...
.
|
Pagganap
ng Karakter at mga Larong Pagkunwa
|
|
Isang
Paraan ng Pagsasanay
|
.
.Pag-Ukulan
ng Pansin (Tagapasilita).
.
|
Ang mga dula
ay ginagaya ang mga sitwasyon sa tunay na buhay at maaring magbigay sa
mga nagsasadula ng oportunidad na sanayin ang kanilang mga bagong kakayahan.
|
.
..
...
| Sa
ilan sa mga dokumento sa lugar na ito, ¨¨Ang Pagsasanay hango sa Paggawa¨¨,
ay inirerekomenda. |
. |
Tayo
ay natututo sa pamamagitan ng pagbabasa, pakikinig sa isang nagsasalita,
panonood habang ginagawa ang isang bagay at paggawa natin mismo sa isang
bagay. |
...
| Bawat
indibidwal ay may kanya-kanyang pamamaraan ng pag-aaral, may iba-iba ring
lakas o kakayahn ayon sa kung paano nila nakukuha ang impormasyong kailangan
matutunan. |
. |
Ang
listahang ito ay isang estima lamang. |
...
| Kung
titignan ang iba't ibang paraan kung paano tayo natututo, mapapansin na
ang pagbabasa ay nasa dulo ng listahan. |
. |
Ang
impormasyon ay mahirap intindihin, at ang pagpapanatili sa mga ito ay mabilis
ding nawawala. |
...
| Ang
pakikinig sa mga lektyur ay nasa dulo din listahan , halos kasing baba
ng pagbabasa. |
. |
Ang
panood habang ginagawa ang isang bagay, ng harapan o sa bidyo o film, ay
medyo mas epektibo, mas mainam kung ito ay ginagawa sa iyong harapan. |
...
| Nangunguna
sa listahan, kung ang mga nagsasanay ay nakikilahok sa mga aktibidades
para matuto, mas mabilis ang pagkatuto, mas kompleto at mas pisanin, at
ang pagpapanatili ng kaalaman ay mas mainam |
. |
Sa
sitwasyon ng silid-aralan at workshop,hindi posible na gayahin ang tunay
na sitwasyon kung saan ang mga nagsasanay ay makakalahok. |
...
| Kaya
ito ay isa sa mga dahilan kung bakit and pagsasanay ay hindi dapat pinagsasama-sama,
at ang tagapasilita o tagapagpakilos ay aasahang makaganap sa tunay na
sitwasyon. |
. |
Matapos
gawin ang ¨¨field work¨¨, ang tagapagpakilos ay dapat ibalik sa setro
ng pagsasanay, at hayaang ibahagi ang kanyang mga karanasan, at kumuha
pa ng mas maraming pagsasanay hango sa kung ano na ang kanilang nagawa. |
...
| Ang
habitwal at regular na kasunod na pagsasaay ay dapat maging isa sa mga
pangunahing elemento ng lahat ng programa sa pagpapasilita ng pagpapakilos,
paglilinang ng kapasidad, pagbabawas ng kahirapan, pagsasanay sa pamamahala,
at paggawa ng kita. |
. |
Samantala,
mayroon pang isang, pagkunwang pamamamaraan ng partisipasyon na maaaring
gawin sa loob ng silid-aralan, workshop o sesyon ng pagsasanay. |
...
| Ang
Pagganap ng karakter o mga larong pagkunwa ay nakita na talagang epektibo. |
. |
Ang
pagkunwang pakikilahok ay dapat gamitin sa pagsasanay ng iyong mga tagapasilita
at mga tagapagpakilos, at dapat gamitin din ng mismong mga tagapasilita
at tagapagpakilos sa kanilang gawain ng paglilinang ng kapasidad, pagpapakilos
ng komunidad, paggawa ng kita, at pagsasanay sa pamamahala. |
.
..
| Ang
Diwa ng Pagganap ng Karakter: |
...
| Ang
larong pagganap ng karakter ay isang sesyon sa pagsasanay kung saan ang
tagapasilita, marahil sa tulong ng isa o dalawa pang katao, ay gagawa ng
senaryo kung saan ang mga kalahok ay bibigyan ng iba't ibang karakter na
gagampanan, kung saan ang mga karakter ay kahalintulad ng mga nasa sitwasyon
kung saan makikita ng mga kalahok ang kanilang sarili kapag gagawin na
nila ang kanilang trabaho. |
. |
Ang
dula ay nagbibigay sa mga kalahok sa pagsasanay ng pagkakataon na gampanan
ang napiling karakter para ipakita ang aktwal na karakter na maaaring makita
sa tunay na sitwasyon. |
...
| Isa
sa mga mahalagang resulta ay ang mga kalahok sa pagsasanay ay nabibigyan
ng pagkakataon na makita ang sitwasyon mula sa mga perspektibong iba sa
mga meron sila sa tunay na buhay. |
. |
Ang
pagkakataong ito ay magbubunga ng higit na sensitibidad sa mga karanasan
ng ibang tao sa tunay na sitwasyon. |
...
| Ang
kasunod na sesyon matapos ang dula ay nagbibigay sa mga kalahok sa pagsasanay
ng pagkakataon para suriin ang mga nagaganap na daynamiks sa lipunan. |
. |
Ang
obdyektibidad ay makukuha pareho ng mga gumanap ng karakter sa dula, at
ng sino mang nagmamasid sa dula. |
...
|
May tatlong parte
ang isang istandard na pagganap ng karakter:(1) ang paghahanda, (2) ang
dula, (3) ang pag-uusap o diskusyon.
|
.
