyon o
sitwasyon. |
...
| Sa
mga workshop para sa mga tagapagtaguyod, maaari ring mag-organisa ng isang
hapon para sa nagsasanay maging tagapagtaguyod para gumawa ng pranelang
pisara. |
. |
Bigyan
sila ng mga alternatibong materyales, katalogo, magasin,gunting, panara,
glu, malalaki at maliliit na piraso ng pranela namay iba't-ibang kulay,
pisara na mapaglalagyan ng duyong pranela, mga aspile, para madikit ang
pranela sa pisara. |
...
| Hatiin
ang mga kalahok sa maliit na grupo na may lima o anim na katao para gumawa
ng kanilang pranelang pisara. |
. |
Pagkatapos,
bigyan ng gawain ang mga grupo para isalarawan ang mga prinsipyo ng mobilisasyon.
Hayaan silang maghanda ng magdamag para sa liksyon at sa mga kailangang
ilustrasyon. |
...
|
Sa susunod na hapon,
sa parehong workshop, bawat grupo ay mag-uulat ng kanilang kwentong isinalarawan.
|
..
..
...
| Konsiderahing
ipaghalo and (1)audio-bisual na presentasyon, (2) mga presentasyong oral
at (3)kontribusyon habang nakikilahok ang mga nagsasaanay. |
. |
Ito
ay mas lalong makakapagpabuti sa paglalahad ng mensahe, at makakadagdag
sa mas mainam na pagpapanatili sa alaala ng mga kalahok. |
...
| Pagpalit-palitan
ang pamamaraan ng ginagamit, magprisenta ng bidyo, magsaad ng mga salita,
o dili kaya'y tanungin ang mga kalahok. |
. |
Di
hamak na pinakamadali ang dumawa ng audio-bisual na presentasyon. Subalit
ito ay para sa mga tamad na tagapagsanay. |
...
| Ang
pagpapalit-palit ng pamamaraan ay makakatulong upang mapanatiling alerto
nakatutok and mga kalahok sa mga paksa na nais mong ipabatid. |
. |
Hindi
kinakailangan gumamit ng higit sa isang audio-bisual na presentasyon (pero
maaring gawin ito kung iyon ang nais) sa kabilang banda, maaaring magpalit-palit
ng paraan at pagsasalita at pakikilahok ng mga nagsasanay. |
...
| Ikaw
ay maaaring gumamit ng higit sa isang pamamaraan. Ito ay mas mainam. |
––»«––
|