...
.
.Ipamimigay
sa Pagsasanay.
.
|
Hindi paglilibang
para lamang makalibang.
|
...
| Kung
nais mong magpakita ng mga prinsipyong kaugnay sa pagpapakilos, isang popular
na pamamaraan ay ang pagsasaad ng kwento. Dapat pumuli ka ng kwento na
tunay na magpapakita o maglalarawan sa punto na nais mong bigyang diin
(sa bandang huli, ikaw na naririyan upang magpakilos, hindi para maglibang).
Ang pagsasaad ng kwento, na may layunin, ay bahagi ng iyong kagamitan bilang
tagapagpakilos. |
.... |
Kapag
nais mong ipakita, halimbawa, na ang tulong mula sa labas ay mas makakatulong
kapang sinusuportahan nito ang pagtitiwala sa sarili, at hindi makakatulong
kung ito ay kawanggawa lamang, ang kwento ni Mohammed at ang Lubid ay akma.
Ang naglilimos ay gutom at humingi ng makakain ngunit and Propeta ay binigyan
siya ng kapital at ng payo na nagbigay daan para ang naglilimos ay makakuha
ng makakain ng nag-iisa. |
...
| Isa
pang akmang halimbawa ay kung nais mong isalarawan na ang isang komunidad
ay makakakuha ng mas maraming tulong kung ito ay mag-uumpisang tulungan
ang sarili, kaysa kung pilit na kumukuha ng tulang mula sa labas. Ang kwento
ay tungkol sa dalawang batang lalaki, ang isa ay nais na umakyat sa puno.
Kung uumpisahan niyang umakyat ng mag-isa, ang kanyang kaibigan ay magkukusang
itutulak siya pataas. Ang pangatlong kwento ay para sa pagpapakilos sa
pagsasanay. |
. |
Narito
ang tatlong kwento na maari mong gamitin sa pagpapakita ng mga prinsipyo. |
.....
| Si
Mohammed at ang Lubid:
Ang
banal na propetang si Mohammed, kapayapaan nawa'y mapasakanya, ay nilapitan
ng isang gutom na lalaki at siya ay humingi ng makakain. Sa halip, siya
ay binigyan ni Mohammed ng isang lubid at pinayuhang: "Pumunta ka
sa kagubatan at mangalap ng mga natutuyong kahoy na nakakalat. Talian ito
gamit ang lubid. Humayo ka sa kabayanan at ipagbili ito bilang panggatong.
Gamitin mo ang pera upang bumuli ng pagkain." Si Mohammed ay nagbigay ng
regalo na makakatulong sa lalaki para maging malaya sa paglilimos. |
...
| Anong
prinsipyo ang ipinapakita ng kwento? |
. |
"Ang
pinakamagandang regalo ay nag-aalis ng ." |
.
| Ang
Dalawang Batang Lalaki:
Dalawang
batang lalaki ang naglakad sa kakahuyan. Ang una ay nakakita ng |
...
| Anong
prinsipyo ang ipinapakita ng kwento? |
. |
"Ang
ibang tao ay mas nanaising tulungan tayo kapag tinutulungan natin ang ating
sarili." |
...
| Ang
mga kwentong ito, at marami pang mga matututunan sa bokasyon na ito, ay
maaaring gawing mga dula o drama, awiting at skits. Tignan Inukit
na Kahoy. |
. |
Ang
mga ito ay maaaring makalibang at hindi malilimutan; kung ikaw ay gagawa
ng isang malaking pagtatanghal na pampubliko mula sa pagsasaad ng mga ito.
Sila ay maaring maging mabisang paraan ng paglalahad ng mensahe. |
...
| Kinikilala:
Ang dalawang kwentong ito ay nanggaling sa Hilagang Ghana. Ako ay tumatanaw
ng utang na loob sa mga mamayan ng Dagomba, sa mga Asosasyong Pangkabataan
ng Amasachina (na gumagawa ng magandang trabaho sa pagpapakilos ng mga
aktibidades na pagtitiwala sa sarili -sel help activities- sa Hilagang
Rehiyon) at kay Bruce at Ann Borquist, sa Peace Corps, Tamale, Ghana, 1980-1982,
sa pagbabahagi sa mga ito sa akin. |
.
| Ang
Pitong Bulag ng Lalaki at ang Elepante:
May
pitong bulag ng lalaki sa nayon na magkakaibigan. Kadalasan ay inuubos
nila ang araw na pinag-uusapan ang mga bagay sa mundo. Isang araw ang paksa
ay napunta sa ¨elepante¨. Ni isa sa kanila ay hindi pa ¨nakakita¨ ng
elepante, kaya nakiusap sila na sila ay dalhin sa elepante upang malaman
nila kung ano ito. Ang isa sa kanila ay hinawakan ang tagiliran ng elepante,
ang isa naman ay humawak sa buntot, ang isa sa tenga, at ang isa pa ay
humawak sa paa hangang ang bawat isa sa kanila ay nakahawak sa ibang bahagi
ng elepante. Matapos ang kanilang pasyal, nagpulong sila upang pag-usapan
kung ano ang kanilang ¨nakita¨
"Ay,ang
elepante ay para lang isang pader" sambit ng isa (siya ang humawak sa tagiliran).
"Hindi, para siyang isang lubid," sabi naman ng isa. "Pareho kayong mali,"
ang wika ng pangatlo, "ito ay parang haligi na sumusuporta sa bubong."
"ito ay parang patay na sawa," sambit ng pang-apat. "ito ay parang chapati
(roti)," ang sabi naman ng isa na humawak sa mga tenga. At patuloy silang
nagtalo. |
...
| Ilan
sa mga tagapagkwento ay sinasabi na nagtalo sila ng husto na hindi na sila
naging magkakaibigan. |
. |
Maari
mong isaad ang kwento sa paraang nais. Banatin at linangin ito, gawing
mas nakalilibang. |
...
...
| Ang
kwento ay ginagamit para magpakita o magsalarawan ng maraming prinsipyo. |
. |
Sa
lugar na ito, maaari natin itong gamitin upang ilarawan ang komunidad tulad
ng isang elepante. Wala sa atin ang nakikita ito sa parehong paraan, at
ito ay mas higit pa sa kung ano ang karanasan ng bawat isa sa atin sa isang
pagkakataon. |
...
| Kinikilala:
Narinig ko ang kwentong ito sa India. Hindi ko alam kung may copyright
ito, at ako ay humihingi ng paumanhin sa sino mang may hawak nito. Ito
ay ikinukwento sa akin bilang isang matandang parabula, tila ba ito ay
pagmamay-ari ng lahat.
Ihalintulad
sa: http://members.aol.com/Wildlifer/blindmen.htm
|
...
| Bilang
isang tagapagpakilos, dapat mangalap ka ng marami pang mga kwento at itala
ang mga ito. Tanungin ang ibang tagapagpakilos, at ibahagi sa mga workshops,
pulong, seminaryo, conperensya, at sa iba pang pagkakataon na makahalubilo
ang ibang mas ekspiryensyadong maggagawa sa labas. |
. |
Kapag
ikaw ay nagbabasa o nakikining ng ibang kwento na may ibang pinanggalingan,
tanungin mo ang iyong sarili kung ang mga ito ay maaari mong gamitin o
ibahin upang maglarawan ang mga ito ng mga prinsipyo ng paglilinang ng
komunidad. Subukan ang mga ito. Ibahagi sa iba. |
––»«––
|