..
...
| Sa
paghahanda, ang tagapasilita ay ihahanda ang entablado. Ang ibig sabihin
nito, ilalarawan ang senario at itatakda ang mga karakter ng mga kalahok. |
. |
Kung
ang kalahok ay gumaganap ng isang partikular na karakter sa tunay na buhay,
mas magiging epektibo kung bibigyan siya ng ibang karakter para sa dula. |
...
| Opsyonal
na parte ng paghahanda ay ang pagbibigay ng oras sa mga pangunahing karakter
para pag-usapan kung paano nila gagawin ang kabuuong eksena na kanilang
isasadula. |
.... |
Ikaw,
bilang tagapasilita, ang magdedesisyon base sa kung ano ang nais mong bigyan
ng diin, at ito ay dapat matukoy kapang ikaw ay nagdidisenyo ng workshop
kung saan ang pagganap ng karakter ay gagawin. |
...
|
Isa pang pagpipilian
ay ang paggawa ng isang pahinang paglalarawan ng senariong gagawin ng mga
kalahok.
|
...
| Isa
ring pagpipilian ay ang pagsulat ng isang talatang paglalarawan sa mga
pangunahing karakter. |
. |
Maaaring
isama sa paglalarawan ang mga pangunahing layunin at ang mga suliranin
ng taong nasa karakter, maaari ring kasama ang ilang mga importanteng diyalogo
o mga salita na babasahin ng taong gaganap sa karakter. |
...
|
Marami ang maaaring
gawing pag-iiba-iba; gamitin ang mga ito.
|
...
| Makabuluhan
din para sa lahat ng taong gumaganap ng karakter na maging natural at pag-isipan
ang kanilang mga eksena habang sila ay nagsasadula. |
. |
Sa
ganitong kaso, walang oras ang mga aktor para planuhin ang eksena, at walang
nakasulat na paglalarawan o gabay. |
.
..
...
|
Ang dula ay kung
saan ang mga kalahok sa pagsasanay ay gagapanin angkanilang mga karakter
at ang dula ay ipapakita.
|
...
| Kung
ang dula ay masyadong mahaba, ang tagapasilita ay dapat magbigay ng babalang
oras na mga isa o dalawang minuto sa mga aktor, pagkatapos ng isa o dalawang
oras, tapusin nga ang dula. |
. |
Kung
ang dula naman ay masyadng maikli, ang tagapasilita ay dapat hikayatin
ang mga aktor na dadagan ang kanilang pagsasadula, at magdagdag ng mga
talumpati o monologo, o magdagdag ng mga galaw para mapahaba ang
dula. |
.
..
...
| Ang
panghuling bahagi ay ang pangsunod na sesyon kung saan pag-uusapan ang
ginawang dula. |
......... |
Ito
ay importante at hindi dapat tanggalin. |
...
| Mahalaga
para sa lahat ng mga kalahok nanagsasanay na pag-usapan ang mga nangyari.
Maaari silang magtanong sa bawat indibidwal na gumanap ng karaker para
malaman kung bakit nila pinili ang karakter, nagsambit ng isang partikular
na mga salita, o gumawa ng partikular na aksyon. |
. |
Ang
mga paliwanag at mga resultang diskusyon ay mahalaga para ang mga kalahok
ay magkaroon mas malawak na pag-unawa sa mga daynamiks na lipunan na may
ralasyon sa partikular na sitwasyon sa labas. |
...
| Sa
ilang mga sesyon ng pagganap ng karakter, minsan ay nagkakaroon ng di pagkakaunawaan
o galit, lalo na kung ang ilan sa mga gumanap ay sineryoso ang kanilang
karakter, at nagpakita ng matigas na paninindigan. |
. |
Ang
pangsunod na diskusyon ay nagbibigay sa tagapasilita ng pambukas sa pagsasanay
kung saan pinalalamig muna ang grupo, at dito rin ipinaliliwanag na ang
galit at di pagkakaunawan ay dahil sa balangas ng sitwasyon, hindi dahil
sa katigasan ng ulo (o kasamaan) ng mga indibidwal na gumanap ng
karakter. |
...
|
Ang pag-iinit habang
ginagawa ang dulo ay hindi isang bagay na masama na dapat iwasan; ito ay
isang pagkakataon para maging sensitibo sa mga iba't ibang suposisyon,
kahalagaan, layunin at posisyon na mayroon ang ibang tao sa aktwal na sitwasyon.
|
.
