....
.
.Sanggunian
sa Pagsasanay.
.
|
Ang pagdidisenyo
ng workshop sa pagsasanay at ang pagsulat ng mungkahi para sa yaman o kapital
upang ito ay maidaos, ay magkatulad sa maraming aspeto sa pagdidisenyo
at pagmumungkahi ng isang proyekto.
|
...
| Habang
karamihan ng iyong pagsasanay ay impormal at ¨on the job¨, paminsan-minsan
kinakailangan mong magsagawa ng workshop sa pagsasanay. Kailangan mo ng
mungkahi o panukala upang makakuha ng perang gagamitin. |
.. |
Ang
gabay na ito ay kahalintulad ng Pagdidisenyo ng Proyekto, maliban
lamang sa ang "proyekto" na nais mong planuhin dito ay isang workshop ng
pagsasanay. Ang "disenyo ng proyekto" para sa workshop ay maaari ring tawagaing
kurikulum ng pagsasanay. Pag-aralan ang apendiks na pati na rin ang mga
nasa disenyo ng proyekto.. |
...
..
| Pagbibigay-Matwid
sa Workshop |
...
| Nais
mong tumutok sa paghihikayat at sanayin ang mga miyembro ng komunidad at
mga lider sa mga praktikal na pamamaraan ng pakikilahok ng komunidad at
sa pangangasiwa ng mga gawaing pangkomunidad. Kapag nais mong magtatag
ng sesyon sa pagsasanay, ito dapat ay bigyang-matwid ayon sa pagpapalakas
ng komunidad. |
. |
Dapat
kaya mong pangatwiranan ang pabibigay ng workshop. Ano ang layunin nito?
Ano ang mga resulta na makukuha mula dito? Ano ang relasyon ng mga resulta
sa iyong mga layunin? Ang mga ito ba ay nagpapalakas ng mga komunidad?
Paano mo susukatin ang resulta? |
...
| Para
makakuha ng laang gugol (pondo) para sa iyong workshop, dapat na maganda
ang pagkakadisenyo nito. Kung hindi maayos ang disenyo o kung wala kang
disenyo, huwag kang umasang ikaw ay makakatanggap ng suporta. |
. |
Kung
ang iyong iminumungkahing workshop ay may klarong paliwanag ng iyong mga
layunin, maganda ang pagkakadisenyo at pagpaplano, malamang ikaw ay makakatanggap
ng suportang pinansyal. |
.
..
...
| Bago
ka gumawa ng programa para sa pagsasanay, tanungin mo ang iyong sarili,
"Ang
pagsasanay bang ito ay makapagpapakilos, makakapagpalakas ba ng motibasyon,
makakahikayat ba ng aktibong partisipasyon o pakikilahok at magbibigay
ba ito ng mga praktikal na pamamaraan?" Anong uri ng resulta at
ano ang mga indikasyon ang makukuha mula sa workshop? |
. |
Anong
mga pagbabago ang magagawa ng iyong pagsasanay sa kasalukuyang sitwasyon?
Nais mong magdulot ng mga pagbabago sa organisasyon, anyo, mga gawi o kilos,
pakikilahok o kasanayan. Anong pag-unlad, kalinangan, o pagsasakapangyarihan
ang maidudulot ng mga pagbabagong ito? Ang pagsasanay ba ay bibigyan ka
ng pagkakataong makagawa ng kwantitatibong obserbasyon ( halimbawa 50%
kumpara sa 18% ng mga miyembro ng komunidad ay nakakapagbayad na ngayon
ng tuka (bill) sa tubig)? |
...
..
...
| Ang
mga layunin at mga katwiran ng pagsasanay ay dapat komplementaryo at hindi
magkasalungat. Ang katwiran ay dapat para sagutin ang nakitang pangangailangan. |
. |
Kung
ang katwiran sa paggawa ng programa sa pagsasanay ay dahil "ilang
mga pinagkukunan ng tubig at mga proyektong pangkalinisan," kung gayon
ang layunin ng iyong iminumungkahing pagsasanay ay , "para sanayin ang
mga miyembro ng komunidad bilang isang paraan ng pagpapakilos at magtatag
ng grupo na mangangasiwa sa pinagkukunan ng tubig at proyekto sa kalinisan." |
...
..
| Mga
Makikinabang o Mga Kalahok: |
...
| Ang
grupong nais mong bigyan ng pagsasanay (makikinabang o benipisyaryo) o
mga kalahok ay dapat may relasyon sa mga pinaplanong resulta. Ang bilang
ng mga kalahok ay ayon sa kalubhaan ng problema at badyet. Tandaan, ang
nais mo ay makapagdulot ng pagbabago upang matulungan ang komunidad na
umunlad. |
. |
Ang
mga taong sasanayin ay ang gagawa sa trabaho at lulutas sa problema. Kaya,
halimbawa, sa pagsasanay para sa pangangasiwa sa isang pasilidad ng komunidad,
hindi ka lang mag-aanyaya ng maraming mga tao para sa pagsasanay sa pamamahala. |
...
| Pumili
ng mga miyembro ng komunidad na may dedikasyon at libre para gumawa ng
trabaho o gawain. Sa halimbawang dito, ito ay nangangahulugan ng 7-10 katao
lamang. Ang pagtimbanging pangkasarian (gender balance) ay, sa grupong
tina-target, mga 50% dapat ay kababaihan. Huwag pumili ng kalahok ng dahil
lamang sa siya ay babae o lalake. |
. |
Ang
mga babae at mga lalake ay dapat may dedikasyon at libre para pangasiwaan
ang proyektong pangkomunidad. |
...
