... .
|
Pag-aalis
ng mga Inhibisyon
|
.
Sanggunian
ng Tagapagsanay.
|
Paano alisin
ang alinlangan ng mga kalahok sa pagsasanay
|
...
| Ang
alin mang workshop sa pagsasanay na nangangailangan ng isang buong araw
ay dapat may sesyon sa ¨¨Ice Breaker¨¨ ng mga 50 minuto, na dapat ibigay
sa simula ng workshop. |
. |
Ano
ang ginagawa ng ¨¨Ice Breaker¨¨? |
...
Ang
mga layunin ng ice-breaker ay ang mga sumusunod:
-
para hikayatin ang mga kalahok
na alisin ang kanilang estado, pagkabantog, awtoridad, mga kaugalian at
kagawian na karaniwang ipinapamalas sa araw-araw (¨¨ice¨¨ ang ibig
sabihin dito ay ang mga rigido pormalidad)
-
para hikayatin din ang mga
kalahok na magpahi-pahinga at mag-enjoy sila at ang bawat isa bilang tao
(hindi limitado sa mga ginagmpanan o may mga estado lamang) sa paghahanda
upang maging mas bukas sa mga pagsasanay na gagawin.
-
para hikayatin ang mga kalahok
na makipag-ugnayan sa isa't isa at magkakilanlan sa kontekstong hingi tradisyonal.
-
para mapalambot ang mga kalahok
bago harapin ang sentrongmateryal ng pagsasanay. at
-
para mapabuti ang proseso
ngpagsasanay sa kalahatan ng workshop sa pamamagitan ng paghahanda ng mga
kalahok gaya ng nabanggit sa itaas.
|
...
| Marami
sa mga ice breakers ay nangangailangan ng maliliit na aktibidades na pang-grupo,
kasama na dito ang paggupit ng mga hugis, pagdidikit, pagguhit, pagsusulat
o pagganap ng mga karakter. |
. |
Maging
malikhain, hindi masyadong mabigat at dapat angkop ang bagbibigay ng mga
gawain sa mga grupo ng mga kalahok. |
...
| Ilan
sa mga ice-breakers ay maaaring nangangailangan ng mga aktibidades na pisikal,
gaya ng pagtutumulin ng lobo kung saan bawat pares ng mga kalahok ay kailangang
humawak ng lobo sa gitna nila, na hindi ginagamit ang mga kamay o braso,
manggagaling sila sa umpisang linya hanggang makarating sa dulo para magpabilisan. |
. |
Ito
ay nagdudulot ng maraming katatawanan; at binabasak ang yelo o pormalidad
(breaks the ice) |
...
| Ang
ibang ice-breakers ay naghihingi ng kooperasyon, kung saan ang maliit na
grupo ay binibigyan nga isang buong gawain kung saan bawat indibidwal ay
dapat magbahagi ng komplementaryong gawa. |
. |
Ang
iba naman ay nangangailangan ng negosasyon at kooperasyon sa bawat grupo. |
...
| Ang
sesyon ng ¨¨Sabotahe¨¨, halimbawa, ay karaniwang ginagamit bilang isang
ice-breaker, at nakakatulong din ito para makita natin kung paano minsan
ay walang malay nating sinasabotahe ang bawat isa sa ating pang-araw-araw
na gawain. |
. |
Ito
ay maaaring laruin sa loob ng 30 - 45 minuto. |
...
|
Ang mga kalahok sa
laro ay matututo kung paano maging sensitibo sa kung paano nila naaabala
ang kanilang mga kaibigan at kakilala.
|
...
|
Ang mga kalahok ay
hinahati sa grupo na may tatlong miyembro.
|
...
| Bawat
isa sa mga miyembro ng grupo ay pinapangalanan ¨¨A¨¨, ¨¨B¨¨,¨¨K¨¨ |
. |
Ang
tagapasilita ay magbibigay ng maikling paglalarawan kung paano gagawin
ang laro, pagkatapos ay tatawagan ang lahat ng may pangalang ¨¨¨K¨¨
para lumapit sa kanya. |
...
| Ang
mga kalahok na pinangalanang ¨¨A¨¨ ay aatasan bilang tagapakinig, at
ang mga pinangalanang ¨¨B¨¨ ay aatasang magsiglang ipaliwanang kay
¨¨A¨¨
ang alin mang piniling paksa o insidente. |
. |
At
lahat ng pinangalanang ¨¨K¨¨ ay aatasang abalahin ang kanilang ¨¨A¨¨
at ¨¨B¨¨ ukol sa ano mang paksang nais nila. |
...
| Ang
tagapagpasilita ay mag-aanunsyo sa lahat ng mga grupo na mag-umpisa. |
. |
Matapos
ang 60 - 90 segundo, ang tagapasilita ay sasabihan ang mga ¨¨K¨¨ na
pumunta sa kani-kanilang grupo at umpisahin ang pag-aabala gamit ang ano
mang paksang pinili. |
...
Ihihinto ng tagapagpasilita
ang proseso
makalipas ang 60-90 segundo
ng pag-aabala.
|
. |
Kung may oras pa,
maaaring pagpalit-palitan
ang mga papel ng mga
kalahok ng isa o dalawang beses.
|
...
| Pagkatapos,
tatawagin ng tagapagpasilita ang lahat para sa isang panlahatang diskusyon |
. |
Hikayatin
ang mga kalahok na sabihin ang kanilang tugon at reaksyon. |
...
| Ito
ay mahalaga para malaman at mawaksi ang ano mang residwal na sama ng loob(itoay
isang laro lamang) at ipakita kung gaano kadali ang magsabotahe at masabotahe
sa araw-araw na gawain. |
. |
Ang
mga ice-breakers ay mahahalagang sesyon para sa simula ng mga workshops
sa pagsasanay, sa maraming kadahilanan. |
...
| Maaari
silang-pero hindi kailangan- maghatid ng kaalaman gaya ng ¨¨Sabotahe¨¨
sa pagtatahas ng kamalayan ukol sa pakikisalamuha. |
. |
Ang
mga simpleng laro gaya ng pagtutumulin ng lobo nagsisilbing isang mahalagang
serbisyong pedagogikal sa pagwawaksi ng mga "pormalidad"sa ating
araw-araw na interaksyon at ekspektasyon tungkol sa mga tao, at binibigyan
tayo ng pagkakataon na huwag masyadong seryosuhin ang ating sarili. |
...
|
Ang pagsasanay, lalo
na ang pagsasanay na nangangailangan ng pagtatahas ng kamalayan, is mas
napapabuti ng pagbibigay muna ng mga sesyong "Ice-Breaker".
|
.––»
«––
|