..
| Ang
Halaga ng Pagpapatawa: |
...
| Sa
paghahanda at sa pangsunod na sesyon (diskusyon), ang tagapasilita ay dapat
maghikayat na huwag masyadong maging seryoso. Tandaan na ang dula ay hindi
tunay, at hindi dapat masyadong seryosohin. Ang pagpapatawa ay hinihikayat. |
. |
Ang
pagpapatawa ay maaaring magpaalis ng kabalisahan, at binibigyan ng pagkakataon
ang mga kalahok na sa abot-kamay na pamamaraan para suriin ang potensyal
na sitwasyon na maaaring maranasan pagkatapos. |
...
|
Ang mga kalahok ay
dapat hikayatin na laru-laruin ang pagganap ng kanilang karakter gaya ng
pag-arte ng sobra at ¨¨mag-enjoy¨¨
|
.
..
| Kailan
Dapat Gamitin ang Pagganap ng Karakter: |
...
| Gaya
ng nasabi sa itaas, ang larong pagganap ng karakter ay dapat gamitin sa
pagsasanay ng mga tagapagpakilos at mga tagapasilita, at dapat din gamitin
ng mga tagapagpakilos at tagapasilita sa sarili nilang trabaho. |
. |
Ang
pagganap ng karakter ay hindi dapat limitahin sa simula ng mga sesyon sa
pagsasanay o pagtatahas ng kamalayan. |
...
| Ito
ay makabuluhan kapag may taunan o semi-anwal na pagsusuri ng mga programa.
Ito ay mahalaga rin sa pagsubaybay at patuloy na pagsasanay ng mga manggagawa
sa komunidad matapos nakapagtrabaho na sa labas. |
. |
Mahalaga
ang mga ito para sa mga ulo ng mga programa, tagapangasiwa, tagaplano at
mga manggagawa sa punong opisina, lalo na kung maisasama sila sa mga sesyon
kasama ng mga nagtatrabaho sa labas sa mga programa na ibinibigay. |
...
| Sa
loob ng isang sesyon sa pagsasanay o workshop, maaaring gustuhing maghanda
ng higit pa sa isang paggaganap ng karakter. |
. |
Kung
ganoon, ibahin ito, gumamit ng ibang senaryo, at gumamit ng ibang balangkas
(halimbawa kung magbibigay ka ba o hindi ng mga direksyon; kung bibigyan
ba ng oras o hindi ang mga aktor na maghanda ng kanilang senaryo; o kung
gagamitin mo ba lahat o iilan lang sa mga kalahok). |
.
..
...
| Ang
mga larong pagkunwa ay mas masalimuot kaysa pagganap ng karakter. |
. |
Marahil
isa sa mga pinakaunang larong pagkunwa, nilinang para sa isang klase sa
siyentipikong pag-aaral politikal, ay "Ang Kapangyarihan
ng mga Araw." |
...
| Isa
sa mga pinakamasalimuot na larong pagkunwa ay pinondohan ng CIDA. Ito ay
itinanghal sa Kampo Shylo, isang lugar pangkagubatang militar na matatagpuan
sa Timog Manitoba, kung saan mayroong isang daan o mahigit pa na mga mag-aaral
sa sekondarya mula sa iba't ibang lugar sa Canada. Sila ay hinati sa limang
¨¨bansa¨¨, na may kanya-kanyang katangian, sariling tagapasilita at
tagabantay. Sila ay binigyan ng radyo (two-way radio o radio handsets),
sa isang laro na nagtagal ng ilang linggo. |
. |
Relatibo
sa resulta, ang pagtahas ng kamalayan ng mga kalahok, marahil ang masalimoot
na pagganap sa larong pagkunwa ay hindi praktikal na gamitin sa pagsasanay
ng at pagbibigay ng pagsasanay ng mga tagapasilita at tagapagpakilos sa
pagpapakilos ng komunidad, pagbabawas ng kahirapan, paglilinang ng kapasidad
at paggawa ng kita. * |
.
..
...
| Kapag
nagbibigay ng mga workshop sa pagsasanay at mga pagsusuri, ang pagganap
ng karakter ay epektibong pamamaraan ng pagtatahas ng kamalayan, pagpapainam
ng nakikilahok na pagsusuri ng mga sitwasyon, at maging pamilyar ang mga
kalahok sa mga laro, layunin, perspektibo at mga position ng mga tao na
kanilang makikilala sa labas. |
. |
Habang
hindi tuwirang pakikilahok, dahil hindi ito mga tunay na sitwasyon, ito
ay pakikilahok sa pagsasagawa, at nagbibigay ng mahahalagang benepisyo
sa programang pagsasanay. |
.––»
«––
|