..
...
| Ang
iyong tagapagpanayam ay dapat eksperto sa mga paksang tatalakayin; hindi
lamang mga dating opisyal o politiko. Sa workshop sa tubig at kalinisan
halimbawa, ang tagapagpanayam ay dapat mga inspektor ng kalusugan, mga
tagapagturo, mga enhinyero (sa tubig), at o mga eksperto sa pagsasanay
sa pamamahala. |
. |
Ang
mga opisyal ng gobyerno ay maaaring anyayahin para gumawa ng mga opisyal
na gawain sa umpisa o pagkatapos ng pagsasanay para siguraduhing nalalaman
nila ang mga nangyayari. Sa isusulat na mungkahi, dapat isaas ng klaro
na bawat tagapagpanayam ay eksperto. |
...
| Dapat
ding klarong itukoy kung ano ang gagawin ng bawat isa sa kanila. Kung hindi
iisipin ng mga tagasuri na nais mo lamang kumuha ng pera para lamang sa
iyong sarili o sa iyong mga kaibigan! |
. |
Marami
sa mga modulo ng pagsasanay ay may kontrata kung saan ang mga tagapagpanayam
ay inaasahang idedeklara ang kanilang espesyalidad. Ito ay maaaring gamitin
bilang batayan sa pagbibigay ng kabayaran sa bawat isa sa kanila. |
...
...
..
| Nilalaman
ng Kurso o Paksa: |
...
| Ilakip
ang detalyadong programa ng kurso. Ito ay nagpapadali sa pagsusuri ng bisa
at kabuluhan ng iminumungkahing pagsasanay. Ang deskripsyon ng kurso ay
dapat ipinapakita ang iba't ibang paraan ng pagsasanay na gagamitin: halimbawa
pagganap ng karakter, bidyo, demonstrasyon, presentasyong audio, pagkunwa
o simulasyon, panggrupong diskusyon o pag-uusap, gawaing panggrupo. |
. |
Ang
mga paksa ay dapat ilarawan, hindi lamang ililista. Kung maaari, sabihin
din kung sino ang tagapagpanayam at kung ano ang kanyang paksang tatalakayin.
Itakda ang mga gawain ng maaga para makapaghanda ang mga tagapagpanayam.
Makipag-ugnayan sa kanila bago ganapin ang aktwal na pagsasanay. Ito ay
makakatulong sa iyo upang malaman mo kung ano ang kanilang mga kakayahan. |
...
..
...
| Ang
badyet ay dapat akma sa haba ng pagsasanay. Maaaring magkakaiba-iba ang
payad sa mga tagapagpanayam (depende sa bilang ng paksang kanilang tatalakayin,
kung ilang araw....) |
. |
Ang
halaga ay dapat makatwiran. Ang bilang ng mga tutulong (support staff)
ay dapat ayon sa mga responsibilidad na administratibo. Panustos sa mga
panggabi (night allowance) ay magkakaiba rin ayon sa bilang ng gabi na
gugugulin ng iba't ibang tao. Ang pinagsama-samang gastos ay hindi tinatanggap. |
...
..
...
| Hindi
lahat ng mga lugar na pinagdadausan (venue facilities) ay pare-pareho.
Ang isang lugar ay maaaring may halagang 40,000 bawat araw ay dapat my
mga over head prodyektors, air conditioning, TV at lalagyanan ng TV. Kung
ang lugar ay wala ng mga ganitong pasilidad mas mababa ang renta sa bawat
araw. Ang halaga ng pagkain ay hindi rin pare-pareho sa bawat lugar. Sa
mga baryo o nayon, ito ay dapat mas mura kung ikukumpara sa syudad. Sa
syudad ang pagkakaiba-iba ay makikita sa kalidad. Ang isang 5 star na hotel
ay maniningil ng mas malaki kumpara sa isang 2 star na hotel....Kaya importante
na isaad kung saan idadaos sa iyong mungkahi. |
. |
Ang
lugar ay dapat bayaran ng naaayon sa lokasyon at mga pasilidad na ibibigay.
Dapat pumili ng lugar na akma sa mga kondisyon ng mga lalahok. Sa halimbawang
tubig pangkomunidad at pagsasanay sa pamamahala ng kalinisan, sa nayon
o baryo dapt ito gawin, gawa ng sa baranggay hall, lokal na paaralan o
sentrong pangkomunidad. |
...
..
...
| Ang
isang ulat na maganda ang pagkakasulat ay ang nag-iisang feedback at ebidensya
ng iyong mga isponsors. Kaya sa iyongmungkahi, dapat mong ipakita kung
paano at kailan ang ulat ng pagsasanay ay isusumite kasabay ng paktura
ng gastos. Ilan sa mga ahensyang nagbibigay ng laang-gugol (pondo) ay nagbibigay
ng takdang oras o araw. Dapat sundan ito kungnais mong maghain ng iba pang
mga mungkahi para sa pagsasanay. Tignan: Pagsusulat
ng Ulat. |
. |
Tadaan
ng ilakip ang iyong programa para sa pagsasanay at ang listahan ng mga
kalahok bilang apendiks ng iyong ulat. Ibigay ang mga detalye gaya ng kalidad
ng tugon ng mga kalahok; kakayahan ng mga tagapasilita; nakamit na mga
layunin; pang-araw-araw na ebalwasyon o pagsusuri ng mga sesyon; mga balakid
at ang pinal na ebalwasyon mula sa mga kalahok, gayundin angmga rekomendasyon
para sa susunod na mga aksyon. |
.––»«––
|